ANI 37
Inayos ko ang kumot ni Rai. Mahimbing na itong nakatulog sa kama. Napabuntong hininga ako noong makita ang mga nakaturok na chord sa kanya.
Lumabas muna ako para bumili ng maiinom at magpahangin.
Nagulat ako noong makakasalubong ko sa hall way si Ken.
"A-ani.. Gising ba Rai? "
"Nagpapahinga na siya eh. Kakatulog niya lang. "
Nakaconfine na kasi si Rai dito sa hospital. Mga two weeks na din siya dito.
"Ah, so saan ka pupunta? Pwede bang sumama? "
"S-sige, bibili lang naman ako ng maiinom. "
Wika ko at nagsabay na nga kaming lumabas ng hospital.
"Kamusta si Rai? "
Tanong nito. Huminga muna ako bago sumagot.
"Ganon parin. Wala pang improvement. "
Malungkot kong tugon.
"Ikaw? Kamusta ka? "
Napatigil ako sa tanong ni Ken. Ako? Kamusta na nga ba? Biglang nanlabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
"N-nasasaktan... Nahihirapan.."
At nag-unahan na nga ang aking mga luha na tumulo sa aking pisngi.
"Ssshh.. May pag-asa pa naman di ba? Alam kong gumagawa na ang Diyos ng paraan para kay Rai, Ani. "
Wika nito at hinaplos ang aking likod. Nagtakip lang ako ng mukha at patuloy na umiyak.
I never knew Ken would be this spiritual like now. Siguro nga dahil hindi ko talaga siya kilala. Maya-maya din ay tumahan na ako.
"Upo ka muna dito, ako nalang bibili ng maiinom. "
Wika ni Ken at umupo nga ako sa upuan sa tabi bago siya umalis upang bumili ng maiinom.
Mga ilang minuto nga ay bumalik din ito agad at umupo sa tabi ko. Inabot sa akin ang tubig na binili nito at uminom ako dito.
"Ani, magpakatatag ka. I know Rai is a good man. He may not deserve this pero wala namang may alam ng buhay ng tao. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam. Siguro isipin nalang natin na if ha, if Rai doesn't have second life sa mundong ito, we know na yong pupuntahan niyang lugar ay mas mabuti at mas maganda kaysa dito sa lupa.. Kailangan nating tanggapin iyon, kasi kung ako si Rai, hindi ako mapapanatag na aalis kapag ang mga mahal ko sa buhay ay maiiwang nahihirapan at nasasaktan. I know Rai want you to be happy and live well kahit na wala na siya.. Hindi naman sa punagpepray ko ha. Pero, hindi ba kailangang tanggapin na natin para mas mapanatag na si Rai? "
Napayuko ako sa sinabi ni Ken, ayukong tanggapin ang sinabi niya pero tama siya. Maaring pagod na at nahihirapan na si Rai, pero dahil sa akin ay patuloy parin siyang lumalaban kahit hindi na niya kaya. Tumulo ulit ang mga luha ko.
Mahal na mahal ko si Rai. Naalala ko ang laging niyang sinasabi kapag nagpapasalamat ako sa kanya na it's always been his pleasure to make me happy.
"T-thank you Ken. I hope it's easy to let go Rai.. "
Wika ko habang nagpupunas ng luha sa mga mata ko.
"Kaya mo yan. God is always be in your side. Or you can come to me if masyado ka nang nahihirapan. Maybe, I can somehow help to ease your pain. "
I didn't know that Ken can be also a good friend.
"Okay, I will do that. "
Wika ko at pumasok na kami sa loob pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko.
****
Isang buwan na ni Rai dito sa hospital, I saw his pain and it breaks me. Ayuko siyang nakikitang ganito. He's always been a strong man for me, pero ang hirap magpakastrong woman for him.
One morning when he's sleeping, I hug him gently. Ayuko siyang magising. Gusto kong manatili sa ganitong position. Namnamin ang pagkakataong ito, na maaring nabibilang na mga huling yakap ko na sa kanya.
My tears again flow from my eyes.
"I love you Rai... It's hard to let you go.. Pero, kung hirap na hirap ka na..kung hindi mo na kaya....."
Halos di ko maituloy ang sasabihin ko dahil sobrang sakit nito.
"……sige na, I know God alteady prepared your room up there...huwag mo na kaming intindihan dito sa lupa, we can get over the pain in due time....I will assure you na pipilitin naming maging masaya kasi I know it is what you want...mahal na mahal kita hon.."
Wika ko at nilublob ang mukha ko sa dibdib nito at mahimbing parin ang tulog niya.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ganong posisyon, nagulat lang ako sa mahinang tapik sa aking balikat ni tita Raven.
"Iha, magpahinga ka muna, kami muna ni tito mo ang magbabantay kay Rai.. Alam kong pagod ka na, sige na iha."
Tumango lang ako sa sinabi ni tita. Tumayo na ako at kinuha yong bag ko. I glance once kay Rai na mahimbing na nakatulog bago ako lumabas ng pinto.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro