Chapter 012 - Values and Beliefs Part 4
"Ano'ng balita sa business mo, Cori? Is it doing well?"
Nagkatingin sina Demani at Coreen nang marinig ang tanong ni Lola Val. As the matriach of the family, si Lola Val ay nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, opposite to the birthday celebrant, Demani's father.
Ka-u-umpisa pa lang nilang kumain at hindi pa man nila nangunguya ni Coreen ang unang ini-subo nang marinig ang katanungan ng matanda.
Si Sam, na hindi naman tinanong, ang sumagot. "It's doing well, Lola, wala kayong dapat ipag-alala."
Ang kapal ng mukha!
Yumuko siya upang itago ang pag-ismid at ang biglang pag-asim ng mukha niya. She hated her cousin's husband, pero dahil ama ito ng mga pamangkin niya ay mananatili siyang tahimik sa mga pinag-gagagawa nito.
"That's good to hear. Are you helping Coreen run the business, Sam? It would be better if you let your wife handle the business while you start looking for a job. Nakapag-tapos ka ng Business Management at magiging madala sa iyo ang maghanap ng trabaho. Kahit maliit ang sweldo, basta mayroon."
Doon umangat ang tingin niya saka sinulyapan si Sam upang alamin kung ano ang naging reaksyon nito sa sinabi ng matanda. Nang makita itong napayuko at tila napahiya ay lihim siyang ngumisi.
"Van, hijo?"
Napalingon siya sa Lola Val niya, kasabay ng asawa, nang marinig ang pagtawag nito.
"May mga kakilala ka ba sa business world na maaaring pagtrabahuan nitong si Sam? I know you have lots of connections, maybe you can help your cousin-in-law?"
Nalipat ang tingin niya sa asawa, at doon ay nakita niya ang blangkong tingin na ipinukol nito kay Sam. "I know a lot of people who could provide job for Sam, Lola. Iyon ay kung interesado siya?"
Ibinalik niya ang tingin kay Sam, at doon naman niya nakita ang pag-ngisi nito habang nakayuko sa pagkain. It wasn't just a grin— it was a smirk.
"That's good to hear, Van," wari pa ni Lola Val. Ang sunod nitong napansin ay ang isa pang apo, si Levi. "How about you, hijo? Kumusta na ang negosyong minana mo sa iyong ama?"
Levi shrugged his shoulders nonchalantly. "Maayos naman, Lola. Dad is guiding me, kaya h'wag po kayong mag-alala."
"How long does your father needs to guide you, Levi? Hindi ba dapat ay nagpapahinga na siya?
Nakita niya ang pagsimangot ni Levi sa huling sinabi ng lola. Sa kanilang magpipisan ay si Levi ang hindi niya gaanong kasundo. He was always quiet and reserved, although maayos naman ang pakikitungo nito sa kanila. He just didn't seem to... enjoy being with the family. Kahit ang asawa nito'y tahimik lang din, at panay lang ang ngiti sa kanila.
Nagpatuloy ang lola nila. "Tingnan mo itong sina Gin at Van. They are both independent and they can handle their business on their own. Lalo na si Van who has an international business. He is doing well and that's very admirable. Make him your inspiration."
She proudly turned to her husband and smiled at him. Pero ang asawa niya'y nanatiling seryosong nakayuko sa pagkain nito.
Si Sam ay nagsalita. "Well, if you grow up without a family, you have no choice but to stand on your own."
Kunot-noo niyang nilingon si Sam at nahuli ang pagsiko rito ni Coreen bilang pagsaway.
"Masama ba ang ganoon, Sam?" tanong pa ng daddy niya sa naging komento ni Sam. "Kahit saan ko tingnan, mas magandang matuto ang tao na tumayo sa sarili niyang mga paa nang mas maaga kaysa sa manatiling tamad hanggang sa pagtanda. Oh, and I wasn't referring to you, pero bahala ka nang mag-isip."
Nakita niya ang pagtitimpi sa mukha ni Sam sa pahayag ng daddy niya. Her father was just defending Van, which was right. Kung hindi ito nagsalita ay baka siya ang sumabat; at kapag nangyari iyon ay baka masabi niya sa harap ng buong pamilya ang pinaggagagawa ni Sam sa negosyo ni Coreen.
"Yes, I agree," sabi naman ng Uncle Lau niya. Nakatingin ito kay Van, fondness was all over his face. "Van and Gin are hardworking people, and I admire them both. Lalo na nga itong si Van na nagawang palakihin ang negosyong iniwan ng mga magulang. He was able to make it to the world market, and I am sure, if Gin stops his gambling, he will too, someday."
Ah, shit. Hindi niya napigilang banggitin iyon sa isip. Nararamdaman niya ang tensyon na pumapaligid sa kanila at naiintindihan na niya kung bakit hindi magawang ngumiti ng asawa sa kabila ng mga compliments na natatanggap. She could feel the competition rising up, and she blamed it to the elders.
"Are you still gambling, Gin? Akala ko ba ay inihinto mo na ang pagsusugal mo?" tanong naman ng ama ni Levi, ang Tito Larry niya.
Napatingin ang lahat kay Gin na tila biglang napuno ng pawis ang mukha. Si Maureen ay kunot noo ring nilingon ang asawa.
"I... I did," sagot ni Gin. "And I am doing my best to improve my business."
"Well, sana nga," sabi pa ni Uncle Lau. "At sana ay lumaki rin ang hardware shop na minana mo sa daddy mo, Levi. Aba'y noong hawak pa ng daddy mo iyan ay bumabaha ng customers, ah?"
Hindi napigilan ng Uncle Larry niya na depensahan ang anak. "That's enough, Kuya Lau. Nakikita kong ibinibigay rin ni Levi ang lahat ng kaya niya para mapalago ang negosyon. Have faith in him."
Huminga ng malalim si Uncle Lau. "I just want him to step up his game, Larry. Hindi laro ang kompetisyon sa business world, alam mo 'yan. I want your son to be more like Van, and not be as uncompetitive as Sam."
Napa-ubo si Sam sa narinig subalit hindi na nagsalita. Ang Lola Val naman nila ay napapa-iling na lang sa mga naririnig.
"Okay, let's move on," sabi ng matanda at binago na ang usapan upang hawiin ang tensyon sa paligid.
At habang naging abala ang lahat sa pag-uusap, ay muli niyang sinulypan ang asawa. Patuloy ito sa pagkain, subalit ramdam niya ang negatibong enerhiya na nagmumula rito. Kaya naman hindi niya napigilang gagapin ang kamay nito na may hawak sa tinidor. Doon ay humarap sa kaniya ang asawa, saka ngumiti.
She smiled back, and mouthed; "I love you..."
**Isang linggo pa ang mabilis na nagdaan, at patuloy na naging abala si Van sa negosyo. **Sa umaga ay naging mas maaga ang pag-alis nito patungo sa opisina, at sa gabi ay masyado na ring gabi na naka-u-uwi. They would still eat dinner together, but Van would always go to his study room after meal to continue working. Mauuna siyang matutulog nang may pagdaramdam sa dibdib, only to wake up in the middle of the night by her his kisses, at doon ay nawawala na ang sama ng loob niya.
Pilit niyang iniintindi ang sitwasyon ng kompanya at ang kakulangan ng oras sa kaniya ng asawa. Patuloy siyang nagpa-pasensya.
And in that week, they've only made love just once— which was bizarre, because they used to make out almost every night. Pati ang bagay na iyon ay naapektuhan dahil sa pagiging abala nito. Not that she's complaining about it, it's just that she's missing him every day and night.
Naroon nga ang presensya nito, hindi naman niya maramdaman.
At muli, Sabado ng gabi at kauuwi lang nito galing sa isang meeting kasama ang mga bagong investors sa kompanya. He looked exhausted and went straight to their room to have a shower. Paglabas nito'y inabot niya ang inihandang green tea.
"Sigurado ka bang hindi ka na maghahapunan? Naghanda ako ng paborito mong sinigang na baka."
Kinuha nito sa kaniya ang tasa ng tsaa at inilapag sa ibabaw ng chest of drawers, bago siya kinabig at dinampian ng halik sa noo. "Thank you, hon. Pero kumain kami ng mga Chinese investors sa isang bagong tayong Asian restaurant sa Taguig. All I really need right now is to hit the bed. I closed the deal so I can sleep peacefully tonight." Humiwalay na ito sa kaniya at tinungo ang kama.
"Uhm, okay." Pilit siyang ngumiti saka sinulyapan ang green tea na mabilis nitong kinalimutan. Sumunod siya sa asawa. "Mom called and told me that we are having lunch tomorrow at Aunt Gerthrude's restaurant." Aunt Gerthrude was Uncle Larry's wife. Nagmamay-ari ito ng isang maliit na Filipino resto sa Mandaluyong. "Maaga tayong aalis para abutan ang 9AM mass. We will meet them all there."
Ang akmang paghiga ni Van ay nahinto nang marinig ang sinabi niya. Humugot ito ng malalim na paghinga saka siya hinarap. "Do we really need to spend our Sunday with your family? Why can't we just go somewhere else— just you and me— and have some quality time together?"
Sandali siyang natigilan sa sinabi nito. Nakikita niya sa mukha ng asawa na wala itong interes sa plano niya para bukas, at gusto niyang magtampo. Pero sa halip na intindihin ang damdamin ay pilit siyang ngumiti. "You know that it's a usual thing, honey. Nakasanayan na ng buong pamilya na magkita-kita tuwing Linggo para sabay na magsimba at magkamustahan. Ilang linggo na natin itong ginagawa, hon, bakit ngayon mo lang napapansin?"
Napa-iling ito. "Hindi ko lang napapansin, Demani, nag-uumpisa na akong mainis."
Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang dugo sa ulo niya sa narinig na sinabi ng asawa. She opened her mouth to say something when Van beat her off.
"Sunday is the only day I have in a week to be with you, so why do we always have to spend it with your family?" His voice was laced with boredom, at doon lalong nag-init ang ulo niya.
Una, binalewala nito ang tsaa na inihanda niya. Pangalawa, ito pa ang may ganang mainis na kung tutuusin ay siya itong laging nagpapasensya sa kakulangan nito ng oras sa pagsasama nila. At ngayon ay magre-reklamo ito?
Salubong ang mga kilay niya nang muli siyang nagsalita. "Are you forgetting something? They are now your family, too, Van." Ahh, it's been a long time since he called him by his name. "Bakit hindi ikaw ang mag-adjust ng schedule mo para hindi lang tayo sa Linggo nagkakasama nang buong araw? You have been busy these past few weeks and I have been very patient with you. Sunday get-together lang ang hinihingi ko sa'yo, bakit parang nagrereklamo ka pa?"
Si Van ay kinunutan din ng noo, at sa namamanghang tinig ay nagsalita. "Wait, what? You know that I am already busy even before you married me. Ngayon ay magrereklamo ka?"
Lalong uminit ang ulo niya sa pabalibag nitong sagot. "No, hindi ako ang nagre-reklamo— ikaw! H'wag mong ibalik sa akin ang sinabi ko! Ang hinihingi ko lang ay tanggapin mo ang nakasanayan at paniniwala ng pamilya namin. Hindi nila kinukuha sa'yo ang oras na dapat ay para sa ating dalawa lang— ikaw ang laging nagkukulang ng oras para sa atin!"
Manghang natawa si Van sa sinabi niya. "Ah, so now it's my fault, huh? And now you're shouting? Great!" Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere, "Ano pa, Demani? Putangina, ano pa ang mga pagkukulang ko? Sabihin mo na nang makatulog na ako! I am fucking tired and now you want us to argue over some petty thing!"
Nagulat siya sa pagmumura nito. She never heard him curse— ever. And she never heard him raise his voice as he did a while ago.
Hindi niya napigilan ang pagbukal ng mga luha. At bago pa man makita ng asawa ang pag-iyak niyang mabilis na siyang tumalikod at humakbang patungo sa pinto.
But when she was about to reach the door, Van's hands stopped her. Nagpumiglas siya nang yakapin siya nito mula sa likod subalit mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng asawa kaya hindi niya nagawang maka-bitiw.
"I'm sorry."
Nahinto siya nang marinig ang sinabi nito. Tuluyang kumawala ang mga luha niya at bumagsak sa braso ni Van na nakayakap sa kaniya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.
"I'm sorry, I didn't mean to yell at you. I didn't mean to say those words."
She cried all the more. Humarap siya sa asawa at gumanti ng yakap. "I'm sorry, too," naiiyak niyang sambit. "I just missed you so bad, hindi ko maiwasang magdamdam sa mga panahong nawawalan ka ng oras para sa ating dalawa."
Van gave her gentle, little kisses on her head, her forehead, and on her temple, as he continued to hug her tightly. "I'm sorry, I have been unfair to you. I thought you understand..."
"I do, Van. I do. Pero hindi ko maiwasanang magdamdam. I am just a wife who craves for her husband's attention."
Bahagyang humiwalay si Van sa kaniya at niyuko siya. Itinaas nito ang isang kamay at pinahiran ang mga pisngi niyang na-basa ng luha. "Pagod lang ako kaya hindi ko naiwasang sigawan ka kanina. And I am sorry if I have neglected my duties as your husband. I promise to change that."
She sniffed and pouted her lips. "Pati ang green tea na inihanda ko sa'yo ay binalewala mo."
Kinunutan ito ng noo. "What green tea?"
Lalong humaba ang nguso niya, pero ang totoo ay hindi na siya galit.
"Oh, shit," usal ni Van nang mapagtanto ang sinabi niya. Nilingon nito ang chest of drawers at tinapunan ng tingin ang tasa ng green tea na nakapatong roon saka umungol at muli siyang hinarap. "See? I am not in my mind, babe. My body and mind were just too tired." Ngumiti ito at muli siyang niyakap. "Don't worry, katulad ng ipinangako ko, I will do my best to balance work and family time. And speaking of family... Okay, we're meeting our family tomorrow. "
Tumango siya ay gumanti ng yakap. "Thank you, Van."
Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang mga kamay ng asawa na bumaba sa pang-upo niya— kneading and gripping. And then, his lips went down to her ear. "Let me make it up to you, baby. I just realized that I am not too tired to rock and roll tonight."
Impit siyang napa-tili nang bigla siyang buhatin ng asawa.
And they did rock and roll that night. And her husband did make it up to her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro