Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 8

Naglalakad na kami palabas ng gate ngayon. Wala na akong nagawa dahil ang higpit ng hawak ni Ken. Kahit anong gawin kong pagpumiglas.

Hindi rin lingid na pinagtitinginan kami ng mga tao kanina. Syempre kanina lang si Yohan ngayon ito naman. Naku talaga.. Ginagawa niyo akong famous nito. Yuck.. Ayuko!

Naku si tatay, nandito. At parang doon kami papunta ngayon. Naku masama to. Kasama pa niya si tita Isabel na hawak si Jaydee.

Lord,  anong gagawin ko.

"Nahanap din kita! "

Biglang sabi nong nasa likuran namin. Napatingin si Ken at si kuya maging yong babae. Hindi sana ako lilingon dahil naka kina tatay yong atensyon ko. Hindi pa naman nila kami nakita eh.

"Yes? "

Biglang tanong ni Ken kay Yohan.

"Sino siya Ani? Kuya mo? "

Hindi no. Yong isa lang. Sagot ko sa isip ko. Wait, tama. I need him right now. Hindi ko ugali to pero, kahit ngayon lang Lord please.

"Ang tagal mo naman,  kanina pa kita hinahanap.. "

Baling ko kay Yohan. Shems.. Kagatin mo na, kahit ngayon lang. Bigla kasi siyang nagulat. At bahagyang kumunot ang noo. Tas saglit pa ay ngumiti.

"Sige po, mauna na kami may research work kasi kami. "

Baling ko naman kina Ken na nakakunot din ng noo. Naalis ko yong kamay ko sa pagkakahawak ni Ken. Kasi naluwagan niya iyon dahil sa biglang pagsulpot ni Yohan.

"Sige bro!  Una na kami. "

Paalam din ni Yohan kina Ken. Pasasalamatan talaga kita ngayon Yohan. Thank you Lord. And sorry for lying.

Naiwan sila kuya at Ken na hindi makapaniwala. Bahala na. Sana lang hindi nila napansin na nagsinungaling ako.

Noong medyo nakalayo na kami sa kanila. Biglang tumabi sa paglalakad si Yohan. Binangga pa niya ng bahagya yong balikat ko.

Kaya inirapan ko siya. Pero naku itong taong to nakangiti ng pagkalawak-lawak. No choice naman kasi ako kanina.

"What was that? "

Bigla niyang tanong.

"Wala. Thank you. Uuwi na ako. "

Tipid kong sabi sa kanya.

"Di ba magreresearch pa tayo? "

Sarkastikong tanong nito. Heto nanaman siya. Huhu kailangan ko na bang lumipat ng school para wala ulit nakakakilala sa akin. Pero nakakahiya kay itay. Ibang gastos nanaman kasi iyon. Dito kasi libre ako dahil siya ang may-ari ng school.

"Kalimutan mo na yon. "

Maikling sagot ko sa kanya.

"No,  ayuko. Magreresearch tayo. "

Biglang niyang sabi at hinawakan ang wrist ko at hinila ako. Patakbo pa ha kaya heto ako at napapatakbo din. Kainis talaga itong lalaki na to.

"Ano ba.. "

Mahina ngunit mariin kong sabi sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy parin.

Hanggang makarating kami sa bigbike niya. My God.. Gusto ko kayang sumakay nito. Pagkakataon nga naman.

Wait? Ha? Ano Ani? Alam mo ba yang pinag-iisip mo. Cut that crap.

"Halika. "

Wika niya sa akin. Hindi ko iyon sinunod kaya siya ang lumapit at pinasuot sa akin yong helmet na hawak niya kanina.

Nakahelmet na din siya. Lord, ganito ba kahirap ang mga choices ko sa buhay. Sasakay ako sa bigbike na matagal ko nang pinapangarap na maexperience at pagbibigyan siya o hindi ako sasama sa kanya at sasayahin ang pagkakataong itong makasakay ng big bike.??

"Halika ka na! Sakay na! "

Wika nito na nakasakay na pala sa big bike niya. Hmft.. Bahala na.. Ngayon lang naman Lord. Sabagay, nakatulong naman siya sa akin kanina.

Sumakay na rin ako sa bigbike niya. Hindi ko mapigilang maexcite! First time ko to. Ang saya!

"Kumapit ka. "

Wika ulit niya. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Kaya sa balikat nalang niya.

Naramdaman kong tumawa siya ng bahagya.

"Bakit? "

Maang na tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus kinuha niya yong kamay ko at inilagay iyon sa may tiyan niya. Bastos talaga nito. Aalisin ko na sana ngunit bigla niya nalang itong pinaandar at pinaharurot. Kaya imbes na yong isang kamay ko lang ang nasa tiyan  niya ngayon ay dalawa na. Ang bilis naman kasi niya magpatakbo. Para ako mahuhulog nito.

"I like~~~~~…"

Sabi niya. Hindi ko maintindihan. Maingay kaya yong bigbike niya.

"Ha? "

Sabi ko nalang sa kaniya. Bahagya siyang lumingon sa akin kahit ang mata ay nasa daan parin.

"I like~~~~~~…me.. "

Ano daw? Hindi ko talaga maintindihan.

"Ano!? "

Sabi ko ulit.

Bahagya niyang binagalan ang pagpapatakbo ng big bike niya at lumingon siya sa akin. Dahil nakahawak yong dalawa kong kamay sa tiyan niya kaya nasa bandang balikat niya yong mukha ko.

"I like it, how you hug me. "

Ano daw? Hug? Anong niyayakap ko siya. Hindi no. Kumakapit lang ako para hindi mahulog. Talaga itong feeling na lalaking ito.

Bahagya kong niluwagan yong pagkakapit ko sa kanya pero bigla nalang ulit niyang binilisan. Tuso talaga itong lalaking to. Napakapit ulit ako ng gaya kanina.

Nakarating kami sa isang lugar na hindi ko pa ata napuntahan. Pero noong tinignan ko ang paligid parang may naalala ako. Ang mga tawa~ngiti at boses ng kaisa-isang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Si mama.. Nasa amusement park kami. Ang daming rides at mga tao.

"Isang tanong sa research ko ang nasagot. "

Biglang sabi ni Yohan. Napatingin ako sa kaniya at nakatitig pala siya sa akin.

"Umiiyak si Ani kapag pumupunta sa amusement park. "

Wika nito at bahagya pang tumawa. Napahawak naman ako sa mukha ko. Tama nga siya. May mga luha sa pisngi ko. Dali ko itong pinunasan. Hindi ako naging aware doon ah.

Wait, anong research yong sinasabi niya?

"Dami ko pang tanong na hindi pa nasasagot. Kaya tara, doon tayo magresearch. "

Biglang sabi nito at hinila ako papunta sa bilihan ng mga pagkain doon.

Anong kabaliwang research ito. Niluluko ba ako nito dahil sa sinabi ko kanina.

Bumili siya ng mga street foods. At bumili din siya ng milk tea. Tinanong niya kung anong flavor ang gusto ko. Pero hindi ko siya sinagot sa huli siya nalang ang pumili. At ibinigay yon sa akin.

Inabot ko nalang. At nagsimula nang sipsipin iyon.

Ngumiti pa siya at hinawakan yong mukha ko sa pamamagitan ng likod ng palad niya.

"Gusto din ni Ani ng kahit anong flavor ng milk tea. "

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Mukhang nabasa naman niya ang mga tanong ko sa mukha ko.

"Ang mysterious mo kasi. Kaya. Nireresearch ko kung sino ba si Ani. "

Bigla akong natakot sa sinabi niya. Ako ba ang nireresearch niya. Ibig sabihin nito, sooner or later, malalaman niya na rin ang sikreto ko. Huwag please. Ayuko.

"Ah may nakalimutan pa pala ako sa research ko. You ang Isaac Jude Wesley are friends...sino pala yong nakahawak sayo kanina na kasama niyo rin? "

"No! "

Yon lang ang nasabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit 'no' ang nasabi ko. Oo kilala niya si Kuya. Anak siya ng may-ari ng school kaya sinong hindi makakakilala sa kanya.

"Ha? 'No' saan? "

Tanong ulit niya.

"Hindi kami magkaibigan ni Kuya Jude. "

"Kuya mo siya kung ganon? "

I regret kung bakit ko pa siya tinawag na kuya. Ba yan Ani.

"No. Wala. "

"Ha? Hindi kita magets? "

Kunot ang noo at medyo natatawang sabi ni Yohan.

"Huwag mong gawin yan sa akin. Please. "

Mahinang wika ko sa kanya.

"Ha? Ang alin? "

Ano ba naman ito. Hindi nakakaintindi.

"Oi, Ani? Ang alin ang huwag kong gagawin sayo? "

Hindi ako nagsalita. Hindi ko kasi alam kong anong sasabihin o kung paano sasabihin sa kanya. .

Bigla niyang tinapik ang balikat ko.

"Ani, ano na? May sasabihin ka ba? "

Tumingin ako sa kanya. At nakangiti pa ito. Parang ang dali lang ng tanong niya ah, ang hirap kaya.

"Stop searching about me.... Please. "

Sa wakas ay nasabi ko sa kanya. Bigla siyang nag-isip at agad din bumaling sa akin.

"Let's date then and I'll stop searching about you. "

Nakangisi nitong sabi. Ano ba ang hindi nito maintindihan. Kapag nagpatuloy kami sa pag-uusap at pagsasama, siguradong malalaman at malalaman niya din ang lahat. Kaya hindi ako pwedeng pumayag. Pero...

****

Go Ani!  Hahahaha
Help niyo nga si Ani magdecide.. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro