Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 016 - Divided Attention Part 2



"Hindi nakapunta sina Sam at Van sa weekly get-together, ah? Si Coreen naman ay anong oras na rin dumating. Our tradition is being forgotten and underappreciated anymore."

Pinong ngumiti si Demani nang marinig ang sinabi ng Tita Ynes niya, ang ina nina Mau at Cori. Naroon siya sa bahay ng mga ito upang tulungan ito sa pagde-dekora ng buong sala. That day was special because it was Maureen's babyshower party. At napili ng buong pamilya na doon na ganapin ang party sa bahay ng mga ito. At dahil abala si Coreen sa ticketing shop nito, pati ayaw rin nitong magpakita pa sa mga magulang dahil takot na tanungin tungkol sa walang'yang asawa, ay siya ang nag-presentang tumulong.

Her auntie basically called all the females in the family to help. Her mother wouldn't be able to leave their house because Lola Val's not feeling well that day. Her Uncle Larry's wife, Aunt Susan, was busy with her small shoe factory business, whilst her cousin Levi's wife was also unavailable. At dahil siya lang ang madalas na bakante at madalas na naka-tambay lang sa bahay nilang mag-asawa, ay siya na lang ang tumulong sa tiyahin.

She called her husband but he wasn't answering so she just left a message. Sinabi niya kung saan siya papunta at kung ano ang gagawin niya roon. She hadn't heard from him since she sent the message in the morning, na inasahan na rin niya dahil nabanggit sa kaniya ni Van na may mahalaga itong meeting sa araw na iyon at baka gagabihin na ng uwi. Marahil ay hindi nito hawak ang cellphone at nasa conference room lang buong araw. Otherwise, he should have given her a call.

"So, ano ang nangyari kay Van at hindi na naman siya nakarating noong Linggo?" tanong pa ng tiyahin bago nilingon ang kasambahay na tumutulong sa kaniya. Nag-mando ito kung ano ang gagawin at kung saan ilalagay ang ilang mga dekorasyon.

"May dumating siyang investors mula Europe, Tita," mahinahon niyang sagot, patuloy lang sa ginagawa. "And normally, kapag ganoon ay personal niyang sinasalubong ang mga iyon. He couldn't miss his meeting with them. Alam niyo naman po iyon, gusto niyang siguraduhing naaalagaan nang maayos ang mga investors at kliyente." *And I have already explained this to everybody last Sunday, bakit paulit-ulit na naman tayo? *Gusto niyang idagdag pero alam niyang mali kaya pinigilan niya ang sarili.

"Sa tingin ko ay hindi nais ni Van na mapalapit sa pamilya, hija. Napapansin namin iyon ng Tita Susan at kahit ng mommy mo. But your mother wouldn't say anything because you know her; she's always kind and patient. Oh, well. Kapag nagkaanak na kayo ay hindi pwedeng palagi na lang abala si Van. Kailangan niyang maglaan ng sapat na oras para sa pamilya. At ipa-intindi mo sa kaniya na mahalagang araw ang Linggo para sa Familia Dominico. He couldn't just miss it." Napa-iling ito saka pumalatak. "Sa isang buwan ay isang beses lang siyang nakalulusot, hindi ko alam kung napapansin na rin ng Lola Val mo at hindi lang nagtatanong. If I were you, I wouldn't wait for the matriarch to notice and starts asking about it."

*My husband is not used to this kind of stuff, but he's trying to blend in. He's doing his best to adjust, little by little. *"I understand, Tita. Kakausapin ko po si Van," she answered instead.

"Is he coming today?"

"No, Tita. May mahalaga siyang meeting at nagsabing gagabihin na ng uwi. Sinabi ko na rin naman po sa kaniya ang tungkol sa party, at alam kong kapag may bakante siyang oras ay lulusot iyon dito."

"Oh well. Hindi ko na aasahan ang pagdating niya." Nilingon siya ng tiyahin at pinong nginitian. "Anyway, ikaw na muna ang bahala rito sa mga dekorasyon, hija. Sisilipin ko lang ang mga pagkaing niluluto nila sa kusina."

Tumango siya at sinundan ng tingin ang tiyahin. Nang makapasok na ito sa kusina ay napa-bumuntonghininga siya at dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Wala pa ring reply si Van sa mga tawag at text messages niya, kaya muli niya itong sibubukang tawagan.

His phone just kept ringing, until she gave up and typed a message.

Hey, hon! Just reminding you about the party. I'm wondering if you can make it? Party starts at 1PM. Call me once you got this message. Love you!

Sumapit ang party at lahat ay nakarating maliban sa mag-asawang Coreen at Sam, ang mommy niya at si Lola Val na nasa bahay pa rin nila at nagpapahinga.

Tinanong siya ng buong pamilya tungkol sa asawa at sinagot niya ang mga ito nang may pilit na ngiti sa mga labi. She was always agitated whenever she had to explain Van's absence.

Everybody was thrilled when Maureen announced that she's having a baby boy. And she was happy for her cousin. Kaya lang ay hindi rin niya maiwasang bahagyang malungkot dahil unang-una— siya lang ang naka-a-alam sa nangyayari ngayon kay Coreen. She wished her cousin was able to witness how happy Maureen was that day.

Pangalawa, her husband's absence everytime her family had a party. Parati itong may dahilan na hindi makapunta, na noong una'y naiintindihan niya, pero sa mga nakalipas na mga araw nag-uumpisa na siyang magtampo. Baka nga tama ang Tita Ynes niya na hindi gusto ni Van ang mapalapit sa pamilya nila?

She shook her head and brought the glass of wine to her lips. She sipped a little and watched everybody talked about Maureen and Jimmy's baby boy. Pinag-uusapan ng mga ito ang ipapangalan sa bata habang mga naka-upo sa malaking couch sa malapad na sala. Habang siya naman ay naroon sa minibar malapit sa kusina at pinapanood ang mga ito habang may hawak na isang kopita ng red wine sa isang kamay.

Sumapit pa ang hapon at wala pa rin siyang natatanggap na response mula sa asawa. Buong araw nga ba talaga nitong hindi hawak ang cellphone? Hindi iyon madalas na mangyari, kaya may kung anong pagdududa ang bumangon sa dibdib niya.

Bumibigat ang loob niya at kanina pa siya nagtatampo. Kanina pa siya hindi makausap nang matino dahil masama ang loob niya. Kahit ang daddy niya na naroon ay hindi niya gaanong in-intindi. Sandali lang niyang kinausap ito, kinumusta ang lagay ng Lola Val nila na naroon sa bahay nila, saka nag-usap din sila sandali tungkol kay Van. Matapos iyon ni-solate na niya ang sarili.

Muli niyang inilabas ang cellphone at akmang tatawagan ang asawa nang makitang may ipinadalang mensahe si Coreen. She opened it and read it silently.

Hey. I'm drunk and can't fetch the kids from school. Can you give me a hand?

Bigla siyang napatayo at isinuksok ang cellphone sa bulsang nasa likod ng pantalon. Inubos niya ang laman ng kopita at lumapit sa ama na katabi ng Tito Lau at Tito Larry niya. Nang makalapit ay kaagad siyang bumulong dito. "I gotta go, Dad. May emergency lang."

"Ano'ng nangyari?"

"May kailangan lang akong puntahan. Sasabihin ko sa lahat kapag pwede na." She then stretched up and faced everybody.

"Hey everyone. I'm sorry but I have to go. I'll see you all on Sunday."


*

*

*


Pasado alas-dies na ng gabi nang makauwi si Demani. Pagbaba niya sa taxi ay kaagad niyang nakita ang lahat ng mga ilaw sa loob ng bahay na naka-bukas— which meant her husband was home. Nagtatagis ang babang na pumasok siya sa loob ng bahay nila at halos ibagsak ang front door sa inis.

Maghapon siyang naghintay ng tawag mula rito hanggang sa maubusan ng battery ang cellphone niya at mamatay. Hindi niya alam kung sinubukan siyang tawagan ni Van o kung nagpadala ito ng mensahe sa kaniya, but all she knew was he was unreachable until six in the evening. During this time, she was with Coreen's kids at their house, cooking something for them to eat while Coreen was passed out in the bathroom, drunk and wasted.

She had to stay with the kids for another hour before she decided to call her Aunt Ynes. Sinabi na rin niya sa wakas ang sitwasiyon ng isa sa mga kambal nito. Of course, her Aunt was worried sick and drove instantly to Coreen's house. Dumating ito at ang asawa kasama si Jimmy at Maureen sa sobrang pag-aalala.

Coreen was out of control that she decided it's time for the family to know. Bandang alas-nueve na siyang umalis sa bahay ng mga ito at isang oras ang inabot ng biyahe niya hanggang sa makarating siya sa kanila.

Mabilis siyang umakyat sa kwarto nila. She was ready to throw tantrums when she reached the master's bedroom. She pushed it open, turned the lights on, and was about to make a scene when she saw that no one was actually there. Sinulyapan niya ang pinto ng banyo at nakitang nakabukas iyon at patay ang ilaw. She turned around and went out. Dumiretso siya sa maliit na library nito. At nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto niyon at ang studylamp sa loob ay nakabukas din ay inihanda niya ang sarili. Her husband was definitely there.

She pushed the door open and prepared herself to start questioning him, when she paused.

Van was leaning in his swivel chair, eyes closed while his hands were on the table. He was holding his phone in his left hand while the other was holding a pen. He hadn't even removed his suit. Mukhang nakatulog ito habang nagtatrabaho.

Hindi niya alam kung lalong maiinis o maaawa sa asawa. Van had been working so hard to keep his company on top of its game. He was trained that way, he told her once. Pinalaki siya ni Attorney Salviejo at sinanay na hawakan at pamahalaan ang canning business na iniwan ng mga magulang nito sa edad na disi-otso. The company had gotten bigger and bigger as years passed by, due to Van's hard work. At lalo iyong lumalago ngayong pinapasok na rin ng asawa ang international market.

Pero nang dahil doon ay nawawalan ito lalo ng oras sa pagsasama nila. Na noong una'y naiintindihan niya, pero sa mga oras na iyon ay nag-uumpisa na siyang mainis— lalo at napapansin na rin iyon ng buong pamilya niya.

She slammed the door forcefully to wake Van up. And that, indeed, startled him. Napa-igtad ito sabay mulat— at nang makita siya'y bantulot na inayos ang upo at inihilamos ang mga kamay sa mukha. Hinarap niya ito nang naka-halukipkip at nakataas ang isang kilay.

"What was that?" he asked sleepily. Nahihimigan at nakikita niya ang matinding pagod mula rito.

"What was what?" she repeated bitchily.

Van's forehead furrowed deeply. "Why are you using that tone on me?"

"I don't know. You tell me."

Oh, bago pa niya napigilan ay tuluyan na niyang nailabas ang sama ng loob dito.

At mukhang sa gabing iyon ay wala muna siyang asawang makakatabi sa higaan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro