ANI 38
"Tay kamusta na po kayo? "
Tanong ko agad kay tatay noong makapasok ako sa kwarto niya.
"I'm good anak, ikaw? Si Rai? "
Umupo ako sa kama ni tatay habang inaayos naman niya ang kanyang pag-upo.
"Wala tay eh.. Hindi ko alam if tatagal pa ba si Rai o hindi na? Isang buwan nalang ang nalalabi sa kanya sabi ng doctor. Gusto ko pa sana na tumagal pa ang buhay niya pero alam kong hirap na hirap na rin si Rai... "
Basag na ang aking boses noong matapos ko ang aking sinasabi. Nagbago naman ang ekspresyon ni tatay at yinakap ako.
"Sshh.. Everything's gonna be okay.. Have faith anak.. If it's not for Rai to live once more, then.. Accept it baby.. It's hard but it's the best thing to do anak.. "
"Opo tay.. "
Tumango ako at nagpunas ng luha though nakayakap pa din si tatay sa akin at hinahaplos ang likod ko.
It feels so good, first time ko kasi itong maranasan with tatay.
"And again sorry baby sa pagkukulang ko ha, I know it's hard for you to live alone.. I'm so sorry... "
Nagulat na napaiyak ulit ako sa sinabi ni tatay. Hindi ko kasi talaga inaasahan na we will have this kind of conversation.
"Tay naman.. Past na po yon ang mahalaga we're all good now, tsaka okay na po ako sa lahat-lahat ng nangyari at naiintindihan ko po kayo ni tita.. "
Napahinga ng malalim si tatay at mukhang maluha-luha na rin.
"Sobrang palad ko naman Lord, binigyan niyo ako ng anak na kagaya ni honey Louise.. "
Napangiti naman ako sa sinabi ni tatay.
"Tatay talaga.. "
"Thank you anak ha.. "
Yinakap ko na din si tatay ng mahigpit.
"Ehem.. Ehem..."
Napalingon kami ni tatay sa pintuan, nandoon pala si kuya Jude at Jaydee.
Nagpout pa si jaydee at nagcross-arms..
"Dad, ako parin ang bunso ha, ang favorite niyo.. "
Napatawa lang kaming lahat sa itsura ni jaydee.
"Ano ka ba Jaydee, walang favorite si daddy, kung meron man.. Ako yon.. Kasi ako lang ang junior niya. "
Sabat ni kuya..
"No comment ako diyan. "
Wika ko naman at nagkibit-balikat.
"Haha joke lang ate Ani.. Buti nga may ate na ako, mayroon na akong kakampi, lagi kaya akong binubully ni kuya... "
"Kailan ha? Humahaba nanaman yang ilong mo oh.. "
Napatawa nalang kami ni tatay habang pinapanood ang mga kapatid kong nag-aaway.
"Hali nga kayo dito, wala naman akong paborito sa inyo.. "
Lumapit nga sila at naupo sa tabi namin tatay.
"Mahal na mahal ko kayong lahat.. "
Wika ni tatay..
"Mahal ka din namin tay.. "
Wika ko at niyakap namin siya.. Ang saya lang na okay na ang lahat sa pamilya ko. Hindi na ako lihim, malaya na ako..
Sa maikling oras, nakalimutan ko yong tungkol kay Rai..
*****
Ayuko pa sanang bumangon pero kanina pa may tumatawag sa phone ko. Halos kapapahinga ko lang. Kahit mabigat pa yong katawan ko na bumangon ay napilitan nalang ako tumayo at kunin ang phone io sa ibabaw ng study table ko baka nga importe..
May six misscall si tita Raven. So kanina pa pala tumatawag si tita. Nataranta ako, at agad na binasa yong message niya na kararating lang.
From: Tita Raven
Ani, please come over, Rai needs you right now.
Nanlamig ako sa natanggap na text ni tita. I tried to call tita three times pero hindi niya ako sinasagot.
Agad kong hinagilap yong bag ko, at timakbo palabas ng pinto. I don't care how I look now, what important is maabutan ko si Rai.
Pumara na ako ng taxi at sinabi na ideretso ako sa hospital kung saan nakaadmit si Rai.
Pero sobrang traffic. Ang bagal ng takbo jg sinasakyan kong taxi.
Malapit nang mahulog ang luha ko at sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko.
Ano kaybg nangyaro kay Rai? Ayukong isiping may masama ngang nangyari sa kanya.
"Manong, wala po ba kayong alama na ibang rota? "
Tanong ko sa driver, napakamot naman ito ng batok.
"Pasensya na ma'am.. May alam ako pero malabo ata tayong malusot sa traffic na to.. Mga 5 kilometers pa po iyon dito."
Nanlulumo ako kasi hindi na ako mapakali if ano nang nangyari kay Rai.
Sinubukan ko ulit tawagan si tita pero hindi parin niya ako sinasagot. Nahulog na nga ng tuluyan yong luha ko. Maging si manong hindi na rin alam kung anong gagawin niya.
Ilang sandali pa ay umusad narin ang sasakyan namin.
Binilisan narin ni manong ang takbo ng sasakyan namin. At lumiko nga siya sa short cut na alam niya.
About an hour noong makarating ako ng hospital..
Mabilis akong tumakbo sa papuntang ICU, pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob pero wala akong pakielam. Ang mahalaga makita ko si Rai.
Pero wala sila tita sa labas. Agad kong nilapitan yong nurse na nakita ko doon.
"Excuse me, saan dinala yong pasyente sa room 108?"
"Wait ma'am, ichecheck ko po sa information. Umupo po muna kayo.."
Umupo muna ako pero napatayo ako ulit dahil hindi ako mapakali. Sobrang kinakabahan na talaga ako..
***
Unedited (sorry)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro