ANI 35
"Tay, say Ah! "
Wika ko habang pinapakain si tatay. Oo naging matagumpay ang operasyon. Salamat sa Diyos.
Ibinukas ni tatay ang bibig nito at kinain ang pagkaing sinusubo ko.
"Ani, ako na muna diyan. Magpahinga ka na iha. "
Wika ni tita Ysabel. Actually, hindi ko alam kung paano kami nagkaayos. Ang alam ko lang ay pareho naming mahal si tatay. Kaya siguro kahit ano man yong nangyari noon ay wala na iyon at nagkaisa nalang kami para sa pamilya. Ayuko din naman silang kamuhian habang buhay, of course I want to experience having a family. Yong open at hindi na ako tinatago. Marami ang nagulat sa mga batch ko dati.
Maging si Yohan ay tinawagan ako agad and believe me mas nakadaldalan ko si Jea Anna ang wife ni Yohan ngayon. I hope you still remember her. Anyway, okay na okay na kami ngayon. I'm so glad.
"Sige po tita. Asan po si Jaydee?"
"Nasa kwarto niya, puntahan mo nalang. "
"Sige po tita. Tay, "
Tumango naman si tatay.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si kuya at Ken sa salas na nag-uusap.
"Ani! Hi! "
Bati ni Ken. Ngumiti lang ako kay ken at kuya. Aalis na sana ako noong may maalala ako.
"Salamat pala ha. "
Di pa pala ako nakapagpasalamat noong dalhin niya ako sa hospital. Ngumiti lang ito at tumango. Siguro nagets naman niya kung bakit ako nagthank you. Pumahik na ako sa itaas at pumunta sa kwarto ni jaydee. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Ate! Halika! Kanina pa ako nahihirapan dito eh. "
Hinila ako ng kapatid ko papunta sa kama nito.
"Anong mas maganda? Ito o itong isa? "
Kinuha nito ang mga nakalapag na damit sa kama niya.
"Bakit para saan ba yan? "
"Kasi may pupuntahan akong debut. Di ko alam ang isusuot ko."
Napangiti ako dahil parang dream come true itong mga nangyayari. Nafifeel ko na ang pagiging ate ko sa kapatid ko.
"I think mas maganda itong dark blue. Bagay sa kulay ng balat mo at mas elegant tignan kaysa sa yellow. "
Mungkahe ko. Lumiwanag naman ang mukha nito.
"Talaga ate, sige ito na isusuot ko. Ate wait lang ha, bihis na ako. Ayusan mo na din ako ha. "
Wika nito. Tumango lang ako at ngumiti sa kapatid ko.
Pagkatapos nga ng ilang minuto ay lumabas na siya at inayusan ko na siya. Sobrang daming gamit ng kapatid ko na pampaganda. Talo pa niya ako. Anyway, nag-enjoy naman akong ayusan siya. At sabay na kaming lumabas.
Si kuya ang maghahatid sa kanya. Siguro kailangan ko na ding umuwi, di pa kasi ako dito sa bahay nila tatay nakatira. Siguro balang araw, medyo nahihiya pa kasi ako ngayon kahit na sinsabihan ako ni titang lumipat na dito.
Noong makaalis na sila jaydee ay nagpaalam na ako kay tatay at tita.
Pagkalabas ko ng gate ay nandoon pa si Ken.
"Oh ken, nandito ka pa? "
"Ah eh, Oo.. Ahm uuwi ka na ba? Hatid na kita. "
"Ah susunduin ako ni Rai.. "
"Ah sige mauna na ako. "
Wika nito at binuksan na ang pintuan ng sasakyan niya. Tumunog naman ang phone ko. Napangiti ako noong si Rai na yon.
"Hon, asan ka na? "
"Sorry hon, hindi kita masusundo. May kailangan lang akong puntahan. Pasensya na talaga ha. "
"Ah ganon ba, okay lang hon. Sige, ingat ka. "
"Sige hon. "
At tumunog na ang end call.
Napakunot-noo ako dahil mukhang naging busy masyado si Rai nitong nakaraang araw. At hindi naman din siya nag-oopen sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
"Ano? Sasabay ka na sa akin? Mukhang di ka masusundo ni Rai ah? "
Nandito pa pala si Ken.
"A-ah, oo nga eh.. Sige. "
Sumakay nalang din ako sa kotse ni Ken.
Binabaybay na namin ang kalsada noong magsalita si Ken.
"Laki ng pinagbago mo ha. "
"Oo nga eh.. "
"Di ka na yong snob na kilala ko. "
"Kaya nga eh. "
"Haha! Wala na bang hahaba sa sagot mo? "
Wika ni Ken at napatawa din ako. Paano ba naman kasi eh ang awkward.
"Hehe, eh kamusta ka na? "
Wika ko nalang.
"Mabuti naman, ganito parin. Hindi parin nagbabago. Naghihintay. "
"Naghihintay? "
Kunot-noo kong tanong.
"Hinihintay ko kasi yong fiance ko. "
Hindi ko alam na may fiance na pala si Ken. Hmm, good for him.
"Nasa malayo kasi siyang lugar. Hindi pa siya nakakabalik. "
Kumunot ulit yong noo ko.
"Ha? Hindi ba siya nagpaalam? "
"Hindi eh. "
"Eh paano yong communication niyo? "
"Nakakapag-usap naman kami, kaso hindi na namin napag-uusapan yong kasal. "
"Oh, so okay ka lang ba sa ganyang sitwasyon niyo? "
"Oo naman, kering keri. Wala namang impossible sa Diyos di ba? "
"Oo naman.. "
"Ipagpepray kita.. "
Dagdag ko pa. Nakakaawa naman si Ken, pero bilib din naman ako sa pagmamahal niya.
"Salamat. "
Wika nito.
"Sa condo ka ba o sa bahay nila Rai? "
"Kina Rai nalang. "
Wika ko at dineretso na nga niya ako kina Rai. Nagpaalam na ako at pumasok sa bahay.
"Tita! Nandito na ako! "
Wika ko. Pero mukhang nagulat si tita at tito pastor at parang kagagaling lang sa pag-iyak si tita.
"Bakit tita? May problema po ba? "
Pero yinakap lang ako ni tita. Wala na siyang sinabi if may problema ba siya.
Pagkahapon ay dumating na rin si Rai. Nakabonet ito. Kumunot ang noo ko dahil sa bagong porma nito. Sinalubong ko na lamang siya.
"Oh hon? Anong nakain mo? "
Tukso ko sa kanya. Ngumiti lang siya at yinakap ako.
"Ang gwapo ko kasi kapag nakalabas yong buhok ko, ayuko kayang may makaagaw na iba sa akin mula sayo. Kay honey lang ako eh.!"
Kahit pabiro man eh tagos sa puso ko parin ang sinabi ni Rai.
"Corny."
******
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro