Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 019 - Back To His Arms



"PIZZA? ARE YOU SERIOUS?"

Nagkibit-balikat siya at naupo na sa pwesto niya saka balewalang kumuha ng isang slice ng pizza na mainit-init pa dahil kararating lang niyon bago dumating si Van galing opisina. Inabutan nito ang nagdeliver niyon at salubong ang mga kilay na pumasok sa dining area upang makita na isang plate ng pizza at isang karton ng apple juice lang at nakahain doon.

"May ginawa ako buong araw at wala ako sa mood para magluto ng dinner," balewalang sagot niya bago nag-umpisang sumubo. She ordered supreme meat flavor, and it was oozing with cheese because she requested extra. Masarap sana, kung hindi lang masama ang loob niya.

Ang totoo'y wala siyang ginawa buong araw sa bahay nila kung hindi ang magbasa ng libro doon sa library saka ang manood ng telebisyon. She didn't even do her chores that day; nagdesisyon siyang h'wag gawin ang mga iyon. Out of rebellion. Gusto niyang malaman nito na hindi pa rin siya handang makipagbati.

Noong umagang bumaba siya ay alikabok na lang ng kotse nito ang inabutan niya sa baba. Ni hindi ito nagpaalam sa kaniya. Wala man lang ni-ha, ni-ho na umalis!

Hindi niya akalaing ganoon ito ka-tigas kapag galit.

Fine, then.

Magpatigasan sila.

She wouldn't even meet halfway. Ito dapat ang unang lumapit sa kaniya kung handa na itong makipag-ayos.

"Kung nagsabi ka na hindi ka makapagluluto ng hapunan ay—"

"Matapos mong umalis kanina nang walang paalam ay hindi ko na rin inasahang uuwi ka nang maaga para dito maghapunan," she said while chewing her food. "I didn't even expect you to come home."

Huminga nang malalim si Van. "Demani—"

"Let me eat in peace, Van." She swallowed and took another big bite. Ni hindi na niya tinapunan pa ng tingin ang asawa at inituloy lang ang pagkain.

Hindi niya mauubos ang plate na iyon—she could eat three slices max. At in-order niya iyon para sa kanila, pero hindi niya ito yayayain. Kung hindi ito kakain kasama siya sa pagkaing ni-order niya at mamatay ito sa gutom. She wasn't cooking him a single egg.

Habang kunwari ay abala sa pagnguya ay in-obserbahan niya ang kilos nito. Hinintay niyang maupo ito sa pwesto at sabayan siya. She wasn't looking at him nor facing his direction, kaya hindi niya alam kung ano ang emosyong bumabalot sa anyo nito. Pero sigurado siyang nakatitig lang ito sa kaniya nang matagal.

Hanggang sa...

Tumalikod ito. At lumabas sa kusina na ikina-mangha niya.

Ang gago, wala talagang interes na humingi ng dispensa at makipagbati sa kaniya?

Oh!

Masama ang loob na ini-subo niya ang natirang slice na hawak at sa nananakit na lalamunan ay ninguya at nilunok niya iyon. Sa sobranhg inis ay para siyang maiiyak. Pero pinigilan niya ang sarili.

Ayaw niyang umiyak.

Hindi maaari.

Kaya kahit masamang-masama na ang loob niya ay muli siyang kumuha ng isa pang slice at ikinain na lang ang bigat ng pakiramdam. She took a big bite, halos mangalahati ang isang slice. She chewed it in anger, and swallowed with the hope to take that lump off her throat. Muli siyang sumubo, at habang ngumunguya ay namalayan na lang niya na bumagsak na ang luha niya.

She sniffed and wiped that tear away. Ayaw niyang makita siya nito—baka bigla itong bumalik sa kusina at makita siyang umiiyak.

Gusto niyang isipin nitong galit siya—at hindi malungkot. Gusto niyang patunayan dito na matigas din siya.

Pero sunud-sunod na bumagsak ang mga luha niya, at kahit anong pigil niya ay tuluy-tuloy ang pag-agos niyon sa magkabila niyang mga pisngi.

She sniffed once more, at gamit ang free tissue ng pizza ay pinahiran niya ang mga luha. She took another slice, bit and chewed a portion of it. Hanggang sa tingin niya ay hindi na niya kaya ang damdamin at kahit ang pagkain ay kay hirap nang nguyain.

Naiiyak na ibinalik niya ang may kagat nang pizza sa box saka iyon inisara.

She was crying because she couldn't handle the sadness and the loneliness without speaking to her husband the whole day.

Napagtanto niyang sa isang araw lang na hindi sila mag-usap at may samaan ng loob ay kay hirap na palang dalhin sa dibdib. Hindi rin niya maatim na kumain mag-isa kahit naroon ito, at nasaktan siya sa bigla nitong pagtalikod sa kaniya.

She just said she wanted to eat in peace! She didn't tell him to go?

Patuloy na bumagsak ang mga luha sa magkabila niyang mga pisngi nang tumayo siya at suminghot sa tissue. Dumiretso siya sa kusina at naghilamos sa lababo—ayaw niyang sa pagpasok niya sa silid ay makita siya nitong ganoon ang hitsura.

Matapos niyang maghilamos ay bumalik siya sa dining table at niligpit ang box ng pizza. Gusto niyang itapon na lang iyon dahil sumasakit ang dibdib niya kapag nakikita niya; pero hindi siya pinalaking ganoon ng mga magulang.

Bawal magtapon ng pagkain; maraming tao ang nagugutom sa mundo.

Kaya imbes na sa trashbin niya ideretso iyon ay ipinasok na lamang niya sa fridge saka kung paano na lang ini-siksik doon. Bahala na ang labandera nilang na umubos n'on sa araw ng pagpunta nito.

Matapos niyang iligpit ang mesa ay bumalik siya sa kusina upang hugasan ang baso. Ang karton ng apple juice ay ibinalik niya sa fridge. Matapos niyang malinis ang kusina ay nagpasiya na siyang pumanhik sa itaas.

Naka-ilang hugot muna siya ng malalim na paghinga bago humakbang paakyat ng hagdan.

Naka-ilang ulit siyang huminto. Naka-ilang ulit na humugot nang malalim na paghinga saka nagpatuloy.

Kung wala sa silid ang kaniyang asawa ay marahil na nasa home office nito. Baka roon na naman ito magpapalipas ng gabi.

Pero hanggang kailan sila magiging ganoon? Ayaw ba talaga nitong humingi ng tawad sa kaniya? Wala ba talaga itong balak na bawiin ang mga sinabi tungkol sa pamilya niya at pakipagbati sa kaniya nang sagayon ay parehong gumaan ang pakiramdam nila?

She didn't like this.

She didn't like how this misunderstanding altered their relationship.

Alam niyang ang bawat pagsasama ay dumaraan sa ganito, pero kung papipiliin siya ay ayaw niyang mag-away sila, lalo na kung alam niyang kaya namang dalhin sa pagpapakumbaba ng isa ang gusot na iyon.

Pero dahil alam niya—at naniniwala siyang wala siyang ginawang mali—ay ito dapat ang magpakumbaba at humingi sa kaniya ng tawad.

Pagdating sa itaas ay muli na namang nanikip ang lalamunan niya sa pagbabadya ng pag-iyak. Iyon ay dahil nakita niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng home office nito sa dulo at nakabukas ang ilaw. Ibig sabihin ay naroon na naman ito. At maaaring doon na naman magpapalipas ng gabi.

Nakalabi siyang humakbang patungo sa silid nila, binuksan iyon saka pumasok. Dumiretso siya sa banyo at nagsipilyo, at nang matapos ay kaagad na nahiga sa kama. She turned off the lamp and turned her back to the door.

Naiiyak siya. Mabigat ang dibdib niya at tila may nakaturok na tinik doon na hindi matanggal-tanggal. Ngayong nag-subside na ang galit niya ay ngayon niya naisip na hindi pala magandang mag-away ang mag-asawa.

She felt like a train that stopped in the middle of the railway—and had nowhere to go. Tren na kung hindi maaayos ang sirang riles ay mananatiling naka-stuck lang doon. Walang mapuntahan.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingin sa kawalan at tiniis ang sama ng loob nang maramdaman ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanilang silid. Kahit hindi niya lingunin ay alam niyang ang asawa iyon. He was probably going to change his clothes, or wash his body up, or get some pillows.

Oh, kapag ginawa nito ang huli ay talagang iiyak siya buong magdamag.

Gusto na niyang magkabati sila pero ayaw niyang suyuin ito.

It had to be him.

At nang maramdaman niya ang paglubog ng kama sa kabilang bahagi ay napigil niya ang paghinga. Mukhang kukuha nga ito ng unan!

"Hey."

Napa-igtad siya nang marinig ang tinig nito.

Hindi siya kumibo, subalit ang lalamunan ay muli na namang nanikip.

"Let's go downstairs, I ordered us some food."

Oh, bakit parang naiiyak na naman siya?

Nang wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya ay hinawakan siya nito sa braso, at sa banayad na paraan ay hinaplos siya roon.

"I know you're awake. Kaaakyat mo pa lang. Let's go, hon. The delivery guy is on his way now, probably in a minute or two. I ordered a bunch of food for us—and I'm sure they taste better than the pizza."

Banayad ang tinig ni Van, tila nanunuyo, at doon na niya hindi pinigilan ang butil ng luhang kumawala sa kaniyang mata. She sniffed and turned to him. Walang nakabukas na ilaw sa loob ng silid subalit sapat ang liwanag mula sa buwan na sumisilip sa bahagyang nakabukas na kurtina ng bintana upang makita ang masuyong ngiti sa mga labi ng asawa.

He was smiling so tenderly when he put his palm on her face and caressed her.

"I hate you," she said without conviction.

"I know," he answered before wiping her tear. "I'm sorry about last night. I was tired and worried about you. I just hate it when I couldn't reach your phone—pakiramdam ko lagi ay nawawala ka at hindi na kita makikita pa."

"Iyon ang naiisip mo sa tuwing hindi mo ako nako-contact?'

Tumango ito, patuloy lang sa paghaplos sa kaniyang pisngi. "So please let me know wherever you go. Not that I'd stop you from going to places, nor track your destinations. I just want to know you're safe and you know your way back home."

Muli siyang naluha. The gentleness in her husband's voice was making her tear up.

"And I'm sorry for what I said about the family. Marami lang akong problema sa kompanya—it was a stressful day yesterday, hon."

Bumangon siya upang harapin ito.

Nagpatuloy si Van. "Let's not fight again, okay?"

Para siyang batang tumango.

"I will do my best to come to Sunday get-together, but I can't promise so please don't hate me for it."

She didn't want to argue with him, kaya kahit tagilid pa rin siya sa huling sinabi nito'y tumango na lamang siya.

"You're not saying anything?"

"I love you," she just said, before crossing the distance between them and kissing her husband on his lips.

Van responded by pulling her closer to him. He kissed her with intense passion—patunay lang na na-miss din siya nito sa buong araw na wala silang paramdaman sa isa't isa.

At gustuhin man nilang tumagal ang halik na iyon ay hindi maaari. Dahil nang marinig nila ang pagtunog ng doorbell sa ibaba at atubili silang naghiwalay.

"That's probably the delivery guy," Van whispered, before planting a soft kiss on her lips and getting up. Hawak siya nito sa kamay at bahagyang hinila para patayuin na rin.

Nagpaubaya siya at bumaba sa kama. Inakbayan siya ng asawa at iginiya palabas ng silid.

"What did you order?" she asked as they walked toward the stairs.

"All your favorites," he answered before planting a soft kiss on the side of her head.

"Awww..." Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ng asawa. Iyon lang ay lusaw na lahat ng tampo niya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro