ANI 25
"I'm sure tita, sasama po ako kay Rai. "
Wika ko kay Tita Raven. Tinatanong kasi niya if sure ba ako sa pagsama ko kay kuya Rai sa ibang bansa for mission matters.
"Nakapagpaalam ka na ba sa tatay mo? Kaya mo bang if I-give up yang pag-aaral mo? "
"Tita napag-isipan ko na po iyan ng maraming beses. Sure na sure na po ako tita.. Kaya huwag na po kayong mag-alala ha. "
Wika ko at yinakap si tita Raven. Nandito kasi ako sa bahay nila. May gusto din kasi akong tanungin sa kanya.
"Tita may kilala po ba kayong bestfriend ni mama? "
Kumunot ang noo ni tita na mukhang may inaalala.
"Actually may bumibisita noon sa kanya sa hospital na halos kasing edad lang niya. Wala namang sinasabi ang mama mo na may bestfriend siya. Bakit?.."
"Ah, may nalaman lang po ako kahapon sa isang kaibigan na ang mommy niya daw ay best friend ni mama. Pero hayaan na po natin.. Hindi naman na po iyon mahalaga masyado. "
Ngumiti si tita at hinaplos yong buhok ko.
"Okay ka lang ba anak? "
Minsan 'anak' ang tawag sa akin ni tita. Tumango lang ako at hinigpitan pa yong yakap ko sa kanya.
"Nandito lang ako ha kapag namimiss mo mama mo. Kasi parang anak na kita, pwede mo akong takbuhan kong may problema ka.. "
Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos kasi nakilala ko sila Tita Raven at ang pamilya niya.
Tunay nga na hindi nagpapabaya ang Diyos, nilalapit niya tayo sa mabubuting tao.
"Opo tita."
Wika ko at ginantihan ng ngiti yong sinabi ni tita.
"Hoy! Mommy ko yan! "
Wika ng kararating na si kuya Rai at yinakap din si tita. Alam kong nagbibiro lang ito.. Pero ang cute lang niyang magpakachildish haha.
"Ano pa bang magagawa ko. "
Ganting biro ni tita.
"No choice siya sayo! No choice! "
Sabat ko na din hanggang sa nagtatawanan na kaming lahat.
"Dinner is ready! "
Wika naman ni tito pastor.. Siya kasi ang cook daw ngayon. Sabay-sabay na kaming tumayo at nagtungo sa kusina.
Kahit hindi ko sila kadugo, I really feel like a family member here. They cares so much that it's sometimes overwhelmed me.
****
Kinakabahan ako at nabablanko. Nahihirapan akong magcompose ng sentense. Kakausapin ko kasi si tatay about sa mission trip namin ni kuya Rai. I really pray na sana pumayag siya.
Gusto ko din kasing makita ang capacity ko. Do things on my own. Without tatay's help.
Sobrang liit na ng university sa isang anak sa labas na kagaya ko. Sooner or later it'll be revealed. So I don't want that chances to happen.
Siguro mas mabuting putulin nalang ng tuluyan ang ugnayan namin ni tatay, of course tatay ko parin siya what I mean yong sustento, yong condo at allowance, maybe kailangan na iyong putulin.
Masaya ako para sa pamilya nila tatay lalo na't napamahal na yong mga half na kapatid ko. Si kuya Jude at Jaydee. And I'm willing to sacrifice for them.
Kaya ako ang lalayo, I hope this is really the right thing to do.
I knock at tatay's door. Dito ko lang kasi siya pwedeng makausap. Sa office niya dito sa university. I hope hindi siya busy and I really hope na papayagan niya ako.
"Come in! "
Rinig kong wika na tatay mula sa loob. Kaya pumasok na ako kahit na kinakabahan ako at hindi pa alam kong paano ko sisimulang sabihin kay tatay ang plano ko.
Nakayuko si tatay at abalang nagbabasa ng papers na hawak niya. Pero agad din siyang nag-angat ng mukha noong makapasok na ako ng tuluyan.
"Oh iha? What brought you here? "
Wika nito at sineyasan niya akong maupo sa upuang malapit sa desk niya.
Kahit na kinakabahan ay sinabi ko na sa kanya ang pakay ko. After almost an hour ay lumabas na din ako sa office ni tatay.
Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway babang inaanalize ang sinabi ni tatay.
Hindi ako makapaniwalang papayag siya, pero tuloy pa din daw yong allowance ko, yong condo ivavacant daw para sa pagbalik ko dahil akin naman na daw iyon. Magtutuloy parin daw ako sa pag-aaral kahit home schooling na daw kasi ayaw ni tatay na tumigil ako, hindi daw kasi natin alam ang mangyayari kinabukasan.
Pero is it really a wise decision?
Alam kong si tatay ang unang masisira kong malamang anak ako sa labas.
Bumuntong hininga nalang ako at patuloy sa paglalakad when I bump into something.
"Aray..."
Hinawakan ko ang aking noo na nauntog sa matigas na baba nito.
"Ani!? "
Napaangat ako noong makita ko na si Yohan pala ito.
"Y-yohan.. "
"Bakit parang wala ka sa sarili mo? Kanina pa kaya ako dito, kala ko nga napansin mo na ako.. "
Wika nitong nakangiti.
"May problema ba? "
"Ah, w-wala naman.. "
"Samahan mo naman ako, Nagugutom ako... Miyenda tayo. "
Tatangi sana ako nang sabihin niyang..
"Hep hep hep, please, sige na.. "
Kaya umiling-umiling nalang ako.
"Bakit hindi ko kasama si Jea Anna? "
Mali ata yong tanong ko dahil naging mapakla naman na yong expression niya. Pero pinilit parin joyang ngumiti.
"May family bonding daw sila.. "
Wika nito at nag-iwas ng tingin. Maaring sobrang sama ng pakiramdam niya ngayon kaya kailangan niya ng kasama.
"Tara na! San mo gustong kumain? Libr ko.. "
Wika ko nalang para maiba yong topic namin.
"Talaga!? Sige ba! Sa Taling Restaurant and bake shop ang gusto ko! "
Hindi pa alam ni Yohan na alam ko na kung sino si Jea Anna sa buhay niya. It must be hard.. Yea, it's really hard. Nakikita ko yong sarili ko sa kanya. Kasi parehas kami ng situation, maaring parehas din yong sakit na nararamdaman namin.
Ngumiti nalang ako at nagsimula na ulit maglakad. Hinahayaan ko na siyang habulin ako at dumadada ng dada.
May be we can really be good friends.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro