Chapter 013 - The Change She Wished He'd Done Before
(Back To The Present Time)
"Naayos na ang VISA mo at ang lahat ng mga kakailanganin sa pag-alis natin. We are leaving in three days."
Mula sa ginagawa ay lumingon si Demani kung saan niya narinig ang tinig ni Van. Doon niya ito nakita sa pinto ng kusina, sitting in his automatic wheelchair. She didn't remember the time she fell asleep last night. Diretso na siyang nakatulog matapos niyang balikan sa alaala ang nakaraan. And when she woke up that morning, she felt pain in her stomach— dahil sa buong araw na hindi niya pagkain kahapon.
Van's eyes bored into hers. Sandali siyang nakipagtitigan dito hanggang sa nagbawi ito ng tingin at bumaba ang pansin sa tray na nasa lababo. Napa-ngiwi siya at nilingon ang nasunog na mga cookies.
Matapos niyang bumangon ay kaagad siyang dumiretso sa kusina upang maghanap ng makakain. Sa fridge ay kumpleto ang lahat ng mga ingredients na kailangan niya upang magluto ng almusal— pero wala siyang planong gawin iyon. She didn't want to be reminded of the past. Nangamba siya na kapag inumpisahan niyang magluto roon ay baka bumalik sa alaala niya ang masasayang mga araw na naroon siya sa kusina, nagluluto habang hinihintay ang pag-uwi ng asawa. Oh, how happy she was back then. Sayang at sinayang ng gago.
At dahil wala siyang balak na magluto at sinilip na lang niya ang pantry upang maghanap ng kahit anong pwede niyang kainin doon. She found some imported canned goods; meatloaf and corned beef. There were also packed of imported cookies and chips, and a bunch of package biscuits. There were too many that she almost cringe. Ayaw niyang kumain ng mga pagkaing puno ng preservatives para sa breakfast, kaya napilitan siyang mag-bake.
Hindi niya nagawang mag-bake noong maayos pa silang nagsasama ni Van, kaya kompiyansa siyang walang masakit na alaala ang gugulo sa isip niya habang ginagawa iyon.
She and Maureen liked to bake cookies back in their teenage days, and she could still remember how to make them with the help of the internet, of course.
Or so she thought...
Dahil matagal na rin ang huling beses na nag-bake siya, lalo na ng mga cookies. High school pa yata iyong huli. Dagdagan pang sumubok siyang ginawa ng oatmeal raisin cookies— something she had never done before. Kaya kahit may internet na tumutulong sa kaniya para sa mga instructions ay palpak pa rin siya.
Sa mga sandaling iyon ay nais niyang pagsisihang sumubok siyang gumawa ng hindi pa niya nagawa noon. Naubos na niya ang isang malaking pack ng imported oatmeal na nahanap niya sa pantry, ang baking powder sa malaking garapon, dalawang tray ng itlog, at dalawang box ng gatas, subalit wala pa rin siyang batch na nagagawa nang matino.
Sabi na nga ba, eh! Dapat ay chocolate chip cookies na lang ang ginawa niya. May pa-oatmeal raisin pa kasi siyang nalalaman. Oh, she should have just eaten loaf bread!
"What are you doing?" Van asked curiously.
Gamit ang kitchen glove ay kinuha niya ang tray na may kainitan pa mula sa lababo at ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa basurahan.
Another waste. Naisip niyang tumawag na lang ng taxi at magpahatid sa pinakamalapit na fastfood chain. Damn healthy cookies.
"Were you trying to bake something?"
Inasahan na niya ang pagsita nito sa pagsasayang niya ng pagkain at stock nito, kaya inihanda niya ang sarili sa magiging argumento nila. Muli niya itong hinarap at ang akmang pag-ma-maldita ay nahinto nang makita ang pagka-aliw sa mukha ni Van habang nakatingin sa kaniya. He was trying to hide his laughter but failed to do so, because it was evident in his eyes.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit lumambot ang puso niya sa nakikitang ekspresyon ng mukha nito. Bigla siyang nalito sa nararamdaman. Hindi niya nagustuhan ang biglang pagbago ng mood niya, ng damdamin niya. She had to hide it from him, bago pa nito maisip na may puwang pa ito sa kaniya. Kaya nagpanggap siyang nairita lalo.
"What's so funny, Van Dominic Loudd?"
"Nothing, really." He pressed his lips to stop himself from smiling, but his eyes were sparkling still. Tumikhim ito at pinihit patalikod ang automatic wheelchair. "If you're hungry, the maid will cook for you. I don't eat breakfast, so she's using this time to go to the market. I'm sure she'll be here any minute soon."
Oh, kaya pala ano'ng oras na ay wala pa rin ito... bulong niya sa sarili. Subalit nang pumasok sa isip niya ang sinabi nito ay kinunutan siya ng noo. "Wait— since when did you start skipping breakfast?" You never skipped breakfast, Van...
Naalala niya noong mga unang araw nila bilang mag-asawa, Van shared something to her.
"I like breakfast. Kung mayroon man akong alaala tungkol sa mommy ko ay puro iyon sa mga panahong babangon ako sa umaga at siya lagi ang nakikita kong naghahanda ng pang-agahan para sa amin ni daddy. She loved cooking us breakfast— this is why breakfast is always my favorite meal of the day. It reminds me of the old days... when mom and dad were still alive."
Inihinto ni Van ang pag-control ng wheelchair at bahagya lang siyang nilingon. "Can't remember. One morning, I just woke up not feeling it." And then, he continued to leave.
Why was I hoping that you'd say it was because I left?
Huminga siya nang malalim saka ibinalik ang pansin sa lababo. Inumpisahan na niya iyong linisan nang bigla na naman niyang narinig ang boses ni Van.
"Tomorrow is Sunday. Got any plans for the family gathering?"
Natigilan siya. Totoo ba ang kaniyang narinig? Did Van actually ask her about the Sunday family get-together?
Manghang ibinalik niya ang pansin dito. Nasa entry na ito ng kitchen at muling nakaharap sa direksyon niya.
"I didn't expect you to be interested," she mocked.
He shrugged nonchalantly. "If you and your family have plans, please go ahead. Kasama ko si Attorney Salviejo bukas at may pag-uusapan kami tungkol sa negosyo."
Matagal siyang nakipagtitigan dito, hindi makapaniwala sa narinig.
Ang Sunday family gathering ang isa sa pinaka-unang pinagtalunan nila dati kaya hindi siya makapaniwala ngayon na magaan sa loob itong nagbigay ng pahintulot sa kaniya. Oh well, simula nang mamatay ang Lola Val niya ay hinid na gaanong naging mandatory sa pamilya ang tungkol sa Lingguhang okasyon. Lumusot-dili man siya o ang kahit sinong miyembro ng pamilya ay hindi na ginagawang malaking bagay.
"Nah, wala ako sa mood na bumiyahe pauwi bukas." Umiwas siya ng tingin upang hindi nito makita ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Nasa Bataan sina Mommy at Daddy kaya baka wala ring gaanong pumunta."
"Then, your presence will surely be appreciated. Why don't you invite everybody to the beach? Or you can have your Sunday get-together on my yacht."
Namangha siya sa narinig mula rito. "Seryoso ka ba r'yan sa mga sinasabi mo?"
"Of course. Mukha ba akong nagbibiro?" seryoso nitong sagot na lalo lang ikina-kunot ng noo niya. "Pwede kong i-usog ang appointment namin ni Attorney Salviejo sa Lunes, so I can also come with you and see everybody again— That is... if you will allow me?"
Like nothing happened? How can you be so nonchalant about this, Van?
"I don't know. I'll think about it," she said instead, still with a furrow on her forehead.
Nagkibit ito ng mga balikat saka muling pinihit patalikod ang wheelchair. "Just let me know, then. And I will have the yacht ready for everyone."
Mangha pa ring sinundan niya ito ng tanaw hanggang sa lumiko ito at mawala sa kaniyang paningin.
"He probably cracked his skull during his accident and now he's acting weird," bulong niya sabay iling. Binalingan niya ang mga ginamit sa pagbe-bake at inilagay sa lababo ang mga hugasin. Mag-o-order na lang siya ng pizza. Damn preservative-filled foods, nagugutom na siya!
*
*
*
"I told my family about your offer to have the Sunday get-together on your yacht, and surprisingly, they all agreed to come."
Tumango si Van at tuluy-tuloy lang sa pagkain. It was dinner time and the maid prepared a delicious meal. Hindi na siya nag-in-arte pa at sumabay nang kumain kay Van. Ayaw niyang magising na naman kinabukasan dahil sa nananakit na kalamnan. Besides, she would be living with him again in the next six months— hindi siya maaaring mag-inarte ng ganoon sa loob ng anim na buwas?
Matapos nilang mag-usap kaninang umaga ay nag-isip siya kung tatanggapin ang alok nitong gamitin ang yate nito para sa Sunday gathering the pamilya.
The truth was... she hadn't seen the rest of the family for a month. She hadn't been so active with the family gathering since Lola Val died six months ago. Pero hindi lang naman siya ang ganoon, kung hindi pati na rin ang ilan pang miyembro ng pamilya.
Naging abala na ang lahat at nawalan na ng panahon sa tradisyon nilang Sunday get-together. Pero nang tawagan niya sa Maureen tungkol sa sinabi ni Van ay nagulat siya sa mabilis nitong pagpayag. A few minutes after that call, her parents called her and said they were also coming— dahil nagpadala daw si Maureen ng mensahe sa lahat.
Everybody in the family was all excited for the Sunday to get together— at umaasa ang mga itong muling makita si Van.
Like— what the hell? Wala na yatang pakealam ang pamilya niya sa sakit na idinulot sa kaniya ng hiwalayan nila ni Van, at kung umasta ay parang hindi siya umiyak sa mga ito ng ilang buwan! The worst part was, they didn't seem to hate Van for it.
What was wrong with her family?
"May pinakain ka ba sa pamilya ko para ilibing nila sa limot ang lahat ng nangyari sa pagitan nating dalawa?" maanghang niyang tanong na ikina-tigil nito. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.
"What?" he asked with a fake innocent look.
"Narinig mo ako," aniya saka nagpahid ng bibig.
"I didn't," sabi pa nito. "I was thinking about something else when you spoke. So, I need you to repeat what you just said."
She sighed in disbelief. "Never mind." Kinuha niya ang baso ng tubig at pinangalahati ang laman niyon. "My family are all very excited for tomorrow. Everybody is coming— and they are all thrilled to see you again."
Hindi niya alam kung ano ang nakitang emosyon na dumaan sa mga mata ni Van. Was it excitement? Happiness?
Nah, it can't be.
"Pumapayag kang sumama ako bukas?" tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. "Why not? Yate mo 'yon at nakikigamit lang kami ng pamilya ko—"
"Well, technically, they are still my family," pagtatama nito na ikina-taas ng kilay niya.
"Did you really treat them as your family, Van?"
Hindi ito sumagot; nasa mukha nito ang pagpapasensya. Huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin. Hindi niya ito kayang titigan nang matagal. Ayaw niyang may maramdamang kung ano rito maliban sa sama ng loob.
"I'll have Attorney Salviejo arrange everything for tomorrow. The yacht, food, and service— they're all on me."
"What a relief! Hindi rin kasi namin afford ang food and service," tuya niya na ikina-iling nito.
"Stop, Demani. Let's not argue about this. Allow me to handle everything for the get-together tomorrow."
Kung dati mo pa ito ginawa, sa hiwalayan pa rin kaya nauwi ang lahat? Pinigilan niya ang sariling itanong iyon dito. Nagkibit-balikat na lang siya at tumayo na. "Ang sabi ni Maureen ay alas-dies ng umaga magkikita-kita ang lahat sa port— na parang alam na nila kung saang port naka-daong ang yate mo." Umikot ang mga mata niya sa huling sinabi. Kahit siya ay hindi alam kung saan nakadaong ang mamahaling yate nito.
"Yeah, bukas ng umaga ay ipakakausap ko si Maureen kay Attorney."
Muli lang siyang nagkibit-balikat at tumayo. "Mauuna na ako. See you tomorrow." Tumalikod na siya, subalit hindi pa man siya nakaka-ilang hakbang ay narinig niya ang pagtawag nito.
"Hey."
Bagot niya itong hinarap.
Van cleared his throat. "About Lola Val. I was really... planning to attend her funeral. Pero noong mga panahong iyon ay nasa ospital pa ako dahil sa nangyaring aksidente. I was sad after hearing the news, I wanted to check on you and see how you felt."
Humalukipkip siya at kunot-noong sinuri ito ng tingin. "You have changed a lot, Van. I didn't expect you to express sympathy for my family. Did you crack your skull from the accident or something?"
Van stared at her for a long moment before he released a sigh and continued eating his food.
She smirked and continued to walk away.
Had you acted like this before, we could have saved our marriage. But you became heartless over time until we lost the connection.
Sayang, Van...
Sayang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro