Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 15

[Kabanata 15]


"Hindi maganda ang iyong ipinapakita, binibini..." mahinahong wika ni Timothy habang nakatingin na ito ngayon kay Marcelita. Maraming tao ang nagulat sa ginawa niyang 'yun at mukhang mainit na silang pinag-uusapan ng mga madla na nasa aming paligid. Sa pagkakataong 'yun, napayuko na lang si Marcelita habang napapikit ito sa sobrang inis. Nahihiya man siyang harapin si Timothy, bakas pa rin sa kaniyang mukha ang kaniyang namumuong galit sa batang lalake na 'yun.

Sa pagkakaalam ng lahat, si Marcelita Garcia ay ang nag-iisang pamangkin na babae ng alcalde mayor na si Juan García de Sierra. Kapatid niya si Konrad Garcia at silang dalawa lang ang naging malapit na kapamilya ng alcalde mayor dahil kapatid niya ang kanilang ina. Ang kanilang ina ay matagal nang pumanaw habang ang kanilang ama naman ay matagal na ring lumisan pabalik ng Espanya. Unang magpinsan (first cousin in mother's side) ang kanilang mga magulang at sapilitang ikinasal (Consanguineaous marriage) upang mapanatili ang kayamanan at pag-aari ng pamilyang Garcia sa Espanya.

Lumaki si Konrad sa Espanya sa tulong ng kaniyang ama na isang negosyante at 'dun din nakapagtapos ng medisina ngunit pinili niyang bumalik ng Pilipinas upang makasama si Marcelita na nakatira sa kanilang malapit na tiyo na si Juan García de Sierra. Dahil walang magulang ang gumagabay kay Marcelita, lumaki itong mainipin, makasarili, at gustong palagi siya ang tama at masusunod sa lahat.

"At mas hindi tama ang iyong ginawa, ginoo. Hindi mo ba alam na sa pagkakataong ito ay pinapahiya mo ako?" inis niyang wika at agad din siyang napatingala kay Timothy.

Agad naman akong lumapit sa batang lalake na patuloy pa ring umiiyak dahil sa matinding takot. Namumula rin ang kaniyang kaliwang pisngi dahil sa natamo niyang sampal galing kay Marcelita. Hindi ko akalaing magagawa ni Marcelita ang ganitong bagay. Napayuko naman ako sa harapan ng batang lalake habang inaayos ang magulo niyang buhok. Napapansin ko rin na basang-basa ang buo niyang katawan at may malansang amoy din sa kaniyang damit. Napalinga-linga ako sandali sa aking paligid at nakita sa aking kanang bahagi ang mga tumilapon na mga isda at isang tumagilid na banyera. Baka siguro nabangga ng batang lalakeng'to si Marcelita.

"Ayos ka lang ba bata?" nag-aalala kong tanong habang nakatingin sa namumula niyang mga mata. Hindi naman siya nakaimik sa akin at patuloy pa rin itong umiiyak. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at pinapatahan habang patuloy kong hinihimas ang kanyang likuran. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako ganito na mabilis makisimpatya sa ibang tao ngunit may anung kirot sa aking puso habang nakikita ko siyang umiiyak. Siguro ay dahil ganitong tao talaga si Florentina. Pakiramdam ko tuloy, nananaig ang kaniyang presensiya sa akin.

"Por favor deja esto, Marcelita (Please stop this, Marcelita.)" rinig kong wika galing kay Timothy. Hindi ko alam ngunit parang unti-unti ko ring naiintindihan ang kanilang pag-uusap ni Marcelita.

"No. Quédate fuera de aquí, Timoteo. (No. Stay out of here, Timoteo.") pagmamatigas ni Marcelita at tsaka na itong tumingin sa batang lalake na yakap-yakap ko ngayon. Bigla na lang din kumabog ang aking puso nang magtama ang aming mga mata ni Marcelita. Mukhang nagulat din siya nang makita ako ngunit napataas na lang siya ng kilay.

"Qué haces Florentina? Y por qué estás abrazando esa cosa sucia? (What are you doing, Florentina? And why are you hugging that filthy thing?)" arte niya habang nakataas pa rin ang kaniyang kilay sa akin. Anu raw?! Hindi ko alam pero ang naiintindihan ko lang ay itinatanong niya kung anu ang ginagawa ko. Tama ba?

Napanganga na lang ako sa kaniyang tanong at mukhang naghihintay siya sa aking sasabihin. Ngunit sa mga oras na 'yun, nakikita ko na parang basang-basa ang kaniyang saya at ganun din sa kaniyang puting baro't panuelo. Mukhang tumilapon nga ang dalang banyera ng batang ito sa damit ni Marcelita.

"Estas sordo? Te pregunto por qué estás abrazando a ese idiota?! (Are you deaf? I'm asking you why you are hugging that idiot?!) mukhang napalakas ang kaniyang boses upang ang mga tao'y napaatras dahil sa takot na baka sigawan din sila ni Marcelita. Anung sabi niya? Sinasabi ba niyang ako ay bingi? Mukhang sumusobra na 'tong si Marcelita. Kahit kapatid pa siya ni Konrad ay wala akong pakialam.

"Qué dijiste? (What did you say?)" sabi ko na lang sa kaniya at mukhang nagulat din ako sa aking sinabi. Teka, nagsasalita ba ako ng wikang espanyol? Napatakip na lang ako ng aking bibig at tsaka tumingin nang diretso kay Marcelita na mukhang nagulat din sa aking sinabi.

"Binibining Marcelita..." pagpigil sa kaniya ni Timothy ngunit agad ding dumiretso sa akin si Marcelita at tsaka hinarap ako.

"No sabes lo que ese idiota me hizo? Mi vestido estaba empapado con esta agua desagradable que vino de esa cosa y ahora estoy maloliente por su torpeza! (Don't you know what that idiot did to me? My dress was soaked with this unpleasant water came from that thing and now I am stinky because of his clumsiness!!!) sigaw niya ulit habang nakaturo ang kaniyang hintuturo sa tumatagilid na banyera na nasa aming kanang bahagi.

"Senyorita, hindi ko po sinasadya." pagsusumamo ng batang lalake pagkatapos nitong kumalas mula sa aking pagkakayakap. Napataas ulit ng kilay si Marcelita sa sinabi niya at sarkastikong humalakhak.

"Los indios son todos idiotas como siempre (Indios are all idiots as always.) Mapapatawad lang kita kapag nabayaran mo ang damit kong ito." ngisi niya at agad ding tumingin sa akin. Talagang kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to!!

"Ah, hindi. Heto na lang. Tutal bata ka pa lang, ang mga magulang mo na lang ang sisingilin ko sa ginawa mong ito." bumilog naman ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Talagang hindi ko gusto ang pag-uugali ng babaeng ito.

"Dodoblehin ko ang patong ng tributo ng inyong pamilya ngayong taon. Magbabayad kayo ng halos 24 na reales." dagdag niya at nagulat ang lahat nang marinig nila iyon.

"Paumanhin binibining Marcelita ngunit wala ka sa posisyon upang sabihin 'yan.." pagbasag ni Timothy na nasa kaniyang likuran. Agad namang napaharap sa kaniya si Marcelita at nakapameywang pa ito.

"At sinong may sabi? Baka nakakalimutan niyo na ako ang nag-iisang pamangkin na babae ng inyong minamahal na alcalde mayor dito sa lalawigan. Kaya matuto kayong lumugar kung sino ang inyong makakabangga." wika nito at tsaka tumingin sa akin na may halong inis sa kaniyang mukha.

"Kaya sabihin mo sa gobernadorcillo na magpapapataw ako ng karagdagang patong na tributo-------"

"Ayaw ko...." pagpigil ko sa kaniya at mukhang nagulat ang lahat sa aking pagtaliwas lalong lalo na si Marcelita na ngayo'y parang gusto na niya akong sabunutan sa sobrang inis at galit.

"Anong sabi mo!!?" inis niyang tanong na mukhang naglalabasan na ang mga usok galing sa kaniyang tenga. Namumula rin ang kaniyang mukha at nanlilisik din ang kaniyang mga mata.

"Probablemente no eres sordo, verdad? Creo que ya escuchaste lo que digo (You're probably not deaf, right? I think you already heard what I'm saying.)" sabi ko sa kaniya at napataas din ng kilay sa babaeng 'to. Akala niya siguro siya lang ang marunong magpataas ng kilay. Mabait naman akong tao ngunit hindi ko lang gusto na sinusungitan ako. Dahil kapag naubos na ang aking pasensiya, makikita ng lahat ang aking itinatagong kasungitan na hindi pa nakikita ng lahat.

"Eres grosera, mujer! No me importa si eres hija del gobernadorcillo de este pueblo! (You rude, woman!! I don't care if you are the daughter of gobernadorcillo of this town!)" sigaw nito at aakmang sasampalin ako sa harapan ng madla. Mabuti na lang dahil agad ko ring nakuha ang kaniyang kamay na isasampal sa akin at mas lumapit pa ako sa kaniya nang kaunti sa pagkakataong 'yun.

"Tumigil ka na, Marcelita. Hindi mo ba nakikita? Buong bayan ang nakatingin na sa'yo at ano na lang ang sasabihin nila tungkol sa alcalde mayor, ha? Baka nakakalimutan mo, kapag may nagawa kang mali, tiyak na babalik din ito sa alcalde mayor. Maaaring makarating ito sa alcalde mayor dahil sa ginawa mong kapahangasan at ano na lang ang kaniyang sasabihin? Anu na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag ang minamahal na pamangkin ng alcalde mayor ang nagpasimuno ng kaguluhan dito sa bayan ng Anillo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya na nagpatigil sa kaniya sa mga sandaling 'yun.

Hindi naman siya makaimik at unti-unti din siyang napatingin sa kaniyang paligid. Sinundan ko ang kaniyang paningin at mukhang nakikita niya ang mga tingin ng mga tao na nasa aming paligid. Nararamdaman kong inalis na niya ang kaniyang kamay sa akin at agad na itong tumalikod.

"Palalampasin ko muna ang araw na ito." agad naman niya akong nilingon na may halong inis sa kaniyang mukha.

Napalunok na lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang 'yun. Mukhang kakaiba ang babaeng 'to. Talagang hindi siya titigil hangga't hindi siya nananalo.

"Babawi ako sa susunod tandaan mo 'yan, Futura cuñada (Future sister-in-law)......" sabi nito at tuluyan na siyang umalis mula sa madla at sumakay na sa kaniyang kalesa paalis dito sa bayan.

Agad na ring umalis ang mga tao na nasa aming paligid na may dalang usap-usapan tungkol sa nangyari ngayon at sa pagsasagutan namin kanina ni Marcelita. Matindi talaga 'yun kanina. Mukhang hindi naman ako makatingin ngayon kay Timothy dahil sa sinabi kanina ni Marcelita na "future sister-in-law" ko raw siya. Ngayon pa lang ay sinasabi kong hinding-hindi ko siya matatanggap bilang isang sister-in-law!

"Ayos ka lang ba?" nag-aalang tanong ni Timoteo habang pinupunas ang mga luhang tumutulo sa mukha ng batang lalake.

"Maraming salamat po sa pagtanggol mo sa akin ginoo..." at tsaka napatingin na rin ang batang lalaki sa akin. ".....at sa'yo rin binibini." Mukhang napangiti naman ako sa sinabi ng bata at agad na ring lumapit nang mas kaunti sa kaniyang tabi. Nahihiya kasi ako kay Timothy na ngayon ay nasa harapan ng bata habang pinupunas ang mukha't braso nito na nabasa rin dahil sa hindi inaasahang aksidente kanina.

"Sa susunod ay mag-iingat ka na, ha? Kasi hindi natin alam kung anung klaseng mga tao ang nasa ating paligid..." wika ni Timothy at agad na niyang pinuntahan at pinulot ang nakatakilid na banyera sa malayo. Tumango naman ang bata sa kaniyang sinabi at agad na rin niyang pinuntahan si Timothy sa kung saan siya nakatayo ngayon.

"....takot na takot akong maparusahan, ginoo. Hindi ko naman 'yun sinasadya ngunit nagkataon na si senyorita Marcelita ang nakabangga ko kanina. Mukhang natatakot na rin akong harapin ang ibang tao dahil baka anu na naman ang kanilang sasabihin o gagawin kapag may ginawa na naman akong kapalpakan..." wika ng bata.

"Makinig ka sa akin. Huwag kang matakot harapin ang mga taong nasa iyong paligid. Naniniwala ako na may mabubuting puso ang bawat isa sa atin ngunit may mga pagkakataon talaga na nagiging masama ang isang tao dahil sa sinapit nilang sitwasyon." payo sa kaniya ni Timothy. Kumunot naman ang noo ng bata sa kaniyang sinabi na ikinatuwa naman ni Timothy.

"Balang araw maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin. Tara, ihahatid na kita sa inyo...." wika ni Timothy sa bata. Agad naman tumingin ang batang lalake sa aking direksiyon at sinensiyahan akong sumama sa kanila.

"Sumunod ka na rin sa amin, binibini...." sigaw niya at agad na rin akong pumunta sa kanilang kinatatayuan. Siyempre pagkakataon ko na 'tong makausap si Timothy mamaya kapag naiuwi na namin ang bata sa kanilang tahanan. Hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin ako pinapansin ni Timothy. Nakatuon lang kasi ang kaniyang atensiyon sa bata habang patuloy kaming naglalakad sa aming dinadaanan papunta sa tahanan ng bata.


**********

"Oy Timoteo....." tawag ko sa kaniya pero hindi siya kumibo sa akin. Hmmp!

Tinatahak namin ngayon ang malawak na damuhan dito sa kapatagan pagkatapos naming hinatid ang bata sa kaniyang mga magulang. Pabalik na kami ngayon sa merkado. Mabuti na lang dahil hindi masakit sa balat ang sikat ng araw ngayong hapon at talagang malalasap mo ang ihip ng sariwang hangin na dumadapo ngayon sa aming katawan.

Heto, hinihila ako ni Timothy sa kaniyang likuran at ako naman ay patuloy na sumusunod sa kaniyang yapak. Ano ba kasing problema ni Timothy?

"Timoteo....." tawag ko sa kaniya ulit. Pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Talagang hindi ko na ito matitiis at agad na rin akong napabitaw sa kaniyang kamay na kaniya ring ikinagulat sa mga sandaling 'yun. Napaharap siya sa akin na nakasimangot at ako naman ay nakapameywang at naghinhintay sa kaniyang sasabihin.

"Ano?" tanong niya habang nakasimangot sa akin. Teka, sandali....

Sa mga oras na 'yun, hindi ko maitatanggi na ang cute, cute niya pa rin kahit napakasimangot. Kahit na magkadugtong na ngayon ang mga kilay niya ang cute, cute niya pa rin. Nagkatinginan na kami sa wakas ni Timothy at napapansin na parang gumagwapo siya habang naiihip ng malakas na hangin ang kaniyang buhok.

Anu ba naman ang pinag-iisip ko? Erase, erase muna ito dahil naiinis na ako ngayon sa kaniya.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo pero hindi mo ako pinapansin, Timoteo!..." inis kong sabi.

"Kaninang umaga sa eskwelahan, nakita kita at agad akong kumaway sa'yo pero hindi ka man lang kumaway pabalik kahit alam kong nakita mo na ako. Ano ba kasi ang problema?" dagdag ko naman habang nakatitig sa kaniyang mukha. Agad namang napabuntong hininga si Timothy at napaiwas na lang ng tingin sa akin.

"Hindi kita nakita kanina..." pagtanggi niya. Mukhang nagulat naman ako sa kaniya naging tugon dahil alam ko naman talaga na nakita niya ako kanina. Napapikit na lang ako sa sobrang inis at tsaka tumalikod sa kaniya.

"Galit ka ba sa akin, Timoteo?" mahinahon kong tanong

"Hindi ako galit. Nadismaya lang kasi ako sa ginawa mo, Florentina....." tugon niya at dahan-dahan naman akong napaharap sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" napalunok na lang ako sa maaari niyang sabihin. Baka 'di kaya'y alam na niyang ikakasal na kami ni Konrad.

"Futura cuñada (Future sister-in-law)......"

Naalala ko pala kanina ang sinabi ni Marcelita bago siya umalis. Alam ko namang narinig 'yun ni Timothy pero deadma lang siya kanina. Mukhang kasalan ito ni Marcelita dahil pinangungunahan na naman niya ako.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka na pala kay Konrad, Florentina?" sa mga oras na 'yun ang kaniyang mga mata ay nababalot na ng kalungkutan habang nakakatitig ako sa kaniya. Napalunok na lang ako ulit at mukhang naiistatwa na ako sa aking kinatatayuan. Ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig na parang isang pipi. Mukhang naduduwag na naman ako sa kaniyang harapan.

"Sasabihin ko naman sa'yo, Timoteo ngunit------"

"Ngunit ano, Florentina? Magkasangga tayo sa misyon na 'to 'di ba? Dapat walang magtataguan ng sikreto..."

"Hindi ko naman ito sineskreto, Timoteo. Sasabihin ko naman sa iyo 'to, eh...." mukhang naiiyak na ako sa mga sandaling 'yun. Hindi ko akalain na mag-aaway kami ngayon pero kung tutuusin kasalan ko naman. Hindi ko kasing magawang sabihin 'to sa kaniya nang maaga. At ang masaklap pa ay sa ibang tao niya pa ito narinig.

"Huwag mong sisisihin si Marcelita dahil sa sinabi niya kanina dahil kahapon ko lang ito nalaman kay Konrad bago siya naaksidente sa pagligtas niya sa'yo sa kapahamakan...." wika niya at agad naman akong nagulat sa aking nalaman.

"Kasama namin kahapon sina kuya Mateo at ang kaibigan nito papuntang merkado. Habang naglalakad kami, masayang ikinuwento sa akin ni Konrad na magpapakasal na kayo ngayong Oktubre at 'nang dumating na kami ng merkado ay nakita ka naming kumakaripas sa pagtakbo habang sinusundan ka ng mga kalalakihan at agad rin namin kayong sinundan..." paglalahad niya.

"Sa hindi inaasahan, nakita namin na muntik ka nang mapahamak at mapatay ng mga kalalakihang 'yun at mabuti lang din dahil nailigtas ka namin sa tamang oras. Ngunit si Konrad....." nakita ko na parang nanginginig ang kaniyang kamao sa mga oras na 'yun.

"Si Konrad ang sumalo sa iyong kamatayan kaya siya'y nagkasugat upang ika'y mailigtas...." dagdag niya. Bigla namang kumirot ang aking puso habang minamasdan nang ganoon si Timothy. May bahid ng kalungkutan ang kaniyang mukha at hindi rin niyang magawang makatingin sa akin nang diretso. Napayuko naman ako sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin nandun din si Timothy sa mga oras na 'yun? Pero bakit hindi ko siya napansin?

"Kung nandun ka, ba't hindi kita nakita? At ba't hindi ka nagpakita habang dinadala namin si Konrad sa klinika?" tanong ko naman sa kaniya. Gusto ko malaman ang kaniyang rason kung bakit. Kung bakit hindi ko siya nakita 'nung gabing 'yun.

"Umalis ako agad. Umalis ako dahil hindi ko kayang makita na umiiyak ka sa lalaking 'yun..." malakas niyang tugon.

Bumilog naman ang mga mata ko nang malaman 'yun sa kaniya. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Parang may anong bagay na tumutusok ngayon sa aking puso habang nakabaon pa rin sa aking utak ang kaniyang sinabi. Tumalikod na si Timothy sa akin sa mga oras na 'yun at mukhang aalis na rin siya sa kaniyang kinatatayuan. May kaunting katahimikan ang pumagitna sa amin habang minamasdan ko siyang papalayo sa aking paningin. Napakagat na lang ako ng aking labi dahil sa sobrag inis at may kung anong salita na naman ang lumabas sa aking bibig sa hindi inaasahan.

"Timoteo! Tutol ka ba sa kasal namin? Nagseselos ka ba?!!" sigaw ka sa kaniya at agad naman siyang napatigil sa kaniyang paglalakad. Mas maganda na diretsahan na lang na tanong dahil ibig ko talagang malaman ang kaniyang saloobin.

"Kailangan na nating magmadali dahil alam kong hininintay ka na ng kutsero sa merkado..." sabi niya lang habang nakatalikod pa rin sa akin. Hindi niya nasagot ang aking tanong kaya'y tumakbo na ako papunta sa kaniyang direksiyon upang itanong muli sa kaniya.

Habang tumatakbo ako, hindi ko namalayan na may kalesa pa lang dadaan sa amin at mukhang pinapaktakbo pa ito nang mabilis. Agad naman akong napatingin sa aking likuran at nagulat na malapit na pala akong masasagasaan ng kalesang 'yun. Mabuti na lang dahil pinuntahan ako agad ni Timothy at nailigtas niya ako sa kapahamakan.

Hinablot niya nang mabilis ang aking braso at hinila papunta sa kaniyang dibdib. Walang anu-ano'y agad niyang nilagay ang kaniyang kamay sa aking beywang habang nakatitig siya nang diretso sa aking mga mata.

Tumibok na naman nang mabilis ang aking puso dahil sa kaniyang pagtitig na animo'y nag-aalala siya sa akin. Napalunok na lang ako sa mga sandaling 'yun at nararamdamang nag-iinit na ang aking mukha. Nararamdaman ko din ang maiinit niyang paghinga dahil mukhang magdidikit na ngayon ang aming mga mukha. Talagang naiistatwa na ako sa aking kinatatayuan at naiilang na rin ako sa mga oras na 'to. Mukhang mauubusan ako ng hangin kapag hindi ako pumalag.

"Oo, nagseselos ako." panimula niya. Sa mga sinabi niyang 'yun mukhang mas bumilis na naman ang pagtibok ng aking puso.

"At tutol ako sa inyong kasal ni Konrad, Florentina..." dagdag niya na mas ikinalalaki pa ng aking mata.

"Ngunit wala naman akong magagawa dahil parte 'yun ng ating misyon. Ngunit ipinapangako mo sa akin na simula ngayon ay walang tayong itatagong sekreto sa isa't isa dahil magkakasangga tayo sa misyon na 'to at kahit ikakasal ka na sa iba ipinapangako mong huwag kang mahuhulog kay Konrad ......." napalunok na lang ako sa mga sinabi niyang 'yun. Talagang mauubos na ang hangin sa aking baga sa kaniyang pangungumpisal.

"Dahil ako lamang ang maaaring bumihag sa iyong puso, Florabelle de Luna..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro