Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 8

[Kabanata 8]


Timothy's POV

I am Timothy Casquejo. I just turned 20 on last September 1 and a UP student taking Bachelor of Fine Arts and at the same time kumuha rin ako ng Business Management course. Art is my life. Since childhood ko, I am fond of making drawings and paintings and even music which had made me to become popular until now.

I actually grew up in Manila. My mother was a half- blooded chinese (Tsinay) while my father was a Filipino. But my dad has also a spanish blood kaya siguro napagkakamalan akong anak ng isang espanyol which is true naman beacause of my dad's ancestors. My mother has a great business in Binondo kaya lang the time came when she left us because of her severe condition. Our business bugged down at lahat ng aming ari-arian ay ibinenta na namin para makapagsimula kami ulit ni dad. With the help of my uncle, Tito Herbert, he helped our small business na ipapatatayo pala sa lalawigan ng Iloilo. Siyempre we our greatful to him at agad naman kaming pumunta sa Iloilo when I was sixteen at magco-college na rin.

Mabait si Tito Herbert. Vice mayor pa lang siya sa lalawigan ng Iloilo but he contributed a lot alongside with the mayor. Our business was just a small one, located sa isang lote na binili ng aking tito para sa amin. Acatually we just came up a food business literally yung mga chinese foods and dishes na laging niluluto ni mom when we just had our business longtime ago sa Binondo. Mabuti lang din dahil lumago agad ang aming negosyo within that year.

I am a scholar in UP. After I finished high school and just passed UPCAT, I'm so glad kasi I am now entering my dream school na lagi kong pinapangarap nung bata pa ako. Mabuti lang din dahil nakapasok ako sa mga slots na pinili kong course which is Fine Arts. Art is my passion. When I was a child, my mom taught me how to draw, paint, and making stuffs like origami which was simple to build but very exciting. Lagi ko itong ginagawa kapag bored na ako o di kaya'y pampalipas ko lang ng oras.

Aside sa magaling magluto si mom, magaling din itong gumuhit ng mga iba't ibang sketches na siyang nagpahanga sa akin at tuluyan na ring napamahal sa mga ganitong gawain ng sining. During my elementary days in Manila, I remember when I won my first masterpiece despite my age gap to others. Yung iba ko kasing mga kalahok ay mga Grade 5 at Grade 6 na samantalang ako ay nasa Grade 3 pa lamang. Medyo wala pa ako nung confident pero mabuti na lang dahil nandiyan si mom na sumusuporta sa akin.

"Timothy, remember this. Don't doubt what you can do. Just give always your best shot and be confident." sabi niya sa akin habang nakatingin ito sa aking mga mata.

"I don't know If I can do this mom. I'm afraid that I'll disappoint you." I said to her na parang iiyak na ako sa mga oras na 'yun.

"Timothy, listen. Don't say like that, huh? You have that kind of potential which others don't have. You have to show it, share your talents with others. Win or lose, always remember that I am so very proud of you. We, your dad is very proud of you..." sabi ni mom at agad niya akong hinalikan sa noo. Mukhang nabuhayan ako ng loob sa mga oras na 'yun and I'll promise to give my best shot na laging sinasabi ni mom sa akin.

And on that day, lagi kong sinasabi sa aking sarili na lagi kong ibibgay ang lahat ng aking makakaya sa larangan ng aking pangarap. But seven years later when I was in Fourth year High School, gumuho ang aming mundo ni dad ng malamang namatay na si mom dahil sa sakit na pancreatic cancer. Malala na ang kaniyang sakit at hindi na ito naagapan pa. Ito na siguro ang pinakamalungkot kong araw dahil nawala ang isa sa mga importanteng tao sa aking buhay. But before na buhay pa si mom, nakaratay lang siya sa kaniyang kama sa ospital at agad niya akong sinensiyahan na puntahan sa kaniyang tabi. Kahit na hirap na hirap na siya sa kaniyang kalagayan, she still manage to smile sa aking harapan.

"Timothy, listen to me." panimula niya. Lumapit naman ako sa kaniya at napaupo sa kaniyang tabi.

"Before I leave this place, please promise me to be happy." mukhang may tumulo na naman sa aking mga mata sa mga oras na 'yun.

"Please find someone who makes you happy. Find someone that looks at you for who you are, for what you are and above all, appreciates of what you've done. Rare things will come dear, so I'll tell you to treasure it, cherish it, and love it. People will come and go anyway, but If that person stays by your side, never let her go." sabi niya sa akin nang makita ko ring tumutulo na rin ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.

"Please......be brave enough...Never leave us mom..." I told her. I just grab her hand and hold it tightly na para bang ayaw ko nang bumitaw sa kaniya..

Ngunit nabigo ako nang malamang tuluyan na kaming iniwan ni mom. Nagdadalamhati naman si dad at hindi na alam kung ano na ang kaniyang gagawin. Kahit ako rin hindi ko alam kung anu ang aking gagawin sa mga oras na 'yun.

Six months later at katatapos na din ng high school sa isang catholic school sa Quezon City, tuluyan na kaming umalis ni dad ng Manila kasama si tito Herbert. Tatlo silang magkakapatid ni dad. Panganay si tito Ferdinand na isang pari, pangalawa naman si tito Herbert na isang vice mayor ng Iloilo, at pangatlo naman si dad na isang entrepreneur katulad ni mom. May dugong Ilonggo ang aming pamilya kasi ang aking lolo ay tubong Iloilo while ang aming lola ay taga-Manila. Ang aking lolo ay may lahing espanyol na siya ring namana ng aking dad at namana ko naman sa kaniya. Ngunit, hindi sila magkasamang lumaking magkakapatid ni dad dahil ang aking lolo ay naiwan sa Iloilo kasama si tito Herbert samantala ang aking lola ay nandun sa Manila kasama sina Tito Ferdinand at si dad. Hindi naman maiwan ni lolo ang kanilang hacienda sa Iloilo kaya't hindi na siya sumama papuntang Manila.

Wala na kaming natitirang gamit sa aming inuupahang unit sa Quezon dahil nga ibinenta na namin. Kahit labag sa loob namin ni dad, kailangan namin gawin 'yun.

"Mukhang last day na natin dito, Timothy..." sabi ni dad sa aking tabi.

Napatango naman ako sa kaniya. Marami na rin kaming masasayang memories dito kasama si mom. Mukhang maiiyak na ako pero pinipigilan ko lang tumulo ang aking mga luha. Napatingin naman ako kina dad at tito Herbert.

"Aalis na tayo Gino, Timothy...." ani ni tito Herbert sa amin.

"Sige na, Timothy. Kunin mo na ang ating mga maleta at umalis na tayo...baka mahuli pa tayo sa flight." sabi na lang ni dad sa akin habang tinapik ang aking balikat.

Agad naman kong kinuha ang aming mga maleta at tuluyan nang umalis sa aming unit. Mahirap isipin na sa isang iglap ay maaring maglaho na parang bula ang mga bagay na ayaw mong iwanan. Pero wala tayong magagawa.


**********

Two years later, I'm already 18 at isa na akong second year fine art student ng UP sa lalawigan ng Iloilo. My father was very proud of me at alam ko 'yun. Siya na rin ang nag-mamanage ng aming food business sa siyudad at kung may time pa ako, tumutulong naman ako sa kaniya. Nakikitira lang naman kami sa mansion ng aking tito Herbert sa Oton at talagang malaking utang na loob namin sa kaniya 'yun.

Habang ako'y namamasyal sa isang mall galing school, napadaan ako sa isang music store kung saan nakikita ko ang isang napa-engrandeng piano na nakadisplay sa loob. Mukhang nabuhayan ang aking music talent nang makita 'yun. Matagal na kasi ako hindi nagpapatugtog ng piano nang simulang nawala si mom sa amin. Si mom din ang nagturo sa akin kung paano pinapatugtog ang piano. Isa kasi siyang mahusay na pianist ng kanilang kabataan noon.

"May piano naman tayo sa bahay ba't hindi mo subukang magpatugtog 'nun?" sabi ng isang lalaki sa aking likuran.

Nagulat na lang ako nang masilayan ang mukha ni kuya Matthew. Si kuya Matthew ay isang med student. Malapit na siyang gagraduate at maging isang ganap na doktor. Seven years lang naman ang aming age gap at parang kuya na rin ang turing ko sa kaniya. May bitbit itong mga libro at laptop at mukhang busy sa kaniyang thesis. Matalino talaga si kuya Matthew at aside from that mukhang may makukuha siyang latin honor pagkagraduate niya. Iniwasan ko na lang ang kaniyang tanong at agad umalis din sa aming kinatatayuan. Sinundan niya naman ako.

"Timothy!" tawag niya. Napalingon naman ako sa kaniya.

"What?"

"Wala namang problema kung magpatugtog ka 'nun. Besides, wala namang taong nagpapatugtog ng aming piano." sabi niya sa akin.

"Ayaw ko lang gawin 'yun. And I don't want to do it again...." sabi ko sa kaniya at tsaka iniwan siya sa kaniyang kinatatayuan.

When I remember mom, lagi na lang sumasakit ang aking puso. Masakit pa rin sa aking dibdib ang pangyayaring nawala na siya sa aming piling ni dad. Years had already past but still her presence was always here in my heart. Kaya everytime na makikita ako ng piano, naaalala ko si mom. Naaalala ko kung paano niya kami iniwan ni dad. Kaya masakit isipin na kahit gusto kong magpatugtog ng piano, hindi ko rin maiiwasang masaktan habang inaalala ang memories namin ni mom. Kaya I told myself na huwag na akong magpapatugtog ng piano ever dahil masasaktan lang ako.

When I arrived at home, nakita kong dali-daling lumapit si tito Herbert sa akin at tsaka tinapik ang dalawa niyang kamay sa aking balikat. Magkaharap na kami ngayon. Hindi ko alam pero parang may hindi magandang ibabalita si tito sa akin. Napalunok na lang ako sa kaba.

"Timothy....." he started.

"..your dad.." bumilog ang aking mga mata nang banggitin niya si dad.

".....your dad has been confine to the hospital kanina lang. Inatake sa puso ang iyong dad at mukhang malala na ang kalagayan niya, Timothy...." sabi niya sa akin na malungkot.

Hindi naman makatingin si tito Herbert sa aking mga mata nang diretso. Mukhang binuhusan ako ng malamig na yelo sa mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Nung una si mom, ngayon naman si dad. Hindi ko hahayaang may mawawala pa sa aking minamahal.

Agad naman akong pumunta sa ospital kung saan na-confine si dad and it's too late for me to see him alive. Nang makarating ako sa kung saan siya, huli na ang lahat......

..wala na si dad....Hindi ito maari!!....

Agad naman akong umiyak at umupo sa isang upuan kung saan nakikita kong wala ng buhay si dad. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin ito. Ba't biglang namatay lang si dad? Wala naman akong napapansing masama sa kaniya. Nang bumukas na ang pintuan galing sa room kung saan si dad, lumabas ang isang doktor at agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Please tell me that my dad was not dead!!" pagtatangis ko naman sa harapan ng doktor. Napatahimik naman ang doktor at malungkot siyang humarap sa akin.

"You're dad has a condition called myocardial infarction. Unti-unting nawawala ang supply ng dugo sa kaniyang puso resulting of coronary occlusion o ang pagbabara sa kaniyang ugat sa puso especially sa kaniyang coronary artery." pag-eexplain naman ng doktor sa akin. Wala naman akong pake sa mga sinasabi niya. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit na lang nawala si dad? Bakit siya nawala nang bigla? Bakit wala siyang sinasabi na may sakit pala siya? Mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana. I feel so betrayed.

Months had gone. Mukhang wala na akong gana sa buhay. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na 'yun. Wala na si mom, wala na rin si dad. But my uncle stayed up with me together with kuya Matthew. Mabuti na lang dahil nandiyan pa rin sila sa aking tabi. Mga ilang araw at gabi rin akong tulala sa kuwarto. Hindi rin ako kumakain o kumibo man lang.

Mga ilang weeks din na ako'y palaging umiiyak at hindi na rin akong pumapasok sa school. Sobrang lungkot ko 'nun na para bang isinumpa na ako ng langit. But then, there was a day na lumapit sa akin si tito Herbert. Hindi naman ako kumibo sa kaniya. I want to be alone. Pero hindi siya umalis. Tumabi siya sa aking gilid at agad namang kinausap ako.

"Timothy, please listen to me....." panimula niya. Pero hindi pa rin ako kumibo sa kaniya.

"I know it's hard for you to accept but please, don't make your life miserable. Feel mo magiging masaya ang parents mo if they know that you were acting like that?" sabi niya sa akin. Agad ko naman siyang tiningnan nang masama at tumayo galing sa aking pagkakaupo.

"You don't have any idea kung anu ang nararamdaman ko ngayon, tito. My heart was covered with stone right now and it is too heavy to stand up. It aches everytime, tito. Everytime I remember my mom and dad. Everytime I remember that they'd left me for no reason...."

Nagsimula na naman akong umiyak sa mga oras na 'yun. Lumapit bigla si tito Herbert sa akin at agad naman niya akong niyakap. Hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula sa umpisa. Hindi ko alam kung paano ako ulit makakabangon na ngayo'y wala na ang dalawang pinakamamahal ko sa aking buhay.

"Timothy, alam kong mahirap tanggapin ang mga nangyayari sa'yong buhay pero lagi mong tatandaan na nandito lang kami ni Matthew sa 'yong tabi. Hindi ka nag-iisa sa 'yung laban, hijo. Together, we fight and live and at the same time sama-sama nating haharapin ang mga problemang darating sa atin. Pamilya tayo, diba?" sabi na lang ni tito Herbert sa akin.

Pinunasan ko naman ang aking mga luha at mukhang gumaan ang aking pakiramdan nang sinabi niya 'yun. Tama si tito Herbert. Hindi lang ako nag-iisa. Kahit kailan hindi nila pinaramdamsa akin na ibang tao ako at nararamdaman ko naman na espesyal kami ni dad sa kanilang tirahan.

"Pull yourself together, Timothy. Kailangan mong bumangon para sa iyong sarili, para sa amin, at para sa iyong mga magulang. Lagi mong tatandaan ang mga bilin ng iyong mom and dad. Make yourself happy para maging happy din ang mga parents mo kung saan ka man ngayon." sabi niya sa akin. Nang sinabi niya 'yun, I remember when mom told me before she left us.

"Before I leave this place, please promise me to be happy......"

Iyan ang linyang dapat kong tuparin sa aking sarili. Kailangan kong bumangon, kailangan kong mag-umpisa at kailangan kong tuparin ang aking mga pangarap para sa aking mga magulang. Anywhere, somewhere, and to the future I'll promise to be happy, mom. I hope you are proud of me.


**********

Dalawang taon din ang nakakalipas, mukhang marami na akong na-aachieve at nagawa sa buhay. After kasi namatay si dad two years ago, ako na ang nagma-manage ng aming food business at ito rin ang nag-udyok sa akin na kumuha ng business management course sa UP kung saan din ako nag-aaral ng Fine Arts. Wala naman problema sa akin kahit pagsabayin ko ang dalawa basta wala lang conflict sa aking mga schedules. Kailangan ko kasing palawakin ang aking kaalaman sa larangan ng business na ngayon ay ako na ang nagma-manage nito.

Nagiging busy na rin ako at wala ring time kina tito Herbert at kuya Matthew. Kahit si Kuya Matthew ay nagiging busy na rin sa kaniyang 24 to 48 hours duty sa kaniyang pinasukang ospital. Minsan nga hindi na siya nakakauwi at nag-oovertime din siya dahil sa napakaraming pasyente na binibigyan niya ng serbisyo. Nakakakain ba siya 'dun?

Marami na ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon at hindi ko inaasahang darating ang ganitong oportunidad sa aking buhay. Nung nasa third year college na kasi ako, may isa akong kaibigan na anak din ng isang businessman na nag-alok sa akin na kung pwede raw akong sumali sa kanilang acoustic band. Hindi ko alam kung bakit niya alam na kumakanta ako dahil sa simbahan ko lang naman ginagamit ang aking talento sa pagkanta. Isa kasi ako sa mga church choir ng Jaro Cathedral Church. Isinali kasi ako ni dad dati at tama rin na si kuya Matthew ay isang reader. Every Sunday kami nag-sisimba na kompleto at always present naman kami ni kuya Matthew kaya parang kilalang-kilala na kami ng mga parish priests 'dun.

I agreed na sumali ako sa isang acoustic band at binigay sa akin ang posisyon ng isang main vocalist. Masaya naman ako dahil nakasama ako sa kanila at pinangalang Rose Angels ang aming band. Hindi ko naman inaasahang magiging sikat ang aming band in just a year. Nung una, nagja-jamming lang kami sa mga restobars, minsan sa mga streets din kasi for free lang naman. Pero ngayon, ini-invite na kaming magperform sa mga sikat na restaurants, minsan sa mga wedddings, at minsan sa mga malls. Marami na rin kaming mga supporters at may fandom na rin.

Isang araw, may isang couple na nag-invite sa amin na magperform sa kanilang garden wedding. Of course, we are all delighted and thanked them for choosing us na magperform on their special day. Sunday 'nung araw at talagang pinaghandaan namin ang araw na 'yun. We just wear an American suit na kulay pink at white para naman makisabay din kami sa kanilang wedding color theme. Marami silang mga bisita at iba naman ay ang mga kanilang kaibigang foreigners na galing states. Mayayaman ang mga taong dumalo at mukhang malaki ang kanilang expectations sa magiging wedding event ng mag-couple. And of course as a performer, I won't let them down.

And the time finally came and we just signalled na magperforn sa harapan ng madla. We prepare ourselves and made my introduction first before we are going to showcase our talents.

"Good morning everyone. We're the Rose Angels and we're gonna sing, "Best in Me" by Blue as a gift for all of you and of course to this lovely newly wedded couples who celebrated their special day. I hope you'll like it..." I said and started to pluck my guitar. Everyone stared at us and started to hear our song.

Everyone applauded us after we finished our production number and congratulated us at the same time. The couple was so happy to see us and thanked for our wonderful performance on that. Mukhang na-flatter naman kami 'dun. Marami pa akong kinanta katulad ng mga songs ng Westlife, A1, Backstreet boys, at iba pa during the wedding reception at talagang makikita mong nag-eenjoy ang madla sa amin.

Masaya sa feeling na makikita mong masaya ang mga taong nanonood at nakikisabay sa aming awitin. Magaalas-tres na ng hapon ng matapos ang aming jamming sa wedding event na 'yun at mukhang kailangan na naming umalis. Inayos na namin ang aming mga instrumento at tsaka nilagay ang mga iyun sa aming sasakyan. Nagpaalam na rin ako sa newly wedded couple at tuluyan na akong umalis sa kanila. But before I left that place, biglang may babae na humarang sa aking harapan. She just gave me a plain expression at nakatingin lang ito ng diretso sa aking mga mata.

"Tulungan mo ako." sabi niya sa akin. Hindi ko naman alam kung anu ang aking gagawin sa mga oras na 'yun. Anu naman ang maitutulong ko sa kanya? Mukhang may kinuha siyang isang maliit na box galing sa kaniyang bulsa at iniabot ito sa akin. Kumunot naman ang aking noo at kinuha na lang ang maliit na box galing sa kaniya.

"Tutulungan mo ako 'di ba?" sabi naman niya sa aking harapan. Naguguluhan ako sa babaeng 'to. What's the connection ng pagbigay niya ng maliit na box na ito sa akin kung nagpapakiusap siyang tulungan? Payment ba ito?

Pagbukas ko sa maliit na box, nakita ko ang nagliliwanag na singsing sa loob. Napakaganda ng singsing na 'to. Ba't binigyan naman ako ng babae ng ganitong kamahal na singsing? Pagkaharap ko naman sa kaniya, laking gulat ko na lang dahil wala na 'dun ang babae.Hinanap ko naman ang babae sa aking paligid ngunit hindi ko na siya nakita. Nasaan naman ang babaeng 'yun. Ba't hindi ko man lang nararamdamang umalis siya sa aking harapan? Multo ba 'yun?

Hindi ko alam pero sa mga oras na 'yun para bang may nag-uudyok sa 'kin na suotin ang singsing na 'to. Sinuot ko na naman ang singsing sa aking daliri at nakita kong kumikinang sa kagandahan at karangyaan habang suot ko ito. Tuluyan na rin akong umalis sa lugar na iyon at agad na kaming sumakay ng kotse. I feel different at mukhang nahihilo na rin ako after I wore this ring. Anu bang nangyayari sa akin? Mukhang okay pa naman ako kanina. Pagdating ko ng bahay after an hour, lumundag ako sa aking kama dahil sa pagod at tuluyan na ring sinira ang aking mga mata. Talagang pagod na pagod ako on that day.

Pagbuklat ko naman ng aking mga mata, bigla naman akong nagulat sa aking nakita. Nakaratay ako ngayon sa isang malawak na kama at nakita ang isang babae na nakatitig sa akin. Nakaupo ito sa aking tabi, at mukhang masaya siya na makita ako. Sino ba 'tong babae? And she looks so familiar. Mukhang siya ang babae na nagbigay ng singsing sa akin.

"Timoteo! Sa wakas ay gising ka na rin!.." sabi niya sa akin habang pinipunas ang mga luhang tumutulo sa kaniyang pisngi. Kumunot na naman ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ako? Si Timoteo?

Tatayo na sana ako kaso lang mukhang may malalim akong sugat sa aking tagiliran kaya napa-aray na rin ako.Tiningnan ko naman ang babae sa aking tabi. "Nasaan ako? Bakit ako nandito?!" tanong ko sa kaniya. Mukhang nagulat siya sa aking sinabi.

"Hindi mo ba natatandaan ang mga pangyayari, Timoteo? Naaksidente ka. Mga ilang araw din na hindi ka gumising at talagang nag-aalala na kami sa'yo ni ama...."sabi niya. Hindi ko talaga alam ang mga nangyayari sa akin. Kanina lang ay nakatulog lang ako tapos pagkamuklat ng aking mga mata ay nandito na ako sa lugar na hindi ko man lang alam.

"Hindi mo ba ako nakikilala, Timoteo? Ako si Helena, ang iyong pinsan..." sabi niya sa akin. Napahilamos na lang ako ng mukha sa mga oras na 'yun at talagang nakaka-bad trip talaga ang mga nangyayari sa akin.


**********

Mga ilang gabi ring patuloy kong pinapaniginipan na nakapunta ako sa nakaraan and I'm still played the role of Timoteo Castellana hoping to find the clue kung bakit patuloy pa rin ako dinadala ng aking panaginip sa nakaraan. Napapansin ko rin na kapag nagising ako sa kasalukuyan, suot-suot ko ang singsing but when I go to sleep and just woke in the past, napapansin kong ang singsing ay nawawala. May koneksiyon ba ang singsing sa mga nangyayari sa akin? I tried to pull off this ring on my finger pero parang ayaw na niyang umalis sa aking daliri. I tried so many things para maalis ang singsing sa aking daliri, but I just failed.

Marami na akong kilala sa nakaraan including that my uncle was Don Hilario na isa pa lang gobernadorcillo sa bayan ng Sta. Rosita. May mga pinsan din akong nagngangalang Mateo at Helena. Si Mateo ay isang doktor samantalang si Helena naman ay isang housewife lamang. May asawa itong espanyol na isang hukbong heneral at may anak na rin sila.

Mukhang parehas kaming mahilig ni Timoteo sa pagpinta. Together with Mateo, pumunta kami sa sinasabi niyang La casa de los aprendizajes de Castellana at nagulat ako ng sinabi niyang ako lang ang maaring makapasok sa isang art room ng nasabing mansion. Siyempre sinasabi ko lang na may amnesia ako galing aksidente pero in the fact na talagang hindi naman ako si Timoteo. Kinuwento rin sa akin ni Mateo ang lahat kung paano nagsimula ang mansion na ito, kung bakit nabuo ang silid-aklatan, at kung bakit hindi puwedeng makapasok sinuman sa art room. Mabuti lang din dahil close na magpinsan sina Mateo at Timoteo.

Pero isang araw may isang magandang binibini na pumasok sa silid na 'yun. Hindi ko alam ang kaniyang pakay pero ng makita ko siya, mukhang huminto ang aking paligid sa mga oras na 'yun. Biglang tumibok ang aking puso nang masilayan ang maamo niyang mukha at nakikita ko ring namumula na parang rosas ang kaniyang pisngi. Ngumiti naman ako sa kaniya at ganun din siya sa akin.

Nagpakilala ako sa kaniya bilang si Timoteo Castellana at agad naman siyang nagpakilala sa akin, "Ako pala si Florentina Morcillo, ginoong Timoteo." sabi niya habang nakatitig ito sa akin.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya ng paulit-ulit hanggang sa natanaw ko na lang siya pababa ng hagdan at sa kahuli-hulihang oras ay nagkatinginan kami bago siya umalis ng mansion. Umpisa 'nun lagi ko na lang siya naiisip at nagbabasakaling makikita ko pa siya ulit. Nang pinuntahan ko si Mateo sa kaniyang klinika sa Sta. Rosita, nagulat ako dahil nakita ko naman siya ulit. Pero sa mga oras na 'yun mukhang may katunggali na ako sa puso ni Florentina. Pababa na sana kami ni Mateo ng hagdan papunta sa kanila pero nagulat lang kami ng biglang nahimatay si Florentina sa aming harapan.

Ngayon sa mga oras na 'to, kaming dalawa ay gulat na gulat na makita namin ang isa't isa. Nasa harapan kami ngayon ng malaking fountain kung saan pinalilibutan ng mga pulang rosas. Malayo kami sa pavilion kung saan matatagpuan ang salo-salo na inihanda ng aking tito Herbert. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na 'yun. Bigla ring tumibok ang aking puso ng masilayan siya muli. Napangiti naman ako ng makita kong namumula na naman ang mga pisngi nito. Hindi ko inaasahan na ang babaeng nagpapatibok ng aking puso sa aking panaginip ng nakaraan ay makikita ko ulit sa aking hinaharap. Talagang kamukha ni Florentina ang babaeng 'to kaso lang maikli ang buhok nito at medyo may katamtamang taas lamang. Kahit ano pa man ang pinagkaiba nila, sinisigurado kong si Florentina at ang babaeng ito ay iisa.

Lumapit ako sa kaniya nang kaunti at tinapik ang aking mga kamay sa kaniyang balikat. Bigla ko ring hinawakan ang kaniyang mga kamay at napansin kong may suot din siyang isang singsing na katulad ko. Mukhang tama ang aking naisip tungkol sa kaniya at mukha ring itinadhana nga kaming mapunta sa nakaraan. Napatingin naman siya sa akin at ganun din ako sa kaniya. Napalunok na lang ako sa kaba pero nananaig pa rin ang aking kasiyahan na makita siya ulit. Tiningnan ko ang mga mata niyang kumikislap na para bang naghihintay siya sa aking sasabihin.

"Ikaw ba talaga 'yan........" tanong ko sa kaniya.

"Binibining Florentina?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro