Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 009 - Values and Beliefs - p2(First Marital Problem)




                 "Kanina ko pa napapansing malungkot ka, Demani. Si Van na naman ba ang iniisip mo?"

           Mula sa pagmamasid sa mga pamangkin na naglalaro sa hardin ng bahay ng Lola Val nila ay napalingon siya at nakita si Maureen na nakatayo sa pinto ng veranda.

           Kanina pa siya naroon at mag-isang nagmumuni-muni matapos nilang mag-lunch na buong pamilya. She took a glass of wine from the bar and went to the veranda, watching little Calvin— four years old, and Conrad, six, playing in the garden. Mga anak ang mga ito ng pinsang si Coreen, na akala nila ay hindi makapupunta pero nakahabol pa kasama ang buong pamilya.

           "I'm alright," sagot niya sa pinsan bago ibinalik ang pansin sa mga batang naghahabulan. She took the wine glass to her lips and sipped a little.

           "Naku... nami-miss mo lang si Van eh. Parang apat na araw lang kayong hindi magkikita pero daig mo pa ang asawa ng sundalong tutungo sa giyera kung makapag-emote diyan."

           She sighed. "Kahit gabi-gabi siyang tumawag ay hindi pa rin naiibsan ang lungkot ko na wala siya sa tabi ko. I am used to seeing him every day."

           Tumabi sa kaniya si Maureen at itinuon din ang pansin sa dalawang pamangkin. "Well, masanay ka na dahil nag-asawa ka ng businessman. They work even in their sleep."

           "That's the thing. Nitong nakaraang dalawang linggo ay halos sa umaga na lang kami nagkikita. Sa gabi ay uuwi siya nang maaga pero madalas na naglalagi sa study room para magtrabaho. Lumalaki na ang kompanya at higit na nangangailangan ng oras niya. He even works on Saturdays. Kaya malaking bagay sa akin na makasama siya dito sa family get-together tuwing Linggo."

           "Pero hindi ba at ang sabi mo, nag-book na ng ticket si Van para sa isang linggong bakasyon ninyo?"

           Tumango siya.

           "There you have it. May isang linggong pambawi sa'yo ang asawa mo."

           "Yeah. And we won't be here next Sunday because of that. Hindi pa ako nagsasabi kina Mommy dahil baka malungkot. Sabihin nila na sa Linggo na nga lang kami nagkikita ay liliban pa ako."

           "Maiintindihan naman siguro ng buong familia iyon. May asawa ka na at natural lang na unahin mo ang pagsasama ninyo ni Van."

           Muli siyang bumuntong-hininga at niyuko ang hawak na wine glass. She stared at her reflection and grimaced at her sad face. "I just hope my husband won't be so busy para pareho akong may panahon sa pamilya at sa pagsasama namin."

           "Well, well, well... Mukhang magbabago na ang mood mo sa nakikita ko ngayon."

           Umangat ang tingin niya sa pinsan at nakitang ini-nguso nito ang gate. Hinayon niya ng tingin ang direksyong itinuro ni Maureen at nanlaki ang mga mata nang makita ang pagpasok ng kotse ng asawa.

           Malakas siyang napasinghap. "That's Van's car!"

           "Yep. Mukhang humabol ang asawa mo."

           "Oh God!" Ibinigay niya ang hawak na wine glass kay Maureen at patakbong nilisan ang veranda. Nadaanan niya ang mga tiyahin kasama ang mommy at Lola Val niya sa malaking sala at ang-uusap-usap. Narinig niyang tinawag siya ng mommy niya at tinanong kung bakit siya nagmamadali pero nginisihan lang niya ito at mabilis na itinuloy ang pagtakbo palabas ng bahay.

           Sa porch ay naroon ang mga tiyuhin niya at ang daddy niya, ang tingin ng mga ito ay nasa humintong sasakyan sa harap. Nahinto siya at nakangiting hinintay na bumaba ang asawa.

           "Hija, ang akala ko ba'y nasa Macau ngayon si Van?" tanong ng daddy niya. Nasa kamay nito ang isang bote ng organic beer.

           "Iyon din ang akala ko, Dad," nakangiti niyang sagot habang ang mga mata'y nakatutok pa rin sa bagong dating na kotse. At nang kaniya nang makita ang paglabas ng asawa ay patakbo na siyang lumapit.

           Hindi pa man naisasara ni Van ang pinto ng kotse ay sinalubong na niya ito ng yakap at halik. She jumped on him, curled her legs to his body, and gave him an open-mouth kiss. Van's arms wrapped around her and responded to her kisses. Ramdam niya na na-miss din siya nito sa paraan ng paghalik nito sa kaniya.

           Humiwalay lang sila nang marinig nila ang pangangantiyaw ng mga tiyuhin niya. Doon niya naalalang naroon pala ang mga ito sa porch at nakamasid sa kanila. Namumula ang mukhang humiwalay siya sa asawa at bumaba.

           "Akala ko ba ay bukas pa ang balik mo?" tanong niya kay Van sa nagniningning na mga mata. Nakatingala siya rito habang ito nama'y nakayuko sa kaniya.

           Van touched her face softly. "Well, alam kong malulungkot ka na naman kapag hindi ako nakadalo sa Sunday family gathering. So... here I am. Inagahan ko ang flight ko pauwi. Maagang natapos ang appointments ko kaya humabol ako."

           "Oh, I love you," she declared with tears in her eyes.

           Van kissed her lips briefly before wrapping his arm on her shoulder. Sabay silang naglakad patungo sa porch kung saan naroon ang mga tiyuhin niya. Nagmano ito sa lahat at magalang na nakipag-usap. At habang kausap nito ang daddy niya ay nanatili lang siyang nakatingala rito sa nangangarap na mga mata.

           She appreciated the effort her husband made for her, and it made her terribly happy.

           Napakurap siya nang sandaling magpaalam si Van upang pumasok sa loob at batiin ang iba pang miyembro ng pamilya. At habang naglalakad sila papasok ay nakaakbay pa rin sa kaniya ang asawa habang ang isang braso naman niya ay nakapulupot sa bewang nito.

           "I really can't believe you are here today," she whispered. "You just made me so happy, and I will reward you for that."

           Ngumiti ito at niyuko siya. "Can't wait for the reward."


*

*

*


Van was silently watching Demani play with Coreen's children in the garden while holding a bottle of beer in his hand. He was sitting on the wooden couch on the porch, smiling at his wife as she played with Calvin and Conrad.

           Sa katunayan ay hindi pa tapos ang appointment niya sa Macau, pero ilang gabi siyang inusig ng konsensya niya dahil sa hindi na naman niya pagsipot sa Sunday gathering ng Familia Dominico. He wanted to please his wife, so he would always try to come to the family's Sunday get-together. Noong una'y walang problema sa kaniya ang pagpunta nila roon, pero noong huli'y naghahanap na siya ng dahilan na hindi makalusot. Because there were many issues in the family. Issues he didn't want to be involved with. At ang madalas niyang idinadahilan sa asawa ay ang trabaho— which was partly true, because the company was facing a downturn. But the truth was, he could still come to the Sunday gathering if he wanted to.

           If—he wanted to.

           Ni hindi niya alam kung para saan ang Lingguhang party na iyon. He wasn't used to it, so he just went to the flow. Kahit na pakiramdam niya'y nagsasayang lang siya sa panahon doon.

           Lihim siyang nagpasalamat na tumama sa weekend ang scheduled meeting niya kasama ang Chinese client. Matatakasan niya ang tradisyon ng pamilya Dominico. But when he was in Macau, his conscience wouldn't let him sleep in peace. Not being with Demani made his night lonely— iyon ang unang pagkakataon simula nang ikasal sila na hindi niya ito katabi sa pagtulog. Noong mag-usap sila nito ay naramdaman niyang nais siya nitong makasama sa Linggong iyon; ayaw niyang malungkot ito kaya kahit na mabigat sa loob niya'y tinawagan niya si Janery, his Executive Assistant and a very close friend, to come and attend the last day of the appointment.

           Janery was Attorney Saldeco's daughter. Sabay sila nitong lumaki at malapit sila sa isa't isa. Demani hadn't met her, because Janery lived in the States for a long time and she just arrived five days ago. Malaking bagay ang pagpayag nitong pumunta sa Macau upang saluhin ang natitirang araw ng appointment niya.

           He wanted to surprise Demani and he knew she would be very happy to see him at the family gathering. And he was right after all. Demani was ecstatic. And whenever she's happy, he felt the same. Ten times fold, as a matter of fact.

           He just loved her so much and he would do whatever he could to make her happy.

           "What's up, man?"

           Lihim siyang nagpakawala ng buntonghininga nang marinig ang tinig ng taong hindi niya nais marinig. Tumingala siya at sinulyapan ang lalaking lumapit at tumayo sa tabi niya.

           It was Sam, Coreen's husband. A tall man with a big, round stomach— tipikal sa mga tulad nitong may bisyo at tamad. The man had been jobless even before he and Demani got married. Nagtataka siya kung papaano nitong nabubuhay ang asawa at dalawang anak.

           "Akala ko ay hindi ka na darating. Sinabi ni Demani na nasa Macau ka para sa trabaho, abalang-abala tayo, tol, ah?" anito saka dinala sa bibig ang hawak na bote ng beer. Itinuon na rin nito ang tingin sa mga anak na kalaro ni Demani.

           "I wanted to make my wife happy, so I came."

           "Hmm, very promising," sagot ni Sam, na mukhang wala namang interes sa naging sagot niya. Naupo ito sa katabing wooden couch na lihim siyang ikina-inis.

           Here we go again... he thought wryly.

           Sam was absolutely one of the issues he didn't want to be involved in within the family. At kung mayroong tao sa pamilyang iyon na ayaw niyang makausap, that was Sam. Marami itong hinanaing sa buhay na wala siyang pakealam at hindi niya nais marinig.

           "Demani seems to like kids. Wala pa ba kayong planong magka-anak?" Sam started.

           Dinala niya ang bote ng beer sa bibig at uminom ng kaunti bago sumagot. "Nag-usap na kami ni Demani tungkol sa bagay na iyan. We both agreed to delay having a child. She's still young, we can have it next year, so there's no rush."

           "Ah, I see." Muli itong tumungga ng alak, habang ang mga mata'y nanatiling nakatingin sa malayo. "Coreen and I are not doing well these past few days. She's started to get really bitchy. We were just like you and Demani before we got Calvin and Conrad, you know? Our nights were hot, and our days were exciting. But after having kids, she started to lose time for me, started to nag a lot, and blame me for every little thing."

           "Well, that's how marriage works, I guess," he answered nonchalantly. "Demani and I are prepared for it."

           "Nah. You should really watch out, man," panlalason pa ni Sam at inubos na ang laman ng bote. "Wives get really crazy as time passes by. The first stage, where you and Demani are at the moment, is the wonderful and unrealistic time. After that, you two will definitely go down the line."

           Muli siyang napa-iling sa naririnig mula rito. "I don't really need you to tell me all these, Sam. I appreciate the warning but I don't need it. I would like to go down the road and experience all that with Demani. So, let us be. I'm sure we will get over it. Our love will conquer it all."

           Sam smirked at him. "Sure. But not until you meet someone better than your wife."

           Kinunutan siya ng noo at namamanghang nilingon ito. "Are you trying to tell me that you are cheating on Coreen?"

           Nagkibit-balikat lang ito saka tumayo na. "I'd rather call it 'having fun' outside my hellish marriage." Ngumisi ito at banayad siyang tinapik sa balikat. "Catch you around, man."

*****

ON TO THE NEXT CHAPTER >>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro