63
Ada
"O ano? Manonood pa ba?" Kuya Science stood up, looking at the newcomers. Ang mga bagong dating ay tahimik na bumabati sa amin, apat sila, nakikipag-fist bump sa mga lalaking pinsan ni Ajira. It's only 10 AM, parang ang aga pa para maglaro? Sabi kasi ni Ajira baka mga hapon pa kaya may oras pa para mag movie marathon.
"Maglalaro na kayo? After lunch na!"
Lumingon ako kay Nadia na nakanguso at walang pakialam sa kanila dahil busy siya sa nilalaro n'yang crossword app.
Ajira looked at us and pointed someone among the four guys na mukhang basketball varsity players. I recognized who she's pointing at. I know Marku Viodera, he's been playing since grade school, naging kaklase ko rin siya noong fifth grade kami.
Crush ni Aji si Marku? Napanguso ako at mabilis na bumulong kay Nadia.
"Si Marku yata ang crush ni Ajira . . ."
Nadia stopped playing to look at him and slightly tilted her head.
"Bagay sila." Nakangisi niyang sabi before returning her attention to the game. I giggled softly and nodded.
Habang tumatango-tango ay napadpad ang tingin ko kay Mad. Nahuli ko ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin. Wait, nakatingin ba talaga siya kanina? Sa akin?
Ano? WAIT, ang assuming?! Bakit naman 'yan titingin 'di ba? Baka nagkataon lang na napadpad ang mata niya sa gawi namin ni Nadia.
Iiwas ko na sana ang tingin ko, kasi bakit ko naman titignan si Mad nang matagal? . . . But he looked back at me and mouthed something I was able to understand agad.
"Okay ka lang?"
My mouth parted slightly but I realized how weird it would be kung tititig lang ako sa kanya habang nakaawang ang labi ko. I pressed my lips tight and nodded before looking away.
Ang weird.
"Wala pa si Kieran? Si Kai rin?"
Kuya Science asked out loud. Kieran? 'Yung swimmer na na-lock sa swimming pool area?
I pouted. Ang awkward pala pag nagkita kami. Hindi ko kasi siya na-reply-an. Hindi ko alam ang i-re-reply sa kanya. Mukha naman talaga siyang friendly, natatakot lang ako minsan, baka hindi ko masabayan ang pagiging friendly ng ibang tao.
Ajira and her cousins are actually popular inside the school. Active kasi silang lahat sa mga extra curricular activities. Ajira, Mad and their other cousin, Eren, who is sitting very silent beside Nadia right now are all grade ten students. Si kuya Science naman ay grade eleven na, ang alam ko ay ABM student siya pero maraming kaibigan sa junior high.
But both Nadia and I are not close with the Go cousins. Si Ajira lang talaga ang palagi naming nakakasalamuha. They're very intimidating. Very out of your league ang dating. Ah, especially ate Barbara!
College na siya ngayon kaya madalang na sa building namin. Isa siya sa mga rason kung bakit ang first impression ko sa mga Go ay masungit.
Noong naging close lang kami ni Ajira noong grade 7 ko na-realize na approachable naman sila.
"Usod ka nga kaunti, Ren. Nakasingit si Mad dito, ang luwag naman sa couch n'yo!" Kai Tomagan called out.
Kakarating niya lang, saktong pag-play ng movie na napili ni Eren, isang dystopian movie kung saan isa sa mga bida si Timothee Chalamet.
"Tss."
I caught Mad rolling his eyes, napangiti ako nang kaunti ngunit agad ko rin itong inalis sa mukha nang pumatak ang tingin niya sa akin. Na-realize niya yatang nahuli ko siyang umiirap kaya napanguso siya bago umupo sa tabi ni Eren. Sa couch na inuupuan namin ni Nadia.
Ang cute.
Bagay sa kanya ang gupit niya. Napansin ko noong mga nakaraang araw na humahaba na ang buhok niya but it's now shorter compared noong huli naming kita pero ang harap ng buhok niya ay bagsak. Mukhang bangs.
I kept myself from letting out a smile and focused my attention on the movie.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang huminto ito at mag-buffer. Halos isang minuto nang umiikot ang bilog sa gitna ng TV.
"Walang WIFI!"
Nadia chuckled when Ajira started asking us to turn off our WIFI sa phones, sumunod naman kami pero hindi pa rin talaga ito natitigil sa pag-loading.
"Patugtog ka muna, Mad." Tomagan muttered.
Habang nagrereklamo si Ajira sa hangin, Mad confidently took out his phone and played something to lift up the annoying mood we all have, nasa climax na kasi ng movie!
Napatigil ako when it started playing. Hala, ang galing. Parang hina-hum ko lang kasi kanina 'yan. Sinuggest ko rin kay anon nitong umaga lang.
Nakikinig pala siya kay Taylor?
"Anong kanta 'yan, Mad?"
"Message In A Bottle, Taylor Swift."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro