Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 19

[Kabanata 19]


Ang Kasalukuyan , 2017

"Florabelle, makinig ka......" isang boses ang aking narinig mula sa isang madilim na dimensyon. Heto ako nakatayo sa isang madilim at malamig na espasyo, hinahanap ang taong tumatawag sa akin. Pamilyar ang boses ng babaeng ito kung kaya't patuloy ko pa rin itong hinahanap sa kadiliman. Hindi ko na alam kung saan ako tutungo ngayon pero sinisigurado kong malapit lang siya sa akin.

"Florabelle......" patuloy niya.

"Nasaan ka?" hingal ko dahil mukhang mag-iisang oras na akong lumalakad upang hanapin siya.

"Florabelle....."

"Ay, palaka!!!!" sigaw ko nang marinig ko ulit ang kaniyang boses na nasa aking likuran. Mukhang aatakihin ako sa ginawa niyang 'yun. Agad na rin akong lumingon sa kaniya habang nakahawak sa aking dibdib.

"Florabelle." sambit niya habang nakangiti ito nang marahan sa aking harapan. Huli ko siyang nakita sa araw ng kaarawan ng alcalde mayor at sa mga oras na 'yun ay tiyak kong hindi niya pa ako nakikilala bilang Florentina Morcillo.

"Florabelle, makinig ka." wika niya at agad ding kinuha ang aking kamay. Malamig ang mga kamay nito at makikitang parang namumutla ang mukha nito at may basag na bibig.

"Florabelle, may kailangan kang hanapin sa kasalukuyang panahon. Isang bagay na maaaring makatulong sa inyong misyon ni Timothy." umpisa niya. Agad naman akong napalunok sa sinabi niya.

"Kailangan mong hanapin ang isa sa mga importanteng obra ni Padre Fernando Castellana. Kailangan mong hanapin ang librong, La Vida Parroquial na isinulat niya. Dahil naglalaman iyon ng mga impormasyon na maaaring makakatulong sa inyo." wika niya.

"Si..sige, Helena. Alam ba 'to ni Timothy?...." tanong ko.

"Huwag mong ipaalam kay Timothy ang tungkol dito, Florabelle..." nagulat naman ako sa kaniyang sinabi at agad hinawakan ang aking magkabilang braso. Nanginginig ang mga kamay nito.

"Ba...bakit naman, Helena? Hindi ba't magkasama kami ni Timothy sa misyong ito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam ngunit bakas sa kaniyang mukha ang lungkot at kaba habang nakatingin sa akin nang diretso.

"Hindi maaari Florabelle. Dahil ikaw lamang ang maaaring gumawa nito." wika niya at agad ding inalis ang kaniyang pagkakahawak mula sa aking braso. Hindi ko naiintindihan. Dapat magkasama kami ni Timothy sa pagtuklas ng mga bagay ukol sa aming misyon. Pero ba't ako lamang ang maaaring gumawa ng ganung bagay na hindi siya kasama?

"Ito lang ang maaari kong maitulong dahil sa paglabag mo sa iyong misyon." wika niya na aking ikinagulat.

"Anong ibig mong sabihin? Kahit kailan wala akong nilabag sa naging misyon ko sa lumang panahon." depensa ko dahil sa matinding gulat. Wala naman akong natatandaan na lumabag sa aking misyon. Meron ba?

"Mukhang wala kang maalala, Florabelle. Alam kong hindi mo 'yun sinsadya pero ginawa mo 'yun nang walang kamalay-malay..." napa-iling na lang si Helena na nasa aking harapan.

"Teka, ano bang ginawa ko?" kunot noo kong tanong sa kaniya. Talagang wala akong naaalala.

"Malalaman mo rin kapag naaalala mo na." wika niya at tsaka ngumiti ng pilit.

"Tandaan mo nasa kasalukuyan ka na, Florabelle. Walang narsisong makakatulong sa'yo. Ito lang ang maaari mong gawin upang makatulong nang malaki sa inyong misyon sa lumang panahon." dagdag niya.

"Malapit na kayo sa kalagitnaan ng inyong misyon at aasahan ninyong may mas matindi pang magaganap. Aasahan mong may matutuklasan kang bagay na maaari mong ikagugulat at......" pagtigil niya saglit. Mukhang natetense na ako sa mga pinagsasabi niya.

"...at aasahan mong makikita mo na ang taong magpapabagsak ng Sta. Rosita." patuloy niya. Mukhang hindi ako makagalaw at kumukurap sa aking kinatatayuan dahil sa salitang binitawan niya. Walang anu-ano'y agad akong napatakip ng aking tenga' t napapikit ng may narinig akong malakas na pagsabog mula sa plaza Arevalo.

Sunod-sunod ang pagbomba ng mga ito at makikitang unti-unting nilalamon ng mga malalaking apoy ang buong paligid. Maraming guardia sibil ang dumating upang malaman kung sino ang nagpabomba ngunit nahirapan silang lumapit dahil sa patuloy na pag-atake ng mga kalaban.

Agad na rin akong dumilat at inalis ang aking mga kamay mula sa aking tenga. Mukhang may naalala na ako. Inatake pala ng mga kalaban ang Arevalo.

"Kailangan kong makabalik sa lumang panahon, Helena. Kailangan kong-----"

"Makakabalik ka lamang kapag nahanap mo na ang librong sinasabi ko, Florebelle.." pagputol niya. Napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya at napabuntong hininga.

"Dahil ang librong 'yun ay ang tanging susi na makapagtigil sa malagim na karanasan ng Sta. Rosita at ang susi upang malaman mo ang tunay na pagkatao ni Florentina." dagdag niya.

Napalunok na lang ako pagkatapos 'nun. Kailangan kong hanapin ang librong 'yun upang malaman ang taong nasa likod ng mga pangyayari. At pati na rin sa pagkatao ni Florentina? Teka, ano ang ibig sabihin niyang 'yun?

"Aasahan kong mahahanap mo ang librong 'yun, Florabelle." matamlay niyang ngiti. Agad ko naman siyang sinundan sa kawalan. Napatakbo naman ako nang mabilis upang maabutan siya ngunit parang mas mabilis siyang lumalayo sa akin.

"Helena! Saan ko hahanapin 'yun?!" sigaw ko at agad nang napatigil sa pagtakbo.

"Ikaw lang ang makakaalam kung paano mo 'yun hahanapin At palagi mong tatandaan, hindi maaaring malaman ni Timothy ang bagay na ito. Ipangako mo 'yan sa akin, Florabelle." malumanay niyang wika.

"Teka, Helena. Hindi ko maintindihan!!" habang sinasabi ko 'yun ay parang unti-unting lumiliwanag ang buong paligid. Ang kadiliman ay parang napapalitan na ng nakakasilaw na paligid. Naglalaho na rin nang tuluyan si Helena mula sa aking paningin at hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngunit bigla na lang tinamaan ng nakasisilaw na liwanag ang aking mga mata kaya ako'y napapikit..

Laking gulat ko na lang dahil parang may isang bagay na tumatama sa aking katawan ngayon. Agad na rin akong napabalikwas mula sa aking higaan at hinarap muli ang sikat ng araw. Agad naman akong tumingin sa kung sino ang pumapalo sa aking likuran. Nakita ko ngayon si Geoff na may dalang hotdog pillow na aakmang papaluin ako ulit.

"Hoy, Doray!! Hindi ka ba gigising? Mag-aalas otso na, o?" mataray na sigaw ng bakla habang pinapalo ako ng kaniyang hotdog pillow.


**********

"Mabuti naman at gumising ka na, Flor. Hindi ka ba papasok ngayon?" salubong sa akon ni Marie.

"Teka, anong araw ba ngayon?" Sa totoo lang nakalimutan ko kung anong araw ngayon ang nasa kasalukuyan.

"It's Tuesday pa lang Flor. Why?" kunot noo niyang tanong habang nagsusuot ng kaniyang white socks. Mukhang papasok na silang tatlo sa ospital pero heto ako ngayon kagagising lang. Teka, ano bang nangyari kagabi? Ba't wala akong maaalala?

"Hoy, Doray! Isusumbong kita kay auntie dahil marunong ka nang maglasing!!!" panakot naman ng bakla sa akin na aking ikinagulat.

"Huh!! Ano!?"

"Hindi mo ba alam hinatid ka ni Timothy dito kagabi na lasing. Saan ba kasi talaga kayo nanggaling ha? Teka, pumunta ba kayo ng bar at uminom?" tanong ng bakla habang dire-diretso itong umupo sa aking tabi.

"Ano ka ba, hindi noh. Pumunta kami sa ano......." hindi ko talaga pwedeng sabihin na pumunta kami sa bayan ng Anillo. Dahil kung magkataon ay may itatanong na naman ang baklang 'to ng kung anu-ano

"Mga beks, it's 7:45 na. Kailangan na nating umalis." wika ni Marie habang nakatingin na ito sa aming wall clock.

"Ikaw, Flor? Papasok ka ba? Pwede ka pa namang humabol at tsaka don't worry kami na lang ang magpa-punch in ng DTR card mo------"

"Naku, huwag na baka makita ka pa ng clinical instructor natin..." pagtanggi ko. "At tsaka sa totoo lang, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon Antoinette kaya hindi muna ako papasok." dagdag ko habang nakahawak sa aking noo. Ang feeling na parang bumibigat ang aking noo pero hindi naman ito sumasakit.

"Iyan kasi ang napapala mo sa kaiinom. Talagang isusumbong kita kay auntie, lagot ka!!" panakot naman sa akin ni Geoff kaya siningkitan ko lang siya pabalik.

"Hindi talaga ako uminom."

"Akala mo lang wala, pero meron, meron, MERON!!!! AW, ARAY-------" pagtigil niya dahil agad siyang hinampas ni Antoinette sa kaniyang likuran.

"Huwag mo na siyang pansinin, Flor. Inggit lang siya sa'yo dahil magkasama kayo kahapon ni Timothy. AW, ARAY!!! Ano ba, Geoff?!" at agad namang hinimas ni Antoinette ang kaniyang braso dahil sa ginawang paghampas sa kaniya ng bakla.

"Well, ikaw ang nag-umpisa kaya ako ang dapat tumapos!!!" mukhang alam na ni Antoinette ang kasunod kaya tumakbo na ito palabas at agad naman siyang hinabol ng bakla.

"BRUHA KA!!!" rinig ko kay Geoff mula sa labas ng aming kuwarto. Napa-iling na lang kami ni Marie sa kanilang pinanggagawa.

"Sige, Flor. Mauuna na rin ako. Just call or text me kung may kailangan ka. Got it?" ngiti niya.

"Okay. Thanks, Marie." tugon ko na lang at agad na ring umalis si Marie mula sa aming kuwarto.

Naging tahimik na ang buong paligid kaya mukhang magpapahinga na rin ako ng maayos. Humiga ako ulit sa aking kama at dinama ang mabangong kumot na nakabalot sa akin. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Geoff kanina. Talaga bang nalasing ako kagabi? Mabuti na lang dahil hinatid ako ni Timothy pauwi.

Sa natatandaan ko kasi ay tumungo kami kahapon sa bayan ng Anillo upang hanapin si Helena pagkatapos nang makita namin siya ay agad naman niya kaming itinulak sa balon kaya nakabalik kami ulit sa nakaraan for the second time at pagkatapos......

Sa totoo lang nakalimutan ko na ang mga sumunod na pangyayari. Teka.....

Sa mga oras na 'yun, hindi ko alam ngunit mukhang nagfla-flash sa aking isipan ang mga nakalimutan kong alaala mula sa nakaraan. Napapikit na lang ako tuloy at tsaka napahawak ng aking sentido. Isang imahe ang aking nakita, mula nang makita ko ulit si Konrad sa ikalawang pagkakataon hanggang sa mga tagpong kung saan pumunta kami sa kaarawan ng alcalde mayor na idinaos sa Arevalo.

Muntik na rin akong mahulog sa aking kama nang makita ko ang aking sarili na umiinom ng maraming wine. Talagang uminom nga ako at marami pa ha.

Nakikita ko rin ang aking sarili na kinakausap si Timothy habang umiinom ng wine sa mga oras na 'yun. Anu kaya ang mga pinag-usapan namin? Sana wala akong sinabi sa kaniya na masama o mga nakakahiyang bagay.

Agad na rin akong napamulat at napatayo mula sa aking kama. Dahil umabsent ako ngayong araw, kailangan ko nang hanapin ang librong sinasabi ni Helena.

Ang La Vida Parroquial.


**********

"Heto na po ang hiniram kong libro, sir." ngiti ko nang makita ko ulit ang matandang librarian dito sa Castellana's mansion. Inabot ko na rin sa kaniya ang librong Historia de Iloilo upang isauli sa kaniya.

"Mabuti dahil nakabalik ka na rin dito, hija. May hihiramin ka pa bang libro dito?" ngiti naman niya habang hawak-hawak ngayon ang libro.

"May libro po ba kayo na ang pamagat ay La Vida Parroquial?" tanong ko.

Agad namang napa-isip ang matanda at tumungo sa kaniyang desk upang kunin ang isang malapad at lumang notebook na nasa loob ng drawer. Kinuha niya ito nang dahan-dahan at agad ibinuklat ang mga pahina. Nagtataka naman ako sa mga oras na 'yun kung kaya'y pinuntahan ko na rin siya.

"La Vida Parroquial." sambit niya habang may hinahanap sa bawat pahina.

"Hija, makinig ka. Ang librong La Vida Parroquial ay isa sa pinakaunang libro na nailimbag noong panahon ng mga Espanyol. At ang librong ito ay naglalaman ng mga impormasyon kung saan inilahad ng isang pari ang kanilang pamumuhay at ang kanilang mga gawain sa loob ng parokya." intro niya.

"Matagal na itong ipinabasura ng Santo Papa kung kaya't matagal din itong nawala sa mundo." dagdag niya. Mukhang na-curious naman ako sa mga inilahad sa akin ni sir Flores, ang librarian ng mansion.

"Anong ibig niyo pong sabihin 'dun?"

"Dahil ang mga impormasyong nakapaloob 'dun ay ang mga maling gawain ng mga prayle na nasa tingin nila noon ay may magandang maidulot sa kanilang nasasakupan. Alam mo naman ang mga prayle noong unang panahon, mga sakim at matapobre." ngumiti na lang siya at agad umupo sa kaniyang upuan.

"Sadyang makapangyarihan ang mga pari noong unang panahon kaya't ikinabahala ito ng mga mamamayang Pilipino. Mga mapang-abuso, mga sakim, at palaging minamaliit ang kakayahan ng mga pilipino. Ganitong-ganito sila kung mailalarawan noon. At ang lahat ng mga gawain nila noon ay inilalahad nila sa librong hinahanap mo, hija." seryoso niyang wika.

"Pala-isipan din kung sino ang may akda ng librong 'yun kung kaya't may kutob din akong baka isa rin siyang mapang-abusong pari noon." dagdag niya.

"Teka po, akala ko ba si Padre Fernando Castellana ang may akda 'nun?" isang malaking question mark ang talagang tumatak sa aking isipan dahil sa sinabi ni sir Flores. Natandaan ko kasi ang sinabi ni Helena na ang sumulat ng librong La Vida Parroquial ay si Padre Fernando.

"Si Padre Fernando? Ang may akda ng Historia de Iloilo?" tanong ng matanda. Tumango naman ako dahil sa tanong niya.

"Hindi natin masasabi na siya nga ang sumulat 'nun. Pero malay natin." nagkibit-balikat lang siya dahil sa sinabi nito at agad itinago ang notebook sa loob ng kaniyang drawer.

"So, mayroon nga kayong libro dito, sir?" tanong ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya sa mga oras na 'yun at agad bumalik sa kaniyang pagkakaupo.

"I'm just getting curious. Bakit gusto mong hiramin ang librong 'yun? As the matter of fact, matagal na 'yun hindi nag-eexist, hija. 'Di ba sabi ko sa'yo kanina e matagal na 'yun ipinabasura ng Santo Papa dahil ayaw na niya itong kumalat pa sa iba't ibang bansa." talagang nagtataka na si sir Flores dahil sa mga inaakto ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong rason, 'di ba? Napakamot na lang ako ng aking ulo dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.

"Sige, I don't know why you are looking of that book but I'll going to help you." ngiti niya na aking ikinagulat. Mukhang nagglo-glow ang mga mata ko sa mga narinig ko ngayon.

"May libro dito noon way back 1974 when my I was just 17 at naging assistant ng librarian dito as my sideline work habang nag-aaral ako sa kolehiyo. Kaya nga laking gulat ko nang marinig ko ang pamagat ng librong 'yun at dali-dali ko 'yun hinahanap sa aking record book. Sa panahon ko kasi ay may gustong bumili ng mga antique books dito lalong-lalo na ang La Vida Parroquial." kuwento niya.

"Dahil nag-iisa at wala namang halaga ang librong 'yun kaya agad din naming ibinigay kapalit ang isang typewriter na nabili niya sa Amerika." dagdag niya.

"So, sa kaniya pa rin po ba ang libro?" tanong ko naman. Agad namang tumango ang matanda. Kumuha siya ng isang kapirasong papel mula sa kaniyang desk at sumulat doon. Pagkatapos 'nun ay ibinigay niya 'yun sa akin.


Rudolfo V. Gaspar, MA, PhD

Masters of Archeological Material Science

Doctor of Archeology


"Hanapin mo ang taong ito dahil siya ang bagong nagmamay-ari ng librong hinahanap mo, hija." wika ni sir Flores.

"Pero saan ko naman siya hahanapin?"

"Sa pagkakaalam ko noon ay nagtuturo siya sa UP pero hindi ko na alam kung nagtuturo pa rin siya hanggang ngayon. Magkasing edad lang kami ng taong ito kaya baka nagretiro na siya sa pagtuturo. Pero huwag kang mag-alala pabalik-balik lang naman siya 'dun kaya may posibilidad na makikita mo rin siya." ngiti niya at tsaka tinapik ang aking ulo.

Hindi ko alam kung anu ang aking sasabihin sa mga oras na 'yun. Napalunok na lang ako sa kaba at inaalala ang mga bilin sa akin ni Helena.

Sa UP? 'Di ba diyan din nag-aaral si Timothy? Hindi niya akong pwedeng makita!

Paano na to?!


**********

Mga ilang araw din ako nagpabalik-balik sa harapan ng gate ng UP pagkatapos ng aking duty. Kinukulit ko pa nga ang guard kung anu ang hitsura ni doc Gaspar para kung sakaling makita ko siya rito sa labas ay makakausap ko siya. Ngunit mukhang iritado na itong si manong guard kung kaya't nagalit ito at ipinagtaboy ako nang tuluyan.

"ID mo 'noy." rinig ko mula sa guard na nagalit sa akin kanina. Pagharap ko nagulat ako dahil nakita ko si Timothy na nakasakay sa kaniyang bike.

Agad naman akong nagtago sa likuran ng isang kotse na nakaparada sa labas at pasimpleng sinisilip si Timothy habang kinakausap ang guard. Mag aalas-singko na sa hapon pero ba't nandito siya? May night class ba siya?

"Uhm, manong may gagawin pa po ako sa Model Room pwedeng huwag niyo munang isara ang gate hanggang magalas-siete mamaya?" rinig ko kay Timothy.

"May permit po ba kayo, sir?"

"Wala po. Ngunit nagpa-alam naman ako kanina kay Prof. Fernandez..." tugon niya habang napakamot sa kaniyang batok.

"Sige. Pero sa susunod dapat may permit na sir, ha?" wika ni manong guard at tsaka niya pinabuksan si Timothy ng gate. Agad naman akong lumabas mula sa aking pinagtaguan nang makita ko si Timothy na nakapasok sa loob. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan nang umalis pauwi. Mukhang wala akong napala ngayong araw.

Habang tinatahak ko ang makitid na kalye papunta sa aming apartment, agad kong binuklat ang aking phone at nakita ang mga unreplied text messages ni Timothy kamakailan. Hindi ko alam ngunit nagui-guilty ako sa ginawa ko. Siguro, isang message lang ang nareplayan ko pagkatapos niya akong hinatid sa apartment na lasing.

"Flor? Are you okay? Text me back if you're okay."

"I'm okay Timothy. Thank you" reply ko naman nang makita ko ang kaniyang text message pagka-umaga.

Napasabunot naman ako ng aking sarili dahil 'yan lang ang naging reply ko sa kaniya. Hindi talaga pwedeng malaman ni Timothy ang aking solo secret mission kaya hinayaan ko muna ang aking sarili na mapag-isa. Hindi ko muna siya kakausapin o makipagkita sa kaniya. Kailangan kong tuparin ang aking pangako kay Helena.


**********

Kinabukasan ay ipinatawag kami ng aming clinical instructor na pumunta sa conference room ng ospital. Wala akong idea kung bakit kami ipinatawag pero kailangan nandiyan na kami before mag alas-nuebe ng umaga.

Wala kaming duty ngayon pero talagang minamalas nga lang dahil isa akong ipinatawag ng aming clinical instructor. Medyo naghihinayang na rin dahil hindi ako kasama sa pamamasyal ng mga baliw kong kaibigan ngayong araw.

Sasakay na sana ako ng elevator nang may tumawag sa akin mula sa likuran. Agad naman akong lumingon at nagulat nang makita ko siya ulit.

"Kurt?! Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko bigla.

"Wagas ka namang magulat diyan. Eh, 'di ipinatawag din. Parehos lang tayo noh." sabi niya at naunang pumasok sa elevator.

Tahimik kaming dalawa dito sa loob. Talagang walang umimik sa amin hanggang sa napahinto ang elevator sa 4th floor dahil may lumabas na isang empleyado.

"May idea ka ba kung bakit tayo ipinatawag?" tanong niya sa akin.

"Wala." tipid kong sagot sa kaniya.

Nandito na rin kami sa wakas sa 6th floor kung saan ang conference room at dali-dali rin kaming tumungo dun. Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng aming clinical instructor habang umiinom ng kaniyang brewed coffee sa stryro cup.

"Mukhang napaaga ang pagdating ninyo dito especially you Mr. Penaflorida. I suggest na sana bawas-bawasan ang pagiging late dahil baka maapektuhan ang iyong performance. Sayang matataas pa naman ang iyong mga grado." sabi ng aming clinical instructor.

Agad na rin akong nakahanap ng aking upuan dito sa likuran at mukhang tatabi rin 'tong si Kurt sa akin. Siningkitan ko lang siya ng mata pero nagkibit-balikat lang ang weirdong 'to.

Mga halos 30 minutes kaming naghintay sa pagdating ng aming mga kasama at mabuti naman dahil nakompleto na rin kami bago magalas-nuebe. Agad namang napatikhim ang aming clinical instructor mula sa gitna at mukhang mag-uumpisa na siyang magsalita.

"Okay. Good morning. The reason why I called you it's because you have a special assignment to be done next week. And this activity you are going to involve is...." wika niya at agad nag-flash sa white board ang kaniyang ginawang presentation.

"A Little Theater: A Short Drama for a Cause." dagdag niya na aming ikinagulat.

"Okay, listen. First and foremost, hindi kayo magiging actors for this drama dahil may napili na kami and secondly, I choose you 20 interns to participate in this event as part of the production team." paliwanag ng aming clinical instructor na aming ikinagulat. Mukhang nagsisimula na kaming mag-ingay sa loob dahil sa inilahad niyang revelation. Talagang hindi ako makakapagpahinga sa darating na semestral break neto.

"Guys, ito ang maganda. All the collected payments from the audience will be donated to the cancer patients here in the province. So you should be grateful dahil naging part kayo ng event na ito." ngiti niya habang nakaharap sa amin.

"Siyempre with the partnership with UP's Theatrical Group, ang little theatre ay gaganapin sa loob ng kanilang auditorium. And guys, please be friendly with them. Dahil next week, sila na ang magiging kasama ninyo upang maisagawa ang production and all. Are we clear?" paliwanag ni ma'am.

UP? At ang mas masaklap pa ay next week na kami pupunta upang maisagawa ang production. Sana talaga hindi ako makita ni Timothy 'dun.

"Ms. De Luna?" tawag ni ma'am na aking ikinagulat.

"Yes, po?"

"I'll assign you in the character designing team. Alam kong magaling kang magdesign ng mga character outfits so I know it would really suit you. And also, I want you to become a set decorator of the production, got it?" wika ni maam na tanging tango lang ang aking ginawa. Mukhang hindi ako makapaniwala sa sinabi ni ma'am.

"Mr. Penaflorida? I'll assign you as part of the production sound operator, got it?" walang ganang tumango ang weirdong 'to habang nakatingin kay ma'am. Alam kong hindi siya interesado ngunit wala naman siyang magawa.

Habang nag-aayos ng aking mga gamit, hindi ko namalayang nahulog ang aking libro sa sahig. Agad ko naman 'yun nakuha ngunit may nahulog na namang isang kapirasong papel na nakaipit mula sa loob ng libro. Kukunin ko sana 'yun ngunit naunahan na ako ni Kurt.

"Hayys, ang gulo mo talaga. Teka...." pagtigil niya nang makita kung ano ang nakasulat sa papel.

"Ba't nandito ang pangalan, neto?" tanong niya pero nagkibit-balikat lang ako.

"Siyempre may nagsulat kaya nandiyan 'yan. Anu bang tanong 'yan?"

"Ang pilosopo mo talaga, baliw. Ang ibig kong sabihin bakit nandito ang pangalan ng lolo ko?" agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Lolo? Lolo mo si doc Gaspar?" gulantang kong tanong kay Kurt.

"Yes. Rudolfo V. Gaspar is my grandfather. May kailangan ka ba sa kaniya?" tanong niya na aking ikinabigla.

Talagang naglo-loading pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ni Kurt. Kung lolo niya si doc Gaspar, ibig sabihin alam niya kung saan ito nakatira. Alam niya ang itsura nito, family history, and all. Mukhang si Kurt lang ang maaaring makatulong sa aking solo secret mission dito sa present time. YES!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro