Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 9

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na makipagdate sa kanya. Syempre pumayag din ako sa kundinsyong isang beses lang iyon at hindi na yon masusundan pa.

Dito ako sa condo ko ngayon at naghahanda para nanaman pumasok sa school.

Tumawag pala sa akin si tatay kagabi. Birthday pala ni Jaydee kahapon. Nakita ko yong iniwan niyang handa sa lamesa ko. Pumunta pala siya dito. Alam naman kasi niya ang password ko kaya naman nabuksan niya ang condo ko. Paano naman kasi ay pangalan ni mama.

Nilagnat kasi ako noong bata ako, tapos eksaktong day off ni Yaya. Kapag day off ni Yaya ay lagi niya akong binibisita with tita Isabel. Pero minsan lang sumasama si Tita Isabel.

Hindi ko noon mabuksan kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Kumakatok si papa sa pintoan. I heard na pinatawag pa niya yong mga crew dito pero dahil sa sobrang pag-aalala niya ay hinulaan niya nalang yong password ko. Tas ayon na nabuksan niya na. Kung tinatanong niyo kung nasaan na si yaya? Well, since mag kolehiyo ako, sinabi ko kay itay na kaya ko na. Ayaw niya akong payagan noong una but I insisted.

Hay naku,  tama na nga ang pagbabalik tanaw. Late na ako kung hindi pa ako bababa at pupunta sa paradahan ng jeep. Kaya bago pa yon mangyari, aalis na ako.

Woah!  Buti naman at nakaabot pa ako ng jeep. Tumakbo na akong pasakay doon dahil mukhang malapit na ding umalis.

When suddenly may biglang humila sa kamay ko. Nagulat pa ako,  akala ko kung sino na. Si Ken lang pala, ano nanaman kaya ang problema nitong lalaking to.

Nakahila parin siya sa akin at naglalakad. Oh no!  Palayo kami sa jeep. At umaandar na siya.

"Ano ba Ken. Yong kamay ko. Paalis na yong jeep. "

Mahinahon ko pang sabi sa kanya. Tumigil lang siya at tumingin sa akin. Aba, nakangisi nanaman itong mokong na to.

"Get in. "

"Ha? "

Saka ko lang narealize na nasa harap na pala kami ng kotse niya at nabuksan na yong pintuan sa may front seat. Noong hindi ako gumalaw ay marahan niya akong itinulak papasok doon. At bago pa ako makapagsalita ay sinara na niya ang pinto.

"Hi Ani. "

Bigla akong napatingin sa back seat. Si kuya Jude.. At hindi lang siya, nadito rin si Jaydee. Napamulagat pa ang mata. Gusto kong lumabas pero hindi ako makagalaw.

"Hi ate!  Ani pala ang pangalan mo!. "

Bibong sabi ni Jaydee sa akin. Ngumiti ako ng pilit. At ibinalik na sa harap yong tingin ko. Hindi ako makatagal ng tinginan sa kanila eh. Nakapasok na rin pala si Ken sa driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan niya.

"Finally. "

Nakangiting wika ni Ken habang tinatahak na ang daan papuntang school. Hindi ko nalang siya pinansin. Grabe,  awkward ng ganito.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school. Hinatid pa namin kanina si Jaydee sa sachool nila. Parte din iyon ng JW pero medyo malayo sa University. Ang cute niya talaga. Kung pwede ko lang siyang yakapin, ginawa ko na.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Ken ng pintuan. Binuksan ko na iyon at agad na lumabas.

"Silly girl. "

Wika ni Ken at ginulo yong buhok ko kasi nagmadali siya kaninang lumabas upang pagbuksan sana ako.

Bahagya namang ngumiti si kuya dahil sa dismayang mukha ni Ken.

"Better luck next time Ken!. "

Sabi din nito.

"Ah Ani, wait us here."

Wika ni kuya.

"Huwag kang magbabalak umalis.."

Dagdag pa ni Ken. Na parang nagbabanta pa. Pumunta sila sa likod ng kotse ni Ken. Hindi ko na nilingon kong anong gagawin nila doon. Gaya nga ng sinabi ni kuya. Naghintay ako.

May bagong dating naman na kotse na kulay blue. Parang familiar iyon sa akin pero hindi ko nalang inassume. Kasabay nito ang biglang pagsulpot ni Yohan. Mukhang kararating din niya kasi nakita ko siyang papalapit sa akin at galing pa siya sa pagpark ng bigbike niya.

Nakangiti siya sa akin. Hmm.. Talaga bang hindi ko na maiiwasan ang mga lalaking ito? Kailangan ba ay buntot-buntot ko na sila palagi?

"Ganda naman ng morning ko! "

Masayang wika nito habang papalapit sa akin. Deadma nalang ako sa sinabi niya.

"It's nice to see you here. "

Sabi pa niya noong malapit na siya sa akin.

'Mwuaps'

Napamulagat pa ang mata ko when someone suddenly kissed me sa pisngi. Lumingon ako sa gawi nong someone na yon ang raise my hand, nakaready para sampalin siya.

Pero dali niya itong nahawakan and he is now smiling at me.

"I miss you baby!. "

Yong gulat kong mukha kanina ay mas nagulat pa sa nakita ko. It's kuya Rai. I missed him too.

"Ku---"

Sasabihin ko sana pero hinawakan niya yong labi ko gamit ang hintuturo niya. At saka iwinawagayway sa ere sa harap ko.

"I said no calling of 'kuya' anymore. "

Parang nagtatampo pang sabi niya sabay wink sa akin. Napatawa naman ako ng bahagya.

"Okay.. I missed you too Rai. "

Mas matanda lang kasi siya sa akin ng isang taon. Kailan ko ba siya last na makasama? Hindi ko na matandaan sa sobrang tagal. Two to three years ago.

"Mmm.. Mmm"

"Mmmm.. Mmm"

Sabay na paglilinis ng throat nila Ken at Yohan. Sumipol-sipol lang naman si kuya. Kaya napatigil kami ni Kuya Rai sa moment namin. Di bali hindi naman niya narinig na tinawag ko siyang kuya. Dito lang naman sa isip ko. Hehe.

"What? "

Biglang tanong ni kuya Rai sa kanila. Nakatingin kasi sila sa amin ngayon. Medyo madilim nga ang itsura nila. Hala? Bakit naman kaya?

"Kilala mo sila baby? "

Wika ni kuya. Huwag niyong mamisunderstood. 'Baby Sis' yan. Only child lang kasi siya ni Tita Raven at Tito Pastor William Hunts. Si Tita Raven yong nurse na pinakiusapan noon ni mama para tulungan akong hanapin si tatay. Tumira ako sa bahay nila noon ng mga isang buwan din. Kaya naging close kami ni Kuya Rai.

Ai, balik sa present. Nakitang kung kumuyom yong kamay ni Yohan. While sila kuya ay binaba yong buhat nilang isang box. Yon siguro yong kinuha nila sa likod ng sasakyan ni Ken.

Lumapit si Ken sa amin.

"Hi bro! I'm Ani's friend! "

Sabi nito kay kuya Rai pero inakbayan ako. Hala?  Feeling talaga nito. Friend ko daw? Ngumiti naman si kuya Rai at inabot yong kamay niya kay Ken.

"I'm Rai Venon Hunts, a new tranferee here at JW University. "

Muntikan na akong lumundag sa tuwa dahil sa nalaman ko. Yehey!  May kasama na ako dito.

Inabot naman ni Ken yong kamay niya at nagkamayan sila.

"Isaac Jude Wesley! "

Sabi naman ni kuya at hindi siya lumapit kundi kumaway lang siya ng bahagya.

"Yea, the famous son of the University's Owner. Nice to meet you. "

Sabi naman ni kuya Rai kay kuya Jude. At sumaludo pa.

Ngumiti lang si kuya bilang sagot nito.

Naramdaman kong pinisil ni Ken yong balikat ko. Nga pala nakaakbay pa pala tong mokong na ito. Inalis ko nga. Namihasa na eh.

Napaangat ako ng tingin kay Yohan. Mas naging madilim ang mukha nito.

"And how about you? "

Biglang tanong ni kuya Rai kay Yohan. At lahat kami ay nakatingin sa kanya. Medyo umaliwalas ang mukha niya. Medyo lang.

"I'm Yohannan Morley. Ani's classmate. .."

"Ah.. "

Sabi naman ni kuya Rai. At tumatango naman si kuya Jude at si Ken.

"Are you her boyfriend.? "

Ha? Bigla pang napaawang ang bibig ko dahil sa nakakagulat na tanong ni Yohan.

*****

Hahahhahhaha four boys over one Ani ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro