Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 10

[Kabanata 10]


".......kailangan nating mahanap ang babae na nagbigay sa atin ng singsing." sabi ni Timothy sa akin sabay tapik ng kaniyang kamay sa aking balikat. Bumilog naman ang aking mga mata nang sinabi niya 'yun sa akin. Naalala ko tuloy 'yung babaeng nakita ko nung nasa medical mission kami sa bayan ng Anillo. Hindi naman ako sigurado kung siya ba 'yung babae na nagmamay-ari ng singsing na suot-suot ko ngayon.

"Tanong ko lang, anu ang hitsura ng taong nagmamay-ari ng singsing na 'to? Posible bang iisang tao rin ang nagmamay-ari nito?" tanong ko bigla kay Timothy. Napaisip naman siya.

"Hindi ko alam. When I remember, parang nasa 20's pa lang ang babae at may mahahabang kulot na buhok ito."sagot niya sa akin. Napaisip din ako sa mga oras na 'yun. Sa pagkaaalala ko kasi nung ako'y nasa Anillo, bago ko pa nakita ang singsing sa sahig ay may nakita akong isang babae na hindi rin magkalayo ang aming edad at tsaka may mahahabang kulot na buhok din na pareho sa paglalarawan ni Timothy. Baka ang babaeng nakita ko ay siya ring nagmamay-ari ng singsing. Napatingin agad ako kay Timothy. Mukhang iisang tao ang tinutukoy namin.

"Do you have any ideas?" tanong niya sa akin.

"Mukhang tama ang hinala ko, Timothy. Iisang tao lamang ang nagmamay-ari ng suot nating singsing." sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at agad napahilamos ng kaniyang mukha. Talagang problemado na kami sa mga oras na 'yun.

"Actually, I've seen her already nung ako'y nakatungtong sa lumang panahon ng aking panaginip." sabi niya. "....siya ay si Helena. Ang pinsan ni Timoteo Castellana."dagdag niya.

"Kung nagkita na kayo ba't hindi mo tinanong sa kaniya tungkol sa singsing?"

"Wala akong pruweba sa kaniya. Dahil nawawala ang singsing habang ako'y nasa panaginip ng nakaraan." Tama nga naman siya. Kahit nga ako nung ako'y nasa panaginip ng nakaraan ay nawawala rin ang singsing. Bakit kaya?

"Saan naman natin siya hahanapin? Mukhang mahihirapan tayo." kabado kong tanong.

"We'll try to look for her kung saan natin siya nakita." sabi naman ni Timothy sa akin.

"Is that Timothy?!!" sigaw ng isang babae habang tinatanaw niya kami sa malayo. Nagulat naman kami ni Timothy sa ginawa ng babaeng 'yun.

"It's Timothy! The leader of Rose Angels is here!!!" sabi naman ng isa pang babae habang kinikilig ito kasama ang mga ibang kababaihan sa malayo. Kilala nila si Timothy? At anu naman itong pinagsasabi nilang Rose Angels? Mukhang papunta ang mga kinikilig na dilag na ito sa aming kinatatayuan na para bang susugurin nila si Timothy.

Agad namang kinuha ni Timothy ang aking kamay at sinabing, "Mukhang kailangan na nating umalis..." napatakbo naman kami nang mabilis na hindi ko alam kung bakit at agad naman kaming sinundan ng mga babaeng 'to na nasa aming likuran. Teka, anu bang nangyayari?

Habang hawak-hawak ni Timothy ang aking kamay, agad namang tumibok ang aking puso nang nakakaloka. Habang tumatakbo kami sa isang makitid na kalye sa siyudad, pasilip akong sumusulyap sa kaniyang mala-anghel na imahe. Para talagang angel in disguise itong si Timothy.

Mukhang napansin na namin na hindi na nakasunod sa amin ang mga kababaihan sa aming likuran kung kaya't napatigil na kami sa kakatakbo. Talagang mauubusan na ako ng hangin at agad naman akong napasandal sa isang poste.

Napatingin naman ako kay Timothy sa aking tabi at nakita ko rin siyang humihingal. Mukhang napagod kami sa aming ginawa. Ba't ba kasi siyang umalis at tumakbo? Dinamay niya pa ako..

"Timothy?....." pagbasag ko sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"What just happened?" tanong ko sa kaniya.

"Never mind those people. Normal lang 'yun sa akin.." sabi niya. Anu raw? Normal? Normal bang hinahabol siya ng mga babae? Napataas naman ang kilay ko nang sinabi niya 'yun.

"Our time is up, Flor. Bukas naman tayo mag-uusap at kailangan ko nang umalis." sabi niya.

"Teka, Timothy........"

Agad naman niyang kinurot ang aking pisngi sabay sabing, "See you, Dora!"

Huh? Tiningnan ko lang siya ng masama habang tinatanaw siya na tumatakbo palayo sa akin. Mukhang nag-uumpisa na siyang tumukso ha.

"FLOR! MAGKITA TAYO BUKAS SA OSPITAL!" sigaw niya na para bang walang tao ang nakakarinig sa kaniya. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik at minamasdan siyang tumatakbo papalayo sa aking piling sa mga oras na 'yun.

"See you, Timothy......." bulong ko na nakatulala.


**********

Mag-aalas onse na ng umaga at mabuti na rin dahil magtatanghalian na after ng aming 4 hour-practical exam ngayong lunes. Mukhang hindi maganda ang naging lunes namin kasi kay aga-aga ay maiistress ka na. Ako ang huling nagperform ng aming practical exam kung kaya'y nauna na sina Antoinette, Geoff, at Marie na mananghalian dahil may gagawin pa silang mga quota pagka alas-dose ng tanghali. Hindi kami kasamang apat sa isang rotation kung kaya'y minsan hindi rin kami sabay-sabay kumain at umuwi.

Nang matapos na akong magperform ng aking practical exam, agad naman akong nagmamadaling lumabas mula sa loob ng clinical laboratory. Kailangan kong magmadali baka sakaling maabutan ko pa ang mga kaibigan kong baliw. Nang papaliko na sana ako papunta ng hospital cafeteria, may kung anung bumangga sa akin at pareho naman kaming tumilapon sa sahig. Arayy!!...

Sumubsob ako sa sahig dahil sa sobrang lakas ng impact at mukhang dumugo ulit ang nahihilom kong sugat. Mahapdi pa rin ito at mukhang tinamaan ito ng isang matulis na bagay na hindi ko alam. Agad naman akong tumayo nang dahan-dahan at napansing may librong tumilapon sa aking tabi. Agad ko namang kinuha 'yun at nagulat na lang ako kung sinong tao ring kumuha ng libro. Nagkatinginan naman kaming dalawa sa mga sandaling 'yun at agad naman siyang napangiti sa akin. Kumunot naman ang aking noo.

"Hey, Flor. Kumain ka na ba? Kung gusto mo sabay na lang tayo." sabi niya sa akin. Huh?

"Wait, ba't dumudugo ang daliri mo? May band-aid ako rito." sabi naman niya sa akin habang kinukuha ang band-aid mula sa kaniyang bulsa. Agad naman niya binigay sa akin ang band-aid at pinaupo sa isang bakanteng upuan malapit sa amin.

"Anung gusto mong lunch?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Napataas naman ang kilay ko sa kaniyang tanong.

"Bakit? Manglilibre ka ba?" tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi. I'm just asking." sabi niya lang.

"Ok." tipid ko namang sagot at agad na akong tumayo para makabili na ng aking lunch. Tumawa na lang siya sa aking ginawa at agad ding sumunod sa aking likuran.

Siya si Kurtney Leander Penaflorida o mas kilalang Kurt ng aming batchmates. Naging kaklase ko siya since first year college pero hindi ko siya naging close dahil may mga bestfriends na ako. Siyempre kilala niyo na silang tatlo. Hanggang sa maging co-intern kami sa iisang hospital institution at 'dun lang kami nagpapansinan at unti-unting nakilala ang isa't isa.

Isa siyang geek, loner medyo weirdo na may pagka-arogante na hindi ko alam kung may anu ba 'tong sa taong ito. Minsan nga maiinis ka na lang sa kaniya dahil lagi siyang nagmamadali na mukhang gusto-gusto niyang mauuna sa lahat ng bagay. At iyan ang ikina-iinis ko sa kaniya! Pero minsan, may pagka-sweet din itong weirdo na 'to.

Napatingin naman ako sa aking paligid pero mukhang wala na ang mga kaibigan kong baliw. Nakita ko rin sa orasan na mag 11:35 na kung kaya'y napaisip na lang ako na baka umalis na silang tatlo. Ang busy kasi ng mga schedule namin.

"Hey, Flor. Anung kakainin mo?" tanong ng weirdo na nasa aking likuran. Heto na naman siya. Paulit-paulit na lang ba tayo ng tanong?

"Secret." tipid kong sagot sa kaniya.

"Try mo 'yung Pinakbet. Ang dami kayang okra, oh..." sabi niya sabay turo sa pinakbet na nasa umahan lang namin. Madami kasing pagpipilian na mga putahe na naka-display sa aming harapan kung kaya'y mahihirapan akong mamili. Mukhang maiirita na talaga ako sa kaniya ngayon. Alam naman niyang ayaw ko sa okra tapos pinakbet pa talaga ang ipapakain sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at kitang-kita sa mukha niya na nasisiyahan siya na tinutukso ako.

"Kurt, baka gusto mo ng Dinuguan.Heto, oh." sabi ko naman sabay turo sa naka-display na Dinuguan. Tiningnan ko ulit siya at mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"I don't like that." sabi niya. Mukhang nagbago ang kaniyang facial expression nang sinabi niya 'yun.

Tumawa na lang ako bigla at agad siyang hinampas sa braso. Ganyan talaga siya kapag ibang tao na ang tumukso sa kaniya. Agad-agad siyang nagtatampo o mabilis siyang ma-bad trip. Hay, naku...

"Anu ba, Flor." sabi niya sa akin na may iritadong tono.

"Ok, ok. Biro lang 'yun. Anu ka ba." sabi ko na lang sa kaniya at agad ding pumili ng aking kakaining pananghalian.

Habang kumakain na kami ng aming lunch sa aming kinauupuan, agad siyang tumabi nang mas malapit sa akin na aking ikinagulat. Mukhang magkadikit na ang aming mga braso at parang hindi na ako komportable pang kumain.

"Afritada ba 'yang kinain mo? Ba't ang daming taba?" bulong niya sa akin. Napatigil naman ako sa aking kinain at agad ko siyang tiningnan nang masama.

"Eh, ikaw ba't ginisang ampalaya kinain mo? Kung sa bagay, bitter ka naman palagi, di ba?" sabi ko sa kaniya at agad ding bumalik sa aking kinain. Ooopps! Mukhang may 'di dapat akong sinabi.

Tiningnan ko siya ulit at mukhang 'di niya nagustuhan ang aking sinabi. Agad siyang tumayo sa kaniyang kinatatyuan at napatayo na rin ako dahil sa gulat.

"Kurt...." sabi ko.

"It's ok, Flor. Hindi naman ako galit. I admit. Tama ang sinabi mo." at tuluyan na siyang umalis sa aming kinatatayuan. Naku naman! Makulit kasi eh! May failed past love life kasi ang weirdo, ayun tuloy bitter na siya sa mga relationships. Hindi ko naman siya masisisi. Mahirap suyuin ang weirdo na'to. Akala niya siguro hahabulin ko siya. It's a big NO.

Mga ilang sandali pa'y may kung anung nag-riring sa aking phone mula sa aking bulsa at agad ko naman 'yun sinagot:

Hello? Sino to?

Hi, Flor. It's me Timothy.

Timothy? Paano niya nalaman ang aking phone number?

Teka, paano mo nalaman ang aking number?

Kinuha ko kay Geoff, Flor. Ang funny niya noh? I like him.

Sabi naman niya sa akin. Naku, kapag narinig 'to ng bakla baka mag-tutumbling na siya ngayon at magsasayaw nang nakakaloka.

Uhhmm..Di ba sabi mo, magkikita tayo rito sa ospital?

Pasensiya na. Nandito pa kasi ako sa UP may tatapusin pa akong proyekto. Bakit? Hinhintay mo ba ako?

Ay, aba. Matindi 'tong si Timothy ha? Mukhang natatawa ako sa kaniyang sinabi.

At sinong may sabehh?

Hahahaha.. Wala. I'm just kidding. Susunduin kita mamaya diyan mga alas-kwatro ng hapon. Pupunta tayo mamaya sa bayan ng Anillo.

Mukhang napatahimik ako bigla nang banggitin niya ang bayan ng Anillo. Bumabagabag na naman sa aking isipan ang mga pangyayaring kinasasangkutan naming dalawa. Hindi ko alam kung anung nangyayari pero kailangan namin ng kasagutan. Kailangan na naming mahanap ang babaeng nagmamay-ari ng singsing na suot-suot namin ni Timothy.

Flor? Andiyan ka pa ba?

Yes, Timothy. Mukhang nakabalik na ako sa aking sarili.

Sige. Hihintayin kita mamaya.

Okay, Flor. See you.

At agad na ring natapos ang aming pag-uusap. Napabuntong hininga na lang ako sandali at tuluyan na ring umalis sa loob ng cafeteria.


**********

Salamat na rin dahil patapos na ako sa aking ginawang quota dito sa loob ng clinical laboratory. At siyempre excited na rin ako dahil makakasama ko na ulit si Timothy sa pagsapit ng alas kwatro. Yieeee! Supposedly mag-eextend kami ngayon pero hanggang alas-kwatro lang muna ako. Hahaha

"Hoy, Doray! Tinawagan ka ba ng boypren mo kanina?" ang masigabong tanong ni Geoff na halos lahat ng staff ay nakatingin sa amin. Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang tanong. Nakita ko rin si Kurt na nasa aking tabi na gulat na gulat sa sinabi ng baklang 'yun.

"Boypren? Anung pinagsasabi mo diyan?" sabi ko naman kay Geoff kahit alam ko naman na si Timothy ang kaniyang tinutukoy na boyfriend ko raw.

"Sus, ikaw Doray ha? Saan ba kasi ang punta niyo?" tanong ng bakla sa akin. Mukhang natahimik ako sa tanong ng bakla. Hindi dapat malaman ni Geoff na pupunta kami ngayon sa Anillo. Agad naman akong nag-ayos ng aking mga gamit at nagpaalam sa mga staff upang umalis na.

Nang makalabas na ako mula sa loob, mukhang nakita ko na sinusundan ako ni Geoff. Naku, ang baklang 'toh! Mabilis kong tinahak ang hallway ng ospital habang si Geoff ay patuloy lang na nakasunod sa aking likuran. Makulit talaga si Geoff! Paulit-ulit lang naman ang tanong niya sa akin. Mukhang nakakahiya ang ginagawa niya.

"DORAY!" sigaw niya bigla. Agad naman akong napalingon sa kaniya at lahat ng mga tao sa loob ng ospital ay nakatingin din sa kaniya. Talagang ako na ang napapahiya sa ginawa niyang 'yun.

"Doray, please. Pansinin mo naman ako." pagbubusangot niya habang naka-walling na naman ito sa isang malapad na dingding malapit sa kaniya. Napapikit naman ako sa kaniyang ginawa habang ang mga tao'y patuloy pa rin siyang tinitingnan.

"Geoff! Anu bang ginagawa mo?" tanong ko naman sa kaniya gamit ang mahina kong boses.

"Saan ba kasi kayo pupunta?" pagbubusangot niya ulit. Agad ko naman siyang pinuntahan at tinulungang tumayo mula sa kaniyang pagkakayuko. Kung anu na lang kasi ang pinagda-drama nito.

"What's going on here?" agad naman kaming napalingon ni Geoff at nakita kung sinong tao ang nagsasalita.

"Oh my gosh, doc Mat! I miss you!" masiglang wika ng bakla at agad na itong pinuntahan si doc Matthew. Mukhang nagglo-glow na naman ang mga mata ng bakla. Nag-iba ang awra? Haha

Tumawa na lang si doc Matthew sa pinagsasabi ni Geoff at agad naman siyang napatingin sa akin. "Early timeout, Flor?" tanong niya sa akin.

"Opo, doc. Supposedly mamayang alas-singko pa ako magti-timeout. Kaya lang may pupuntahan pa kasi ako ngayon." sagot ko naman sa kaniya.

"Yes, dokie. May pupuntahan pa sila ni----------" agad kong tinikom ang malaking bibig ni Geoff gamit ang aking kamay para hindi na niya masabi kay doc Mat na makakasama ko si Timothy ngayong hapon. Ang kulit talaga niya noh?

"Uhm, doc Mat. Sige mauuna na kami sa labas, nagmamadali na kasi kami. Pasensiya na po. Bye!" sabi ko na lang habang ginuguyod ang bakla papalabas ng ospital. Nakita ko naman si doc Matthew na parang naguguluhan sa amin at tsaka na lang siya napabuntong hininga sa mga oras na 'yun. Sorry, doc. Hehe

Nang makalabas na kami mula sa loob, agad ko nang binitawan ang bakla. Napaharap naman ako sa kaniya at ganun din siya sa akin." Ikaw, Doray ha. Talagang tinatago mo pa pati kay doc Mat. Saan ba kasi ang punta niyo ni papang Timothy?" makulit na naman na tanong ng bakla habang nakapameywang pa ito sa akin.

"May pupuntahan lang kami, Geoff. Don't worry, early pa ako makakabalik sa ating apartment." sagot ko naman sa kaniya.

"So it means magde-date nga kayo?" pagdidiin naman ng bakla sa akin. Napanganga na lang ako sa gulat nang sinabi niya 'yun.

"HIND-------"

"YES!"

Nagulat na lang kami ni Geoff kung sinong nagsasalita sa aming likuran. Mukhang tumibok na naman ang aking puso nang masilayan ulit ang kaniyang mga ngiti.

"Mag de-date kayo!!!??" gulat na gulat na tanong nina Antoinette at Marie na kakalabas lang nila mula sa loob ng laboratory. Pinuntahan nila agad si Geoff at hinarap ang lalaking makakasama ko ngayong hapon.

"Yes. Magde-date kami ngayon ni Flor. Hihiramin ko siya muna sandali." sabi ni Timothy at agad siyang napatingin sa akin. Anu raw?

"Oh my God, gurls. Narinig niyo ba ang narinig ko? Magde-date nga sila!" sigaw ng bakla at agad naman silang nagtatalunan sa aking tabi. Mga baliw nga...

"Oh, ano? Tara na?" anyaya ni Timothy.

Ngumiti na lang ako at agad ding sumunod sa kaniya. Mukhang tuluyang humiwalay na ako sa aking mga kaibigan sa mga oras na 'yun. Hindi na nga kami nagsama-samang kumain kanina.

"Flor, enjoy!!!!" sigaw ni Marie habang tinatanaw na nila kami sa kalayuan. Nginitian ko lang sila sa malayo at agad ding bumalik ang akin tingin kay Timothy.

"Date?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo?" Nag-iinit na naman ang aking mga pisngi nang sinabi niya 'yun.

"That's the only way para walang makakaalam sa gagawin natin, Flor." sabi niya lang sa akin. Mukhang tama nga naman si Timothy. Dapat walang makakaalam na pupunta kami ngayon sa bayan ng Anillo.

Pagdating namin sa car park, agad naman akong nakasunod sa likuran ni Timothy patungo sa kaniyang kotse. Binuksan agad niya ang pintuan ng front seat at sinabing, "Don't worry, makikita rin natin ang babaeng 'yun, Flor. Trust me." Palihim akong ngumiti sa kaniyang sinabi at tsaka na ako pumasok sa front seat.

Nang makaalis na kami sa car park, napansin kong nakatingin si Kurt sa amin sa 'di kalayuan. Mukhang papauwi rin siya sa kaniyang apartment. Kamusta na kaya siya? Magwa-wave sana ako sa kaniya mula sa window car ngunit napaiwas siya ng tingin sa akin. Anu na naman problema nito? Napabuntong hininga na lang ako saglit at tsaka sinirado ang window car.

"Sino 'yun, Flor?" tanong bigla ni Timothy sa akin.

"Wala. Kaibigan ko lang 'yun." mahina kong sagot.


**********

Nakarating din kami sa wakas sa bayan ng Anillo ng halos tatlumpung minuto. Medyo awkward din ang biyahe namin kasi hindi kami masyadong nag-uusap nitong si Timothy. Tanging musika lang ang aming naririnig sa buong biyahe. Hindi ko alam pero parang may iniisip din siya. Mukhang pareho kaming iniisip ni Timothy. Pinuntahan namin agad ang gym kung saan kami nagmedical mission nung nakaraang biyernes. Nagpalinga-linga kami sa buong paligid upang makita ulit ang babaeng hinahanap namin. Posible bang magpakita ulit ang babae sa amin?

"Teka, Timothy...Hindi ko alam kung paano natin hahanapin ang babaeng tinutukoy natin. Pero hindi naman siguro magpapakita ang babaeng 'yun ng basta-basta."

"Magpapakita 'yun sa atin, Flor. Trust me." sabi niya habang nakatingin ito sa akin. Nang sinabi niya 'yun, mukhang lumakas din ang loob kong makikita namin siya.

"Naghihintay lang siya ng panahon upang tayo'y magkita. At dahil nagkita na tayo, sigurado akong magpapakita siya ulit sa atin." dagdag niya.

Mag-aalas singko na ng hapon at nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin na dumapo sa aking balat. Medyo madilim na at malakas din ang ihip ng hangin. Sa hindi inaasahan ay mukhang may napansin akong isang babae na nakaputi na nakatitig sa amin mula sa malayo. Tinitigan ko siya nang matagal at bigla lang siya ngumiti sa akin. Bumilog naman ang aking mga mata kung sino ang nakita ko sa mga oras na 'yun.

"Teka, miss!!!!" sigaw ko at aakmang tatakbo papunta sa babaeng 'yun. Mukhang paalis na rin ang babae sa kaniyang kinatatayuan. Kailangan ko siyang maabutan.

"Nakita ko na siya. Dali, kailangan natin siyang habulin!" sigaw ko habang papunta sa kinaroroonan ng babaeng 'yun.

Hindi ko alam kung anu na ang nararamdaman ko ng makita ulit ang babaeng nagmamay-ari ng singsing na suot-suot ko ngayon. Dali-dali kami ni Timothy na sundan ang babae sa kalayuan.

Medyo malayo na kami sa gym at patuloy pa ring hinahabol ang babae. Walang anu-ano'y mukhang dinala kami ng babae sa isang abandonadong lugar kung saan makikita ang luma at sirang marmol sa paligid. Talagang sirang-sira na ang imprastruktura at makikitang gawa ito sa marmol at bato. Wala na itong dingding at kisame at may mga sirang arko din at poste. May malaking lumang sirang fountain din na nasa aming harapan. Ano kayang lugar ito?

"Mukhang nagkita na nga kayo." sabi ng isang babae na nasa aming likuran. Agad naman kaming tumingin sa aming likuran at nakita ang magandang babae na may mahahabang kulot na buhok. Nakasuot ito ng puting baro't saya at may puting rosas din na nakasabit sa kanyang kaliwang tenga.

"Helena." bulong ni Timothy.

"Mukhang nakilala mo na ako, Timothy." sabi naman ng babae sa kaniya.

"Nagkita na tayo dati pa, Helena. Sa nakaraan ng panaginip..." ngumiti naman ang babaeng 'yun sa sinabi ni Timothy.

"Oo, tama ka nga. Pero wala akong kilalang Timothy sa nakaraan kundi si Timoteo lamang." sabi naman ng babae sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Timothy sa sinabi ng babae. Bigla ring tumingin ang babae sa akin at tsaka ngumiti. Mukhang hindi ko gusto ang mga ngiti niya. Napalunok na lang ako sa kaba.

"Ikaw ba si Florabelle?" tanong niya sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot.

"Ba't nangyayari ito sa amin, Helena?" tanong bigla ni Timothy sa babaeng 'yun. Pero ngiti lang ang naging sagot nito sa kaniya.

"Matagal kong hinintay na magkita ang dalawang itinakda at ngayo'y masaya ako na naparito kayo sa aking harapan. At dahil dun, ito na ang tamang panahon para sabihin kung bakit nangyayari ito sa inyo." panimula ng babae.

"Lingid sa inyong kaalaman, ang bayan ng Sta. Rosita ay hindi na bahagi ng lalawigang ito. Nakakalungkot lang dahil ang minamahal kong bayan ay hindi na naitala sa ating kasaysayan kahit marami na itong tagumpay at nagbigay kontribusyon sa ating inang bayan." agad namang tumingin sa amin ang babae.

"Kailangan ninyong iligtas ang bayan ng Sta. Rosita." dagdag niya. Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi.

"Anu po ba nangyari sa Sta. Rosita?" tanong ko sa kaniya.

"Malalaman niyo rin habang kayo'y nasa lumang panahon ng inyong panaginip." sagot niya lang sa akin.

"Upang makatakas kayo sa inyong sinapit, dapat ninyong gagampanan ang isang malaking misyon na iligtas ang bayan ng Sta. Rosita."

Agad namang nagkatinginan kami ni Timothy sa mga oras na 'yun. Napalunok na lang ako sa takot at kaba. Misyon? May gagawin kaming misyon? Pero paano namin 'yun gagawin?

"Ngunit, kailangan ninyong mag-ingat. Sa oras na may binago kayo sa nakaraan, maaring magbago ang inyong kasalukuyan..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro