KABANATA 18
[Kabanata 18]
Ang mansion ay tuluyan nang nilamon ng tawanan at musika ngayong gabi dito sa Arevalo. Habang nakaupo ako sa aking inuupuan, hindi ko maiwasang tumingin kay Timothy na nakapwesto sa kabilang lamesa kasama ang kaniyang pamilya. Pero nang tumingin siya sa akin ay agad naman akong umiwas at kunwari ay nakikinig ako sa anunsyador na nasa aming harapan.
"Y ahora, démosle la bienvenida a nuestro celebrante de cumpleaños, nuestro querido alcalde mayor, Don Juan García de Sierra! (And now, let us all welcome our birthday celebrant, our beloved alcalde mayor, Don Juan García de Sierra!)"
Lahat kami ay nagsitayuan at nagpalakpakan nang matanaw namin ang isang lalakeng nakasuot ngayon ng napaka-engrandeng barong habang pababa na ito sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng mansion. Nasa gilid naman niya ang kaniyang mga pamangkin na sina Konrad at Marcelita upang alalayan siyang makababa. Talagang masayang-masaya ang alcalde mayor habang tinatanaw ang kaniyang mga bisita sa ibaba at nakipagkaway pa ito sa kanila. Nakababa na rin sila sa wakas at agad nang pumunta sa gitna kasama ang anunsyador.
"Feliz cumpleaños Don Juan!! (Happy birthday, Don Juan!!)" bati sa kaniya ng anunsyador. Mas lumapad naman ang mga ngiti ng don at agad ding nagpasalamat.
"Muchas gracias por venir aquí esta noche y estoy muy agradecido ya que todos vinieron y aceptaron mi invitación. (Thank you so much for coming here tonight and I am very grateful since all of you came and accepted my invitation.)" intro niya habang nakatingin na ito sa aming madla.
"Pero antes de comenzar esta celebración, me gustaría presentarles a mi invitado especial e importante de esta noche. (But before we start this celebration, I would like to introduce my special and important guest of this evening.)" mukhang nagagalak na ang lahat sa sinabi ng don na 'yun. Pero heto ako, na out of place na naman. Hindi ko naman kasi naiintindihan ang mga sinasabi niya.
"Demos la bienvenida al Gobernador General de Filipinas, Francisco de Tello de Guzmán! (Let us all welcome the Governor General of the Philippines, Francisco de Tello de Guzmán!!)" sigaw nito at lahat naman ay nakatingin na sa aming likuran kung saan may rarampa na naman sa red carpet.
Teka, may sinabi ba siyang Governor General?
Agad namang dumating ang hukbong sundalo upang makapuwesto sa gilid ng red carpet. Kung bibilangin ay dalawampu ang lahat, sampung sundalo ang sa kanan at sampung sundalo rin ang nasa kaliwa. Agad namang nagmartsa ang dalawang sundalo sa gitna kung saan ang isang sundalo ay may dalang armas na nakasipit sa kaniyang braso habang ang isa naman ay may dalang bandera. Bandera ng Espanya. Wala pa tayong bandera sa panahong ito dahil under pa tayo ng early Spanish settlement dito sa Pinas.
Pagdating ng dalawang sundalo sa unahan ay agad naman silang pumunta sa magkasalungat na puwesto. Agad namang sumenyas ang isang sundalo sa unahan at sabay-sabay na nilang itinaas ang kanilang espada sa ere na nakatakilid. Pagkatapos 'nun, agad namang nagpalakpakan ang madla ng matanaw ang isang matandang lalake na naglalakad sa gitna ng red carpet.
Siyempre may suot itong pang heneral na damit na kulay pula sa pang-itaas at kulay puti naman sa pang-ibaba nito. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang kaniyang kasuotan dahil puro mga bagay na nagkikislapan ang aking nakikita na nakasabit sa kaniyang damit. Talagang napakaraming medals! Nakasuot din ito na parang stockings na kulay puti at itim na sapatos na mukhang bagong linis dahil kumikintab pa ito. May espada rin siyang dala na nakasabit sa kaniyang beywang at talagang makikitang makapangyarihan ito at lubos na iginagalang ng mga tao.
Habang papunta na ito sa unahan hindi ko maalis-alis ang aking paningin sa taong 'yun. Hindi ko akalaing makikita ko ang isa sa mga gobernador heneral ng Pilipinas nang personal. Nang magtama ang aming mga mata, bigla naman akong yumuko dahil sa hiya.
"Feliz cumpleaños Don Juan! (Happy Birthday, Don Juan!)" bati ng gobernador heneral kay Don Juan.
Agad namang nakipagkamayan ang alcalde mayor sa kaniya at nagman to man hug pa. Tuwang-tuwa naman si Don Juan at agad ding nagpasalamat sa gobernador heneral.
"Muchas gracias, gobernador general. Estoy muy feliz ya que finalmente llegaste y aceptaste mi invitación.(Thank you so much Governor General. I am very happy since you are finally arrived and accepted my invitation.)" wika nito.
"En realidad, aprovecho esta oportunidad para venir a esta provincia y echarle un buen vistazo a mi amigo que celebró su cumpleaños hoy (Actually, I just grab this opportunity to come here in this province and just take a good look on my friend who celebrated his birthday today.)" sabay naman silang nagtawanan na hindi ko na man maintindihan.
Agad na ring kinuha ng alcalde mayor ang kaniyang inumin mula sa serbidor at ganun na rin ang gobernador heneral.
"Juntos, tendremos un brindis en honor a nuestro querido alcalde mayor de esta provincia mientras celebraba su cumpleaños hoy. (Together, we shall have a toast in honor of our dear alcalde mayor of this province as he was celebrating his birthday today.)" wika nito at agad ding itinaas ang kaniyang glass wine sa ere.
Sumunod naman ang lahat at itinaas din ang kani-kanilang glass wine sa ere kaya naki-join na rin ako para kunwari naintindahan ko sila. hehe
"Y también un brindis en honor a nuestro querido Gobernador General que celebró mi día especial con nosotros! (And also a toast in honor of our dear Governor General who celebrated my special day with us!)" singit naman ng alcalde mayor at ngayon niya lang itinaas ang kaniyang glass wine.
Pagkatapos 'nun ay sabay-sabay naman silang bumati sa alcalde mayor. "Feliz cumpleaños!! (Happy Birthday!!)"
"Salud! (Cheers!)" sigaw ng alcalde mayor.
"Salud! (Cheers!)"sigaw naman ng lahat.
**********
"Hays, kung puntahan kaya natin ang mga pinsan natin, ate?" tanong ni Henrietta sa akin. Agad naman akong ngumiti at tumango sa kaniya. Boring kasi kung nakaupo lang kami dito. Si Don Samuel ay pinuntahan ang mga ibang gobernadorcillo para makipagkamustahan samantalang si kuya Angelo naman ay pinuntahan ang kanilang samahan ng mga doktor.
Agad naman kaming pumunta sa kanilang puwesto pero bago kami tumungo ay may kung sinong tumapik sa aking balikat. Tumalikod naman ako at nakita ang mga baliw kong pinsan kaya napayakap ako sa kanila.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Katrina sa akin.
"Sa inyo sana. Saan ba kayo galing?"
"Pupuntahan sana namin kayo pero mabuti na lang dahil nandito na kayo." tuwang-tuwa naman si Eleanor habang papalapit sa aking tabi..
"Mukhang may hinahanap ka pinsan, ha." wika ni Eleanor na mukhang tinutukso ngayon si Katrina dahil mukhang may hinahanap ito.
"Ikaw ba'y hindi mo siya hahanapin?" banat naman sa kaniya ni Katrina. Tumawa naman kami ni Henrietta sa kanila.
"Bago niyo hanapin ang inyong mga irog ay dapat nagpaalam man lang kayo sa amin...." boses ng isang babae mula aming likuran at agad naman kaming humarap sa kaniya. Nabigla kaya kami 'dun.
Humarap kami sa isang magandang babae na nakasuot ng pangmadre na kasuotan. Maamo ang kaniyang imahe pero unting-unti itong nakasimangot dahil mukhang hindi nga nagpaalam ang mga baliw kong pinsan. Nasa tabi naman niya si Julia na naka-cross arms pa. Nakasuot naman siya ng baro't saya na kulay berde. Kahit kailan ang ganda ng batang ito. Sayang wala rito si Geronimo.
"Ah, eh. Pasensiya na po ate Mercedes. Sa susunod magpapaalam na po kami." wika ni Eleanor habang napakamot na lang sa kaniyang ulo.
Ate? May nakakatandang kapatid pala si Eleanor?!
"Ate Mercedes, mabuti dahil pinayagan kang lumabas ng kumbento." masayang wika naman sa kaniya ni Henrietta.
Ah, natandaan ko na! 'Nung araw ng unang pagkikita namin nina Eleanor at Katrina pauwi mula sa Maynila. May sinabi siya noon na kapag dumating na kami sa isla ng Panay ay agad niyang bibisitahin ang kaniyang kapatid na madre. Agad namang napatango ang babae na another pinsan ko pala at tsaka ngumiti kay Henrietta. "Oo. Mabuti na lang talaga dahil pinayagan ako ng aming inang madre."
"Mawalang gana lang po, puwede po bang hiramin ang inyong kapatid kung maaari?" agad namang sumulpot ang isang binata at yumuko upang batiin kami. Nagulat naman kami sa aming nakita dahil ang isang Danilo Manejero ay tumambad sa aming harapan na nakangiti.
"Ako rin po. Kung pahintulutan ay maari ko rin bang hiramin ang iyong pinsan na si binibining Katrina?" may sumulpot na namang binata at agad ding nagbigay galang sa harapan ni Mercedes. Mukhang si Theodore Alfarez ang isang 'to ha.
Napatingin naman ako kina Katrina at Eleanor na mukhang nagha-heart na naman ang kanilang mga mata. Napa-tssk naman itong si Julia na naka-cross arms pa rin habang si Mercedes naman ay hinarap ang dalawang binata na walang hangad kundi makapiling ang minamahal nilang binibini ngayong gabi. Napabuntong hininga muna siya bago niya makausap ang dalawang binata.
"Sige. Pahihintulutan ko kayo pero sa isang kondisyon...." mukhang nabunutan ng maraming tinik ang dalawang binata na ito sa sinabi ni Mercedes.
"Bantayan ninyong maigi ang dalawang 'yan. Masyado silang malikot kaya huwag ninyong aalisin ang inyong paningin sa kanila, maliwanag?" paalala naman sa kanila ni Mercedes. Ngumiti naman ng malapad ang mga binatang 'to at sabay sabing, "Makakaasa po kayo sa amin.."
Lumapit na rin sila kina Katrina at Eleanor na mukhang kinikilig na sa kanilang kinatatayuan. Agad namang nilahad ng mga binata ang kanilang kamay upang kunin 'yun ng aking mga pinsan. May pahiya-hiya naman silang nalalaman pero gusto naman nila. Tskkkk.
"Sige, po. Aalis na po kami at maraming salamat." paalam ni Theodore kina Mercedes at Julia.
"Florentina, samahan mo kami!!" habol ni Katrina habang nakakapit na ito sa braso ni Theodore. Mukhang aalis na silang apat at hindi ko alam kung saan naman sila pupunta.
Napabuntong hininga naman si Mercedes at agad na itong tumingin sa akin. "Florentina, bantayan mo silang maigi at may kung masamang mangyari sa kanila ay agad mo akong sabihan. Maliwanag?" bilin niya sa akin. Napalunok naman ako sa kaniyang sinabi. Teka, gagawin niya ba akong third wheel?
Hindi naman ako makapagsalita sa kaniyang sinabi dahil tuluyan na rin silang umalis ni Julia. Tatawagin ko na sana siya ngunit itong naman si Henrietta ay kinukulit ako.
"Ate, puwede ko bang puntahan si ginoong Esteban?" ngiti niya sa akin with matching blinking eyes pa. Pati ba naman si Henrietta?
"Sige na, ate..."
"Oo na, oo na. Ako na ang bahala kina ama't kuya. Basta huwag kayong lalayo. Malinaw ba?" bilin ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumiti at niyakap ako.
Napailing-iling naman ako sa ginawa niya at agad na ring umalis upang puntahan sina Katrina at Eleanor kasama ang kanilang nobyo. Ngunit pagharap ko ay wala na sila at tanging nakikita ko ngayon ay ang napakaraming tao na hindi ko kilala.
Grabe talaga sila. Nakasama lang nila ang kanilang nobyo ay nakalimutan na nila ako. Hmmp!!!
Talagang nag-iisa na lang ako dito.
**********
Agad naman akong naglibot sa loob ng mansion upang hanapin ang mga pinsan kong baliw na iniwan ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako dumadaan basta may bakanteng espasyo 'dun ako. Mas lalo kasing dumarami ang mga bisita ngayong gabi at ang mansion ay masyado nang puno ng mga tao.
Agad naman akong nakikisiksik sa madla hanggang sa narating ko na rin ang isang bakanteng espasyo na nasa unahan. Nagbabasakali kasi akong makita sila 'run. Habang nag-aayos ng aking panuelo, wala akong kamalay-malay na nakabangga ako ng tao at nagulat dahil tumilapon sa kaniya ang dala niyang wine sa kaniyang damit. Hala! Lagot!!
"Anu bang katangahan ito?!" sigaw niya sa akin. Mukhang nagalit 'yung tao dahil namantsahan ang kaniyang damit.
Agad naman akong napayuko dahil sa sobrang kahihiyan at patuloy na humihingi ng pumanhin sa kaniya.
"Pasensiya na po kayo. Hindi ko po 'yun sinasadya-----" agad naman akong tumigil nang tumingala ako sa kaniya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya at galit dahil sa aksidenteng 'yun.
Mukhang nawala na rin ang kaniyang galit nang makita ako. Unting-unti naman siyang ngumingiti habang binigbigkas ang aking pangalan. Mukhang peke naman 'yung ngiti niya sa akin.
"Binibining Florentina, ikaw pala 'yan." at tsaka inayos ang kaniyang pagkakatayo.
"Magandang gabi po, Padre Fernando......" 'yan lang ang aking sinabi dahil halata namang iritado ang paring 'to. Ang arte niya ha.
"Bakit ka pala nandito? May hinahanap ka ba?" taas kilay niyang tanong na para bang may ginawa akong masama.
"Ah, hinahanap ko kasi 'yung mga pinsan ko." tugon ko habang kunwari ay hinahanap ko sila sa madla. Pero sa totoo lang, talagang hinahanap ko ang mga baliw na 'yun.
"Ganun ba? Mukhang nakita ko sila kanina 'dun sa dulo." sabay turo sa isang espasyo na nasa dulo. Agad naman akong nagpasalamat sa paring 'yun at tuluyan na rin siyang iniwan. Talagang hindi ko gusto ang paring 'yun.
Agad ko naman pinuntahan ang espasyo kung saan niya itinuro pero pagdating ko mukhang wala naman. Nakasimangot na lang ako sa pagkadismaya at agad na ring umupo sa isang upuan na nasa gilid. Talagang malalagot sila sa akin kapag nakita ko sila.
"Mukhang problemado ka, binibini." pagbasag ng isang boses at nagulat dahil tumabi sa akin si Konrad na may dalang wine.
"Wala naman. Naiinis lang kasi ako dahil iniwan ako ng mga pinsan ko." pagbubusangot ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya tumingin ako sa kaniya.
"Gusto kong magpahangin, ginoo. Samahan mo naman ako." pakiusap ko at agad ko na rin siyang hinila mula sa kaniyang upuan. Hindi naman siya makaimik pero halata naman sa kaniyang mukha na masaya siya.
'Nang papunta na kami ng azotea, biglang nanigas ang aking katawan dahil sa aking nasilayan. Hindi ko maiwasang malungkot dahil nakita ko ngayon si Timothy na masaya kasama ngayon si Marcelita.
**********
Bago pa kami makarating ng azotea ay agad kong pinigilan si Konrad at hinatak ang kaniyang braso pabalik. Siyempre nagulat 'yung tao sa ginawa ko kaya agad siyang nagtanong sa akin.
"Binibini may problema ba?"
"Wala. Nag-iba na 'yung isip ko." sabi ko na lang habang hinahatak pa rin ang kaniyang braso. Agad naman niyang kinuha ang aking kamay mula sa kaniyang braso at napatingin sa akin. Magsasalita na sana siya kaso,
"Kuya Konrad!!" rinig namin mula sa labas ng azotea.
Napapikit na lang ako sa mga sandaling 'yun dahil nakita na pala kami ng kaniyang kapatid na si Marcelita. Ayaw kong lumingon sa mga oras na 'yun. Dahil kapag lumingon ako, makikita ko si Timothy.
"Marcelita! Andiyan ka pala. Sino kasama mo?" tanong niya habang kinakausap ang kapatid. Nakatalikod lang ako habang nakikinig. At isa pa ayaw ko pa namang makita si Marcelita.
"Magandang gabi, ginoong Konrad..." rinig kong boses ni Timothy mula sa azotea.
"Ikaw pala, ginoong Timoteo. Kailan ka pa nakauwi mula Pransya?" masayang tanong ni Konrad na hanggang ngayon ay hawa-hawak pa rin ang aking kamay.
"Kahapon lang, ginoo. Masaya nga ako dahil nakadalo ako sa kaarawan ng ating alcalde mayor." tugon niya. Halata namang masaya siya ngayong gabi.
"Kuya, sino 'yang kasama mo?" tanong naman ni Marcelita sa kapatid.
"Ah, si binibining Florentina. Sabi niya kasi magpapahangin lang siya diyan sa azotea kaso biglang nag-iba ang isip eh." tugon niya habang napakamot sa ulo. Wala naman akong magawa kundi ang humarap sa kanila at tsaka nagbigay ng pekeng ngiti.
Agad namang nagbago ang expression ni Marcelita na halata pa ring nanggigigil sa akin. Napa-cross arms naman ito at tsaka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ayaw ko nang gulo kaya pinapabayaan ko na lang muna siya.
"Buenas tardes damas y caballeros! Mientras celebramos el cumpleaños de nuestro alcalde mayor, ¡podemos solicitar a todos los invitados que se reúnan aquí en el centro, ya que vamos a comenzar nuestros bailes sociales para este evento! (Good evening, ladies and gentlemen! As we celebrate our alcalde mayor's birthday, may we request all invited guests to gather here at the center as we are going to start our social dances for this event!)" sigaw ng anunsyador na nagpagulat sa lahat.
"Tara, binibini." mukhang ako naman 'yung hinatak ni Konrad papunta sa gitna kung saan unting-unting binibigyan ng mga tao ng isang malaking espasyo na pabilog. May nakikita rin akong ibang mga bisita kasama ang napili nilang kapareha na papunta rin sa gitna at nagpuwesto.
"Teka, anung gagawin natin?" taranta kong tanong. Hindi ko naman kasi naintindihan ang sinabi ng anunsyador.
"Sasayaw tayo." ngiti niya. Bumilog naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Eh??
Sa 'di kalayuan, nakita ko rin sa wakas ang mga baliw kong pinsan kasama ang kanilang nobyo. Ang saya nila ha. Habang ako kanina ay parang naloloka na kung saan ko sila hahanapin.
Agad naman silang nakipagkaway sa akin habang nakangiti. Mukhang sasayaw rin silang apat dahil papunta na sila sa gitna. Nakita ko rin sina Henrietta at Esteban na masayang papunta sa gitna at nang makatingin ako sa aking likuran, nakita kong papunta na rin sina Marcelita at Timothy habang magkakahawak kamay pa. Agad naman akong umiwas dahil sa aking nakita. Kailan pa naging malapit sina Timothy at Marcelita?
"Nuestro querido alcalde mayor solicita que nuestro primer baile social para esta noche sea La Volta! Vamos a darles aplausos! (Our beloved alcalde mayor requests that our first social dance for this evening is La Volta! Let's give them around of applause!!!)" sigaw ng anunsyador ulit na hindi ko na naman naintindihan.
"Ano naman daw 'yung sasayawin natin?" kunot noo kong tanong kay Konrad.
"La Volta, binibini. 'Di ba paborito mong sayaw 'yan? Tamang-tama dahil gusto ko rin makita kung gaano ka kagaling sumayaw." galak niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Ano?! Huhu.. Eh, hindi nga ako sumasayaw eh....
Agad namang nagsimulang tumugtog ang mga instrumento hudyat na mag-uumpisa na kaming sumayaw sa gitna. Jusko, alam ko namang sayawin 'to pero matagal na. Noong highschool pa kaya during culminating activity namin sa school.
Ang La Volta kasi ay isang couple dance na isa sa mga sikat na sayawin during Renaissance period (around 16th century). Galing ito sa Italian word na ang ibig sabihin ay, "the turn" or "turning". Ito rin ang naging paboritong sayaw ni Queen Elizabeth I at naisayaw niya pa ito kasama ang Earl of Leicester na si Robert Dudley.
Hindi naman ito mahirap sayawin dahil panay talon with kicking-to-the-air lang ang steppings tapos mag-tuturn lang kayo agad. Kaya nga tinatawag siyang La Volta kasi halos turning steps lang naman ang inyong gagawin. Habang sumasayaw kami, talagang makikita kong masayang-masaya si Konrad habang nakatingin ito sa akin. Medyo nakaka-awkward na rin minsan lalo na't may steppings kaming pabuhat tapos ililibot kaming mga babae sa ere.
"Ang galing mong sumayaw, binibini." papuri niya habang ginagawa ang huling pabuhat-with-turning steps sa akin. Eto naman ako nasa ere habang nakatingin sa kaniya sa ibaba. Ngumiti na lang ako sa kaniyang sinabi at agad nag-turn patalikod upang mag-exchange ng partner.
Pero pagtingin ko, laking gulat ko na lang kung sino ang aking naging kapareha. Mukhang nagulat din siya nang makita ako at ang awkward nga dahil magkatapat na ngayon ang aming dibdib at nakahawak pa siya sa aking beywang. Hawak-hawak niya rin ang aking kanang kamay habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa kaniyang balikat.
Napalunok na lang ako sa mga sandaling 'yun at mukhang hindi rin ako makatingin sa kaniya nang diretso. Nagpalinga-linga naman ako sa aking paligid at mukhang iba-iba na rin ang kanilang mga naging kapareha.
"Invitados, estén preparados porque nuestro próximo baile social sería Cariñosa!!! (Guests, be ready beacause our next social dance would be Cariñosa!!!)"
**********
Walang boses na lumabas mula sa aking bigbig dahil sa sobrang lapit namin ni Timothy sa isa't isa. Agad namang napalitan ng kakaibang musika ang buong paligid at marinig na puro mga tugtog mula sa bandurria, laud, at octavina. Mukhang grupo ng mga rondalla ang magpapasikat ngayon at talagang sasayaw nga kami ng Cariñosa.
Agad ko namang kinuha ang aking abaniko at puting panyo mula sa aking bulsa dahil mga ilang segundo ay magsisimula na kaming sumayaw.
Nang magsimula na ang musika, agad na kaming naghiwalay ni Timothy papalayo upang mag-bow sa isa't isa. Iyan ang unang hakbang upang magsimula ang sayaw na Cariñosa.
Huli kong sinayaw ang Cariñosa noong college pa ako sa aming P.E subject. Kaya mas fresh ko pa ito natatandaan compare sa La Volta dahil noong high school ko pa 'to sinayaw. Hindi naman mahirap sayawin ang Cariñosa kaya mabilis akong nakisabay sa iba. Si Timothy talagang makikitang bihasa rin sa pagsasayaw.
Nang matapos na rin ang sayaw, hindi ko mapigilang ngumiti dahil talagang nag-eenjoy ako. Mas gusto ko pa itong Cariñosa kaysa La Volta dahil talagang ramdam na ramdam mo na isa kang Pilipino.
"Binibini, puwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin. Agad naman akong tumingin sa kaniya at tsaka napatango. Umalis na rin ang mga mananayaw mula dito sa gitna at mukhang kami na lang ni Timothy ang natitira na magkaharap pa sa isa't isa. Magsasalita na sana siya ngunit may sumingit na isang ginoo mula sa kaniyang likuran na aming ikinagulat. Agad naman silang nagman to man hug at tsaka nag-akbayan pa na parang close na close sa isa't isa.
"Binibini mamaya na lang." habol nito at agad na silang umalis mula sa aking harapan.
Agad naman akong nagpalinga-linga sa buong paligid upang hanapin ulit ang mga pinsan kong baliw kasama ang kanilang nobyo. Pero for the second time around, iniwan na naman nila ako. Hinanap ko rin si Konrad sa paligid pero hindi ko siya nakita. Saan naman siya pumunta? Baka nag-eentertain pa siya sa kanilang mga bisita dahil mukhang dumarami na rin ang kanilang bisita dumadating. Hayyss...
Agad akong pumunta sa isang mahabang lamesa sa gilid kung saan makikita ang mga iba't ibang pagkain na nakahain. Aside sa mga side dishes at desserts, may nakikkita rin akong mga inumin na naka-display. Hindi ko mapigilang mamangha dahil ang mga inumin ay galing pa sa mga bansang Espanya, Inglatera, Pransya at Alemanya.
Tinikman ko ang mga iba't ibang klaseng inumin pero ang pinakagusto ko 'ron ay ang wine na galing Inglatera. Matamis ito at medyo may kaunting asim. Nalalasahan ko rin ang flavor ng strawberry kaya hindi siya gaanong boring inumin. Sa totoo lang, first time kong uminom ng marami kaya medyo nararamdaman kong unti-unti na akong gumigewang sa aking kinauupuan.
Mukhang nabilib si kuyang serbidor 'nang makita akong inubos ang sampung glass wine na nakahain sa lamesa. Agad niya rin akong pinuntahan at tsaka inalayan sa aking pagkakaupo dahil parang mahuhulog daw ako.
"Senyorita, hinay-hinay lang po sa pag-inom. Naparami 'ata kayo, eh." sabi niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya at tsaka inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"Don't touch me!!!" sigaw ko.
"Ano po? Hindi ko po kayo naiintindihan." wika niya at medyo nilayo ang kaniyang sarili dahil mukhang nakikita niya akong iritado.
Dahil sa patuloy na pangungulit ni kuya serbidor ay agad na akong umalis at tsaka kinuha ang isang bote ng wine sa ibabaw ng lamesa. Kaya ko pa namang tumayo pero parang gumigewang pa rin ako habang lumalakad. Pero, keri lang!
Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ni kuya serbidor sa akin dahil patuloy pa rin akong lumalakad na pagewang-gewang papunta sa labasan ng mansion. Wala rin akong pakialam kung may nabangga man akong tao sa aking dinadaanan.
Pagdating ko sa labas ay agad na akong bumaba ng kaunting steps sa hagdan at umupo. Agad na rin akong nagpalinga-linga sa aking paligid pero nakikita kong parang wala namang tao. Binuksan ko na rin sa wakas ang dala kong wine at tsaka ininom.
"Binibini? Ba't ka nandito?"
Agad naman akong lumingon at tsaka nakita si Timothy na mukhang nag-aalala sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at tsaka napasinok pagkatapos 'nun.
"Delikado dito sa labas, binibini. Ba't ka ba nandito? Teka, lasing ka ba?" pag-aalala niya sa akin. Mukhang aagawin niya 'yung wine na hawak-hawak ko pero agad ko namang nilayo sa kaniya.
"Bakit nandito ka rin, ginoo? At tsaka sa pagkakaalam mo, hindi AH..ko LAHsing..." napasinok ako ulit. Napailing-iling naman si Timothy at tsaka umupo katabi sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin at patuloy pa ring umiinom ng wine sa bote.
"Tiyak na mag-aalala ang iyong ama binibini kapag-----"
"MAHy gustOH ka bAH kay MArcelitAH?" singit ko kaya hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin. Mukhang nabigla naman itong si Timothy kaya hindi na siya makatingin sa akin sa mga oras na 'yun. Agad naman siyang tumikhim at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.
"Talagang nilamon ka na ng iyong kalasingan, binibini. Tara na't ihahatid na kita sa iyong ama." mahinahon niyang wika at tsaka pinuntahan ako upang kunin ang aking kamay. Pero agad ko namang inalis ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak.
"Timothy Casquejo!!!!" sigaw ko sa kaniya. Mukhang nagulat siya nang banggitin ko ang kaniyang tunay na pangalan.
"Binibini, anong ginagawa mo? Alam mo namang bawal banggitin ang tunay nating pangalan dito sa lumang panahon at------"
"Gustong-gusto kita, Timothy Casquejo....." hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang sinabi ko 'yun sa kaniya. Patuloy pa rin akong umiiyak sa kaniyang harapan at tsaka hinintay ang kaniyang magiging reaksiyon.
Habang papalapit ako sa kaniya, nararamdaman ko namang gumigewang na naman ang aking katawan at mukhang nahihilo na rin ako dahil sa aking kalasingan. Mabuti nalang dahil agad rin akong sinalo ni Timothy dahil mukhang malapit na pala akong mahulog sa hagdan malapit sa amin. Agad niya rin akong niyakap kaya nararamdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Hindi ko na narinig ang kaniyang sinasabi dahil talagang nilamon na ako ng aking kalasingan sa mga oras na 'yun.
BOOOMMM!!
BOOOMMM!!!
Nagulat na lang kami nang marinig ang malakas na pagbomba sa labas at nakikitang unting-unting nasisira ang plaza Arevalo malapit dito sa mansion. Kahit na medyo lasing ako, tanaw na tanaw ko kung paano binomba ang plaza at mukhang kalat na kalat pa ang mga apoy sa buong paligid.
"Pumasok na tayo sa loob, binibini...." nag-aalalang wika ni Timothy.
Nang pumasok na kami, rinig na rinig namin ang mga sigaw at kaguluhan sa loob ng mansion. Maraming mga guardia sibil ang lumabas upang tingnan kung sino ang nagpasimuno ng kaguluhan sa plaza ngunit bago pa sila makalabas ay may binomba na naman.
Walang anu-ano'y niyakap ako ni Timothy at parehong natumba sa sahig ng nararamdaman naming may mga nagpapaputok galing sa labas. Pareho kaming kabado at takot ni Timothy habang naririnig ang mga sigaw ng mga tao mula sa labas at pati na rin dito sa loob.
"Kailangan nating humiga sa sahig upang hindi tayo matamaan ng mga bala." paalala niya. Habang nakatingin ako sa kaniya, parang unting-unting dumdilim ang aking paligid pero umaalingawngaw pa rin sa aking tenga ang mga sigaw at iyak ng mga tao.
Sa mga oras na 'yun ay talagang hindi ko na kaya ang aking kalasingan kaya napapikit na lang ako ng aking mga mata at ipinagdasal na sana'y walang mangyayaring masama sa mga taong naging parte ng aking buhay dito sa lumang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro