Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 020 - Family Tension



"MABUTI AT NAKARATING KA SA LINGGONG ITO, VAN," ani Luis, ang ama ni Demani, nang makalapit silang mag-asawa sa mga ito. Everybody was already in the house for the Sunday-get together, at mukhang silang dalawa na lang ang hinihintay.

"Nakakuha ako ng bakanteng oras, Dad," Van answered, smiling at his father-in-law.

Si Daliah naman, ang ina ni Demani, ay lumusot mula sa likuran ng asawa saka lumapit sa anak at humalik sa pisngi nito. "Just about time, darling. Katatapos ko lang magluto." Si Van naman ang hinarap nito. "How have you been, hijo?"

Nagmano muna si Van bago sumagot sa mother-in-law. "I'm good, Mom. Pasensya na po kayo kung may mga pagkakataong hindi ako nakadadalo for the Sunday-get-together."

"Naiintindihan namin, anak."

Pagkatapos magmano sa dalawa ay pumasok na sila sa loob ng bahay. Halos lahat ng miyembro ng pamilya ay naroon sa sala at naghihintay sa pagdating nila. Obviously, Sam wasn't present. Pero naroon si Coreen na tahimik lang na nakaupo sa minibar malapit sa kitchen entry.

Habang kausap ni Van ang mga tiyuhin niya ay nagpaumanhin siya. Nilapitan niya ang pinsan na nag-iisa roon.

"You seem pretty serious. A** **penny for your thoughts."

Wala sa loob na nilingon siya ng pinsan—ang anyo nito'y malumbay. Ang mga mata'y blangko. Sigurado siyang ilang araw na naman itong hindi nakatutulog at nakapagpahinga nang maayos.

The last time she'd seen her was exactly seven days ago, Iyong gabi rin ng Sunday get-together nila. Iyong gabing sinabi na niya ang totoo sa mga magulang at kambal nito.

Her cousin had been through a lot. Ilang beses niya itong ni-text sa nakalipas na ilang araw subalit hindi nito iyon sinasagot. Pero nakikita niyang nabubuksan nito ang mensahe niya. Maybe Coreen wasn't ready to speak to her yet, or she just needed some time alone. Nakakausap naman niya sa telepono si Maureen at doon niya nalamang araw-araw pumupunta ang Tita Ynes niya sa bahay nila Coreen. That's why she knew Cori was taken cared of.

Bahagya lang siyang nilingon ni Coreen saka tipid na nginitian. Naupo siya sa tabi nito at noon lang napansin ang isang baso ng alak na nasa harapan nito. It was one of her father's imported whiskey.

Napalingon siya sa lahat—sinigurong walang nakatingin sa kanila—bago niya ibinalik ang pansin sa pinsan.

"Tanghaling tapat ay umiinom ka?" bulong niya rito. "Baka pagalitan ka nila—"

"Hayaan mo silang magalit—punung-puno na rin naman ang tenga ko, wala nang pagsidlan ang mga sermon nila." Kinuha nito ang baso saka dinala sa bibig. Coreen sipped a little, grimaced, and sipped again. Desidido itong lumaklak.

"Where are the kids?" aniya. Wala siyang balak na pigilan ito kung ganoong buo ang loob itong maglasing. Bubulungan na lang niya mamaya ang Tita Ynes niya para sabihing ang mga ito na ang bahala sa mga apo sakaling malasing si Coreen.

"Nasa kwarto marahil ni Lola Val," balewala nitong sagot. "Or maybe with their Aunt Maureen in the kitchen. I don't know, Dems. Just leave me alone—gusto kong mapag-isa."

Muling tumungga si Coreen. At kilala niya ang pinsan. Kapag gumagamit na ito ng ganoong tono ay seryoso na ito.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga, tumango, saka tumayo na. Dinala niya ang isang kamay sa balikat nito, at mariin iyong pinisil.

"Cori, you know I'm always here to back you up, right?"

Hindi sumagot si Coreen, ang tingin ay pinanatili nito sa alak.

Isa pang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya tumalikod at akma na sanang babalikan ang asawa na kausap pa rin ng mga tiyuhan at papa niya nang muling nagsalita si Coreen.

"Thank you, Dems. For everything."

Ngumiti siya, tinapik ito sa balkat saka inituloy na ang pag-alis. Tinungo niya ang kusina upang si Maureen naman ang kausapin.


*

*

*


"SO I HEARD that Jimmy's business is not doing well?" puna ni Gertrude, ang asawa ng Uncle Larry ni Demani at ina ni Levi. Pailalim nitong sinulyapan ang asawa ni Maureen na muntikan nang mabilaukan sa sinabi ng may-edad na babae.

Ang lahat ng tingin ay nalipat kay Jimmy, ang iba'y nagulat, samantalang ang iba ay nagtaka.

Ang lahat ay nasa long table na, si Lola Vala—sa kabila ng hindi magandang lagay ng pakiramdam—ay pinilit bumangon upang sabayan sa pagkain ang buong pamilya.

"May... pinagdadaanan lang, Tita," depensa ni Jimmy.

"Do you need help?" tanong naman ni Uncle Lau, ang ama ni Maureen na kinunutan ng noo sa narinig. Halatang hindi alam ni Mau ang tungkol sa nangyayari sa kompanya ng asawa.

"It's okay, Pa," sagot ni Jimmy kay Uncle Lau. "Ginagawan ko na ng paraan."

"You should stop gambling," sabi pa ni Uncle Larry. "Ilang beses ka na naming tinuruan na dumiskarte nang tama tungkol sa negosyo, na nagagawa mo naman nang maayos, kaya lang ay napupunta lang ang kita sa casino."

Si Maureen ay hinarap ang asawa. "Are you still gambling?"

"No, Mau. Huminto na ako—"

"But I saw you the other day," si Levi naman na hindi na rin napigilang sumabat. Madalas lang itong tahimik pero sa pagkakataong iyon ay tumulong din sa pag-gisa sa kawawang si Jimmy. Nalipat ang tingin dito ng lahat. Nagpatuloy ito. "Nakita kitang lumabas sa casino ng Solaire."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jimmy—halatang handang makipagtalo kay Levi. "At ano ang ginagawa mo sa Solaire para makita mo ako roon, Levi? Nagsugal din tulad ko? O nagbook ng hotel room kasama ang ibang babae katulad ni Sam?"

Imbes na si Levi ang sumagot ay si Coreen ang nagsalita. "Oh please, bakit nasali na naman ang pangalan ng asawa ko rito? What's wrong with you, Jimmy?"

Bago pa nakasagot si Jimmy ay si Levi ulit ang nagsalita. "I will never be either of you or Sam, Jimmy, kaya kumalma ka. I went at Solaire to meet up with my college friends—we went for a drink at alam ng asawa ko 'yon."

"Yeah, ganiyan din ang madalas na sabihin ni Sam noon kay Coreen. Tama ba, sister-in-law?" si Jimmy, na halatang na-trigger na at handa nang makipag-away sa lahat.

"Oh, you—" Natigil ang akmang pagsagot ni Coreen nang malakas na tumikhim ang pinaka-panganay sa mga anak ni Lola Val—si Uncle Lau. Nakuha niyon ang pansin ng lahat.

Nang mapatingin silang lahat dito ay sumenyas si Uncle Lau; ini-pilig nito ang ulo sa direksyon ni Lola Val na tuloy-tuloy lang sa pagkain at kanina pa tahimik na nakikinig. Ang anyo nito ay seryoso.

Doon natahimik ang lahat at niyuko ang mga plato.

Nang wala nang nagsalita ay saka lang nag-angat ng tingin ang matanda. Nilunok na muna nito ang kinakain bago nagsalita.

"Tapos na kayong lahat na magtalo?" Isa-isa nitong sinulyapan ang lahat ng mga kasama sa mesa. At nang walang sumagot ay nagpatuloy ito. "Good. Now, can we all eat in peace? Lumalamig ang pagkain."

Sina Levi, Jimmy, at Coreen ay lalong napauklo, subalit halatang hindi pa rin tapos sa pagngingitngit. Ramdam iyon ng lahat, kaya naman si Dahlia, ang ina ni Demani, ay napabuntonghininga saka nagkomento na rin.

"Let's not argue in front of the food, children. Ang usapan sa negosyo ay hindi dapat pinag-uusapan sa harap ng hapag. Tama ba, Kuya Larry?" Binigyan nito ng warning look si Uncle Larry na napa-ismid na lang at hindi na nagsalita pa.

Nakita iyon ni Uncle Lau, kaya ibinaba nito ang mga kobyertos at nagsalita na rin. "I think Dahlia is right, Larry. Kung ang pag-uusapan lang din naman natin ay tungkol sa kapalpakan ng mga anak natin ay mas mabuting kumain na lang tayo nang tahimik. Aminin man natin sa hindi, your son and my sons-in-law have miserably failed us both. Nakakahiya man pero iyon ang totoo; at nalulungkot ako dahil hindi nila inaayos ang mga buhay nila. I just hope I have a son like Van, he is everything I wanted for a son-in-law."

Si Van, na kanina pa tahimik at ayaw mangealam sa pagtatalo ng pamilya, ay nahinto sa pagsubo. Ang mga kamay nitong nakahawak sa kobyertos ay mahigpit nitong ini-kuyom. At nakita iyon ni Demani.

Nagpatuloy si Lau, ang tingin ay nakatutok kay Larry. "I just hope Jimmy and Levi would do better and be like Van. Nang sagayon ay pareho tayong hindi nadidismaya sa mga anak natin. As for Sam—I would kill that bastard when I sees him. Hindi pa siya nahahanap ng mga pulis pero kapag ako ang unang nakakita sa kaniya ay makatitikim siya sa akin bago ko siya isusuko sa otoridad. So let's not speak of his name in front of the table, shall we?"

Hindi na sumagot pa si Larry. Itinutok ni Lau ang tingin kay Van, ngumiti. Ang anyo ay lumambot. "Van, hijo. You may not be my son-in-law, but I am proud of you. You handle your business and your marriage life so well. Masuwerte sina Dahlia at Luis dahil ikaw ang naging son-in-law nila. At lalong naging mas maswerte si Demani, because she chose the right man."

"Oh, we're very proud of our son-in-law, Kuya," si Dahlia na nakangiti ring sinulyapan sina Van at Demani. "And we're happy he's part of our family."

Hindi nagawang ngumiti ni Demani sa papuring iyon. Dahil ramdam nito... na sa mga sandaling iyon ay may tensyong pumapaligid sa lahat, lalo na sa mga pinsan.

At inihanda na ni Demani ang sarili. Alam nitong sa mga sandaling iyon ay nag-uumpisa nang mamuo ang kompetisyon sa pagitan nilang magpipinsan—na hindi naman sana mangyayari kung hindi dahil sa kagagawan ng mtatanda.

At mukhang may pagtatalunan na naman silang mag-asawa mamaya pag-uwi.

Demani could feel it. Because she could feel how the comparison ruined her husband's mood.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro