Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 5

[Kabanata 5]


Nandito na rin ako sa wakas sa loob ng pamamahay ng pamilyang Morcillo. Mula sa biyahe namin mula sa Maynila, nakarating kami nang maayos dito sa Panay. Talagang mapapamangha ka sa laki at magandang mansion ng pamilyang ito. May dalawang palapag ang mansion, may malawak na espasyo rin sa loob, at maaliwalas ang paligid.

Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid. Hindi ko maisip na ganito pala kayaman ang pamilya ni Florentina. Habang papasok na kami sa loob ng mansion, ang mga katulong ay kusang nagbigay galang sa aming pagdating. Halos lahat sila ay nakasuot ng puting kimona at patadyong. Ngumiti na lang ako sa kanila at ngumiti rin sila pabalik sa akin.

"Maligayang pagdating, Don Samuel!" bati naman ng isang matandang babae habang pababa ng hagdan galing sa ikalawang palapag ng mansion. Maganda ang mga ngiti nito at talagang nagagalak itong makita kami.

"Salamat, Nay Lucing. Masaya ako dahil nasa mabuting kalagayan ang aming pamamahay habang ako'y nasa Maynila pa." saad ni Don Samuel. Tinitigan ko ang matandang babae na ito na nasa aming harapan. Siguro'y nasa 60's na ito, mapuputi na ang kaniyang mga buhok at kulo-kulobot na rin ang kaniyang mukha. Bigla rin niya ako tinitigan at ngumiti. Napangiti na rin ako sa kaniya.

"Ito na ba ang anak mong si Florentina, Don Samuel?" tanong niya.

"Oo, Nay Lucing." sagot niya at napatingin naman si Don Samuel sa akin. "Florentina, siya si Nay Lucing. Siya ang mayor doma sa mansion na ito."

Agad naman akong nagbigay galang kay Nay Lucing. "Ikinagagalak kong makilala ka, Nay Lucing."

"Ako rin, hija. Masaya ako dahil sa wakas ay nakauwi ka na rin dito sa bayan ng Anillo." masaya niyang sinabi 'yun. Bigla na lang niya ako niyakap at hinimas ang aking ulo.

"Napakaganda mong dilag, hija. Kamukhang-kamukha mo talaga ang iyong ina. Talagang minana mo ang kaniyang kagandahan." napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Medyo na flutter ako dun. hehe

"Eh, paano naman ako, Nay Lucing?" pagbasag naman ni Henrietta dahil hindi siya napansin ng matanda. Agad naman napatingin si Nay Lucing sa kaniya at ngumiti dahil nakita naman niya ulit si Henrietta.

"Naku, bata ka. Andyan ka na pala." At napayakap naman ang dalawa sa isa't isa. Napangiti naman si Don Samuel sa kanila. At mukhang mabait naman si Nay Lucing.

"Ikaw, Henrietta. Kamukha mo naman ang iyong ama. Kaya sa oras na mag-aasawa ka, huwag na huwag mong kalilimutan ang iyong ama." bilin niya kay Henrietta. Napahalakhak naman si Don Samuel sa sinabi ni Nay Lucing. Bigla naman namula ang mga pisngi ni Henrietta. Sus, eh mukhang excited naman siyang makita ang kanyang mapapangasawa. Haha!

"O, siya. May inihanda akong agahan sa loob. Alam kong hindi pa kayo nakapag-almusal at tiyak ko ring napagod kayo sa inyong biyahe." sabi niya sa amin at agad naman kaming pumunta sa hapagkainan.

Matapos ang ilang oras ng aming kainan at kuwentuhan ay agad na akong nagtungo sa silid ni Florentina. Tinulungan ako ng isang katulong sa aking mga gamit at binuksan ang pinto ng isang silid sa ikalawang palapag.

Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa amin ang isang malawak at maaliwalas na silid. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang silid na ito kumpara sa Maynila. May isang malaking kama sa gilid ng silid at may malaking bookshelf din sa katabi ng kama. Mukhang bookworm din ito si Florentina.

May malaking chandelier din na nakasabit sa sentro ng silid na ito at may iilang bintana din na bukas na siyang dinadaanan ng mapreskong hangin sa loob.

"Senyorita, kung may kinahanglan ka, tawgon mo lang ko. (Senyorita, kung may kailangan ka, tawagin niyo na lang ako.)" sabi ng katulong sa akin at agad naman nagbigay galang bago umalis.

Humiga na lang muna ako sa aking kama at tsaka nagunat ng kaunti. Talagang nakakapagod ang biyahe namin. Mga ilang oras din ang aking pamamahinga at agad naman akong bumangon. Mag-uumpisa na sana akong mag-ayos ng aking mga gamit subalit may biglang kumatok sa pintuan. Napahinto naman ako. Pagbukas ng pintuan, si Henrietta lang pala ang pumasok at agad naman siyang kumaripas ng takbo papunta sa akin.

"Ate, pupunta tayo mamaya sa bahay nina Katrina sa bayan ng Sta. Rosita." sabi niya sa akin sabay ngiti.

"Sta. Rosita?" tanong ko.

"Oo. Sa Sta. Rosita. Malapit lang naman dito sa ating bayan kaya huwag kang mag-alala. Nagpaalam naman ako kanina kay ama." sabi niya sa akin. Napatango na lang ako at agad naman niya akong niyakap.

"Mamaya pagkatapos mo diyan ate, ha?" sabi niya ulit bago umalis. Napabuntong hininga na lang ako at tsaka ngumiti. Parang naalala ko sa kaniya si Fauna.

Mukhang mag-iisang oras din ang aking pag-aayos ng mga gamit dito sa silid. Kaya pala masyadong mabigat ang mga dala ko dahil may mga libro pa lang laman. Kinuha ko ang ilang mga librong dala ko at nilagay ko ang mga iyon sa booshelf. May ibang mga libro na malalaki at iba naman ay maninipis. Hindi ko rin lubos na maiintindihan ang mga titulo ng libro dahil hindi pa akong masyado natututo ng wikang espanyol.

Nang kinuha ko ang huling libro na dala ko, biglang may nahulog na litrato sa sahig. Sino kaya ito? Pagkakuha ko ng litrato ay nabigla ako kung sino ang aking nakita sa larawan. Kung hindi ako nagkakamali, parang nakita ko na ito dati. Pagbaliktad ko naman ng litrato, may isang pangalan na nakasulat sa ilalim.

Timoteo Castellana.

Siya nga. Itong lalake na 'to ang nakita ko rin sa isang larawan ng ako'y humiram ng libro sa La casa de los aprendizajes de Castellana.

Hindi ko maiintidan ang aking sarili sa mga oras na 'yun. Bigla namang tumibok ang aking puso ng walang dahilan habang tinitigan ang litrato ng lalakeng ito. Ba't biglang tumibok nang mabilis ang aking puso? Mukhang napa-isip din ako kung bakit.

Sa mga oras na 'yun, biglang may kumatok sa pintuan na akin namang ikinagulat. Tinago ko ulit ang litrato sa loob ng libro at agad ko naman 'yun nilagay sa bookshelf. Hindi ko alam kung bakit natataranta ako at mukhang pinagpapawisan din ang aking mga kamay.

"Pasok.." sabi ko naman at mukhang hindi si Henrietta ang pumasok sa aking silid.

"Mukhang nagdesisyon ka na ring manirahan dito, aking kapatid" sabi ng isang lalake habang hinubad ang kanyang sumbrero. Matangkad ito, maputi rin at may angking kagwapuhan. Medyo seryoso itong nakatingin sa akin at mukhang naghihintay sa aking sasabihin. Heto na naman tayo. Anu kaya ang aking sasabihin? Sabi niya kapatid. Baka ito ang kuya ni Florentina!

"Kuya?" sabi ko na lang sa kaniya. Napalunok na lang ako. Mukhang isang seryoso na tao ang kapatid ni Florentina.

"Kuya lang ba ang iyong sasabihin, Florentina?" tanong niya ulit. Jusko, ano ba'to?! Ano ba ang gusto niyang marinig sa akin? Napaisip naman ako ngunit wala talagang pumapasok sa aking isipan.

"Hindi na bale. Nasabi na sa akin ni ama na hindi na kayo babalik ulit ng Maynila." sabi niya lang. Napabuntong hininga lang siya at tsaka napatalikod sa akin. "Mamayang gabi na lang tayo mag-usap ulit, Florentina."

"Kuya, magatatanong sana ako kung nasaan si Hen-----" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad naman siyang umalis ng aking silid. Ang suplado naman. Hmmp!

Pagbaba ko mula sa ikalawang palapag, sumalubong sa akin ang masayahing si Henrietta mula sa labas. Ngumiti naman ako. Lumapit siya sa akin at mukhang may itatanong sa akin.

"Ate, anung sinabi sa 'yo ni kuya Angelo?" pabulong niyang tanong. Angelo pala ang pangalan ng kanilang kuya. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Ah, wala. Wala naman. Mukhang may pagkamasungit ang kuya natin." sabi ko na lang sa kaniya. Natawa na lang siya nang kaunti.

"Pagpasensiyahan mo muna si kuya Angelo. Kahit may pagkamasungit 'yun, mabait naman siya." sabi ni Henrietta sa akin.

"May importanteng pagpupulong pa si ama kaya si kuya muna ang nandidito sa mansion." dagdag niya habang tinatahak ang isang malawak na daanan papunta sa malaking gate ng mansion kung saan naghihintay doon ang kalesa na sasakyan namin papunta sa bayan ng Sta. Rosita.


**********

Habang naglalakbay kami, tinatanaw ko ang isang napakagandang tanawin malapit sa bintana ng kalesa. Mga nagbeberdeng kabundukan ang aking nasilayan at dumaan din kami sa isang konkretong tulay kung saan nasisilayan ko ang isang malinaw na ilog. Pati ang mga isda ay nakikita ko rin na lumalangoy sa magkaibang direksyon. Masaya ako dahil sa aking nasaksihan. Kahit na nasa panaginip lang ito, masasabi kong talagang totoo ang mga nakikita ko ngayon.

"Siya nga pala, ate. Doon na tayo mananghalian kina Katrina. Pupunta rin naman si Eleanor pagkatapos niyang bumisita sa kumbento." pagbasag naman ni Henrietta. Mukhang masayang-masaya siya dahil makikita niya naman ulit ang kaniyang mga pinsan.

"Mukhang pinagplanuhan niyo naman ito ni Eleanor, Henrietta." masaya kong sabi.

"Oo. Hindi alam ni Katrina na pupunta tayo 'dun." humagikgik naman siya nang patago gamit ang kaniyang pamaypay. Napangiti naman ako.

"Andito na tayo, ate!" sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Napatingin naman ako sa bintana na malapit sa akin. Sa aming dinadaanan, may nakita akong isang arko na may mga letrang nakaukit.

Sta. Rosita

Nandito na nga kami sa bayan ng Sta. Rosita.

Mukhang maraming tao ang aming nasasabayan sa daan. Puro mga magsasaka rin ang aking nakikita na nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno na nasa palayan. Magaalas-onse na siguro at mukhang magtatanghalian sila maya-maya.

Watak-watak ang mga kabahayan dito at halos bahay-kubo na rin ang kanilang tinitirahan. Habang ang mga nasa itaas naman ng lipunan ay puro konkreto at gawang bato ang kanilang mga bahay. Talagang matutukoy mo kung anong antas ng pamumuhay ang mga naninirahan dito. Nang lumagpas na kami sa mga kabahayan na 'yun, may natanaw akong isang malaki at magandang mansion na nakatayo sa kalagitnaan ng isang malawak na palayan.

"Malapit na tayo sa bahay ni Katrina, ate." sabi ni Henrietta. Masayang-masaya kami ni Henrietta sa mga oras na 'yun at tuluyang tinahak ang daanan papuntang mansion.

Nang dumating na kami sa loob ng mansion ni Katrina, may isang katulong na nagbigay galang sa amin at tsaka ngumiti. "Si senyorita Katrina ba ang ibig ninyong bisitahin?"

"Oo. Pwede mo ba siyang tawagin?" sabi ni Henrietta.

"Masusunod po, senyorita. Umupo muna kayo habang hinihintay niyo si senyorita Katrina." sabi ng katulong at nagbigay galang din siya sa amin bago umalis.

Malaki talaga ang mansion ng pamilya ni Katrina. May kakaibang istilo at may kamamanghang arkitekto sa paglikha ng mansion na ito. Kaya lang hindi masyadong malawak ang espasyo katulad na lang sa mansion nina Florentina. Marami silang mga gamit na naka-display sa loob at mukha ring mamahalin na nagmula sa mga bansang englatera, espanya, at tsina. Mukhang makapangyarihan din ang pamilyang Bustamante.

"Henrietta? Florentina?" sabi ng isang tinig na talagang pamilyar sa amin. Agad naman kami napangiti at napaharap sa kaniya.

"O, Katrina. Mukhang nagulat ka na nandito kami." sabi ni Henrietta sa kaniya.

"Hindi naman. Nagulat lang ako sa biglaang pagbisita ninyo ni Florentina." sabi niya na may masayang tono.

"Pupunta rin dito si Eleanor, Katrina. Mukhang may masayang pag-uusapan na naman tayo." sabi ni Henrietta sabay takip sa kaniyang mukha. Mukhang alam ko na ang kanilang pag-uusapan.

"Paumanhin po mga senyorita. Nakahanda na po ang inyong tanghalian." Pagbasag naman ng isang katulong sa aming likuran habang nakayuko pa rin sa amin.

"Sige, po. Ngunit hinihintay pa namin si Eleanor." sabi na lang ni Katrina. Nagkatinginan naman kaming tatlo at napatango na rin sa sinabi niya.

"Masusunod, po." nagbigay galang ulit ang katulong sa amin at tuluyan nang umalis. Mga ilang minuto ring nagdaan pero wala pa rin si Eleanor. Mukhang nababagot na ang dalawa sa kahihintay sa kaniya. At ang inaalala ko ay ang mga nahaing pagkain sa hapagkainan nila na mukha ring nilalamig sa kahihintay sa amin. Magkakalahating oras na ngunit wala pa rin si Eleanor. Anu na kaya nangyari sa kanya? Talaga bang pupunta siya rito?

"Senyorita!" tawag ng isang mensahero galing sa labas ng kanilang mansion. Nagulat naman kaming tatlo at napatayo sa aming kinauupuan sa salas. Pinuntahan agad ni Katrina ang isang mensahero na may kasamang mga guardia at agad naman nagbigay galang ang mensahero sa kaniya. "Senyorita, may liham po kayo galing kay binibining Eleanor Carvajal."

Agad namang ibinigay ng mensahero ang liham kay Katrina at tuluyan nang umalis palabas ng mansion. Napatingin naman si Katrina sa sulat.

"Bilis. Basahin mo na, Katrina." sabi ni Henrietta sa kaniya. Binuksan naman ni Katrina ang liham at agad naman niya itong binasa.


Katrina,

Kasalukuyang nasa La casa de los aprendizajes de Castellana ako ng La Villa de Arevalo mahal kong pinsan ngunit ang aking sinasakyang kalesa ay nagiba at wala na akong masasakyan pa pabalik ng Sta. Rosita. Sana'y bigyan mo ako ng pahintulot na kung maaring hiramin ang inyong kalesa na maghahatid sa akin mismo sa inyong tahanan. Maraming salamat.

Eleanor


"Naku, kaya pala hindi nakarating si Eleanor dito." nag-alalang sabi ni Henrietta sa aking tabi.

"Sige, magpapadala muna ako ng kalesa papuntang Arevalo. Ako na lang mismo ang magsusundo kay Eleanor. Tamang-tama rin ang aming pagdating dito mamaya para mananghalian na tayo." sabi naman ni Katrina at agad nagpatawag ng kutsero para sunduin si Eleanor sa Arevalo. Ngunit bago siya umalis,

"Ako na lang ang magsusundo kay Eleanor sa Arevalo." sabi ko naman bigla. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagsasalita na hindi nag-iisip. Pakiramdam ko'y parang may mangyayari mamaya na hindi ko alam.


**********

Mag-aalas dose na ng tanghalian at ngayon ay tutungo na ako papuntang Arevalo. Medyo mahaba-haba rin ang aming biyahe papunta 'run. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman na ngayo'y papalapit na ako sa isang mansion na parang pamilyar sa akin. Ito na ba ang sinasabi nilang La casa de los aprendizajes de Castellana?

"Kuya, malapit na ba tayo?" tanong ko sa kutsero na nagpapatakbo ng aming sinasakyang kalesa.

"Opo, senyorita." sagot niya sa akin.

Nang huminto na rin ang sinasakyang kalesa ay tumambad sa akin ang napakagandang mansion na nagpamangha muli sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ito ring mansion ang aking napuntahan nang humiram ako ng libro. Ito ang Castellana's mansion. May isang guardia ang lumapit sa amin at nagtanong.

"Senyorita, ano kinahanglan mo? (Senyorita, anong kailangan mo?)" tanong niya sa akin sa bintana. Naalala ko tuloy na ganun din ang tanong sa akin ng pumunta rin ako dito.

"May hulamon lang ko nga libro diyan sa sulod manong (May hihiramin lang po akong libro diyan sa loob, manong)" sabi ko na nakangiti. Iyan lang ang naisip kong idadahilan upang makapasok na sa loob ng mansion. Mukhang kumbinsido naman siya sa aking sinabi at agad naman niya kaming pinapasok sa loob ng gate.

Hinatid ako ng sinasakyan kong kalesa papasok sa loob at hinatid sa harapan ng malaking mansion. Agad naman akong bumaba ng kalesa at sinensyahan ang kutsero na kung maaari'y hintayin na lang kaming lumabas ni Eleanor.

Napatango naman siya sa aking sinabi. Pagkaharap ko'y tumambad sa akin muli ang isang malaking pintuan na akin ding naaalala nang makapunta ako dati. Pagbukas ko nang pinto, tumambad sa akin ulit ang napakalawak na espasyo ng mansion. Marami itong mga kagamitan na nakadisplay sa gilid na mukhang galing pa sa mga bansang Espanya, Inglatera, at Tsina.

May mga bagong paintings din na nakasabit sa malawak na dingding. May mga naggagandahang mga chandeliers din na nakahelera sa malawak na kisame at ang mga naglalakihang mga bintana ay tinatabunan ng mga malalapad na kurtina na kulay pula.

Ganitong-ganito rin ang paglalarawan ko nang pumunta ako dito noon sa kasalukuyan kong panahon. Mukhang dito ko rin mahahanap ang aking kasagutan kung sino ang taong nasa loob ng art room sa loob ng mansion na ito.

Sa aking harapan, nakikita ko ulit ang dalawang malalapad na hagdan na patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Malayo ito sa aking harapan kaya pumunta ako roon. Ang isang hagdan ay patungo sa kaliwang parte kung saan matatagpuan ang nasabing silid-aklatan at isang hagdan naman ay patungo sa kanang parte kung saan makikita mo ang mga napakaraming kwarto na ngayo'y bukas na dahil wala na itong mga kandado. Talagang determinado na akong pumunta roon.

Walang anu-ano'y umakyat na ako sa hagdan nang walang alinlangan at sa wakas may lakas na akong loob na pasukin ang isang kuwartong matagal ko na sanang pasukin. Sigurado ako na isa itong Art room.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kuwartong iyon at agad napamangha sa aking nakikita. Maraming mga naggagandahang mga paintings ang naka-display sa gild ng kuwarto at maamoy mo talaga ang mga pintura sa paligid.

Ang ibang mga paintings ay parang bago lang natapos at ang iba naman ay parang ready na for bidding. Masaya akong tinitigan isa-isa ang mga ganitong obra subalit may isang boses sa aking likuran na akin namang ikinagulat bigla.

"May kailangan ka ba, binibini?" tanong ng lalake. Pagkaharap ko'y laking gulat ko na lang kung sinong lalake ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung anu ang aking gagawin at tsaka bumibilis din ang tibok ng aking puso nang masilayan siya nang personal.

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nasa litrato na nakita ko kanina. Siya rin ang lalaking nakita ko sa litrato 'nung ako'y nasa kasalukuyan. Ano kaya ang koneksyon ng taong 'to sa buhay ni Florentina?

Sino ka at ano ang iyong papel, Timoteo Castellana?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro