Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 015 - Divided Attention Part


"Jesus Christ, Coreen, what happened to your face?" bulalas ni Demani nang sa pagbukas niya ng pinto ay ang namamaga at nagkukulay ubeng mata kaagad ng pinsan ang unang nakita.

Coreen was crying. Maliban sa namamagang mata ay putok din ang gilid ng labi nito at may bukol sa noo.

Lumakas lalo ang pag-iyak ni Coreen nang makita siya. Mabilis itong lumapit at mahigpit na yumakap.

Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin. Ang galit niya ay unti-unting bumangon sa dibdib. Kahit hindi niya itanong ay alam na niya kung sino ang gumawa niyon sa mukha ng pinsan niya!

"I am going to kill that bastard," aniya sa nanginginig na tinig. Bahagya siyang humiwalay at muling sinuri ng tingin ang mukha ni Coreen. At habang ginagawa niya iyon ay unti-unti ring nanlabo ang kaniyang paningin.

Hindi siya makapaniwalang makikita niya sa ganoong kondisyon ang pinsan. Coreen grew up in a loving home; minahal at pinrotektahan ng mga magulang, pinalaki nang maayos— para lang saktan at babuyin ng hayop nitong asawa?

Damn Sam!

"That son of a bitch will pay for this, Cori!"

Lalong lumakas ang iyak nito, at kahit siya ay naluha na rin. Inakay niya ang pinsan papasok sa loob ng bahay, at nang marating nila ang sala ay pina-upo niya ito sa sofa. She sat behind her cousin and held her hands tightly.

"Nasaan ngayon sina Sam at ang dalawang bata?" kaagad niyang tanong. Wala nang silbing itanong niya kung ano ang nangyari— obviously, Sam gave her cousin a good blow on the face. All she wanted to know at this time was if the kids were safe and Sam was somewhere they could easily find.

Padadampot niya ang gagong iyon!

"The kids are in school," humihikbing sagot ni Correen. "While Sam... He— he left."

"Saan siya pumunta?"

"I don't know, Demani. I don't know. Iniwan na niya kami at... at sumama sa babae niya."

Mangha siyang bumuga ng hangin at tumingala upang kalmahin ang sarili. Pinihiran niya ang mga luha saka huminga nang malalim. Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman— awa para sa pinsan o galit sa ginawa ni Sam.

It was the first time that Sam hit Coreen, kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin ng buong pamilya kapag nalaman ng mga ito ang ginawa ng lalaki sa pinsan niya.

"Nag-away kami kagabi nang mahuli ko ang tungkol sa pambababae niya," humihikbing kwento ni Coreen. "Nasaktan niya ako at— at kagabi pa lang ay umalis na siya. The kids didn't know, Demani. Pilit kong itinago sa kanila ang itsura ko. I don't want them to hate their father."

Lalo siyang namangha sa narinig mula sa pinsan. "Ganiyan na ang ginawa niya sa iyo pero may gana ka pang isipin kung ano ang mararamdaman ng mga bata sa ama nila? Let them hate their father— he doesn't deserve to be loved anyway! Marami siyang mga naging pagkukulang, I never saw him played with the kids. Did he ever fetch them at school? Hindi, 'di ba? Ikaw lagi ang nagsa-sakripisyo para sa mga bata, kaya siguradong hindi mami-miss ng mga anak mo ang walang kwenta nilang ama!" Oh God, ngayon ay nai-i-stress na naman siya!

Hindi sumagot si Correen; humikbi lang itong muli. Bumuntong hininga siya saka muling ginagap ang mga kamay nito. "Coreen, hiwalayan mo na ang lalaking iyon. I'll help you talk to Lola Val about it—" Natigilan siya at biglang tila lalong bumigat ang pakiramdam niya.

Hindi nila maaaring sabihin kay Lola Val ang tungkol sa nangyari. Hindi nito maaaring makita ang nangyari kay Correen. Dahil kapag nalaman at nakita nito ang sitwasyon ngayon ng isa sa mga apo, ay baka lalong sumama ang pakiramdam nito. Their granny had been in and out of the hospital in the past few weeks, hindi nila pwedeng bigyan ito ng alalahanin.

Sinapo niya ang noo at tahimik na pinakinggang ang pag-hikbi ng pinsan. Hindi niya alam kung ano ang pwede niyang itulong dito sa mga oras na iyon. Sumasakit ang ulo niya sa stress na dulot ng nangyayari sa pamilya.

"I'm sorry kung sa'yo ako lagi tumakbo sa tuwing may mga pinagdadaanan ako— kami ni Sam," sabi ni Coreen na ngayon ay nagpupunas na ng mga luha. "Hindi ako pwedeng magpakita kay Maureen nang ganito, siguradong magsusumbong iyon kina Mama at Papa. At alam mong may sakit sa puso si Papa, baka ma-paano siya kapag nakita ako."

"I understand." Huminga siya nang malalim bago tumayo. "You know what? Let's go. Pumunta tayo sa doktor ngayon at ipatingin natin iyang bukol mo sa noo. Kailangan mo ring kumuha ng medico legal dahil kakailanganin mo iyon. Don't let this slip, Cori. Hindi ko man alam kung ano ang nagustuhan mo sa gagong iyon ay alam kong kaunting suyo lang sa'yo no'n ay bibigay kang muli!"

Nang wala itong naisagot ay lalo siyang namangha.

"See?" aniya. "This is what I mean! Oh God, sinira na ang mukha mo at lahat-lahat pero hindi ka pa rin galit sa kaniya?"

"You don't understand, Demani... Hindi ganoon ka-dali ang lahat. Ayaw kong masira ang pamilya namin at— "

"Fine then, hayaan na lang natin na ang mukha mo ang sirain niya!"

Itinakip ni Coreen ang mga palad sa mukha saka umiyak nang umiyak.

Nahabag siya habang pinanonood ito. Magkahalong galit, inis, awa, at pagkalito ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Pagkalito dahil hindi niya maintindihan kung bakit tila kay hirap kay Coreen na iwan ang walang kwenta nitong asawa.

Eh ano kung masira ang pamilya? Ang importante ay malaya na ito sa bigat na dala ni Sam sa buhay nito at ng mga anak!

Sinapo niya ang ulo sa pagkamangha. "Kailangang gumaling ang mga pasa mo bago sumapit ang linggo, Coreen— hindi ka pwedeng hindi sumipot sa araw na iyon dahil kailangan mong sabihin sa lahat ang nangyari sa pagitan ninyo ni Sam at ang pag-iwan niya sa inyo. Kahit iyon na lang ang sabihin mo at hindi na ang tungkol sa pambubugbog sa'yo ng hayon na iyon. And that fucker? He can go to hell for all we care!"

*

*

*

"Hey, hindi ko alam na umalis ka? Where are you?"

Ni-sapo ni Demani ang noo nang maalalang wala siyang ipinadalang mensahe sa asawa tungkol sa sandali niyang pag-alis. Ginabi na siya sa daan dahil sa sobrang traffic.

She was actually expecting to be home before five in the afternoon, kaya lang ay nagkataong nakatanggap siya ng tawag mula sa ina na nagsabing muling naging masama ang pakiramdam ng Lola Val nila at baka kailanganin na namang ma-confine. Kaya imbes na umuwi na siya matapos nilang manggaling ni Coreen sa isang clinic ay dumiretso siya sa bahay nila kung saan kasalukuyang nakatira ang Lola Val niya. Inabutan niya roon ang mommy niya at ang dalawang nakatatandang kapatid nito na sina Uncle Lau at Uncle Larry.

Noong dumating siya ay muling bumuti ang pakiramdam ng matanda at nakatulog na ng mahimbing. She stayed for a couple of hours before calling a cab.

Matagal na siyang kinukumbinsi ni Van na mag-aral na sa pagmamaneho para hindi na niya kailanganin pang mag-commute. May isa pang bakanteng kotse sa garahe nila, a white Lexus, that was just waiting for her. But she had no confidence, plus, she couldn't find the interest to learn. May ganoon siguro talaga. Dahil kung gusto niyang magmaneho, dapat noon pa dahil may bakante ring kotse ang daddy niya sa garahe nila noong college pa lang siya.

Mas kombiniyente sa kaniyang mag-commute. No hassle, makatutulog pa siya habang nasa biyahe.

"I was in the meeting the whole day and when I got a chance to give you a call this afternoon, your phone was off."

Ibinalik niya ang pansin sa asawang nasa kabilang linya. Napangiwi siya. "My phone's battery ran off, hon, I'm sorry." Well, hindi iyon palusot. Totoong na-dead bat ang cellphone niya matapos nilang mag-usap ng ina. Pagdating niya sa bahay nila ay saka pa lang siya nag-charge, at noong paalis siya ay iyon pa lang niya muling nahawakan ang cellphone.

Si Van ay bumuntong-hininga. "You could have at least leave a message to me. Pagdating ko kanina sa bahay ay nakapatay lahat ng ilaw, I was so worried I thought something happened to you."

"I'm sorry, hon," mahina niyang sagot saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng taxi. Napangiti siya. "Malapit na ako, ilang minuto na lang ay nasa bahay na ako. I still have time to cook for dinner."

"No, don't worry about it. Pagod ka na pag-uwi mo. I'll just cook for us. How does pesto chicken pasta sound to you? That's the only dish I could cook in perfection."

She smiled and leaned back. "Sounds great. Pero... hindi ka ba galit sa akin?"

"Nah. I was just worried, but not angry. Going forward, please let me know where you're going or what your plans are for the day para hindi ako mag-alala. Kung alam kong nasa bahay ka nina Ma at Pa ay dumiretso na sana ako roon para nasundo kita. But, it's all good now. I'm not angry and I can't wait to kiss my wife, so hurry up."

Lumapad ang pagkakangiti niya. She chose the right man. "I love you, hon. See you in five minutes."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro