CHAPTER 006 - Rushed Wedding
"You are what?" Nahinto sa pagdidilig ng halaman ang mommy niya matapos marinig ang kaniyang sinabi.
Papalubog na ang araw at nagkulay kahel na ang paligid. Nasa maliit na hardin nito sa harap ng kanilang bahay ang kaniyang mga magulang katulad ng naka-gawian; ang mommy niya ay nagdidilig ng mga halaman at bulaklak nito, habang ang daddy naman niya'y nakaupo sa garden set at nagbabasa ng libro.
Sa mga sandaling iyon ay parehong nakatingin sa kaniya ang mga magulang at naghihintay na ulitin niya ang kaniyang sinabi.
She grimaced in agitation. Hindi niya alam kung tama ang timing niya— dapat pala ay hinintay muna niya ang pagdating ni Van mula sa conference meeting nito sa branch office ng kompanya sa Hongkong bago kinausap ang mga magulang.
Kunot-noong tumayo ang mommy niya at hinarap siya. "Did I hear it right, Demani?"
Napalunok siya at tumango. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang. "You heard it right, Mom, Dad. Van proposed to me and I accepted." Itinaas niya ang kaliwang kamay at ipinakita sa mga ito ang princess cut diamond engagement ring na kuminang pa nang tamaan ng araw.
Nakita niya ang paglalim ng kunot sa noo ng kaniyang ama. Ibinaba nito ang hawak na libro sa ibabaw ng rattan-made table at naguguluhang nagsalita. "Don't get me wrong, anak. Your mother and I like Van, he's a nice person and he is obviously sincere about you. But you have only been together for two months. Kamakailan niyo lang sinabi sa amin ang tungkol sa relasyon ninyo, tapos ay magpapakasal na kayo kaagad?"
"We— We both love each other and—"
"Oh, no doubt about that, honey, nakikita naming lahat ang matinding atraksyon ninyo sa isa't isa. Van loves you, at nakikita namin iyon sa mga mata niya sa tuwing magkasama kayo sa mga family gatherings. Pero, sigurado ka na ba talaga rito? Is this really what you want? Hindi ba masyado pang maaga para magpakasal kayo? Bakit hindi niyo muna kilalanin nang mabuti ang isa't isa?"
Naupo siya sa tabi ng ama at ginanap ang mga kamay nito. "Gusto na naming bumuo ng pamilya, Dad. Van has always wanted to have a family of his own, and I am willing to give that to him. At bakit pa namin ide-delay iyon kung ganitong pareho na kaming handa?" Nilingon niya ang ina na hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan. Ningitian niya ito bago ibinalik ang pansin sa ama. "We both know that we are meant to be, at alam naming pareho na sa kasalan din mauuwi ang lahat. Kaya bakit pa namin patatagalin?"
Wala siyang nakuhang sagot sa ama na matamang nakatitig lang sa kaniya; tila tinatantiya ang kaniyang sinabi at pinag-iisipan ang tamang sasabihin.
She didn't want her parents to stop her from marrying Van, kaya bago pa man may sabihin ang mga ito na maaaring makapag-patibag sa kaniyang naging desisyon ay muli siyang nagsalita.
"Pa, please give us your blessings. I want to... be a wife. Be his wife. I want to build a family with him. At sigurado na ako na siya lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. So, please. I just want to be with him."
Napatingin ang daddy niya sa mommy niya, sandaling nagtitigan ang mga ito; nagkaintindihan. Hanggang sa nagpakawala nang malalim na paghinga ang kaniyang ama at muli siyang hinarap. Hinawakan din nito ang kaniyang mga kamay, at sa masuyong tinig ay,
"You are our only daughter, Demani, and we want the best for you. We want you to be happy with your choice, but we also want you to be one hundred percent certain of that. Gusto lang namin ng mama mo na wala kang pagsisisihan sa huli." Ngumiti ito na lihim niyang ikina-hinga nang malalim. "Pero kung nakapagpasiya ka na, at siguradong ito talaga ang nais mo ay susuportahan ka namin. Your happiness is ours, too. So yes, we are giving you our blessing. Tell Van to meet us—we have a lot of things to discuss."
"Oh!" Napa-angat siya sa upuan at napayakap sa ama. "Thank you, Daddy!"
She was so happy she almost cried. Her life would soon be complete—with Van permanently being part of it.
_____________________________
"DALAWANG buwan pa lang kayong magkasintahan pero magpapakasal na kaagad? May lakad ba kayo at nagmamadali kayo? O may mamatay ba at ura-urada kayo?" manghang sabi ni Mau nang makipag-kita siya sa mga ito nang gabi ring iyon sa isang sikat na coffee shop. Hindi siya makapaghintay na sabihin sa mga pinsan ang tungkol sa proposal ni Van at sa pagpayag ng kaniyang mga magulang.
"Hindi ka naman siguro buntis, ano?" tanong naman ni Coreen, nasa mukha ang pagdududa.
Hindi niya napigilang matawa—she was so happy she couldn't stop smiling and laughing. "Parang mga ano 'to. Hindi 'no! I am going to be a virgin bride, kaya kumalma kayo."
Sabay na napangiwi ang dalawa.
"Virgin bride," ani Coreen sabay ikot ng mga mata. "Hindi kaya maging problema pa ni Van 'yang kawalan mo ng karanasan sa sex?"
Napahagikhik si Maureen sa sinabi ng kambal na ikina-iling lang niya. "You should start watching porn videos now, Demani, nang sagayon ay may alam ka naman kahit kaunti sa pagpapaligaya sa lalaki."
Tumawa rin si Coreen sa sinabi ng kakambal. "That's right, considering the kind of man you are marrying. Aba, siguradong pinaliligiran 'yang si Van ng mga babaeng handang ibigay ang pangangailangan niya sa oras na makulangan siya sa'yo—kailangan mong galingan, cuz, at kailangan mong matuto. That way, you won't lose your husband."
"God! Ang lalaswa ng mga utak niyo! Magsi-tigil nga kayo!" suway niya sa mga ito, pero ang ngiti sa kaniyang mga labi'y nanatiling nakapaskil.
Siniko ni Mau si Cori. "Ano'ng malay natin, baka si Van na lang magturo sa kaniya?"
"At kung gagalingan ni Van ay baka matuto kaagad itong si Cuz," sagot naman ni Cori. Sabay na naghagikhikan ang mga ito.
Natawa siya sabay iling. "Alam niyo, kayong dalawa, parang mga timang."
"Ikaw din naman, ah?" si Cori na tatawa-tawa pa rin. "Kanina ka pa nakangiti riyan na parang timang."
Humahagikhik na nagsalita rin si Mau. "Hayaan na nga natin 'yang si Demani. We both have been on her shoes, pareho rin tayong kinilig noong nagpropose sa atin ang mga esposo natin." Dumukwang ito sa mesa at sa nananabik na tinig ay, "So, tell us. How did he propose? And why did he do it?"
Ang lakas ng tawa ni Coreen sa huling sinabi ng kakambal nito.
Pinagti-tripan talaga siya ng mga ito, akala yata ay mapipikon siya. Palibhasa kasi, parehong expert na ang mga ito pagdating sa ganoong bagay bago nagpakasal sa mga nobyo, kaya ganoon na lang kung pagdiskitsahan siya.
Oh, her cousins weren't promiscuous, yet neither saints. They had their own shares of love stories and failed relationships before they met their husbands. They were in modern times; premarital sex was no longer a taboo. In her case, ni minsan ay hindi siya niyaya ni Van na gawin ang bagay na iyon. If he did, she would be willing to jump in his bed without second thoughts. Pero sa loob ng dalawang buwang magkasintahan sila ay hanggang halik lang sila.
Oh, of course, there were times she felt like he was losing control, lalo kapag nasa sasakyan sila o sa madilim na parking lot. But Van was a gentleman, at nire-respeto nito ang kaniyang mga magulang.
"O, 'ta mo 'to. Hindi na sinagot ang tanong ko," pukaw ni Mau sa kaniya.
Dinala muna niya sa bibig ang tasa ng capuccino, humigop, muli iyong ibinaba bago sumagot. "He did it while we were on a dinner date. It came out of nowhere, hindi ko rin inasahan. I was so happy I cried." Nakangiti niyang niyuko ang tasa ng kape at pinaglandas ang hintuturo sa rim niyon. "It felt so magical, para akong prinsesa sa isang Disney movie na nakatuluyan ang Prince Charming at nakahanda nang salubungin ang Happily Ever After."
"Ugh, there is no such thing, Demani, darling," ani Coreen na muling umikot ang mga mata. "Lahat ng mag-asawa ay dumaraan sa mga pagsubok. Hindi araw-araw ay may bahaghari sa buhay may-asawa, ano. That happily ever after doesn't exist."
"Kuuu," si Mau na sinabayan pa ng siko ang kapatid. "Hindi lahat ng relasyon ay katulad ng sa inyo ng asawa mo, ano."
Napanguso lang si Coreen, habang si Mau nama'y muli siyang binalingan. "While I agree with Cori about challenges in marriage, I also believe na may kani-kaniyang depenisyon ang bawat mag-asawa when it comes to happily ever after. Jimmy and I have challenges in our marriage, too, pero nalalampasan namin dahil pareho naming mahal ang isa't isa at ayaw naming bumitiw sa relasyon namin. At kapag nalampasan na namin ang pagsubok na iyon ay lalo kaming tumatatag—lalo naming natututunan ang salitang respeto, at lalo naming minamahal ang isa't isa. And that... is our definition of the phrase happily ever after. Do not be afraid to create your own, Demani." Ginagap ni Mau ang kaniyang kamay saka banayad iyong pinisil. "I am happy for you and Van."
"Thank you, Mau..."
Si Cori ay nakangiti namang nangalumbaba sa mesa at pinagmasdan ang diamond ring na nasa ring finger niya. "Oh... I wish ganiyan ka-laking bato rin ang nasa engagement ring ko noon—disin sana'y naisanla ko ngayon at nagkapera pa ako."
Natawa na lang silang dalawa ni Mau sa sinabi nito. Coreen was always problematic with money and complained a lot about her husband. Puro reklamo kapag sila ang kaharap pero parang santa kapag kaharap ang asawa.
Buti na lang at hindi katulad ng asawa ni Coreen ang kaniyang Van.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro