ANI 39 (Finale)
Nanigas ako sa kinatatayuan ko noong marinig ang balita kay tita. Kasabay ng pagsikip ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Nanginginig ang mga tuhod na waring may humihigop sa aking lakas.
Maging ang puso ko ay parang tumigil na rin ang pagtibok nito..
Ilang sandali pa ay matumtumba na ata ako dahil nagdidilim na rin ang aking paningin, hindi ako makaiyak, pero yong luha ko ay basta-basta nalang tumutulo..
Muli kong inalala ang sinabi ni tita kasi mukhang hindi makatutuhanan lahat ng nangyari dahil para sa akin ay buhay pa si Rai..
Ani, I'm sorry, Rai already left us..
Nang maalala iyan ay napaluhod ako sa floor.. At tuluyan na ngang humagulgol. Labis na naghihinagpis ang puso ko.
"Rai…Rai... Rai..... Rai... Rai……"
Paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan ni Rai habang sinusuntok ng mahina ang dibdib ko.
"Ma'am, okay lang po ba kayo? "
Tanong ng nurse sa akin at inalalayan akong umupo sa bench doon.
"Do you want me to call someone to fetch you ma'am? "
Wika pa nito pero umiling-iling lang ako. Kasi kahit maling isipin at malabo na, I want Rai to do that..I want Rai to fetch and tell me it will be okay..
Though nakaupo na ako sa bench ay patuloy ko paring binibigkas ang pangalan ni Rai.. Sobrang daya niya lang dahil hindi niya ako hinintay... Hindi siya nagpaalam sa akin...
Hinahaplos ng nurse yong likod ko..
"Excuse me ma'am? Kayo po ba si Honey Louise Lulu? "
Nagpunas muna ako ng luha bago tumango sa nurse din na nagtanong na hindi ko namalayang lumapit sa amin.
"May naghahanap po sa inyo sa information. "
Tumayo ako pero bigla akong natumba. Buti nalang at nahawakan ako sa magkabilaan braso ng dalawang nurse. Inalalayan nila ako at dinala sa information. Nakita ko yong lalaking nakatayo doon. Noong mapatingin sa gawi ko, nakita ko kung paano nanlambot yong mata niya bago ito lumapit sa akin.
"Thank you.. "
Sabi niya sa mga nurse na tumulong sakin. At siya na ang humawak sa braso ko.
"Ken.. W-wala na si Rai.. "
Wika ko at naluluha nanaman.
"Sssh.. "
At yinakap niya ako..
"I know it's hurt..kung may magagawa lang ako to ease that pain, I will do it right now.. "
Binuhos ko lahat ng bigat ng kalooban sa pamamagitan ng pag-iyak sa braso ni Ken habang hinahaplos nito ang likod ko.
Wala na si Rai.. Wala na ang taong laging nandiyan para sa akin..
After that ay hinatid ako ni Ken kila tita.. Halos hindi ako makagalaw noong makita na nasa loob na ng kabaong si Rai..
Agad akong dinaluhan ni tita na namumugto na din ang mga mata..
We both hug each other. I know mas masakit sa kanila.. It was their son.. Only son..
Muli akong sinampal ng masakit na katutuhan.. Wala na si Rai..
Si Rai na naging mapagmahal na kapatid ko.. Maalaga na kuya... Laging andiyan na boyfriend. Ang lagi kong takbuhan at sumbungan.. Ang taong laging sinasabing obligadong pasayahin ako. At lalaking nagmahal sa akin ng sobra.. At minahal ko din ng sobra.. Ang taong tumulong sa akin na mapalapit pa sa Diyos.. The man behind my success.. The man who's always there for me..
*****
A week after Rai's burial ay muli kong dinalaw ang kanyang pungtod..
Naglagay ng bulaklak dito. My tears are beginning to flow again, pero agad ko itong pinunasan..
Kinuha ko yong letter niya sa akin before siya nalagutan ng hininga. Tita gave it to me three days ago..
I don't know what was Rai written in it kasi hindi ko pa ito binabasa. Pero siguro ngayon ready na ako. I open it gently at hayon na nga, revealing Rai's penmanship. I miss him so much...
Huminga muna ako ng malalim at mga ilang lunok at punas pa ng luha ang ginawa ko before reading it..
Then the next thing I did is I started reading every words Rai wrote in his letter for me.
It started with..
Dear Hon,
Smile! You know that I don't like you crying. Show me your widest smile now, okay! Let me see it? Look at me, I'm up here, above you..
Kahit talaga sa kahulihulihang hininga ni Rai, he will always wanted me to be happy. Though I know it's epic but I look above saw the blue and wonderful sky up there and smile..
I know, you would do it! Thank you, it always beautiful on you, so smile always..
Hon, Thank you for your part in my journey. If you only knew how much those little moments with you mattered to me.
It's really my time.. And no one can stop the will of the Lord for me. Hon, forgive me if I can't wait for you anymore. I fight really hard but, I'm too weak. I hope you will forgive me...
"Rai... No..I should be the one thanking you.. "
I wipe my tears that I cannot stop anymore from flowing..
I love you so much hon,... But... I'm breaking up with you... Move on the soonest okay, I know the right man for you will come right away.. Be happy, I'm only your handsome brother now. And you're always be my cute baby sister..
Goodbye Ani.. Goodbye to the girl I used to love..
Staring at you up here in heaven,
KUYA Rai :)
Muli kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at muli ding tumingala sa kalangitan. I smile though it's crazy... I want Rai to see my smile even if I don't know if it's possible or not. I know he is resting now at our Father's house, in heaven.. And he is super duper okay there..
Rai want me to be happy at I won't be selfish anymore to grant his last request...
"Ani, umaabon na.. I think we need to go now?!! ."
Sigaw ni Ken sa di kalayuan..
"Ah.. Sige Ken, I'll be right there.. "
Wika ko at sinulyapan pa sa huling pagkakataon ang pungtod ni Rai bago magtungo sa sasakyan ni Ken na nakapark lang sa di kaluyuan..
"I promise.. I will be happy Rai.. "
******
Sorry I need to cut the story here.. But tada!!! Gagawa ako ng book two nito.. I hope magawa ko the soonest!!! Salamat po sa lahat ng sumuporta at bumuto po sa kwentong ito. Salamat sa lahat ng nagmahal kay Ani, Rai, Ken, Yohan, Jude, Jaydee at sa iba pang characters ng 'Ani's truth and lies'.. Sa book two, more truth and lies to reveal!! Abangan niyo po!! God bless you all!! Glory to God!!!
(Unedited chapter.. Sorry po)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro