
KABANATA 7
[Kabanata 7]
Ang Kasalukuyan, 2017
Bumalikwas na ako mula sa aking pagkakahiga at tsaka himihingal nang walang dahilan. Medyo nahihilo pa rin ako sa mga oras na iyon at agad inayos ang magulo kong buhok. May laway pa pala sa aking bibig kaya agad ko iyon pinunasan ng aking kamay. Eeeew!
Hindi ko alam pero parang totoo na nasa panaginip ako. Sumasakit din ang buo kong katawan at parang naninikip din ang aking dibdib. Nang mapatingin ako sa aking kamay, nagulat na lang ako dahil suot ko na pala 'yung singsing sa aking daliri. Pero paano? Kung sabagay sa panaginip ko lang naman nawala ang singsing.
Pero ang mas ikinagulat ko ay may puting tela na nakabalot ngayon sa aking daliri. Dahan-dahan ko namang inalis ang puting tela na iyon at tsaka nakitang may sugat. Mukhang presko pa ang sugat dahil hindi pa ito nahihilom. Napanganga na lang ako sa mga nangyayari.
"Hoy, Doray! Bumangon ka na nga diyan! Hindi ka ba magsisimba?" nagulat na lang ako nang hinampas ni Geoff ang aking likuran. Mukhang namiss ko ang baklang 'to.
Napatingin na lang ako sa kaniya. "Anung araw ba ngayon?" tanong ko sa kaniya. Napataas naman ng kilay ang bakla at tsaka ipinakita ang screen ng kaniyang iphone.
"Gurl it's Sunday, you know. Kaya bumangon ka na diyan at maligo na pagkatapos ni Antoinette." sabi niya lang at agad akong inilayan ng bakla na tumayo. Mukhang nagulat ako nang sinabi niyang Sunday pa lang.
Sa mga oras na'yun, parang wala ako sa aking sarili dahil sa aking mga naiisip. Hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan kung bakit nagkaroon ako ng sugat galing sa aking panaginip. Medyo mahapdi pa nang kaunti ang maliit kong sugat at aksidente namang nahawakan ito ni Geoff. Bigla na naman akong nagpumiglas sa kanya. Aray!!
"What happened, Doray?! Teka, anung nangyari dito?" sabay dampot ni Geoff sa aking nasugatang daliri. Napatahimik ako sandali. Hindi ko alam kung paano ko ito mauumpisahan o anu man lang ang aking sasabihin. Baka pagtawanan niya lang ako pagsinabi ko sa kaniya na nagkasugat ako galing sa aking panaginip. Tinanong niya ako ulit pero hindi ko man lang sinagot ang kaniyang tanong.
"Oh my Gosh, Doray." sabi niya lang sa akin at agad niya akong binigyan ng band aid galing sa kaniyang drawer. Wow, ang sweet naman ng bakla.
"Maligo ka na gurl at tsaka lagyan mo na ng band aid ang iyong pretty finger, okiee???" payo niya sa akin at tamang-tama rin na lumabas na si Antoinette galing banyo.
"Sino na ang susunod na maliligo?" tanong niya sa amin.
"Si Flor na ang susunod na maliligo, gurl.." sabi ng bakla at agad naman ako napatango kay Antoinette. Bago ako pumasok ng banyo, bigla ko namang naisip ito at napatanong sa kanila.
"Guys, sino ang bumuhat sa akin kagabi?" tanong ko bigla.
"Ako, gurl. I don't have any idea why you were sleeping on that sahig. Baka talagang pagod na pagod ka kahapon kaya napatulog ka na lang diyan." sagot niya sa akin habang humihigop ng maninit na Milo sa kaniyang Hello Kitty themed na mug.
Napa isip na rin ako sa mga sandaling 'yun at agad nasilayan ang libro na nakapatong sa mesa na nasa aming dining area. Ang Historia de Iloilo! Agad ko namang pinuntahan 'yun at tsaka kinuha sa ibabaw ng mesa. Nakasara ito at agad ko namang ibinuklat at hinanap ang pahina kung saan ko nakita ang litrato ni Timoteo Castellana.
"Ito ba ang hinahanap mo, gurl?" pagbasag naman ni Geoff sa aking likuran habang hawak-hawak niya ngayon ang larawan na aking hinahanap. Lumaki agad ang aking mga mata nang makitang nasa kaniya pala ang larawan ni Timoteo.
"Don't worry gurl. Isasauli ko din 'to sayo noh. In fairness ha? Ang gwapings nito. Mas gwapo pa ito compare kay papa Shawn." sabi niya habang nakatitig sa larawan ni Timoteo. Mukhang pinagpiyestahan naman ng bakla ang larawan ni Timoteo. Hoy!!!
"Patingin nga Geoff.." agad naman inagaw ni Antoinette ang larawan sa bakla. Napatingin din si Antoinette sa larawan. "Uy, hearthrob ha. Pero mas gwapo pa rin si papa Shawn, ko noh?" sabi naman niya habang nakatingin sa bakla.
"Ko? Bakit anu mo ba si papa Shawn Mendes? Asawa mo?" pang-aasar naman ni Geoff kay Antoinette.
"Oo. Bakit?" sagot niya sa bakla. Mukhang mag-uumpisa na silang mag-asaran sa mga oras na 'yun.
Agad naman ibinigay ni Antoinette sa 'kin ang larawan at aakmang hahampasin si Geoff gamit ang kaniyang 1 litered lotion na hawak-hawak niya ngayon. Bumawi naman ang bakla nang hampasin si Antoinette gamit ang kaniyang malaking unan at tsaka naman natumba si Antoinette sa kaniyang kama.
Mukhang nagkasiyahan ang dalawa. Nang mapasaakin na muli ang larawan ni Timoteo, mukhang naramdaman ko muli ang matinding pintig ng aking puso at napangiti na lang. Hindi ko maalis sa aking isipan ang unang tagpo namin ni Timoteo. Ang makita siya ng personal at nasilayan ang mala-anghel niyang ngiti na nagpasingkit sa kaniyang mga mata at paglitaw ng dalawa niyang biloy sa pisngi. Mukhang nag-iinit na naman ang aking pisngi. Kailan ko uli siya makikita sa aking panaginip?
"Anu bang nangyayari sa kanila diyan?" tanong ni Marie na mukha ring tatawa sa mga pinang-gagawa ng kaniyang mga kaibigang baliw. Katatapos niya ring magbihis at tsaka nagsusuklay na ito ng kaniyang buhok.
"Ewan ko sa kanila. Sige, maliligo muna ako." sabi ko naman sa kaniya habang papasok na ng banyo.
**********
Mga alas-otso na nang umaga at narito na kami ngayon sa Jaro Cathedral Church. Tamang-tama rin ang aming dating dahil magsisimula na rin ang misa. First time din naming pumunta rito kaya excited na din kami. Medyo maraming tao na ang nasa loob at mukhang hindi na kami makakaupo sa mga upuan. Pero talagang pinagsisiksik namin ang aming mga sarili sa madla kaya nakapuwesto kami sa unahan para makita na rin namin ang sinasabi nilang magandang altar ng simbahan.
Talagang madaming tao sa loob at karamihan talaga sa mga nagsisimba ay ang magkakapamilya. Mukhang nami-miss ko rin ang aking pamilya sa Maynila. Naka-white sleeveless dress ako ngayon at tsaka nakasuot ng blazer na color blue. Malamig na din kasi ang simoy ng hangin sa labas.
Nang mag-umpisa na ang misa, agad naman akong napatingin sa gitna or aisle ng simbahan para makita ang grand entrance kung saan papasok na ang pari kasama ang kaniyang mga sakristan. Nagulat na lang ako bigla kung sinong tao ang kasama rin nila sa pagpasok ng simbahan. Si doc Matthew? Wait lang, isa siya sa magiging readers? Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil na rin sa pagkagulat.
Si doc Matthew ang nagbabasa ng first reading ng misa at talagang makikita mong bihasang-bihasa siya sa pagbabasa ng mga bible verses. Mabuti na rin dahil English ang ginamit na wika sa pagmisa ngayong araw.
Nung nasa kaligitnaan na nang misa, may napansin akong isang lalaki na nakasuot na casual clothing na white polo habang papasok ito papuntang pulpit o stand para kantahin ang responsorial psalm. Nang matanaw ko na siya sa kaniyang kinatatayuan, laking gulat ko na lang kung sino ang aking nakita. Hindi ito maaari. Baka naman namamalik-mata lang ako dahil sa kakaiisip din sa kaniya. Kamukhang-kamukha niya talaga si...
Timoteo...
Mula sa kaniyang tindig at tinataglay na kagwapuhan at pati na rin kung paano siya kumilos ay kuhang-kuha niya. Tinitigan ko siya ulit nang matagal pero talagang...
Siya nga...
Napanganga na lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko talaga alam kung anu ang aking iisipin sa mga oras na 'yun. Nang mag-umpisa na siyang kumanta, biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo nang marinig ang mala-anghel niyang boses na mas pinagaganda pa ng sabayan siya ng mga kasamahan niya sa choir malayo sa kaniyang gilid. Talagang pinabibilib ako ng lalaking 'to. Aside sa magaling siya sa pagpipinta ay may talent din siya sa pagkanta.
Nang matapos na ang misa ay agad naman naming pinuntahan si doc Matthew sa unahan kung saan may kasama siyang pari. Mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan. Nang matanaw kami ni doc Matthew sa kalayuan ay agad siyang napangiti at pinay-payan kami na puntahan siya. Pumunta naman kaming apat sa unahan at agad ding binati si doc Matthew kasama si father na masaya ring napatingin sa amin.
"Good morning po doc Mat at sa'yo rin father." bati naming apat. Napangiti naman silang dalawa sa aming harapan.
"Eto ba silang apat ang sinasabi mong taga-Maynila, Matthew?" tanong ng pari sa kaniyang tabi. Napatango naman agad si doc Matthew sa kaniya.
"Opo, tito. Mukhang hindi ka rin nag-iisa rito sa Iloilo.." sabay tawa habang nakatingin ito sa amin. Hindi ba ako nagkakamali sa pagdirinig?Tito ba sabi niya? Mukhang napatawa rin sila habang kaming apat ay patuloy na nakatingin sa kanila.
"Ako nga pala si Rev.Fr. Ferdinand Castellana. Ako rin ang tito ng inyong gwapong doctor na nasa inyong harapan ngayon." ang masayang pagpapakilala naman niya sa amin. Mukhang namumula naman sa hiya itong si doc Matthew. Hmmm, pa-humble naman.
"Katulad niyo ay hindi rin ako taga-rito at laking Maynila rin kaya lang naimbitahan lang ako ng arsobispo ng lalawigang ito na magdaos ng misa dito sa Jaro Cathedral Church. Mabuti lang din dahil may titirahan din ako pagdating ko dito." sabi niya sa amin.
"Basta ikaw tito, walang problema sa amin." ani ni doc Matthew. At sabay naman silang tatawa.
"Flor, Marie, Antoinette at Geoff. Sabay na kayo sa amin pumunta sa aming bahay. May handaan kami 'dun." sabi naman ni doc at agad naman kaming nagulat sa kaniyang alok.
"Sige na. Minsan lang naman 'to." pagpupumilit pa ni doc Matthew sa amin. Mukhang wala naman kaming choice kundi pumayag na lang at sumunod sa kanila. Baka anu na lang ang isisipin ni doc kung tatanggihan namin siya di ba?
Nang tuluyan na kaming makalabas ng simbahan ay agad nakasalubong namin ang isang malamig na ihip ng hangin sa aming mukha. Maganda ang sikat ng araw sa umaga at halos lahat ng tao nakasalubong namin ay may dalang maiinit na bibingka at puto na binili nila sa gilid ng simbahan. Ang iba naman ay bumibili ng mga iba't-ibang kulay ng kandila para ipagdasal ang kani-kanilang mga kahilingan. Mukhang gusto ko ring gawin 'yun.
"Teka, nasaan ba ang iyong pinsan na si Timothy?" tanong naman ni Fr. Ferdinand kay doc Matthew. Napatingin naman ako sa kanila nang banggitin ni father ang pangalang Timothy.
"Nauna na siyang umalis, tito. Pumunta pa siya sa isang dangwa para bumili ng mga bulaklak." sagot niya lang. Napatawa naman ang kaniyang tito.
"Mahiyaing bata talaga si Timothy. Pero hindi ko maitatangging isa siyang talentado at may pangarap sa buhay. Nabalitaan ko na nasa murang edad niya pa lang ay isa na siyang sikat na pintor sa inyong lalawigan. 'Di ba't sa UP siya nag-aaral, Matthew?" tanong niya.
"Opo, tito. Bachelor of Fine Arts ang kinuha niya and at the same kumuha rin siya ng Business Management." sagot naman ni doc Matthew sa kaniya. Mukhang nacu-curious talaga ako kung sino itong si Timothy. May kung anu namang bumabagabag sa aking nilalamunan at hindi ko maiintindihan kung bakit mayroon akong kakaibang nararamdaman sa mga oras na 'yun.
"Feel ko ang gwapo rin ng pinsan ni doc. Kung hindi ko makukuha si doc Mat, ang pinsan niya lang ang kukunin ko..." mahinang sabi ni Geoff sa amin at agad napatawa naman. Nagkatingininan naman kaming tatlo sa bakla.
"Huwag ka nang mangarap, gurl. Hindi naman kayo para sa isa' isa eh. 'Di ba sabi mo walang forever?" pang-aasar naman ni Antoinette kay Geoff. Agad namang siniko ng bakla ang tagiliran ni Antoinette at tsaka binelatan nito. Agad namang bumawi si Antoinette nang hampasin niya ng malakas ang malusog na braso ni Geoff gamit ang kaniyang payong. Napa-aray naman ang bakla at tsaka tatawa ulit. Mukhang hindi sila titigil. Nakakahiya kina doc at father.
"Uy! Magsitigil na nga kayong dalawa?" suway naman ni Marie sa kanila.
"Pagpasensiyahan niyo na po sila. Talagang gawain na nilang mang-asaran." sabi ko na lang kina doc Matthew at Fr. Ferdinand na mukha ring nasisiyahan sa pinanggagawa ng mga baliw kong kaibigan.
"Mga bata talaga...tayo na't humayo na tayo papunta sa ating pupuntahan." sabi naman ni Fr. Ferdinand sa amin at tsaka na lang ding tumigil ang dalawa.
"Saan ba tayo tutungo, doc?" tanong naman ni Marie sa aking tabi. Mukhang maagang na-stress si Marie kina Geoff at Antoinette na para bang nahulugan ng langit dahil sa mga pasaway na alaga. Tiningnan ko naman sina Antoinette at Geoff na nasa aming likuran na maaga ring napagod dahil sa kanilang pinanggagawa.
"Tutungo tayo sa aming tahanan sa Oton." ngiting sabi ni doc habang patungo na kami sa kaniyang kotse. Mukhang excited din kaming pumunta sa kanilang tahanan at higit sa lahat mukhang libre na rin ang aming maagang tanghalian. Let's Gooo!!!
**********
Mga ilang minuto rin ang biyahe namin papuntang Oton at narito na kami sa tapat ng malaking gate at may matataas itong mga fence gawa sa mga malalaking bato at marmol. Napamangha naman kami sa aming nasilayan.
May mga halaman din tulad ng baging o mga halamang gumagapang sa itaas at ang iba naman ay nasa gilid ng sinasabing gate. Binuksan naman ng mga guardia ang malaking pinto ng gate at agad na kaming pumasok. Bigtime na bigtime talaga si doc Matthew. Hindi ko talaga ma-imagine na ganito siya kayaman!
"Maayong aga, sir! (Magandang umaga, sir!)" bati naman ng isang guardia kay doc. Agad namang tumango si doc Matthew at tuluyan na kaming pumasok patungo sa kanilang tahanan. Maraming mga pine trees ang aming nadadaanan habang tinatahak namin ang isang malawak na konkretong daan. Nasa gilid lang ang mga ito na para bang mga royal guards na sinasalubong ang pagdating ng reyna.
Nang bumaba na kami mula sa sinasakyang kotse, bumungad sa amin ang isang mala-mansiong tahanan ni doc Matthew. Talagang napanganga kami sa aming nakita at napatulala na lang sa kagandahan nito.
"Oh, ehm geeee." hingal na sinabi ni Geoff na mukhang magwa-walling na naman sa tapat ng malaking pine tree na nakapuwesto sa tabi ng kotse ni doc. Mukhang naglalaway din ang bakla habang minamasdan ang malaking tahanan ni doc Matthew. Napangiwi naman ako sa kaniyang ginawa. Haha!
"Hoy, Geoff! Ang laway mo tumutulo na!" sigaw naman ni Antoinette kay Geoff na mukha ring tatawa sa mukha ng kaibigan.
"Gurl, ang boses mo ano ba? Baka marinig ka ni hubby ko." pabebeng sinabi naman ng bakla at tsaka tumingin ito kay doc Matthew.
"Oh, my gosh. Hubby? Eeeww. Talagang nakakahiya ka. Bago ka lumandi diyan, paki-erase naman ng laway mo sa 'yung dirty mouth." ani naman ni Antoinette na ngayon ay tumatawa na. Mukhang nakikitawa na rin ako sa mga oras na 'yun. Pupuntahan sana ni Geoff si Antoinette para maghiganti ngunit biglang nagsalita si doc Matthew sa aming unahan kasama si Fr. Ferdinand.
"Welcome sa aming tahanan." ngiti niya sa amin at sabay na rin kaming pumasok sa loob ng kanilang tahanan.
Nang pumasok na kami sa loob, talagang malawak at maganda ito. Pwede ko 'tong maihahalintulad sa mga nakikita kong mga mansion sa aking panaginip. May mga modern chandeliers na nakasabit sa kanilang kisame, may mga malalaking ceiling fan din, at may mga iba't ibang paintings din na naka-display sa kanilang malalapad na dingding. Hindi ko alam pero parang nakikita ko na ang mga paintings na 'to dati.
Agad naman akong lumapit sa isa sa mga paintings na naka-display at tinitigan ito. Mukhang isang abstact style ang pagpinta nito at medyo hindi ko rin maiintindihan ang ibig sabihin nito. Bigla na lang lumapit si doc Matthew sa aking likuran at tsaka tinapik ang aking balikat.
"Mahirap intindihin ang ganyang klaseng istilo ng pagpinta...." intro niya. Nagulat naman ako sa kaniya at tsaka napaharap na din.
"Kahit hindi mo alam ang eksplenasyon nito, naaangat pa rin ang kagandahan nito. Kung sa mga normal na tao katulad natin ay siguro mukhang walang halaga kung anu man ang ibig sabihin nito. Pero sa taong nagpinta nito, mukhang may malalim itong pinagdadaanan at iniaabot niya lamang ang kaniyang malalim na ideya sa madla." sabi niya sa aking tabi. Mukhang naguguluhan din ako sa kaniyang sinasabi. Anu raw?
"Sino po ba ang nagpinta nito, doc?" tanong ko na lang sa kaniya. Tumingin naman si doc Matthew sa aking mga mata.
"Ang aking pinsan."
Bumilog naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Baka si Timothy ang sinasabi niyang pinsan. Mukhang napataas ang aking kuryosidad na makita ang pagkatao ni Timothy.
"Mukhang nandito na kayo ng iyong tito, Matthew." pagbasag naman ng isang malalim na boses sa aming likuran. Nagulat naman akong napatingin sa kaniya at agad naman siyang tumingin sa akin. Sino naman ang taong ito?
"Mukhang may bisita ka rin dito, anak." dagdag niya pa. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. Anak? Ito ba ang ama ni doc Matthew?! Malaki ang pangangatawan nito. Maputi, mabalahibo ang kaniyang braso, at mapapansin kong may malaki itong tiyan. Nakasuot ito na barong tagalog na pinaparesan ng kaniyang mahahaling relo. Napayakap naman si doc Matthew sa kaniyang ama na nakangiti.
"Asan na ang iyong tito? Ba't hindi ko siya nakikita?" tanong niya habang imiikot ang kanyang mga mata sa paligid. Nagkatinginan naman kami ni doc sa mga oras na 'yun. Oo nga. Nasaan na ba sila?
"Herbert!" tawag ng isang boses na nasa aming likuran. Agad naman kaming napatingin at nakitang si Fr. Ferdinand na papunta sa amin. Napalinga-linga naman ako sa aking paligid. Naasan naman sina Antoinette, Geoff, at Marie?
"Naku, kuya Ferdinand! Mabuti at nakita na rin kita sa wakas." sabi naman ng ama ni doc Matthew. Nagyakapan naman ang magkakapatid na mukhang bago lang sila nagkita.
"Kamusta, Herbert? Mukhang narinig kong umuunlad na ang lalawigang 'to dahil sa iyong magagandang plataporma." sabi niya habang tinatapik ang likuran ng kaniyang kapatid.
"Tungkulin ko naman 'yun bilang isang responsableng mayor ng Iloilo.." sabi niya na may bahid ng kasiyahan. Mayor? Mayor ng siyudad na ito?
"Mukhang nagulat ka, Flor." siniko naman ako ni doc Matthew habang ako'y nakikinig sa pinag-usapan ng kaniyang ama'tiyo. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Mayor ang iyong ama, doc Matthew?" tanong ko sa kaniya gamit ang maliit kong boses. Napatango naman siya habang nakangiti. Whoah!
"Hija, ba't ka pa nandito? Nandun na ang iyong mga kaibigan sa hardin sa isang salo-salo." sabi naman ni Fr. Ferdinand sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi.
"Mabuti nakadalo kayo ngayon sa aming kaunting selebrasyon, hija. Sabayan mo na ang iyong mga kaibigan at susunod na lang kami." sabi naman ni Mayor Herbert at nakatingin naman agad kay doc Matthew sa aking tabi.
"Mat, sabayan mo na rin sila." Agad namang tumango si doc Matthew at nauna na kaming umalis sa loob ng kanilang tahanan papuntang hardin.
Ang sinasabing hardin ay matatagpuan lamang sa likod ng mansion. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kaganda at kalawak ang kanilang hardin. May mga iba't ibang klaseng bulaklak ang makikita sa paligid. May mga fountains din na umaandar sa gitna na siyang malaking atraksiyon sa lahat.
May nakita rin akong pavilion na nakatayo sa gitna ng hardin kung saan matatagpuan ang malaking salo-salo. Mukhang dumarami na rin ang mga bisitang dumadating. Nang makarating na kami sa salo-salo, hinanap ko agad ang aking mga kaibigan. Pero hindi ko sila nakita. Saan naman sila pumunta?
"Doc Matthew, kamusta? Nasaan pala si Mayor Herbert?" tanong ng isang lalake na mukhang isang opisyales.
"Nandun pa sa loob si Dad kausap ang tito kong pari galing Maynila. Lalabas din sila sooner." ngiting sagot ni doc Matthew sa kaniya at agad ring umalis ang lalaking 'yun sa aming harapan.
Tumingin agad si doc Matthew sa 'kin. "Nasaan na ang mga kaibigan mo, Flor?"
"Hindi ko rin po alam. Hahanapin ko muna sila, doc." sabi ko na lang sa kaniya at matiyagang sinuri ang aking paligid. Nasaan na kaya sila? Mukhang ako 'yung taya sa larong Hide and Seek.
Hinanap ko ang mga baliw kong kaibigan sa kung saan-saan. Tinungo ko ang water garden nila na matatagpuan lang naman sa gilid ng kanilang nagtataasang bakod pero wala sila doon. Tinungo ko naman ang kanilang rose garden na may kaunting layo sa water garden pero wala pa rin sila 'dun. Napakamot na lang ako ng ulo at tsaka tinawagan sila. Mukha ring hindi sila sumasagot sa mga tawag ko. Anu bang ginagawa nila?
Pinagpatuloy ko pa rin ang aking paghahanap hanggang sa malayo na 'ko sa pavilion. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, may napansin akong isang malaking fountain na nakatayo sa gitna ng isang malawak na taniman ng mga pulang rosas. Pinuntahan ko agad ang fountain na 'yun at talagang napamangha ako sa kakaibang istilo nito. Kakaibang-kakaiba ito sa mga ibang fountains na nakikita ko kanina. Gawa ito sa marmol at kumikislap na parang silver dust sa ilalim ng araw. Ang mga pulang rosas naman ay puro malulusog at magaganda habang pinalilibutan ang nasabing fountain.
May mga iba't –ibang kulay na paru-paro rin ang lumilipad sa paligid na siyang napamangha sa 'kin. Nang masilip ko kung anu ang nasa loob nito, nagulat na lang ako na puro barya ang aking nakikita. Wishing fountain pala ito! Mukhang nasiyahan ako sa aking natuklasan ngayong araw.
"Anong ginagawa mo rito?" pagbasag naman ng isang boses na nasa aking likuran. Nagulat naman ako bigla at parang narinig ko na dati ang ganyang boses. Hindi ko alam pero parang biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib sa mga oras na 'yun. Unti-unti akong napaharap sa kaniya at laking gulat ko na lang kung sino ang aking nakita. Mukhang nagulat din siya nang ako'y kaniyang nasilayan ulit.
Nagkatitigan kami nang matagal na para bang hindi makapaniwala na magkita ulit kami. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ang lalaking nakilala ko sa aking panaginip ng nakaraan ay makikita ko ulit sa aking hinaharap.
Lumapit siya sa akin nang kaunti at tinapik ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. Mukhang nag-iinit na naman ang aking mukha sa kaniyang ginawa. Bigla niya ring hinawakan ang aking mga kamay at napansin kong may suot din siyang singsing na katulad ko. Napatingin ako ulit sa kaniya. Hindi ko alam pero ang puso ko'y parang sasabog na sa saya na makita ko siya ulit.
"Ikaw ba talaga 'yan........" napalunok na lang ako nang marinig ko ulit ang kaniyang boses.
"Binibining Florentina?.........."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro