ANI 3
Maaga akong gumising ngayon. Dapat lang. Hirap kayang maglinis ng covered court no. Nagluto na ako ng Ramen. Yon lang ang gusto kong kainin eh. Sarap kaya, maanghang. Plus isang chocolate bar. Yong libre ni kuya na makulit. Siya daw pala si Ken.
Well kahapon, hindi niya ako naihatid kasi sumakay ako ng taxi agad pagkalabas ko ng SM. No choice siya kundi ibigay nalang yong mga pinamili ko.
May utang pa nga daw ako sa kanya. Excuse me lang ha. Siya kaya nag-insist na ilibre ako. Hay naku si kuya, hindi ko maintindihan.
Hmm, salamat kay Lord naabutan ko yong jeep. 15 pesos lang magagastos ko nito. Sa taxi kasi, 60 to 80 pesos eh. Hmm Lord sana walang pumansin sa akin ngayon please. Syempre, except nong prof ko.
Pagkarating ko sa school agad kong kinuha yong nakapaper bag na damit ni Morley. Yong pinahiram niya kahapon. Dahil maaga pa naman kaya umusli muna ako sa locker room ng mga soccer player. Hindi naman bawal pumasok doon dahil open naman siya at hindi naman nakalock at wala ding bantay. Hmm, pero nakakaduling namang hanapin iyon.
"Morley... Morley... Morley.. "
Sabi ko habang iniisa-isang binabasa ang bawat pangalan ng mga locker. Nakakaduling talaga. Hays, pero finally .. Nahanap ko din.. 'YOHANNAN MORLEY'
I hope siya nga iyon. Isinabit ko sa may kandado yong paper bag at dali nang umalis doon. Ayukong may makakita sa akin doon no.
Pumunta na ako sa first subject ko. At mangilan-ngilan lang ang mga kaklase kong nandito. At hindi na po PE ang subject ko. Buti nalang.
Saglit pa ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Well, kilala niyo naman ako. Hindi na ako nag-abalang tignan sila. Nakafocus ako ngayon sa notes ko. Wala nga akong memorize na pangalan ng mga kaklase ko eh. Maging mukha nila.
Biglang nagsi-ayusan sila ng upo. Tiniklop ko lang yong notes ko. Dumating na kasi si Prof.
"Good morning Mrs. Paz!! "
Bati namin sa aming prof.
"Good morning. "
Tipid namang sagot nito. Well mabait yan, mukhang suplada lang.
Reporting pala namin ngayon. At tapos na ako noong monday. Yong ibang mga kaklase ko ngayon. Kaya hinanda ko na yong notebook at ballpen ko. Magtetake note kasi ako.
Baka masali sa exam eh.
Galing nga eh, lunch nanaman. Hmm, doon ulit yong pwesto ko. Siguro ngayon makakakain na ako ng payapa.
Nakaupo na ako doon at linalantakan yong chocolate bar na baon ko. Tapos na din kasi akong maglunch.
Mmm.. Sarap talaga nito. Salamat talaga Lord sa blessing.
"Mmmm... Mmm. "
Paglilinis ng lalamunan nong lalaking hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.
"Sorry talaga kahapon, hindi ko sinasadya.. Ito oh, i hope magustuhan mo din ito gaya ng kung gaano mo kagusto yang kinakain mo. "
Sabi nito at iniabot ang isang transparent na paper bag. Wew, chocolates ang laman nito.
Magkapagsalamin nga mamaya sa powder room, baka may nakasulat na 'adik ako sa chocolates!' Sa noo ko.
Kahapon ko pa napapansin ah.
Doon lang ako nakatitig at hindi ko siya sinulyapan kahit minsan.
"Totoo nga yong sinasabi ng mga kaklase natin. Snob ka nga.. "
Kaklase ko nga talaga siya. Tama yong hola ko di ba? Kaya niya ako kilala.
Nang dahil napapansin kong nakakakuha na kami ng atensyon dahil halos nakatingin na ang mga nasa loob ng cafeteria sa amin. Kaya, tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Yea i know, i-snobin mo nanaman ako gaya kahapon. Kaya aalis na kami. "
Parang malungkot na wika nito. Hindi ko napansin na may kasama pala siya. Napaangat ako ng tingin sa kanila. Wops.. They are all smiling to me. Napayuko ako bigla.
"Bagay mo yang bangs mo. "
Biglang sabi pa nong boy. At tuluyan na silang umalis.
Hooo! Buti naman. Pero wait..
Naman, nakatingin na silang lahat sa akin. Eh paano ba naman eh may tatlong rose pa palang naiwan sa mesa ko at may nakataling maliit na card doon. Need to exit na kung ganon.. Dali akong tumayo at kinuha ang bag ko at umalis na doon.
Ikaw ba naman ang tignan ng masasamang tingin, yong iba eh parang kinikilig naman. No attention for me please. Sa iba nalang, wag sa akin..ayuko..
Palabas na ako ng cafeteria nang biglang hilahin ng isang batang babae yong damit ko.
Ang amo ng mukha niya. Ang cute~cute niya. Wait.. Si Isha Jaydee Wesley ito ah. No.. I should ignore her kahit gaano pa siya kacute. Sorry Sis..
"Ate ganda, naiwan niyo po oh. "
Wika nito. Yong nakapaper bag na chocolates at yong mga roses pala iyon. Iniwan ko talaga iyon. Pero heto at inihabol pa sa akin ng sis ko. Pero di niya alam. Kasi si tatay at si tita Isabel lang ang nakakaalam na may anak si tatay sa labas. At ako iyon.
Lord, alam niyo po kong anong nais ko. Ayuko pong masira ang pamilya nila at masaya na ako sa ganitong buhay ko. Kaya please huwag niyo na pong itadhanang ma~meet at maging friend ko pa sila. Hindi ko maiwasang maipanalangin iyan sa utak ko.
May kuya din kami, ai siya lang pala. Si kuya Isaac Jude Wesley. Dito din siya nag-aaral. Second year na siya.
Para wala nang mahabang usapan ay kinuha ko nalang iyon at tinalikuran siya.
"Say thank you!.. "
Biglang sigaw nito na parang nagpapacute pa.
Napatawa naman yong ibang istuyante. Naku~naku.. Huwag niyo akong pansinin.
Humarap ako don kay Jaydee.
"Thank you.. "
Tipid kong sabi at naglakad na ako paalis. Hay naku talaga. Ano ba itong mga nangyayari. Masyado akong pansinin ng mga istudyante. Hayst.. Need to go somewhere. Isa lang ang alam ko. My hiding place sa rooftop ng academic building.
Doon na ako dumiretso at isinandal ang katawan ko sa malaking paso doon. Para kasing garden ang itsura dito. Salamat sa tatay ko ai daddy pala nila.
Hmm..bigla kong naalala yong hawak kong paper bag at flowers.
Yey! Chocolates.. Ibinag ko na para hindi na ito makakuha ng pansin. Bakit naman kasi transparent yong paper bag eh. At itong rose. Ano kayang gagawin ko dito? Hmm... Alam ko na!
Lumapit ako sa isang paso.. Naghukay ako ng maliit na butas doon at itinanim ko yong tatlong rose. Di ko nga alam kong mabubuhay ito o hindi.
Kinuha ko yong card na maliit doon at binasa.
'Hi Ani :)
I'm Yohannan Morley. You can call me Yohan for short. Sorry talaga ha. Hope na magustuhan mo yong bigay ko. Peace offering ko sayo. Huwag masyadong snob, ang daming gustong maging friend mo. Lalo na ako. Looking forward to talk to you someday. Yong maayos at yong close na tayo. Take care ani. :))'
Well thank you Morley, ai Yohan pala. Pero, hindi ko mapagbibigyang yang hiling mo. I prefer to be alone and not to be friends with everyone. Sorry talaga. Hmm
Isinipit ko nalang sa notebook ko yong card. Hmm, makaalis na nga, malapit na din ang next subject ko.
****
Nakikilala niyo na si Ani :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro