ANI 7
Grabe! Blessed na blessed talaga ako sa mensahe ng Diyos kahapon. Sabi kasi ni Pastor. Huwag daw tayong mapagod na gumawa ng mabuti for at the proper time if we do not give up we will reap a harvest. Salamat sa pangakong iyon ng Diyos.
Kaya nga ito at nagpapatuloy ako sa buhay. Kahit noong una talaga, noong namatay si mama napakahirap. Pero buti nalang at nakilala ko si Hesus na siyang tumulong sa aking maging masaya at maging madali ang lahat para sa akin.
Today is monday. Pasukan nanaman. Ang aga ko kayang gumising ngayon. Wala lang, gusto ko lang. Nagbasa muna ako ng bible bago magluto ng almusal ko. Inspire eh, sa salita ng Diyos.
Noong matapos na ako magbasa, mag-almusal at magbihis ay agad na din akong bumaba upang pumunta sa paradahan ng jeep. Hmm..
Ganda talaga ng gising ko. Thank you Lord.
Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa classroom namin. Buti nalang at hindi ko nakasalubong yong mga papansin ngayon. Haha, umaayon sa mood ko ah. Thank you Lord ulit.
We~wait.. B~bakit ang daming baloons dito sa classroom namin. May birthday ba? Ah hindi baka may monthsary. May magjowa sigurong classmate ko na magcecelebrate. Hmm.. Uumupo na nga lang ako sa upuan ko.
Ngek? Pati ba naman upuan ko damay?.. Dami kasi petals ng rose na nakakalat dito eh. Hmm, maalis na nga lang ang mga ito..
Ayan, alis na. Umupo na ako. At kinuha yong notes ko. Basa~basa ulit baka may surprise quiz.
Kung hindi niyo natatanongcandidate ako sa suma comlaude. Galing ni Lord eh na biniyayaan ako ng katalinuhan. Kaya gamitin sa tama. Di ba?
"This song is lovingly dedicated to you Miss Honey Louise Lulu. "
Nagulat pa ako noong may magsalita sa pintuan. Ha!!!!!!!! Ano to? Nandoon kasi lahat ng mga kaklase ko at may mga tag-isa-isa pang baloons na heart. Ano ba to? Ako lang kaya ang nakaupo kasi lahat sila ay nasa harap na, sa likod ni Yohan. Marunong pala itong maguitara ha.
Pero ano daw? Dedicated sa akin? Nakatulala lang kaya ako. Nagulat ako eh..
Nagsimula na siyang mag strumming ng guitara.
Saglit pa ay kumanta na siya.
Wew.. Ganda ng boses niya. Hindi kaya familiar sa akin yong kanta. Pero ang sarap sa tenga. Oh my....stop it Ani.
Ngumiti kasi siya. Halata ba nagustuhan ko yong kinakanta niya.
Sana dumating na si Prof para matigil na itong kabaliwan na ito. Yumuko nalang ako at kinuha yong phone ko. Nilagay ko yong headset sa tenga ko at finull ulit yong volume. Di ko alam kung kumakanta pa siya o hindi na. Hindi ko na nilingon eh.
Maya~maya ay may biglang nag-alis ng headset sa isa kong tenga. Lilingon sana ako kaso naestatwa ako dahil may lumapit na mukha sa gilid ng mukha ko at bumulong sa tenga ko.
"Mapapalambot din kita Ani.. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako susuko. I love you honey. "
Naramdaman kong bumilis yong tibok ng puso ko. Anong nangyayari bakit ganito ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na di ko alam. Opps huwag niyong mamisunderstood. Hindi ako natuwa sa sinabi niya. Nakicreepian nga ako sa sinabi niya. Tumindig pa mga balahibo ko no.
Umalis na siya at sa tingin ko ay nakaupo na rin siya gaya ng mga kaklase kong nakaupo na rin. Pero, heto ako at hindi makagalaw. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Naiilang akong kumilos.
Lord, ibalik niyo po si Ani please. Ayuko nang ganito ako.
"It's seems that I made you think of me right now. "
Bigla niyang sabi. Pero dahil don parang bumalik ako sa katinuan ko. Tinignan ko siya at inirapan. And the rest of the time ay hindi ko siya pinansin pa.
"Ani, ihahatid na kita. "
Wika niya. Hinarangan niya ako sa may pinto noong palabas na ako. Pero lumihis ako ng daan at hindi ko siya pinansin. Naglalakad na ako sa hallway at nararamdaman kong sumusunod parin siya. Ano ba to, wala ba siyang magawa sa buhay.
"Ani, i like you. "
Biglang sabi niya. Naman.. Ang daming tao. Ano bang pinagsasabi nito. Hindi ko nalang siya pinansin.
"Say 'I like you too'. "
Pacute pa na sabi niya. Ano ako baliw para sabihin yon. No way Yohan. Isa din itong makulit eh.
"Honey, I love you. "
Naku eksena ka talagang lalaki ka. Pinatitinginan nanaman kami. Nakita ko pa nga yong babaeng sumabunot sa akin at heto nakairap. Bakit pa kasi sa first name pa niya ako trip tawagin. Para tuloy endearment. Binilisan ko ang paglalakad. Pero mukhang binilisan din niya. Naku.. Hindi ba ito susuko.
Tumakbo na ako. Bahala na. Binilisan ko at nagtago ako sa bukas na classroom doon. Nagtago ako sa likod ng pinto. Mukhang hindi naman na siya nakasunod pa. Sinisilip ko siya sa maliit na butas doon. Ilang minuto pa ay wala na ngang ni anino niya ang nagpakita.
Hay, salamat. Naman..
"Iikk"
Piyok ko noong may humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino iyon.
Si Ken, bakit siya nandito. At ito nanaman, nakangisi nanaman ang luko.
Wait hindi lang siya. Pati si kuya nandito. At may isa pang babae sa tabi ni kuya. Girlfriend ba niya iyon?
Ah, classroom ba nila itong napasukan ko.
"Anong ginagawa mo dito Miss Ani? "
Biglang sabi ni Ken. Umiwas ako ng tingin at naglakad palabas ng classroom nila.
"Hep hep hep.. San ka pupunta? "
Biglang ikinawit ni Ken sa leeg ko yong braso niya. Papansin talaga ito kahit kailan eh no.
"Alisin mo nga yang kamay mo. "
Medyo inis kong sabi.
"Tara kain tayo sa labas. Uuwi ka na din ba? "
Biglang sabi naman ni kuya at naglakad na palabas sumunod naman yong babae sa kanya. Hinila naman ako ni Ken noong hindi ako sumagot kay kuya. Sa wrist ko na siya nakahawak.
Natakasan ko nga yong isa, pero heto at natrap naman ako sa isang ito at kay kuya.
****
Entry 7 na ako yehey!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro