KABANATA 21
[Kabanata 21]
Mukhang nanigas ang aking katawan dahil hindi ko akalaing makikita ako ni Timothy. Naku, ano na ang gagawin ko? Napalunok na lang ako at dahan-dahang tumingin sa kaniyang harapan.
"Uh, magpapalit lang po ako ng mauupuan." sabi ko habang nakangiti nang pilit at tsaka pinuntahan kung saan nakaupo ngayon si Mylene. Pag-upo ko sa tabi ni Mylene ay agad kong sinalibong ang mga ngiting hindi ko ikalaing makikita ko sa babaeng 'to. Kung sa bagay, malayong-malayo ang pagkatao nina Mylene at Marcelita. Mas magaan kasi ang loob ko kay Mylene eh. Mukhang friends na rin kami ngayon.
"Congrats, ikaw na si Odette." ngiti nito.
"Congrats din Mylene. Ikaw na ang bagong Odile." sabi ko naman sa kaniya. In speaking of Odette, mukhang desidido na si Prof. Consuelo na ako ang gaganap. Talagang kasalanan 'to ni Kurt. May oras din ang wierdong 'yun sa akin!
"Since narito na si Mr. Casquejo ay ipagpaliban ko na muna ang inyong break." intro ni Prof. Consuelo na aming ikina-ingay bigla.
"Guys, let's give Mr. Casquejo a 30 minute session regarding sa gagawing props and designs. Kasi after nito ay may klase pa siya sa management studies department. Mabuti na lang dahil nakumbinsi ni Ms. Gonzaga itong si Mr. Casquejo na maging props manager ng ating stage play." sabi ni Prof. Consuelo.
Agad naman akong napatingin kay Mylene na nasa aking tabi. So ang nangyari pala kahapon na magkasama sila ay may dahilan pala. Kung ano kase ang pinag-iisip ko eh!
"Ikaw pala ang nagkumbinse kay Timothy na maging props manager natin?"
Agad namang tumingin si Mylene sa akin. "Oo. Si Timothy kasi ang Arts Club President dito sa university and I think we need his expertise in making of our props and designs. Kilala ko rin siya dahil magkaklase kami sa Fine Arts department. You'll never imagine my struggles on how I convinced him na maging props manager natin." tawa niya at agad ibinalik ang tingin kay Timothy na nagsasalita sa gitna kasama si Prof. Consuelo.
Agad na rin natapos ang session ni Timothy sa loob ng 30 minutes kaya nagpaalam na ito sa amin. Mabilis ko namang inayos ang aking mga gamit papasok ng bag para makaalis na rin dito sa loob. Pero bago pa ako makaalis ay nakita ko si Mylene na papunta sa direksiyon ni Timothy.
"Tim, sabay na tayong mag-lunch later." sabi niya.
"Sige, saan mo ba gusto?" rinig ko naman kay Timothy.
Mukhang kailangan ko na ring umalis dito. Tiningnan ko naman ang aking wrist watch at nagulat na magaalas-nuebe pa lang. Jusko, saan naman kaya ako pupunta sa mga oras na 'to?
"Hey, yow, wazzuppp!!!" nagulat naman ako kay Kurt at agad niya rin akong inakbayan na parang isang kabarkada. Inalis ko naman 'yung mabigat niyang braso mula sa aking balikat at tsaka hinamapas ang kaniyang likuran.
"ARAY!! Nakakarami ka na ha!" reklamo niya pero wala akong pakialam.
"Paano na 'to? Mukhang ako na talaga ang gaganap na Odette! Talagang kasalanan mo 'to!!" sabi ko at tsaka pinaghahampas ang kaniyang braso.
"Excuse me, hindi ko na kasalanan kapag pumalpak ka sa stage play na 'to. And besides, malas mo lang kasi ako 'yung pinaghihingian mo ng tulong. Kapag ako kasi, it's a Give and Take process! Kapag may hinihinging pabor, may kapalit. Hindi ko na kailangang ulitin ang sinabi ko dahil alam kong alam mo na 'yun." sabi niya at agad niya rin akong hinila palabas ng auditorium.
"Teka, saan naman tayo pupunta?!" reklamo ko. Agad naman siyang lumingon at tsaka hinagis sa akin ang kaniyang bag.
"Pupunta tayo sa canteen kaya samahan mo ako." ngisi niya at tsaka naunang lumabas mula dito sa loob ng auditorium. Talagang nanggigil na ako sa lalakeng 'to. Lord, patawarin mo ako kapag pinatay ko nang wala sa oras ang bwisit na 'to!
**********
"Ms. De Luna and Mr. Penaflorida?" tawag ni Prof. Consuelo.
Agad naman kaming lumapit ni Kurt papunta ng stage at sa hindi inaasahan ay agad kaming tinutukso ng aming kasamahan na nakaupo sa mga front seats.
"Okay. Ito 'yung magiging script ninyong dalawa. You have to read and memorize all of it." explain naman ni Prof. Consuelo. Napalunok na lang ako habang fini-flip ang mga pages ng aming script. Mukhang marami 'to ha. Pero keri lang. Si Florabelle de Luna magpapatalo? Like hello?! haha
Mga ilang araw din ang nakalipas at hindi ko na namalayan na papatapos na ang aming ensayo sa loob ng isang linggo. Talagang kay bilis ng panahon. Maayos naman naming ginampanan ni Kurt ang role bilang Odette at Prince Siegfried. Mabuti lang din dahil tinutulungan kami ni Mylene at makikitang bihasa ito sa mga ganitong klaseng drama.
Sa pananatili ko rito sa loob ng auditorium, hindi ko maiwasang makakasalamuha si Timothy dahil isa siyang props manager ng stage play. Mabuti na lang dahil tinanggap ko ang role kaya hindi kami magkakasama sa props production team.
May araw talagang magkakasama kaming tatlo dahil siyempre kailangan niyang malaman ang buong story ng Swan Lake upang may idea ito kung paano siya gagawa ng mga props at character costumes. Siyempre normal ko namang dini-discuss sa kaniya ang mga details ng story. Alam kong may hinala na siya tungkol sa aking pag-iwas kaya dine-divert ko ang aking atensiyon sa ibang bagay para hindi na niya ito matanong. Mabuti na lang dahil pabida 'tong si Kurt kaya madali niya itong kinakausap ng kung anu-ano.
Dumating na rin ang hinihintay naming araw. Sa totoo lang kinakabahan na ako. First time ko kasing gagawin 'to at tsaka araw pa ng aking kaarawan. Marami na rin nag-greet sa akin lalo na 'yung mga friends at batchmates ko at siyempre 'yung family ko na nasa Manila. Sa totoo lang, namimiss ko silang lahat.
Mga alas-tres ng hapon kaming nag-assemble sa likod ng stage at diretsong pumunta sa dressing room. Mamayang 6 o'clock pa naman magsta-start ang drama kaya mas mabuting mapaaga ang pagdating namin.
"Are you okay?" tanong bigla ni Mylene. Agad naman akong tumango sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.
"Kabado na 'yan!!!" sigaw naman ni Kurt na aming ikinabigla. Kumunot naman ang noo ko at tsaka hinagis sa kaniya ang dala kong rolyo ng tissue paper. Pero umilag agad ang weirdong 'to. Umiling lang sa amin si Mylene at tuluyan na rin siyang umalis palabas ng dressing room.
"Hindi ako kabado!"
"Halata nga eh!" sarkastiko naman niyang sinabi. Agad naman akong umupo sa silya na malapit sa akin at tsaka nag-emote. Mukhang hindi ko 'to kakayanin! Gusto ko nang umuwi!
"Hindi maso-solve ng pag-eemote ang problema mo." rinig ko kay Kurt at agad itong umupo malapit sa akin.
"Natural lang na maging kabado pero ang gumive-up, hindi puwede. Alam mo naman na ikaw ang main protagonist ng story tapos aayaw ka na dahil natatakot ka?" panimula niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang 'yun.
"Okay. Let's put this way para magkaroon ka ng encouragement." dagdag niya st tsaka ipinatong ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"I'll give you a challenge. Kapag naging successful ka sa role mo, I'm going to take you to my grandfather's house after this stage play plus...." sabi niya na aking ikinabigla agad. Nakauwi na pala si doc Gaspar?
"....plus I'll do everything as you wish kahit ilang kurot at hampas pa 'yan ay tatanggapin ko na hindi kumokontra." dagdag niya. Mukhang ngumiti naman ako sa sinabi niya kaya nakingiti rin siya.
"Baliw ka talagang weirdo ka. Eh kapag pumalpak ako mamaya?" I doubted at agad naman akong siniko ng lokong 'to.
"Ayan na naman tayo eh. Huwag mo kasing isipin na papalpak ka mamaya. Sa totoo lang, ikaw ang mas baliw sa atin eh!" sabi nito at agad tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.
Sa totoo lang may punto naman si Kurt. Kung talagang ayaw kong gampanan ang role na 'to eh 'di sana tinanggihan ko na 'to simula pa lang. Sinimulan ko 'to kaya dapat ko lang 'to tapusin. Ayaw kong masayang ang perang ibinayad ng mga tao dahil sa aking kapalpakan. Mukhang may encouragement na akong nakukuha kay Kurt at kapag naging successful ako sa aking role ay talagang gagantihan ko siya ng napakaraming kurot at hampas!
**********
"Good evening ladies and gentlemen!" bati ni Prof. Consuelo sa mga audience.
Agad naman akong napatingin sa labas at makikitang napakaraming tao ang dumalo upang manood ng Swan Lake. Napalunok na lang ako sa aking kinatatayuan at nag-sign of the cross.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas at agad na rin kaming nagsimula ng aming stage play. Unang parte ay ang prologo kung saan si Odette ay ipinakitang isinumpa ng isang evil sorcerer na si Rothbart. Siyempre nagpakitang gilas din ako sa aking first scene at laking pasasalamat dahil ginawa ko 'yun ng maayos.
Nang matapos ko 'yun ay agad na rin akong bumalik sa gilid ng stage at nakitang papasok na si Kurt na talagang nababagay sa kaniyang outfit na isang prinsipe. Nagbigay gilas din ang wierdong 'to na talagang pinalakpakan ng lahat dahil sa ginawa niyang last scene sa unang act.
"Hello? Who are you?" acting ni Kurt. Talagang with feelings eh. Siyempre hindi naman ako magpapatalo kasi kailangan kong makaganti sa kaniya.
"I'm Odette." acting ko naman. "I was running away from the hunters, they scare me. But aren't you one of them?" talagang nagbigay todo rin ako.
"It's alright. There's no need to be frightened. We all dress like this for hunting but don't worry. They won't hurt you, not while I'm round." Bongga talaga ang lokong 'to.
Nang marating na namin ang ikatlong, nakita kong papasok na sa scenario si Mylene bilang Odile. Talagang sinadya ng aming make-up artist na ipareho ang aming mukha dahil according sa story, si Odile ay nagtransform bilang si Odette gamit ang mahika ng kaniyang ama na si Rothbart. Hindi naman talagang exact na parehong-pareho ang mukha namin. Siguro ay dapat same kami ng suot na wig, damit, sapatos, at kulay ng make-up.
At sa wakas narating na rin namin ang ikaapat na Act kung saan ito na ang hinihintay ng lahat.
"I chose to die rather than remain a swan forever!" mangiyak-ngiyak ko naman sinabi 'yun.
"If you die, I'll die too. Please be with me forever, Odette." acting naman ni Kurt na talagang umiiyak na 'to sa aking harapan. Ba't ang galing niyang umacting?
"If.........." napatigil ako saglit nang mapansin si Timothy na may hawak-hawak itong flower bouquet. Nakita ko siya sa gilid ng theatre stage kasama ang mga ilang production team na nanonood din sa amin.
Wala akong kamalay-malay na tumutulo na pala ang aking mga luha nang matanaw kong ibinigay niya ang flower bouquet kay Mylene na kasama niya pala 'dun. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang aking nararamdaman kapag nakikita kong magkasama sina Timothy at Mylene. Hindi ko namang ugaling magselos pero ba't ganun?
"If........." patuloy ko. "If that is your wish, let's die together so we can be together, forever." sabi ko at agad na kaming magkakahawak kamay ni Kurt.
Mukhang ito na ang hinihintay na scene na talagang pinakaayaw kong gawin pero dapat kailangan daw para may appeal sa manonood.
Dahan-dahan namang hinaplos ni Kurt ang aking mukha at agad nilipat ang kaniyang kamay upang hawakan ang aking baba. Napalunok na lang ako sa ginawa niyang 'yun at nararamdamang lumalapit na siya sa akin. Napapikit na lang ako sa mga oras na 'yun habang hinihintay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo. Pero bago pa niya ito magawa ay agad namang namatay ang mga ilaw dito sa stage.
Teka, ba't namatay ang mga ilaw? Tapos na ba?
**********
Dinala na ako ni Kurt sa bahay ng kaniyang lolo pagkatapos ng aming stage play. Pagkatapos kasi ng aming successful stage act ay agad kaming nagpipicture sa aming co-actors at tsaka sa buong production team. Nagpasalamat na rin kami kay Prof. Consuelo dahil sa opportunity na ibinigay niya sa amin. Talagang hinding-hindi ko 'to makakalimutan!
Ngunit palaisipan pa rin sa amin kanina kung sino ang pumatay ng ilaw na hindi pa tapos ang amig stage play. Sinabi naman ni Prof. Consuelo na wala ring kaalam-alam ang crew ng control booth kung bakit ito namatay. Ngunit nararamdaman niya na may pumasok sa silid ng booth habang nasa loob siya ng CR at that time. Sino naman kaya ang taong gumawa 'nun?
"Are you, Ms. Florabelle de Luna?" bungad sa akin ni doc Gaspar habang papalapit ito sa akin. Talagang matanda na siya at may dala rin itong tungkod. Agad naman akong nagbow at tsaka ngumiti.
"Yes, doc." ngiti ko. Mukhang anscestral house ang bahay ni doc Gaspar at may nakadisplay pang mga makalumang bagay sa kaniyang sala. Parang museum din kung titingnan
"Ano ang aking ipaglilingkod sa'yo , hija?" panimula niya.
"Uhm, may tao kasing nagsabi na nasa iyo raw ang librong La Vida Parroquial. Puwede po bang hiramin ang libro kung maaari, doc?" pagbabasakali ko naman.
"La Vida Parroquial. That book seems familiar to me." sabi niya habang hinahaplos ang puting balbas. Agad naman siyang tumayo at lumingon sa akin. "Follow me."
Sinundan ko naman siya papunta sa kaniyang office. Medyo creepy 'yung daanan kasi madilim. Hindi kasi gaanong maliwanag 'yung ilaw nila dito. Pagdating namin ay agad niya itong binuksan ang pintuan at tsaka ako pinapasok sa loob ng kaniyang office.
"Maupo ka muna, hija dahil hahanapin ko muna 'yung librong tinutukoy mo." sabi niya at agad na akong iniwan. Mga halos 20 minutes 'yung inantay ko rito habang nakaupo sa sofa at sa wakas ay bumalik na rin siya hawak ang librong matagal ko nang hinahanap.
"Eto na hija ang La Vida Parroquial. Napakaluma na 'yang libro at sa totoo lang ay wala akong nakukuha diyan." sabi niya sabay abot sa akin ang libro. Feel ko lumiliwanag ang libro habang hawak-hawak ko 'to. Hindi masyadong makapal ang libro at nagiging kulay kape na dahil na rin sa kalumaan. Agad ko ring binuklat ang libro at makikitang gunit-gunit na at parang kinain na rin ng mga anay ang ibang pahina.
"Hindi ko alam kung bakit gusto mong hiramin 'yan. Puwede ko bang malaman kung bakit?" tanong ni doc Gaspar. Agad naman akong napatingin sa kaniya at tsaka ngumiti.
"May gusto lang po akong malaman." tugon ko.
**********
"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!!" kanta ni Kurt habang hinahatid ako pauwi sa apartment.
Talagang naiirita na akong marinig ang sintunado niyang boses kaya binatukan ko siya sa kaniyang ulo.
"Naku, tigilan mo 'yan kung ayaw mong maaksidente tayo!" reklamo niya habang nakangisi. Talagang mahilig mambwisit ang lokong 'to.
"Akala ko talaga nakatira ka sa lolo mo. Ba't ayaw mo 'dun?" tanong ko habang hinihimas ang libro na nasa palad ko ngayon.
"Why would I stay there? Ang luma ng lugar na 'yun at tsaka mukhang nakakatakot. Kaya nga hindi ako pumasok diyan kanina eh." sabi niya na aking ikinatuwa bigla.
"Talaga bang ayaw mong magcelebrate ng birthday mo? Sayang naman oh. Nakabihis na tayo at tsaka pwede na rin tayong magdate------ARAY!" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil binatukan ko siya ulit. May nalalaman pa siyang date ha?
"Ayaw ko. At tsaka gusto ko nang magpahinga noh. Sapat na sa akin na may bumabati sa akin..." sabi ko habang napasulyap sa aking phone at tsaka nakita ang greeting text ni Timothy na ngayon ko lang nabasa. Kahit na medyo nasasaktan ako sa aking nasaksihan kanina ay may parte pa rin sa aking puso na masaya sapagkat alam ni Timothy ang aking kaarawan. Paano niya kaya nalaman?
"Teka, paano mo nalamang birthday ko ngayon?" tanong ko bigla kay Kurt sabay tingin sa kaniya.
"Edi sa mga besties mo. Nakapag-greet na ba sila sa'yo?" ngisi niya.
"Siyempre. Kaninang umaga pa noh. Always kaya silang punctual bumati. " tugon ko at tsaka namang tumawa ang baliw na 'to.
"Can I ask something? Anong relationship mayroon kayo ni Timothy? I just saw you two before leaving the hospital at mukhang may pinuntahan kayo. Are you that close?" tanong niya sa akin. Ang tinutukoy niya ay 'yung time na pupunta kami ni Timothy sa Anillo upang hanapin si Helena regarding sa singsing na suot-suot namin. Tumahimik naman ako sa mga sandaling 'yun at tsaka natandaan ang mga salitang binitawan niya noon na aking ikinalungkot bigla.
"Ang nararamdaman naming pagkakapareho ay bilang magkaibigan lamang. At wala na pong iba..."
Ito ang mga katagang tumatak sa akin na ang aming relasyon ni Timothy ay bilang magkaibigan lamang. Malungkot isipin pero ito ang katotohanan.
"Magkaibigan lang kami ni Timothy." tugon ko kay Kurt habang nakatingin sa mga lugar na aming dinadaanan. Gabi na kung tutuusin pero maliwanag ang buong paligid dahil may mga parol at mga christmas lights nang nakadisplay sa labas ng bawat bahay.
"Ngayon ko lang actually napansin 'yung singsing mo. Maganda siya ha. Same with him..." sabi niya at agad naman akong napatingin sa suot kong singsing. Oo, pareho kami ng singsing. Ang singsing na nagbigay daan upang magkita kami ni Timothy, ang lalaking bumihag ng aking puso't damdamin.
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa aking apartment. Bago pa ako makababa ay napatingin muna ako sa kaniya.
"Maraming salamat sa tulong mo, Kurt. Kundi dahil sa 'yo ay hindi ko 'to makukuha." ngiti ko sabay pakita sa kaniya ang librong hawak-hawak ko. Agad ko na ring inalis 'yung seatbelt upang makababa na ngunit napahinto ako sandali nang magsalita siya.
"I like you, Flor..."
Agad naman akong napalingon sa kaniya dahil sa matinding pagkagulat.
"I don't know but I think you should know how I felt whenever I'm with you." dagdag niya. Talagang hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Si Kurt magkagusto sa akin?!
"But don't worry. I'll never ask you to like me back. I just want you to know about my feelings towards you." rebelasyon niya. Sa totoo lang first ko siyang nakikitang sincere. Talagang speechless ako sa naging confession niya sa akin. Paano ko naman ito sasabihin na talagang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya?
"O, anu na? Bumaba ka na dahil uuwi na ako." agad niyang sinabi 'yun at dali-dali naman akong bumaba mula sa kaniyang kotse.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi." sabi ko na lang at agad naman itong ngumiti si Kurt bago siya umalis.
**********
Sa wakas ay hawak-hawak ko na ang librong magbibigay impormasyon sa akin kung sino ang nasa likod ng kaguluhan sa Arevalo at makapagtigil sa malagim na karanasan ng Sta. Rosita! Kailangan kong malaman agad para makabalik na rin ako sa nakaraan at matulungan ang mga taong nabiktima ng mga kalaban.
Dahan-dahan kong binuklat ang librong La Vida Parroquial at agad sumilip sa bawat pahina ng libro. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero agad ko nang binasa ang nasa unang pahina.
Haist! Nasa spanish ang mga salita kaya hindi ko maintindihan. Paano ko naman malalaman ang mga impormasyong nakapaloob sa libro? Hindi naman sinabi sa akin ni Helena.
Pero binasa ko pa rin kahit hindi ko maitindihan hanggang sa napahinto ako nang binanggit ko ang pangalan ng isang babae rito.
Cristina Fidela Ventura
Madre 'ata siya at tsaka may mga nakalista pang pangalan ng mga ibang prayle at madre pero ang pangalan ni Padre Fernando ay hindi ko makita. Bakit kaya?
Sa hindi inaasahan ay may narinig akong boses ng isang babae na tumatawag sa pangalang Florentina. Habang tumatagal ay mas nagiging lumalakas ang boses nito. Pamilyar ang boses nito at tsaka narinig ko na 'to dati pa.
"Florentina? Florentina?" tawag niya ulit. Napapikit na lang ako at agad tinakpan ang aking tenga. Talagang nakakabingi ang kaniyang boses.
Sa mga oras na 'yun ay may nakita ulit akong isang vision kung saan natanaw ko ang isang magandang babae na pinapatulog ang sanggol sa kaniyang bisig. Ngumiti siya sa kaniyang sanggol at agad hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nakikita pero hindi kaya'y may koneksiyon ang babaeng 'to sa likod ng mga kaguluhan?
At isang tanong na naman ang nasa isipan ko ngayon Sino si Cristina Fidela Ventura?
At ano ang kaniyang koneksiyon sa buhay ni Florentina?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro