
KABANATA 39
[Kabanata 39]
Third Person POV
Dahan-dahang kinuha ni Florabelle ang kamay ni Timoteo upang isuot sa kaniya ang singsing. Hindi niya alam kung bakit nanginginig ngayon ang kaniyang mga kamay ngunit kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Sa ngayon ay imposible pa sa kaniya ang tumakas dahil pinaliligiran ng mga moros ang buong simbahan. Kailangan niyang gumawa ng ibang paraan upang matigil ang kanilang kasal!
Humugot si Florabelle nang sapat na lakas bago tumingin kay Timoteo na ngayon ay nasasabik sa panata ng bago nitong magiging asawa. Ngunit bago niya magawa ang panata ay natigilan ito nang may narinig silang malakas na pagputok mula sa labas ng simbahan.
"ITIGIL ANG KASAL!!!" sabi ng lalakeng naka-uniporme habang itinututok ngayon ang dala nitong pistol kay Timoteo.
Biglang nagitla itong si Timoteo sa mga sandaling 'yun at tsaka napalingon. Hindi niya inaasahan na may taong nagpatigil sa kanilang kasal kaya labis itong nainis. Nang matanaw niya kung sino ang lalakeng 'yun ay agad itong yumukom sa galit at tiningnan nang masama. Kahit na si Mateo at ang iba pang mga moros ay nagulat dahil sa kaniyang entrada habang papasok sa loob ng simbahan.
Agad na ring na-alarma ang mga moros na nasa silid at agad inilabas ang dala nilang mga kris. Ang iba naman ay may mga dalang arkebusa't maskit na mula pa sa mga pinatay nilang mga sundalo noong nakaraang araw. Mukhang pinagpapawisan si Florabelle sa mga oras na 'yun at mas lalong naginginig siya sa takot dahil ano mang oras ay tiyak na magiging duguan ang labanan. Agad naman siyang napatingin sa singsing na nasa kamay na niya ngayon. Tamang-tama ang pagdating ni Konrad dahil hindi na naisuot muli ni Timoteo ang singsing kaya kailangan na niyang umalis upang masira ito.
Halos lahat ay bumulagta nang makapasok ang mga sundalo sa loob ng simbahan. Ang iba ay giniba pa ang stained glass na bintana na nasa itaas at doon sila pumasok pababa gamit ng lubid. Halos mapapikit ang dalaga ng marinig ang nakakabinging pagkawasak ng mga kristal na bumabagsak ngayon sa sahig. At ang ingay na iyon ay talagang umaalingawngaw sa buong paligid. Pagkatapos ng tagpong 'yun ay agad na kinuha ng mga sundalo ang kani-kanilang mga armas at sabay itinutok ang mga iyon sa mga kalabang moros.
Hindi naman makapaniwala si Timoteo sa kaniyang mga nasaksihan. Mukhang maraming mga sundalo ang sumalakay sa kanila ngayon. Naniningkit na ito sa galit at agad napatingin kay Konrad na ngayon ay hindi umaalis sa kaniyang kinatatayuan.
"Hindi kayo imbatado sa aming kasal." seryoso niyang saad sabay ngisi ng nakakatakot. Habang sinasabi niya 'yun ay dahan-dahan namang lumalayo sa kaniya si Florabelle. Maingat siyang humakbang nang paatras habang ang mga tingin nito'y nakatuon sa dalawang binata.
"Alam ko kaya nga ako pumunta rito dahil gusto kong makuha ang aking pag-aari!" pagdidiin naman ni Konrad at tsaka napatingin sa direksiyon ng dalaga. Agad namang umiling sa kaniya si Florabelle upang itigil sa kaniyang binabalak ngunit ibinalik na lang ng binata ang mga tingin nito kay Timoteo.
"Pag-aari mo?" ngisi nito at kasunod na tinahak ang pasilyo upang harapin nang malapitan si Konrad. Sinundan naman siya ng tingin ng mga sundalo at agad itinutok ang dala nilang mga armas sa kaniya. Kasabay din iyon ay ang paggalaw din ng mga moros upang bigyan siya ng depensa mula sa mga kalabang sundalo.
Hindi alam ng dalaga kung ano ang kaniyang gagawin sa mga oras na 'yun. Mukhang mas umiinit na ngayon ang tensyon sa pagitan nina Timoteo at Konrad at mas lalong humigpit ang tunggalian ng mga moros at ng mga espanyol. Agad namang ibinalik ang mga tingin sa kaniya ni Konrad at tsaka kumurap ito ng dalawang beses. Napalunok na lang si Florabelle at alam nitong isa 'yung hudyat na umalis na habang hindi pa siya napapansin ni Timoteo.
Wala na siyang alinlangang umalis at dali-dali na itong nilisan ang kaniyang puwesto ngunit bago pa siya makakababa sa hagdan ng altar ay hindi niya sinasadyang maapakan ang laylayan ng kaniyang damit dahilan upang matumba ito at gumulong. Sa pagbagsak nito ay agad niya ring nabitawan ang singsing at gumulong ito papalayo sa kaniya.
Agad namang napansin 'yun ng lahat at napatingin sa kaniyang direksiyon. Napapikit na lang sa inis itong si Timoteo at agad na kinuha ang itinago nitong pistol sa kaniyang baywang at kasunod ay itinutok ito sa harapan ni Konrad.
"Hindi niyo ako maloloko! Golpearlos (Strike them!)" sigaw ni Timoteo at sa mga puntong 'yun ay magsisimula na ang giyera.
"Kunin niyo ang babae! Hindi siya puwedeng mawala!" dagdag pa ni Timoteo habang nakatingin ito sa iba pang moros na nasa kaniyang gilid. Tumango naman ang mga ito at agad pinuntahan si Florabelle. Nang ibinalik niya ang mga tingin nito kay Konrad ay agad itong nagulat at umiwas mula sa atake ng espada. Muntik na rin siyang matamaan.
"Bago mo pa makuha ulit si Florentina ay dadaan ka muna sa akin!" sigaw ni Konrad sabay kumpas ng kaniyang espada kay Timoteo. Dahil sa liksi na tinataglay ni Timoteo ay agad niyang naiwasan ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Ngumisi pa ito kay Konrad dahilan upang mas lalong mainis sa kaniya ang binata.
"Ba't hindi na lang natin gamitin ang ating mga pistol upang matapos na ang lahat?" pagyayabang nito dahilan upang matigil na sa pagkumpas ng espada itong si Konrad.
"Tama nga ang sinabi mo ngunit hindi na kailangan. Dahil sa puntong 'to ay siguradong ikaw ay hindi na mabubuhay!" at agad na ipinutok ni Konrad ng tatlong beses ang dala nitong pistol sa kabitan ng malaking Bohemian chandelier sa itaas ng simbahan dahilan upang malaglag ito sa kinatatayuan ngayon si Timoteo.
Huli na sa oras upang iwasan ito ni Timoteo. Mabilis na bumagsak ang chandelier patungo sa kaniyang kinatatayuan dahilan upang siya'y magulat at mabagsakan nang biglaan. Nakita 'yun ng lahat at agad tumigil sa pakikipaglaban. Sa pagkakataong 'yun ay agad na humakbang si Konrad patungo sa chandelier. Nakita niyang walang malay si Timoteo na nakalupasay malapit sa chandelier at napansin din nito ang mga sugat nito sa kaniyang braso. Sa wakas ay agad niya ring natalo ang binata.
"Sa lahat na mga moros na nandito, kayo'y sumuko na. Wala nang kalaban-laban ang inyong pinuno kaya wala na kayong magagawa kundi isuko ang inyong mga armas sa aking hukbo" otoridad na sinabi 'yun ni Konrad habang pinagmamasdan ang mga sundalo't moros na tumigil sa pakikipaglaban.
Lumipas ang ilang segundong katahimikan at agad napansin ang paggalaw ng mga moros na nagkibit-balikat na lamang habang nakatingin sa kanilang mga kalaban. Mukhang wala silang balak na sumuko sa hukbo.
"Ano na ang hinihintay ninyo? Ibaba niyo na ang inyong mga armas!" matigas na sinabi ng ilang mga sundalo sa mga moros ngunit nakatingin lang ito sa kanila.
"Wala kaming pakialam kung mamatay man ang Castellanang 'yan!" sigaw ng isang moro na nasa harapan ngayon ni Konrad. Kumunot naman ang noo ni Konrad habang naghihintay ito sa kaniyang dahilan.
"Sumusunod lamang kami sa kautusan nina pinunong Salikala at Sirungan. Hindi kami titigil hangga't wala kaming natatanggap na senyales mula sa kanila kaya tuloy pa rin ang laban!!" at sa hindi inaasahan ay may masigabong na pagsabog ang naganap sa loob ng simbahan.
Nang dahil sa pagsabog ay unti-unting nawawasak ang dingding at kisame ng simbahan dahilan upang gumuho ito nang tuluyan. Halos kalahating parte ng simbahan ang nagiba at ang paligid ay pinaliligiran ng makakapal na alikabok. Nang dahil sa nangyari ay marami ang nasawi, maraming naiipit o nabagsakan ng mga malalaking bloke ng apog at ang iba'y nawasak ang katawan dahil sa matinding pagsabog kanina.
Agad tumayo ang ilan upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban. May nagkukumpasan ng kanilang mga espada, ang iba'y nagpuputukan ng mga maskit at arkebusa at ang iba'y nagsusuntukan pa kahit duguan na ang kanilang mga mukha. Talagang lahat ay determinadong kumitil, lahat ay determindaong pabagsakin ang isa't isa kahit sariling buhay ay isasakripisyo alang-alang sa paniniwala at pananampalataya.
May mga bloke ng apog na bahagyang nagtutumpukan ngayon sa gitna at hindi mo akalaing may nakaligtas pang tao. Makikitang sumulpot ang kamay nito galing 'dun at unti-unti na ring gumuho ang mga bloke nang tumayo siya mula sa kaniyang pagkakabagsak. Duguan na rin ang noo't braso nito at may bitbit itong kalasag bilang panangga niya kanina mula sa malakas na pagsabog.
Agad nagpalinga-linga sa paligid si Konrad at nakitang may labanan pa ring nagaganap. Kahit na nahihilo pa siya sa mga oras na iyon ay kaya niya pa ring tumayo. Napahawak siya sa kaniyang noo at nakitang duguan na ito. Napailing na lang si Konrad sa kaniyang nakita at agad hinagis ang dala nitong kalasag. Paika-ika na itong umalis sa kaniyang puwesto upang hanapin si Florabelle. Pinulot niya ang nakita nitong espada sa sahig at agad ikinumpas ito sa mga moros na humarang sa kaniyang dinadaanan. Alam niyang hindi pa ligtas si Florabelle sa mga oras na 'to kaya kailangan na niyang mahanap ang dalaga.
**********
Rinig na rinig ang hiyawan at pighati ng mga tao habang nilulusob at pinapahirap ng mga moros ang bayan ng Sta. Rosita. Gulong-gulo na ang bayan at makikitang nagsistakbuhan ang lahat upang isalba ang kani-kanilang mga sarili. Marami na rin silang ninanakaw na mga kayamanan sa bawat kabahayan at kung hindi pa sila nasisisyahan ay agad nilang sinunog ang bahay dahilan upang maghinagpis ang mga kamag-anak.
Hindi na alam ni Florabelle kung saan na siya tutungo ngayon. Patuloy pa rin siyang tumatakbo sa bawat kanto na kaniyang dinadaanan ngunit hindi niya pa rin magawang iligaw ang mga moros na dadakip sa kaniya. Agad siyang nagtago sa likuran ng mga bariles sa eskinita at sunilip 'dun. Mabuti na lang dahil mabilis siyang nagtago kaya hindi na siya nasundan pa ng mga moros.
Napahawak na lang siya sa dibdib habang humihingal. Pinagpapawisan na rin siya at namumuti na rin ang bibig nito dahil sa matinding takot. Napatingala ito sa itaas at nakikita ang itim na usok na nagmumula sa mga nasusunog na bahay.
"Mukhang nagsisimula nang wasakin ang Sta. Rosita" alarma nito. Agad siyang napatingin sa singsing na hawak-hawak niya ngayon at taimtim na nag-iisip. Mabuti na lang dahil nakita niya agad ang singsing bago siya habulin ng mga moros kanina. Huminga siya nang malalim at humugot ng sapat na lakas upang magawa at tapusin na ang misyon. Mukhang alam na niya ang dapat niyang gawin.
Ngunit bago pa siya makaalis sa kaniyang puwesto ay nagitla ito nang may espada na humarang sa kaniyang harapan.
"Saan ka pupunta ngayon, binibini?" ngisi ni Mateo dahilan upang mapaatras si Florabelle. Agad namang napatingin si Mateo sa hawak nitong singsing at tsaka nilahad ang kamay nito sa harapan ng dalaga.
"Ibigay mo sa akin ang singsing." seryoso niyang wika ngunit umiling lamang si Florabelle sa kaniya.
"Hinding-hindi ko ibibigay ang singsing lalong-lalo na sa'yo Silim!" walang takot na sinabi 'yun ni Florabelle dahilan upang mabigla ito sa kaniya. Ngunit hindi naglaon ay agad pinalitan ng nakakatakot na awra ang mukha ni Mateo at tsaka ngumisi ito ng nakakatakot sa harapan ng dalaga. Napasinghap na lang si Florabelle sa kaniyang nasaksihan at kasunod niyon ay ang paglitaw ng mga itim na hamog sa likuran ng binata.
"Mukhang nakikilala mo na ako, Florabelle." sabi ni Silim sabay taas sa dala nitong espada.
"Kung hindi mo ibig na ibigay ang singsing sa akin ay kamatayan ang ibibigay ko sa'yo!" sigaw ni Silim at tsaka ikinumpas ang espada sa kaniya. Wala na sa oras upang umiwas pa si Florabelle ngunit agad niyang nakita at pinulot ang lumang bakal na malapit sa kaniya upang depensahan ang sarili.
Ngunit bago niya gawing panangga ang bagay na 'yun ay nagulat ito nang may espadang sumalo sa pag-atake ni Silim at mabilis ding umatake pabalik dahilan upang magulantang ang diwata. Nainis naman itong si Silim habang nakatitig sa lalakeng nagligtas sa dalaga.
"Theodore?!" gulat na sinabi ni Florabelle at agad nilapitan ang binata.
"Ayos ka lamang ba, binibini?" pag-aalala naman sa kaniya ni Theodore at agad namang tumango ang dalaga.
"Kung ano man ang plano mo ngayon ay kailangan mo na itong gawin dahil malapit nang mauubos ang oras!" sabi naman ni Theodore habang nakahawak sa braso ni Florabelle. Magsasalita na sana ang dalaga dahil sa pinagsasabi nito ngunit pinigilan lamang siya ng binata.
"Kailangan mo nang umalis dito. Dali!" pagpupumilit ni Theodore at tsaka napatingin kay Silim na naghinhintay sa kanilang magiging duwelo. Wala nang magawa si Florabelle kundi ang umalis na upang magawa ang plano nitong gibain ang singsing. Agad namang nagpaalam si Florabelle kay Theodore at mabilis na umalis papalayo sa kanila.
Bigla namang humangin ng malakas at maraming nagliliparang mga dahon ang nakakalakat sa buong paligid. Maririnig pa rin ang hiyaw ng mga tao sa bayan ngunit hindi alinatana iyon sa dalawang manlalaban. Sa pagkakataong 'yun ay sila na lamang dalawa ang natira sa eskinita. Matalim silang nagtitinginan na parang kilala ang isa't isa hanggang sa nilagay na nila ang kanilang mga espada sa harapan hudyat na handa na silang makipag-duwelo anumang oras.
"Alam kong ikaw 'yan Liwayway." seryoso ngayong nakatingin sa kaniya si Silim.
"Hindi ka ba nagulat na nadito ako ngayon, Silim? Katulad mo ay puwede rin akong sumanib sa katawan ng mga tao." ngisi ngayon ni Liwayway at agad na mas hinigpitan pa ang pagkakahawak nito sa espada. Tumawa naman ng peke itong si Silim at tsaka tumingin sa kaniya.
"Sa tingin mo ba'y kaya mong mailigtas ang buhay ng batang 'yun dahil sa mga nangyayari ngayon? Katulad ni Florentina noon ay mamamatay din si Florabelle sa kamay ni Timoteo! Mauulit pa rin ang sakit ng nakaraan!" sigaw nito at mabilis na umatake kay Liwayway. Sunod-sunod ang pagkumpas nito ng espada sa diwata ngunit masyadong maliksi si Liwayway upang iwasan ang pag-atake nito.
"Ginagawa ko lamang ito bilang isang tapat na ahente ng Puno de Orasa. At hindi ko hahayaang may sagabal sa kaniyang ginagawang misyon kaya kung maaari ay kailangan ko nang matapos ang hidwaang 'to!" sigaw ni Liwayway at sa pagkakataong 'to ay siya naman ang umatake kay Silim.
"Hindi mo naintindihan ang kapangyarihan ng singsing, Liwayway!" sigaw naman ni Silim habang isinangga ang espada nito kay Liwayway.
"Kapag nasira ang singsing ay hinding-hindi na makakabalik ang lahat sa dati at patuloy pa rin itong mauulit!" sigaw nito ngunit patuloy pa rin sa pag-aatake si Liwayway.
"Nagkakamali ka, Silim. Mapawalang-bisa lamang ang kapangyarihan ng itim na mahika ng singsing kapag ang taong sumira nito ay may suot ng singsing na kasalungat sa mahika nito. Tandaan mo, suot ni Florabelle ngayon ang isang singsing." salaysay ni Liwayway at sa pagsalpukan ng kanilang espada ay may bumuong nakakasilaw na tilamsik dahilan upang sila'y pinaglayo at mabilis na tumalsik sa magkabilang puwesto ng eskinita.
**********
Patuloy pa ring tumatakbo si Florabelle sa mga eskinita habang napatakip ng kaniyang ilong dahil sa usok na nanggagaling sa mga nasusunog na kabahayan. Maingat itong naglalakad at kapag may nakasalubong itong mga moros sa daan ay agad itong nagtatago.
Habang nagtatago siya sa madilim na sulok ay agad itong nagulat nang may taong tumakip sa kaniyang bibig. Halos lumuwa ang mga mata nito dahil sa matinding pagkagulat at mabilis na inapakan ang paa nito upang kumawala mula sa kaniya.
"Florentina, ako ito si Konrad." sabi ng lalakeng kaharap niya ngayon. Nakita niyang pang ngumiwi ito at napaaray dahil sa natamo niyang sakit sa paa. Napasinghap na lang ang dalaga sa kaniyang ginawa at halos mabunutan ng tinik nang makita ulit si Konrad kaya agad niya itong niyakap.
"Aka ko'y hindi na kita mahanap. Labis akong nag-aalala." wika ni Konrad at agad kumalas mula sa kanilang pagyayakapan ngunit isang sampal ang kaniyang natanggap mula kay Florabelle na kaniyang ikinagulat bigla.
"Bakit?"
"Anong bakit? Bakit ka nagsinungaling tungkol sa singsing? Akala ko ba'y ikaw ang nagpagawa 'nun?" napanganga na lang ang binata dahil hindi niya akalaing matatanong 'yun ng dalaga sa kabila ng mga nangyayari ngayon.
"Pasensiya na kung ikaw------" agad naman siyang pinigilan ni Florabelle nang inangat nito ang kamay sa ere.
"Hindi na bale. Hindi naman 'yun importante. Ang mas mahalaga ngayon ay makaligtas tayo at......" tsaka napatingin sa singsing na kanina niya pang itinatago sa kaniyang palad. "...at masira ito.." bulong niya.
"Tara na, binibini. Kailangan na nating umalis." sabi ni Konrad ngunit agad namang natigilan si Florabelle.
"Paano ang mga tao? Paano ang bayang ito? Hindi ito puwedeng mawasak!" halos nanginging siya sa sobrang kaba ng masilayan ang mga nag-aapoy na kabahayan sa kanilang harapan at ang mga taong duguan na nakahandusay ngayon sa paligid. Kailangan na niyang masira ang singsing. Kailangan na niyang gawin ang kaniyang plano. Hindi puwedeng mawasak ang bayan ng Sta. Rosita nang ganun-ganun lang.
Sa pagkakataong 'yun ay dahan-dahang hinawakan ni Konrad ang mga kamay ni Florabelle at unti-unting nilalapit ang mukha nito upang pakalmahin siya.
"Huwag kang mag-alala. Bilang isang heneral ay hindi ko hahayaang masira ang bayang 'to. At huwag kang mag-alala may mga darating pa na karagdagang mga sundalo upang tulungan ang mga tao rito. Magtiwala ka sa akin, Florentina." mahinahon na sinabi sa kaniya ni Konrad dahilan upang tingnan siya ng dalaga sa kaniyang mga mata.
Ngunit sa mga sandaling 'yun ay agad silang nagitla at parehong napatingin sa lalakeng nagpaputok ng pistol mula sa kanilang likuran. Napasinghap na lang si Florabelle nang makita si Timoteo na ngayon ay may mga bahid ng dugo sa kaniyang damit. Ngumisi ito sa kanilang harapan at agad itinutok ulit ang dala nitong pistol sa kanila.
"Mabuti na lang dahil hindi kayo natamaan." sabi niya at dahan-dahan na itong lumalapit sa kanila.
Agad naman siyang hinarap ni Konrad at agad ding kinuha ang pistol nito na nasa kaniyang baywang. Pareho silang nagkatinginan nang masakit sa mga oras na 'yun. Parehong ayaw magpapatalo o masindak man lang. Sa hindi inaasahan ay bigla na lang nagkaroon ng pagkulob at pagkilat na gumuhit ngayon sa madilim na kalangitan.
Agad na tumingala ngayon si Florabelle at nakikitang makulimlim na ngayon ang buong kalangitan. Mukhang uulan anumang oras kaya hindi niya puwedeng palagpasin ang pagkakatanog masira ang singsing. Ngunit nag-aalala ito kay Konrad dahil hindi lamang ordinaryong kalaban si Timoteo. Isa siyang halimaw!
"Hindi ko hahayaang makuha mo ulit si Florentina mula sa akin, Konrad!" sigaw sa kaniya ni Timoteo.
"Ako dapat ang nagsasabi nang ganyan, Timoteo. Kaya layuan mo na si Florentina!" kasabay sa sinabi niyang 'yun ay agad niyang binaril si Timoteo nang walang alinlangan at ganun din si Timoteo sa kaniya. Halos mapanganga naman si Florabelle sa kanilang ginagawa dahil mukhang desidido silang magpapatayan sa kaniyang harapan.
"Huwag!" pagpigil ni Florabelle sa kanila ngunit huli na ang lahat nang makita niyang natamaan si Konrad sa kaniyang kanang braso dahilan upang puntahan siya nito. Yumuko ngayon si Konrad dahil sa nararamdaman nitong sakit at unti-unting lumuluhod sa kaniyang kinatatayuan. Halos wala nang boses si Florabelle nang isigaw niya ang pangalan nito. Sobrang nag-aalala ito sa kaniya kaya mabilis niyang inalayan ang sugatang binata.
"Florentina, bumalik ka sa akin." mahinahon at puno ng otoridad nang sabihin 'yun ni Timoteo sa kaniya ngunit tanging iling lang ang tugon ng dalaga.
"Konrad, patawad" bulong naman ni Florabelle sa kaniya habang taimtim itong umiiyak sa piling ng binata. Agad niyang kinapkap ang natamaang braso ni Konrad at pilit na tinatabunan ito ng kaniyang kamay upang hindi siya mauubusan ng dugo.
"Ayos lamang ako...binibini." hingal nito at tsaka pilit na ngumiti sa kaniyang harapan. Magsasalita na sana ulit ang dalaga ngunit agad naman siyang sinigawan ni Timoteo na pumunta ito sa kaniya. Hindi siya makatingin ngayon kay Timoteo dahil umiiyak ito sa labis na kalungkutan para kay Konrad. Isang siyang mabuting tao. Isang tapat, masunurin, at mapagmahal na iniibig ni Florentina noon.
"FLORENTINA!"
"Kahit anong sigaw ni Timoteo sa'yo ay huwag kang lalapit sa kaniya." bulong ulit ni Konrad sa kaniya ngunit isang pagputok na naman ang kanilang narinig dahilan upang mapatingala si Florabelle kay Timoteo na ngayon ay papunta sa kaniyang direksiyon. Mukhang nagagalit na si Timoteo sa kaniya dahilan upang sunggaban ang braso ng dalaga at inilayo ito kay Konrad.
"Nasasaktan ako ano ba!" pagpupumiglas ni Florabelle ngunit hindi 'yun pinansin ni Timoteo.
"Minahal kita nang lubusan Florentina ba't ayaw mo pa rin sa akin? Ano ba ang mali sa akin, sabihin mo?!" galit na sinabi 'yun ni Timoteo sabay hawak sa magkabilang braso ng dalaga.
"Hindi mo ba alam kung ilan taon ko itong hinintay upang makita kitang muli? Hinihintay kitang mahalin mo rin ako pabalik ngunit anong nangyari?! Minahal mo pa rin ang lalakeng 'yan!" dagdag nito at agad nilapit ang mukha nito sa dalaga..
"Hindi ito isang pag-ibig, Timoteo. Kinahuhumalingan mo lamang si Florentina at wala nang iba. At kung talagang mahal mo nga si Florentina ay kaya mong tanggapin kung sino ang gusto nitong makapiling. Kaya mong magsakripisyo alang-alang sa kaniyang kaligayahan at hindi mo na kailangan pang tumanggap ng anumang kapalit mula sa kaniya dahil sa ipinapakita mong pag-ibig. Sana'y mapagtanto mo ang aking sinasabi dahil 'yan ang katotohanan. At tsaka hindi pala ako si Florentina. Ako si Florabelle de Luna mula sa hinaharap!" at agad niyang sinipa sa paa ang binata upang tumakbo ito papalayo sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa nasusunog na bahay sa kaniyang harapan upang ihagis 'dun ang singsing ngunit mabilis namang hinablot ni Timoteo ang kaniyang buhok dahilan upang mapangiwi ito sa sakit.
"Hinding-hindi ko hahayaan na makatakas ka mula sa akin!" sigaw ni Timoteo at agad hinila ang buhok nito papunta sa kaniya. Pilit na nagpupumiglas si Florabelle habang hinihila pa rin siya sa buhok nito ngunit mas lalo itong nasasaktan dahil mukhang matatanggal na 'yung buhok niya sa kaniyang anit.
Hindi nagtagal ay nagsimula nang umulan sa buong paligid at kasabay niyon ay ang pagkulob ng malakas at pagkilat na gumuhit na naman ngayon sa kalangitan. Hindi puwedng matapos na ganito ang lahat. Hindi pa natatapos ang kaniyang oras. Dahil sa nag-aalab na galit na nararamdaman ngayon ni Florabelle ay mabilis niyang nabunot ang patalim na nakasukbit sa likuran ni Timoteo at pinutol ang buhok nito ng walang alinlangan.
Agad namang napalingon sa kaniya si Timoteo at nagulat dahil sa kaniyang ginawa. Wala na siyang oras na habulin pa ang dalaga dahil sa bilis nitong pagtakbo. Nakita niya si Florentina na ngayon ay nasa harapan ng malalaking apoy ng kabahayan at agad ipinakita sa kaniya ang singsing dahilan upang magulantang ito.
"Kapag ang ginto ay nilagay sa mainit na temperatura ay natutunaw ito, hindi ba?" sabi ni Florabelle kaya agad namang naalarma si Timoteo sa maari niyang gawin.
"Dito na rin matatapos ang lahat. Kailangan mo nang pagbayaran ang iyong ginawa Timoteo. Kailangan mo nang umalis sa katawan ni Timothy!" sigaw ni Florabelle at mabilis na hinagis ang singsing papunta sa umaalab na apoy. Kasabay ng paghagis niyang 'yun ay ang pagbagsak ng huling dahon mula sa Puno de Orasa hudyat na tapos na ang kaniyang misyon dito sa lumang panahon ng panaginip.
"Hindi ito maaari!" sigaw ni Silim habang nagduduwelo pa rin sila ni Liwayway sa eskinita. Agad niyang napapansin na umaalis na siya sa katawan ni Mateo kaya labis itong nabigla at natakot. Ngunit hindi rin nagtagal ay unti-unti na siyang naglalaho sa paningin ni Liwayway. Labis din itong ikinalungkot ng diwata.
"Malungkot ang naging kapalaran mo, Silim. Alam mo na sa oras na mawasak ang singsing ay mawawasak din mismo ang iyong pagkatao." malungkot na saad ni Liwayway sabay tingala sa makulimlim na kalangitan
Napasigaw na lang si Timoteo sa ginawa ni Florabelle ngunit agad itong tumigil nang may nararamdaman itong kakaibang kirot sa kaniyang noo.
"HINDI!!" sigaw nito habang sinasabunutan ang sarili dahil sa sakit. Habang siya'y pinagmamasdan ay makikitang lumalabas na ang kaluluwa nito mula sa katawan ni Timothy kaya labis itong ikinagalak ng dalaga. Nakikita niya mismo ang kaluluwa ni Timothy na bumalik na rin sa katawan nito at unti-unti na ring naglalaho ang kaluluwa ni Timoteo habang napapasigaw ito sa takot at dismaya.
"Timothy!" sigaw ni Florabelle habang papunta ito sa kinaroronan ni Timothy na ngayon ay pinalilibutan ng liwanag. Talagang masayang-masaya si Florabelle dahil natapos niya rin sa wakas ang misyon at nakakabalik na rin sa sariling katawan si Timothy. Dahan-dahan namang inimulat ni Timothy ang kaniyang mga mata at nakitang papunta sa kaniya si Florabelle na masayang-masaya.
"Florabelle!"
"Timothy!"
Ngunit ang kasiyahan na iyon ay agad namang pinalitan nang pagkagulat nang makita ni Florabelle na tinamaan ng bala si Timothy sa kaniyang likuran. Agad itong natakot at binilisan ang pagtakbo papunta sa kaniya.
May mga bagong hukbo ang dumating upang iligtas ang mga tao at ang bayan mismo na pinangungunahan ng gobernador-heneral na si Francisco de Tello de Guzmán. Dahil sa konsiyensiya nito noon at sa nalalaman tungkol sa pagsangkot ni Timoteo sa mga moros ay hindi ito nagdadalawang isip na patayin ang binata upang iligtas si Florentina na anak nitong tunay. Ngunit hindi lingid sa kaniya ay wala itong kaalam-alam na ginagamit lamang ni Timoteo ang katawan ni Timothy sa pansariling paghihiganti.
"Lumayo ka sa kaniya anak! Mapanganib ang lalakeng 'yan!" sigaw nito ngunit umiling lamang si Florabelle habang napayakap na ito kay Timothy na ngayon ay nanghihina na at nauubusan ng dugo. Nakaupo na sila ngayon sa lupa habang inalalayan naman ng dalaga ang nagduduguang binata.
"Timothy lumaban ka, please..." pagsusumamo ni Florabelle at tsaka idinikit ang noo nito sa kaiyang balikat.
Walang anu-ano'y bigla na lang nag-iba ang buong paligd hanggang sa nakita na lang nila ang kanilang sarili sa isang madilim na dimensiyon. Sa kanilang likuran ay nakatayo ang Puno de Orasa na wala nang mga dahon at bulaklak ngunit patuloy pa rin itong nagliliwanag. Agad namang tiningnan ni Florabelle si Timothy sa kaniyang bisig na ngayon ay namumutla at parang wala nang buhay. Agad namang naalarma si Florabelle at tsaka tinapik ang mukha ng binata.
"Timothy? Timothy?!" sigaw nito at tsaka tinatapik muli ang kaniyang mukha.
"Wala na siya, Florabelle." rinig niya sa isang boses at agad napatingala upang makita si Liwayway na nalulungkot din sa sinapit ng binata.
"Masyado nang mahina ang katawan niya mula nang umalis ang kaluluwa ni Timoteo. Hindi na kinaya ng kaniyang katawan kaya nang binaril siya kanina ay wala na siyang sapat na lakas upang labanan pa ang sakit dulot nito. Bumigay na ang kaniyang katawan, Florabelle." malungkot na sinabi ni Liwayway at agad itong lumapit sa kanila.
"Hindi iyon maaari! Please tulungan mo naman akong pabalikin siya...." paghihinagpis naman ng dalaga habang umiiyak ito sa labis na kalungkutan. Hindi niya inaasahan na mahahantong sa ganito ang lahat.
Malungkot naman siyang tinitigan ng diwata at agad hinawakan ang pisngi ng binata na ngayon ay nanlalamig na. "May paraan pa." Nang dahil sa sinabi niya ay mabilis na mapatingin sa kaniya si Florabelle.
"Gagawin ko 'to dahil naaawa na rin ako sa inyong kalagayan. Dumating na rin sa punto na malapit na kayong makuha ni kamatayan dahil sa misyon na inyong gagampanan. Gusto ko kayong mamuhay ng masaya at matiwasay sa hinaharap ngunit....." sabay tingin nito sa dalaga.
"Handa ka bang tanggapin na hindi ka na makikilala ni Timothy sa hinaharap?" agad namang nabigla si Florabelle dahil sa kaniyang katanungan.
"A..anong ibig mong sabihin?"
"Ang kapangyarihan kong makagamot ng tao ay may kapalit. Kapag ginamot ko rito si Timothy ay gigisng na lamang ito sa hinaharap na walang alam tungkol sa naging misyon nito sa lumang panahon at pati na rin sa'yo. Wala ka na ring nalalaman tungkol 'dun at gigising na may puwang sa iyong isipan at....."
"...at hindi niyo na rin makikilala ang isa't isa kapag nakakabalik na kayo sa inyong panahon." dagdag nito dahilan upang magitla sa kaniya si Florabelle. Nanginginig na ang mga kamay ng dalaga habang napatakip ito ng kaniyang bibig. Pilit niya pa ring iniisip ang mga sinabi sa kaniya ni Liwayway at sa kondisyon ng kaniyang paggamot sa binata.
Tumatagaktak pa rin ang mga luha nito sa kaniyang pisngi at inaalala ang mga panahon na magkasama sila ni Timothy na masaya at walang pinoproblema. Simula sa unang pagkikita nila sa mansion hanggang sa mga sandaling magkasama nilang hinarap ang mga hamon at unos 'nung sila'y nakarating sa lumang panahon. Kahit sa maikling panahon lamang ay nararanasan niyang maging masaya, malungkot, at umibig sa piling ni Timothy. Siya ay isang malaking parte ng kaniyang buhay na hinding-hindi malilimot ng puso.
"Sige, gawin niyo na po. Mas pipiliin ko pa rin na mabuhay siya kahit ang kapalit 'nun ay ang paglimot namin sa isa't isa sa hinaharap. Alam kong makakalimot ang isip ngunit naniniwala akong hindi makakalimutan ng puso na siya'y naging parte ng buhay ko."
Agad namang tumango ang diwata at nilagay ang kamay nito sa ulo ni Timothy upang gamutin ito. Habang ginagamot ang binata ay bahagyang nakangiti si Liwayway dahil sa naging dahilan ni Florabelle.
"Tunay ngang pag-ibig ang iyong nararamdaman sa binatang 'to. At tsaka tama nga naman ang iyong sinabi na hindi basta-basta makakalimot ang puso sa mga taong naging parte ng ating buhay. Kahit na marami pang taon ang dumaan ay hinding-hindi makakalimutan ng puso ang bawat saglit na binuo ninyo ni Timothy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro