KABANATA 17
[Kabanata 17]
"Dios mio, binibini! Anong ginagawa mo? Baka ika'y mahulog!" tarantang wika ni Timothy habang bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala nang makita akong nakalambitin sa itaas habang bumababa galing sa bintana ng aking kuwarto.
Ginamit ko kasing lubid ang mga kumot ni Florentina mula sa kaniyang tarangkahan. Pinagbigkis-bigkis ko ang mga iyon hanggang sa naging mahaba na ito at ginamit upang ako'y makababa mula sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko 'tong nakakabaliw na bagay ngunit wala naman akong pagpipilian na iba. Hindi naman ako puwedeng makadaan sa main door ng mansion dahil may nakabantay na guardia personal at baka'y makita pa ako at isumbong kay Don Samuel.
"Mag-iingat ka sa pagbaba, Flor." pangamba ni Timothy habang inaabangan pa rin akong makababa mula sa itaas. Habang ako'y medyo malapit nang makababa, hindi ko alam ngunit nararamdaman kong unti-unting pumupunit ang mga pinagbigkis kong kumot mula sa itaas. Bago kasi ako makababa, itinali ko pa ang pinakadulo ng kumot sa aking kama mula sa silid. Mukhang natataranta na rin ako sa aking posisyon habang nakalambitin pa rin sa itaas.
Hindi rin ako puwedeng tumalon dahil medyo'y malayo pa ang aking mga paa sa lupa at baka maaksidente pa ako. Mukhang pinagpapawisan na ako sa mga oras na 'yun at agad na rin napatingin kay Timothy sa ibaba.
"Timo?!" kaba kong tawag sa kaniya.
Mukhang hindi na nakaya ng mga lubid ang aking katawan kaya'y agad na itong napunit nang tuluyan.
"Timoteo!" napatili na lang ako sa takot habang unti-unting bumbagsak ang aking katawan sa lupa.
"Flor!!" dinig ko naman kay Timothy.
Napapikit naman ako sa sobrang kaba at takot habang ako'y patuloy na nahuhulog mula sa itaas. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nagso-slow motion ang aking paligid. Pagkatapos 'nun may nakikita pa akong mga visions na hindi ko maintindihan ngunit agad ko namang nakita ang mga mukha nina Florentina at Konrad na masayang-masaya sa isa't isa ngunit napalitan lang ito ng takot at pangamba dahil may isang lalake na dumating at hinarap sila. Hindi ko makita ang mukha ng lalake dahil nakatalikod ito. May hawak itong pistol at agad din silang pinatay nang lalakeng 'yun.
Ang dalawang taong nag-iibigan noon
Ay nagdudulot pala ng isang malaking lason
At kapag ito'y inulit pa sa ikalawang pagkakataon
Mabubura na ang lahat at hindi na muli babangon
May kung anong boses na naman ang aking narinig at patuloy naman itong nag-eecho sa aking tenga. Bigla ring sumakit ang aking dibdib nang walang dahilan kaya'y napahawak na lang ako. Teka, ba't magkasama sina Florentina at Konrad? At tsaka sino kaya ang lalakeng pumatay sa kanila?
Pagkatapos 'nun unti-unti nang naglalaho ang ganong nakakatakot na scenario at tsaka pinalitan naman ng napakagandang tanawin kung saan makikita ang mga mala-berdeng kabundukan at kagubatan. Saan naman kaya ito?
"Florentina?" isang kabigha-bighaning tinig ang aking narinig at tsaka ko naman nakita ang isang babae na hindi ko naman nakita dahil nga blurred ang itsura nito. May dala siyang sanggol at mukhang pinapatulog niya pa ito sa kaniyang bisig. At pagkatapos 'nun, bigla namang umitim ang buong paligid at unti-unti naman itong nabubura mula sa aking isipan.
"Florentina! Florentina!" isang boses na naman ang aking narinig at nararamdaman ko na rin na parang niyuyog-yog ang aking katawan.
Agad naman akong napamulat at dahan-dahang inangat ang aking ulo. Nanigas naman ako dahil wala akong kamalay-malay na malapit na palang dumikit ang aming mukha ni Timothy. Nagkatinginan naman kaming dalawa nang matagal at nararamdaman ko na rin ang kaniyang mainit na paghinga.
"Flor....." tawag niya ulit. Mukhang napadilat naman ako sa pagtawag niya at agad napansin na nakapatong na pala ako sa kaniya na aking ikinalaki ng mata.
Mukhang nag-iinit na naman ang aking pisngi at mas lalong kumabog nang malakas ang aking puso. Kaya pala wala akong nararamdamang sakit sa aking katawan dahil mukhang sinalo ako ni Timothy. At nakakahiya nga dahil nakapatong pa ako sa malambot at matigas niyang katawan.
"Florentina..." hirap na hirap niyang wika kaya agad naman akong tumayo mula sa pagkakapatong ko sa kaniya. Shocks! Talagang nakakahiya!
Napatalikod na lang ako sa kaniya dahil sa sobrang kahihiyan. Parang gusto kong magpalamon sa lupa sa mga oras na 'to. Kunwari na lang ay nag-aayos ako ng aking buhok at tsaka ng aking damit habang alam ko ring nag-aayos din siya ng kaniyang sarili mula sa kaniyang pagkakahiga sa lupa.
"Florentina, ayos ka lang ba?" rinig ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Automatic naman akong napaharap sa kaniya na hindi ko alam kung bakit. Laking gulat ko na lang din dahil ang lapit-lapit na pala namin sa isa't isa. Agad naman niyang nilagay ang kaniyang palad sa aking pisngi upang ako'y tingnan sa mga sandaling 'yun. Napalunok naman ako sa kaniyang ginawa.
"A...ayyooss naman ako.." nauutal kong tugon sa kaniya. Bigla namang naputol ang aming pagtitinginan 'nang may narining kaming boses mula sa malayo. Mukhang papunta rin siya sa aming direksyon.
"Alam kong nandiyan lang kayo kaya huwag na kayong magtago! Rinig na rinig ko kayo!" sigaw ng isang guardia personal habang may bitbit itong armas na mukhang magpapaputok nang wala sa oras. Mukhang kinabahan na kami ni Timothy kaya dali-dali kaming umalis mula sa aming pagkakatayo.
Agad niya ring nilahad ang kaniyang palad sa akin para alalayan ako. Sa sobra kong pagtataranta ay agad ko nang kinuha ang kaniyang kamay para makalabas na kami patungo sa likurang labasan ng mansion. Dumiretso na kami agad patungo sa aming niyogan dahil ayon sa kaniya, ito ang mas mabilis na daanan patungo sa burol ng Puno de Orasa.
**********
"Mukhang nandito na tayo." wika ni Timothy habang hawak-hawak pa rin ang aking kamay. Tinahak namin ang malawakang damuhan ng burol at sa wakas ay agad na rin namin nasilayan ang kagandahan ng Puno de Orasa. Ang puno ay binabalot ng liwanag at kintab animo'y parang isang kakaibang mahika. Habang tumatagal ay mas nagiging maliwanag ang puno na parang sinasabayan pa ang matinding liwanag ng bilogang buwan sa kalangitan.
Kasabay sa pag-ihip ng hangin ay ang pagbagsak ng mga bulaklak at dahon nito sa buong paligid. Dito ko na rin naalala na tumatakbo na pala ang aming oras upang maisakatuparan ang misyon dito sa lumang panahon.
"Magandang gabi, Florabelle at Timothy." nagulat naman kami bigla sa pagbati niyang 'yun kaya'y napatingin kami sa aming likuran. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat.
"Naku, pasensiya na kung nagulat ko kayo...." ngiti niya habang papunta na siya sa amin. Ganun pa rin ang itsura ng matanda. May suot siyang puting kamisa at mahabang patadyong at may bitbit pa rin siyang baston sa kaniyang kanang kamay. Pagkatapos 'nun ay agad niya kaming sinensiyahang sundan siya kaya agad na rin kaming sumunod sa kaniyang likuran.
"Saan po ba tayo pupunta?" kuryosidad na tanong ni Timothy ngunit hindi naman makasagot ang matanda sa kaniya.
Patuloy pa rin kaming lumalakad sa malawakang damuhan ng burol at napapansing unti-unti na kaming lumalayo sa puno. Malakas ang ihip ng hangin ngayong gabi kaya'y kapansin-pansin ang pagliparan ng mga dahon ng kawayan sa buong paligid.
Huminto kami sa paglalakad 'nang huminto rin ang matanda na nasa aming harapan. Nandito na kami sa harapan ng matataas na kawayanan at makikitang may maliit palang daanan papasok sa loob. Agad namang pumasok ang matanda kaya'y sinundan namin siya.
Paglabas namin 'dun mula sa loob ay talagang napapamangha ako sa aking nasilayan. Nagkatinginan naman kami ni Timothy dahil sa hindi namin inaasahang makakakita ng ganitong klaseng kagandang tanawin.
Nasa tuktok pa rin kami ng burol pero makikita sa ibaba ang mga naggagandahang mga narsiso na umiilaw ngayon sa kapatagan. Parang mga bombilya na umiilaw sa kalayuan at sinasabayan pa ng napakaraming alitatap na umaaligid sa buong paligid. Kung dala ko lang 'yung camera ko siguradong mapupuno 'yung memory 'nun. Ang ganda talaga!
Agad naman naming sinundan ang matanda pababa ng burol at dumiretso papunta sa kapatagan ng mga narsiso. Hindi ko talagang mapigilang mamangha dahil sa mga nakikita ko ngayon. Habang tinatahak namin ang kapatagan, may napapansin akong isang kubo na nakatayo sa kalagitnaan at may isang maliit na danaw katabi nito.
Tahimik kaming pumunta roon at sa wakas ay nandito na rin kami sa harapan ng kubo. Maliit lang naman ang kubo at may maliit na gasera na nakapagbigay liwanag sa loob. Napatingin naman ako sa danaw na malapit sa akin at talagang makikitang napakalinaw ng tubig at may mga water lilies pang lumulutang sa tubig. May mga maliliit pang isda't palaka pa akong nakikita kaya'y napangiti na lang ako sa aking nakikita.
"Pumasok na tayo, Flor." rinig kong tawag ni Timothy. Agad naman akong napaharap sa kaniya at sinundan siya papasok sa loob ng kubo.
"Maupo kayo mga bata." wika niya habang nakaupo na ito sa aming tapat. Agad naman kaming umupo ni Timothy sa upuan na gawa sa kawayan at tahimik na nakatingin sa matanda. Hindi ko alam kung sino magsisimulang magsalita sa amin dahil mukhang naghihintay naman ang matanda sa aming sasabihin.
"Wala ba kayong ipagtatapat?" pagbasag naman ng matanda at agad na rin siyang napatingin kay Timothy. Kumunot naman ang aking noo nang dahil 'dun. "Ikaw hijo, wala ka bang sasabihin?"
Mukhang nanigas naman si Timothy sa kaniyang narinig kaya napaupo na lang siya nang diretso. "Pasensiya na po. Mukhang may sinuway po akong bilin." bakas sa kaniyang mukha ang pagsisisi habang sinasabi 'yun sa matanda.
Agad naman akong napaisip kung ano nga ba ang ginawa niyang pagkakamali hanggang sa naalala ko na lang ang tagpong kung saan nabanggit niya ang totoo kong pangalan. Hindi kaya...
"Alam niyo bang kahit konti lang ang ginawang pagkakamali ay maaaring magbago ang tadhana?" Agad naman kaming napatingin sa kaniya nang sinabi niya 'yun.
"Oh, heto. Tingnan ninyong maigi ang narsisong 'to.." wika ng matanda habang hawak-hawak ang narsisong pinitas niya. "Isang espesyal ang bulaklak na 'to dahil may tinataglay itong mahika na naiiba sa lahat." dagdag niya habang nakatingin pa rin sa bulaklak na hawak-hawak niya.
"Makinig kayong maigi. Isa sa mga katangian ng bulaklak na 'to ay makapagbigay ng kahilingan. Tatlong kahilingan lamang ang maaari ninyong gamitin." habang sinasabi ng matandang 'yun ay parang unti-unting lumiliwanag ang narsiso na nasa aming harapan.
"Tatlong kahilingan po bawat isa sa amin?" tanong ni Timothy sa matanda.
"Oo. Huwag kayong mag-alala. Dahil binigyan ko naman kayo kamakailan ng ganitong klaseng bulaklak. Sana'y ingatan niyo ang bulaklak na ibinigay ko sa inyo." mukhang napalunok ako sa sinabi ng matandang 'yun ha. Nakalimutan ko kasing kuhanin kay Nay Lucing ang ipinabigay kong bulaklak nang dumating si Konrad sa mansion kamakailan.
"O heto, Timothy. Kunin mo ang isang talulot." wika ng matanda sabay tingin sa kaniya. Agad namang kinuha ni Timothy ang isang talulot ng narsiso at agad namang napatingin pabalik sa matanda na may pagtataka sa mukha.
"Ngayon ko lang gagawin 'to. Pahihintultan kitang humiling para mapawalang bisa ang iyong pagkakasala ng paglabag, Timothy." wika naman ng matanda sa kaniya. Mukhang hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ng matanda. Pati si Timothy ay hindi pa rin maipinta sa kaniyang mukha sa mga naririnig niya ngayon.
"Humiling kana, hijo." utos ng matanda at agad namang napapikit si Timothy para humiling. Pagkatapos 'nun, napapansing parang naglalaho ang talulot mula sa kaniyang palad at unti-unting nagiging alikabok.
"Maraming salamat po."
"Huwag ka nang magpasalamat, hijo. Ang importante ay may natutunan kang leksiyon. Kaya dapat pag-isipan nang mabuti ang isang bagay bago gawin. Dahil bawat salita o galaw ay maaaring makakaapekto sa susunod na mangyayari sa kasalukuyan. Dahil pinilit mo ang isang bagay na dapat ay hindi. Pinilit mong banggitin ang totoo niyang pangalan." sabay tingin sa akin dahilan upang ako'y napalunok. Ngayon ko lang din naaalala ang nabitawang paalala sa amin ni Helena noon.
Huwag na huwag ipilit ang isang bagay na hindi naaayon sa takbo ng nakaraan...
Tama nga. Mukhang lumabag nga si Timothy. Dapat hindi niya pinilit na tawagin ako sa aking totoong pangalan dahil nasa lumang panahon na kami.
"Pero, ang kahilingan mong 'yun ay para lang makabalik sa tamang oras ang Puno de Orasa." natigilan naman kami sa sinabi ng matanda.
"Teka, anung ibig mong sabihin 'dun?" tanong ko naman na may pangamba sa aking mukha.
"May isang bagay kayong magkakapareha na itong dahilan kung bakit nagbago na ang takbo ng inyong kapalaran dito sa lumang panahon." seryoso niyang wika sa aming dalawa.
"At anu naman ang bagay na 'yun?" agad namang napalunok si Timothy dahil halatang kabado na siya ngayon.
Huminga naman ng malalim ang matanda bago siyang nagsalita sa amin.
"Ang inyong nararamdaman para sa isa't isa..."
**********
Mukhang napaaga ako nang gising nang marinig ko ang pagtila-ok ng mga manok mula sa labas ng mansion. Napabalikwas naman ako mula sa aking higaan at tsaka nagunat ng aking mga braso't kamay paitaas. Napahikab naman ako bigla at tumayo papunta sa harapan ng salamin. Pero bago pa ako makarating 'dun ay may kung anong bagay akong naapakan.
Pagtingin ko sa sahig, may nakita akong isang malambot sa kumot na nakatali pa sa aking kama. Agad namang nanlaki ang aking mga mata at agad ko na rin itong pinulot at inalis sa pagkakatali. Mabilis kong dinampot ang mga pinagbigkis kong mga kumot sa sahig hanggang sa narating ko na rin ang bintana na nakalimutan ko pang isara kagabi. Agad kong hinila paitaas ang mga pinagbigkis kong kumot mula sa bintana at tsaka ipinasok ang mga ito sa silid. Mukhang kinabahan ako 'dun ha. Sana'y walang nakakita 'nun kung hindi mukhang malalagot ako kay Don Samuel.
Nagulat naman ako bigla nang marinig kong galit na galit si Don Samuel mula sa labas. Agad naman akong dumungaw mula sa bintana at nakitang may kausap siyang isang guardia personal.
"Anung ibig mong sabihin na may pumasok kagabi ha?" tanong ni Don Samuel habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
"May nakita po akong dalawang taong nag-uusap kagabe pero 'nang papalapit na po ako ay agad naman silang umalis kaya sinundan ko po sila. Pero mabilis silang nakatakas kaya hindi ko na sila nakita." paliwanag naman ng guardia personal.
"Estúpido (Stupid!) Paano na lang kung mga moros 'yun ha? Sabihin mo?!" sigaw sa kaniya ni Don Samuel habang dinuduro nang mariin ang dibdib ng guardia personal.
"Kapag may masamang nangyari sa aking pamilya ay titiyakin kong papalayasin kita sa aking pamamahay? Naiintindihan mo ba?!" sigaw niya ulit habang napayuko na man ang guardia personal sa kaniyang harapan. Mukhang kami 'yung nakita ni manong kagabi. Mabuti dahil hindi niya kami namukhaan kaya wala siyang sinabi.
Agad naman akong naligo't nagbihis at dumiretsong pababa patungo sa kusina kung saan nakikita ko palagi si Nay Lucing. Gusto ko kasing makuha ang narsisong pinabigay ko sa kaniya.
Mukhang nami-miss ko na rin si Timothy dahil mga ilang araw din na hindi ko siya nakikita. Masakit isipin ngunit mukhang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Naaalala ko naman ang tagpong kung saan sinabi niya ito sa amin bago naming tinalikuran ang matanda.
"Nagkakamali kayo ng inyong iniisip..." depensa ni Timothy na ngayon ay namumula na ito sa kaniyang pagkakaupo. Agad namang nakatingin ang matanda kay Timothy dahil sa sinabi niyang 'yun.
"Ang nararamdaman naming pagkakapareho ay bilang magkaibigan lamang. At wala na pong iba..." dagdag pa niya dahilan upang ako'y malungkot.
Ilang ulit na rin akong pumupunta sa La casa de los aprendizajes de Castellana pagkatapos ng klase upang makita siya ngunit sabi naman ng tagapangalaga 'run ay may pinuntahan siyang importante kaya'y mukhang matatagalan siyang makakabalik mula Pransiya.
Sinulit naman ni Konrad ang aming pamamasyal tuwing hapon pagkatapos ng aming klase. Bumalik na sa magandang kondisyon si Konrad pagkatapos ang isang trahedyang sinapit niya kamakailan. Bumalik na rin siya sa trabaho kasama sina Mateo at kuya Angelo sa kanilang klinika sa Sta. Rosita.
Habang namamasyal kami ni Konrad, hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Timothy noon.
Ngunit sabi ng matanda ang pagkakapareha naming nararamdaman ay isang bagay kung bakit nagbago ang takbo ng aming kapalaran dito sa lumang panahon. E 'di ang ibig sabihin 'nun ang aming pagkakaibigan ay ang dahilan kung bakit nagbago ang aming kapalaran! Meh ganun? Parang may mali eh. Teka, nagbago ba talaga ang aming kapalaran?
Mga alas-sais ng hapon akong hinatid ni Konrad sa aming tahanan sa hacienda Morcillo. Pero bago kaming nagpaalam sa isa't isa ay may kinuha muna si Konrad mula sa kaniyang bulsa at agad na rin niya itong ibinigay sa akin. Mukhang isa itong invitation card!
"Nais ko sana kayong imbitahan na dumalo sa darating na kaarawan ng aking tiyo, binibini." ngiti niya.
"Kaarawan ng alcalde mayor na si Juan García de Sierra?" tanong ko sa kaniya na aking ikinalaki ng mata. Agad namang siyang tumango.
"Ngayong darating na sabado ang kaarawan ng aking tiyo 'dun sa aming mansion. Kaya aasahan ko ang inyong pagdating 'dun, binibini." pagkatapos 'nun ay agad na niya akong nilapitan at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Nanigas naman bigla ang aking katawan ng may nararamdaman akong isang malambot na labi na dumampi sa aking noo.
Agad na siyang nagpaalam sa akin at tuluyan na rin umalis ang kaniyang kalesa pabalik ng Arevalo. Pagpasok ko sa loob ng mansion ay agad sumalubong sa akin ang masayang imahe ni Henrietta na mukhang may magandang ibabalita sa akin.
"Ate!!!" sigaw niya habang papalapit sa aking direksiyon.
"Inimbita tayong pumunta sa kaaarawan ng alcalde mayor sa sabado at darating ang gobernador heneral sa mismong kaarawan niya!" ngiti niya.
"Seryoso ka?" agad namang tumango si Henrietta dahil 'dun.
"Kay sino mo naman nalaman 'yan, ha?"
"Ipinabigay kasi ng tenyente kanina ang isang sulat na naglalaman pala ng isang imbitasyon. Teka..." agad naman niyang kinuha ang invitation card na hawak-hawak ko at tiningnan naman ito.
"Si ginoong Konrad ang nagbigay 'yan. Aasahan niyang dadalo tayong lahat sa kaarawan ng kaniyang tiyo." wika ko at agad ding hinablot ang invitation card mula sa kaniya.
**********
Dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat! Hindi ko alam kung bakit akong excited pero ang nasa isip ko lamang ay makikita ko na rin sa wakas ang alcalde mayor at ang gobernador heneral nang personal mamaya sa Arevalo.
Sa pagkakarinig ko kasi, maraming dadalo mamaya dahil halos lahat ng mga principalia, mga kinatawan sa simbahan at politika, mga samahan ng doktor at abogado, at ang pamilya ng gobernadorcillo ng bawat bayan sa lalawigan ay inimbita ng alcalde mayor.
Mga alas-sais pa ng gabi mamaya ang selebrasyon ngunit mga alas-tres pa lang ay agad na kaming naghanda at nag-ayos. Siyempre pinatawag ko 'yung babaeng tumulong sa 'kin noong araw ng pagdating ng mga Gomez dito sa pamamahay. Ang galing niya kasing mag-ayos sa akin 'nun e.
Nakasuot na 'ko ngayon ng baro't saya na may kulay lila't rosas. May mga diyamante ring nakalagay sa aking damit at may mga disenyo pang mga puting rosas na nakapalibot sa aking saya. 'Nang ipinakita ko naman sa kaniya ay agad naman niya akong pinuri dahil bagay na bagay daw sa akin ang damit. Mukhang nahiya naman ako sa sinabi niya.
Pagkatapos 'nun ay agad na akong umupo at humarap sa salamin upang makapag hair-do na siya sa akin. Nadadagdagan naman ang pagkamangha ko sa babaeng ito dahil sa bilis nito. Gumawa siya ng tirintas na nakapalibot sa aking ulo (parang hair-do ni Elsa) at nilagyan din ng mga puting bulaklak na nagmumukhang tuloy isang korona sa aking ulo. Tapos nilagyan niya rin ng laso na kulay rosas ang naka-bun kong buhok sa likuran. Pagkatapos niyang ayusan ang aking buhok ay agad na niya akong linagyan ng make-up.
Mukhang natapos na rin ang aking pag-aayos at talagang mangha-mangha ako sa hitsura ko ngayon. Nilibot ko ang aking sarili sa salamin upang tingnan ang aking sarili. Hindi ko mapigilang mapangiti at agad ding niyakap ang babaeng tumulong sa akin.
"ATE!!!" napatingin naman ako sa itaas nang makitang pababa na si Henrietta mula sa kaniyang silid. Siya lang kasi ang hinihintay namin dahil kanina pa kami nandito sa ibaba.
Nakasuot siya ng baro't saya na kulay dilaw na may disenyong mga paru-paro na nakapalibot sa kaniyang damit. Nakalugay lang ang kaniyang buhok at may headdress din itong paru-paro na nakatung-tong sa gilid ng kaniyang ulo. Kumikinang talaga ang kaniyang damit na parang binuhusan ng silver dust. Mukhang mas gumanda ngayon si Henrietta. Talagang madadag-dagan naman ang pagkamangha sa kaniya ni Esteban Gomez mamaya.
"Ate!" tawag ulit sa akin ni Henrietta at dumiretso papunta sa aking tabi.
"Maganda ba ako ngayon?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo at napatingin sa kaniya.
"Panget mo!!!" tugon ko sa kaniya at bigla niya lang akong kinurot sa tagiliran. ARAY!!
"Akala mo magagandahan sa'yo si ginoong Konrad mamaya?! Ang panget mo rin!!" sigaw niya pero bago pa man siya nagsalita ay agad na akong tumakbo papunta sa aming kalesa dahil hinihintay na kami 'dun upang makaalis na.
**********
Mga alas singko 'y media na kaming nakarating sa mansion ng alcalde mayor sa Arevalo at makikitang napakaraming panauhin ang aming nakikita sa labas. Napalunok tuloy ako bigla.
Agad na rin kaming nakababa ni Henrietta mula sa aming sinakyang kalesa habang sina Don Samuel at kuya Angelo naman ay nasa kabilang kalesa naman. Nauna na silang nakababa kaya sinundan na namin sila. Maraming mga guardia sibil ang nakahelera sa gilid ng aming dinadaanan papunta sa loob ng mansion. Hindi ko maitatangging napakalaki at napakalawak ang espasyo sa loob nito.
Talagang ipinaghandaan ng alcalde mayor ang kaniyang kaarawan ngayon dahil makikitang napakabongga ang mga palamuting nakadisenyo sa buong paligid. May orchestra rin akong nakikita sa dulo habang nagpapatugtog ng kanilang mga instrumento. Hindi ko inaasahang ganito karami ang dumalo ngayong hapon at makikita talaga sa estado na puro mayayaman. Kung tutuusin ay masuwerte ako dahil naging parte ako ng kaganapang ito.
Habang papasok kami hindi ko maiwasang mahiya dahil parang pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Pumunta kami agad sa likuran kasama ang iba pang pamilya ng mga gobernadorcillo ng bawat bayan sa lalawigan dahil may gaganapin pang entourage bago kami makaupo sa aming mga upuan sa harapan.
Napalinga-linga naman ako sa buong paligid upang hanapin si Konrad pero bigo naman akong makita siya. Saan na kaya siya?
"Florentina." wika ni kuya Angelo at agad na rin akong napatingin sa kaniya. Sinensiyahan niya lang akong lumapit sa kanila dahil magsisimula na raw ang gaganaping entourage.
Hindi ko mabilang kung ilang pamilya na ang ipinakilala sa amin pero 'nung kami na ang tinawag ay agad na kaming naghanda at rumampa sa red carpet. Nasa gitna namin si Don Samuel dahil siyempre siya ang gobernadorcillo ng Anillo. Nasa magkabila naman niya kami ni Henrietta habang nasa tabi ko naman si kuya Angelo. Napamangha naman ang mga tao sa amin at nagpalakpakan habang tinatanaw kaming papunta sa aming naka-assigned na lamesa sa unahan.
Nakita ko rin sina Eleanor at Katrina kasama ang kanilang pamilya na rumampa sa red carpet at agad na rin akong kumaway sa kanila. Nakita naman nila ako kaya nakikaway rin sila at ngumiti.
Nakita ko rin ang mga nobyo nilang sina Danilo Manejero at Theodore Alfarez kasama ang kanilang pamilya na nakirampa rin sa red carpet. Napatingin naman ako sa mga pinsan kong nasa kabilang lamesa at makikitang nagha-heart na naman ang kanilang mga mata. Hayyysss....
Pagkatapos 'nun, nakasunod naman sa kanila si Esteban Gomez kasama ang kaniyang pamilya na hindi rin nagpapahuling rumampa sa red carpet. Bongga talaga ang ama nito. Naka-suot ulit siya ng kaniyang pang-heneral na uniporme with matching glittering and dangling medals pa na nakasabit sa kaniyang damit.
"En representación de la familia Castellana de Sta. Rosita (Representing Castellana Family from Sta. Rosita)."
Bigla na lang akong tumingin sa gitna upang makita ang pamilyang Castellana. Una kong nasilayan ang isang matandang lalaki na may malaking pangangatawan. Maputi, mabalahibo ang kaniyang braso, at mapapansin kong may malaki itong tiyan. Nakasuot ito ng barong tagalog na napakabongga at may hawak-hawak din itong baston. Sa kanan naman niya ay si Mateo habang sa kaliwa naman niya ay isang magandang babae na may mahahabang kulot na buhok. Sa tabi naman niya ay isang gwapong lalake na nakasuot ng pang-heneral na uniporme.
Hindi ko talaga maalis-alis ang aking mga mata sa babaeng 'yun. Dahil ang babaeng 'yun ay nakita ko na dati.
Si Helena....
Nakita ko na rin siya sa wakas dito sa lumang panahon.
Nanlaki naman bigla ang aking mga mata 'nang magkatinginan kami ng lalaking katabi ni Mateo ngayon. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito dahil sa pagkakaalam ko'y hindi pa siya nakakauwi galing Pransiya. Mukhang pinaghandaan niya rin ang kaarawan ng alcalde mayor dahil sa totoo lang lalong gumagwapo ang kaniyang imahe kapag nakaporma siya.
Hindi ko maiwasang mapamangha ulit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit palagi akong nakakaramdam ng kakaiba sa kaniya. Ngumingiti na lang ako ng walang dahilan at bumibilis ang pintig ng aking puso kapag tumatama ang aming mga mata.
'Nung sinabi niya na kaibigan lang ang kaniyang nararamdaman para sa akin ay bigla na lang akong nalungkot at may kung anung kirot sa aking puso. Hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito. May makapagsabi ba sa akin kung ano itong nararamdaman ko para sa kaniya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro