ANI 23
It's kuya Jude birthday party. Daming tao. Buti naman.. Sana lang hindi na ako makita pa ni tatay at ni tita.
Well, nandito na kami. Dala ko ang isang drum na courage ko at mayroon ring isang timbang kaba. This is it. I made it, pero kinakabahan parin ako.
Kuya Rai is with me. Si Ken? Di ko pa nakikita. Pati si kuya jude. Sabi ni kuya karamihan ata ng bisita ni kuya jude ay mga nag-aaral sa JW University. Hehe, sorry ha, di kasi ako mahilig magmemorize ng mukha at pangalan kaya wala akong mamukhaan.
Pero si ate Sandy nakita ko na kanina may kausap siya. And take note. Jea Anna is here. So I think nandito rin si Yohan.
"Are you okay? "
Tanong ni kuya Rai.
"Kinakabahan ako Rai, paano kung makita ako ni tatay at ni tita Isabel. "
Hinawakan naman niya yong kamay ko.
"Don't worry.. Just be positive baby. Magiging okay lang ang lahat. Stop worrying now, God will help you. "
Pinilit kong ngumiti kay kuya. Gusto kong gawin yong sinasabi niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kong paano. Tulungan mo ako Lord.
"Salamat Rai. "
Sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Maraming naging kaibigan si kuya Rai sa school namin. Friendly kasi siya. Kaya madami ding bumabati sa kanya. Ako, buntot-buntot lang sa kanya. Nginingitian ko na lang din yong mga bumabati sa akin.
Hmm, I hope magiging okay lang ang lahat. I hope talaga..
Nahagilap ng mata ko si kuya Jude..and he is smiling..hmmm ang gwapo naman ng kuya ko.. Puri ko sa kanya sa utak ko...
And Ken is with him..kumaway sila at lumapit sa amin..
"Happy birthday jude!!" Bati ni kuya Rai.
"Happy birthday..."
Bati ko din na medyo nahihiya.
"Salamat naman at nakapunta kayo.."
Wika ni kuya at saka ngumiti..
"Of course naman bro..papalagpasin ba namin ang birthday mo!"
Masayang sabi ni Kuya Rai.
"Hi ani!"
Sino pa nga ba yan...it's Ken na pagkalawak-lawak ang ngiti.
"Ang ganda mo talaga."
Dagdag pa nito. Bahagya ko siyang inirapan.. Nagiging papansin nanaman kasi.
"Halika kayo, doon tayo.."
Sabi ni kuya at sinundan lang namin siya dahil nauna na siyang maglakad.
Huli na noong malaman kong sa table pala na kung saan nakaupo sina tatay, tita at jaydee kami uupo. Oh my God. Nagulat talaga ako at nakaramdam ng takot. Paano na to..
"Ani, upo na..."
Bulong sa akin ni kuya Rai. At doon lang ako natauhan..tinignan ko sila at nakaupo na pala sila ako nalang ang hindi. Nakakahiya...nahahalata ba ako. Anong gagawin ko..
"Good to see you here iha."
Sabi ng boses..kahit di ko na tignan alam kong si tatay iyon...pero bakit niya ako binati, sa harap ni tita at mga anak niya.I mean sa mga kapatid ko sa ama..
Napaangat ako ng tingin dahil sa hindi ko talaga inaasahan ito.
"Ah Ani, madalas ka kasi makwento ni Jaydee kay daddy kaya kilala ka niya."
Sabi ni kuya jude dahil nahalata ata niya ang pagkagulat sa mukha ko. Kung alam lang niyang kilala niya talaga ako. Kilalang-kilala.
"Oo ate! Ang ganda mo kasi eh tapos ang bait mo pa...kahit ang snob mo noong una..."
Dagdag naman ni Jaydee. Nabilaukan pa ako kasi mukhang hindi naman ako yong tinutukoy niya.
Naramdaman ko ang kamay ni kuya Rai na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Alam kong ang ibig niyang sabihin ay kumalma lang ako...
Ngumiti lang ako ng pilit..
Hindi ko din kasi alam kung anong dapat na reaksyon ko.
"Oh sandy! Come on, join us."
Wika ni tita Isabel noong magawi si ate sandy sa pwesto namin..
"I love to tita, hi guys!"
Sabi niya at bumati sa amin. Umupo na din siya sa tabi ni Jaydee.
Everybody's acting natural, ako lang ang hindi. Narorobot ako dito.
Pero deep inside, A pain was starting to grow.
I can't believe tatay can act normally, even tita.. Ako lang ba ang affected?
Nangigilid ang luha ko. Ni hindi ko nga sila kayang tignan ng matagal.
Sige lang silang nagkukwentuhan while ako natahimik na kasi wala naman akong maisip sabihin.
Napaangat lang ako noong marinig kong nagsalita si tatay.
"Yes, I love my kids. They are my treasures."
Napatanong ako bigla sa sarili ko. Kasali ba ako sa tinutukoy ni tatay na kids?
Pero sinaway ko din ng sarili ko. Ano ba namang iniisip ko, syempre kasali ako doon.
"His reaction is priceless noong nalaman naming magkakaroon kami ng baby boy, and it's jude and later on, we become more blessed to have a baby girl and it was jaydee."
Masayang sabi ni tita.
"Syempre naman, they were a blessing from heaven hon. I am willing to risk anything for them."
Tatay said. Hindi naman dapat but it breaks my heart.
"..my precious kids.."
Dagdag pa nito.
So kasali ba ako sa nirisk ni tatay para sa kanila?
"Ani? Okay ka lang?.."
Kuya Rai ask..
Tumango lang ako. I know na nafifeel niyang hindi naman talaga ako okay.
Mas lalo pa niyang hinigpitan yong hawak niya sa kamay ko.
"Ahm, excuse me lang po. May kukunin lang ako sa kotse. Ani, tara samahan mo naman ako."
Biglang yaya ni Ken.
Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa kanya. He is smiling at me. Kahit ayuko sana siyang samahan pero I think it's what I need right now.
"S-sige."
Kako nlang.
"Tara."
Sabi niya. Tumingin ako kay kuya Rai, he's also smile at tumango. Then he let go of my hand.
Sumama ako kay Ken. Pumunta nga kaming parking lot sa may kotse niya. Nakakapanibago lang na hindi niya madaldal. Pero mas mabuti na iyon.
Nagulat ako noong pagkadating namin sa kotse niya ay bigla siya sumandal lang doon.
"Lika, dito muna tayo."
Wika niya kaya kumunot-noo ako.
"H-ha? Akala ko ba may kukunin tayo."
He just smile at kinuha yong kamay ko at hinila niya ako ng marahan para tumabi sa kanya. Kaya parehas kami ngayong nakasandal sa kotse.
Naguguluhan man pero I think it's what I need right now.
"I said, I will be here for you?"
Wika pa nito. I don't understand him.
"Baliw, ano bang sinasabi mo.?"
Anyway nakakatulong siya ngayon, kahit hindi niya alam. Atleast nadadivert yong iniisip ko at nararamdaman ko ngayon.
"To tell you the truth Ani..."
Napatingin ako sa kanya bigla. A lot of question stuck in my mind right now. Things that I wanted to ask him pero I'm afraid to be caught dahil baka hindi pala iyon ang ibig niyang sabihin.
******
Thanks for reading!! God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro