ANI 19
Tumigil kami sa isang lugar na sa tingin ko ay napuntahan ko na ata.
Pagkababa ko ay nilibot ko yong paningin ko at namangha. Muli ay naalala ko ang mga ngiti, tawa at boses ng taong napakaimporte sa akin.
"Sa pangalawang beses na makita kitang naiiyak nanaman dahil nandito tayo sa amusement park It makes me wonder what memory is always coming back in your mind that make your tears fall in your eyes.. "
Nagpunas naman ako agad sa luhang tumutulo na pala sa mata ko. Namimiss ko nanaman kasi si mama.
Inabotan niya ako ng panyo, pero tinabig ko ng marahan iyon at hindi kinuha. Yea, nandito nga ulit kami sa amusement park kung saan niya ako dinala noon.
"You know what, this is my favorate place. "
He said. I was puzzled why. Lagi siguro siyang dinadala ng magulang niya dito. Napatigil ako ng bahagya at napatitig sa kanya.
Hindi kaya parehas kaming namatayan ng importanteng tao sa buhay?
"W-why?? "
Hindi ko maiwasang tanungin.
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.
"Halika, bili muna tayo ng makakain. "
Wika niya at lumapit kami sa mga nagtitinda ng street foods at bumili. Bumili din siya ng shake. At umupo kami s malapit na bench doon.
Naghihintay parin ako na sagutin niya yong tanong ko kanina.
"Bakit ka laging napapaiyak kapag pumupunta dito? "
Akala ko naman sasagutin niya na yong tanong ko. Pero parang naibalik lang sa akin yong tanong ko kanina. Pinahaba niya lang. Wala naman tong originality. Hehe joke.
Syempre hindi ako sumagot. Hindi pa kasi ako komportable sa kanya para magkwento.
Mukhang napansin niya din naman. Kaya nagsalita ulit siya.
"When I was seven, my dad always bring me here together with my mom. And everytime we came here we were always happy. Dad is happy, mom is happy and baby Nan is also happy. Mom give me that nickname. "
Tapos napangiti siya ng mapait. Nawala ang kinang ng mga mata niya.
"Are they still alive? "
Bigla ko natanong out of curiosity kasi napansin kong lumungkot kasi siya. Hindi naman siya nakasagot agad bagkus tumingin siya sa akin. Nailang tuloy ako at yumuko.
"I'm sorry.. "
Mahina kong sabi. Nagulat pa ako noong hinawakan niya ang baba ko at iangat iyon. He smiled. Yong mga ngiting may halo paring kalungkutan.
"Dahil snob ka naman at hindi madaldal, sa tingin ko mapagkakatiwalaan naman kita. "
Sabi niya which is ikinagulat ko. So sa tingin niya ba ay mapagkakatiwalaan nga ako?
"My dad died when I was nine.. "
Nagtitigan parin kami. Dahil naiilang na ako ay umiwas na ako ng tingin.
"And my mom got married after one year dad died. It was tito Gilbert Sanchez. "
Parang narinig ko na yong pangalan na iyon. Saan na nga ba? Napakunot noo ako at inalala kung saan nga.
"Naalala mo pa ba noong kumain tayo sa isang restaurant na sinabi kong pag-aari ng tita ko.? "
Yea, doon ko nga nameet si tito Gilbert. Ah kaya ba rude yong tito niya sa kanya---
Napatigil ako sa kakaisip noong may bagay na marealize ako. So-- so... Ibig sabihin... Yong sinasabi niyang tita ay...
"Tita Clarisse was my mom.. "
Ha? So tama nga yong hinala ko. Bakit tita? Hindi ba dapat mommy parin? Gaya ko kay tatay. Tatay parin naman kahit na may iba siyang pamilya.
"Tito Gilbert was a selfish man, I don't understand why mom- I mean tita Clarisse loved him so much that she even forgets me. "
And then the next thing happened is he's crying. Tumutulo lang ang luha niya at tanging singhot lang ang naririnig ko. He cried with no sound. Bagkus nakatulala lang siya. I can see na nasasaktan siya. Nasasaktan siya ng sobra.
I felt sorry for him. Mas lalo pa akong naguilty sa ginawa ko isang linggo na ang nakakaraan.
Wait, bakit alam pala ni Jea Anna. Kasi siya ang nagsabing wala akong karapatan na pagsabihan si Yohan ng ganon dahil hindi ko alam ang kanyang pinagdadaanan. Mag-ano ba sila?
Hmm, nevermind na nga, saka nalang. Ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ako sanay ng ganito.
Then i remembered how kuya Rai comforted me.
Hinaplos ko pataas baba ng kamay ko ang likod niya.
"Everything will be okay Yohan. God sees our misery and He knows our needs. Dadating ang araw maiitindihan mo din ang lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Dahil may purpose ang Diyos sa mga nangyayari sa atin. "
Sabi ko.
Woah, really my first time pero I felt great. Ako ba talaga ito? May kakaibang saya akong naramdaman sa puso ko. Masaya din palang makatulong ng kapwa kahit sa kunting bagay lang. I hope nakatulong nga iyon kay Yohan.
"Thanks Ani.. I know you're that kind. I knew it from the very first time we met. Siguro nga kagaya din kita na may pinoprotektahang bagay sa buhay kaya we're wearing a self na hindi naman tayo to keep it hidden to people. I'm jolly, very energetic guy but deep inside I'm broken. "
Tapos pinunasan na niya yong luha niya at saka ngumiti.
"Sorry for the drama.. "
Sabi niya. I smiled back. Now, I understand him. Yea, parehas nga kami that we are hiding something we don't want others to know. But I'm not yet ready to tell it to you Yohan. I'm sorry. I still want it to keep as a secret.
"Ubos na pala tong pagkain natin. Gusto mo bang bumili pa ako? "
Wika niya. Galing talaga nitong mag-iba ng emosyon. Kumikinang na ulit ang mata niya at nakangiti na.
Umiling lang ako dahil nabusog naman na ako.
"My mama died because of her illness. And I was very young at that time. She also brings me here kapag day off niya. Our kind of bonding. "
At least that I can tell him.
Tumingin siya sa akin then ginulo yong buhok ko. At ngumiti na parang nagsasabing 'okay lang, makakayanan natin ito.. '
I smiled back.
"So single parent ang mom mo? "
He then asked. Tumango lang ako.
"Ah.. Mas mahirap pala sayo.."
Sabi niya. ..oo mahirap pero pinalaki kasi ako ng maayos noong mga nag-alaga sa akin bago ako mapunta kay tatay. Sila tita Raven yong nurse na nag-alaga kay mama.
"I doubt, kasi parang mas mahirap sayo.. "
sabi ko..
"May paiyak-iyak ka pa ngang nalalaman." "
Sabi ko at bahagyang tumawa. Tumingin lang siya sa akin at parang nagulat pa. Waley talaga ang mga jokes ko. Haha ano ba yan.
But, nagulat nalang ako noong hinawakan niya bigla ang magkabilang braso ko.
"Ani!! Close na ba tayo!! Ang saya naman!! Yes naman!! "
Ha? Baliw ba to. Close agad.
"Baliw. Umayos ka nga. "
Sabi ko pero mas lalo niya lang yinugyog yong braso ko sabay sabing..
"See!! The way you talk to me!! Yey!! Close na talaga tayo!!. "
Hala!
Tas bigla siyang sumeryoso pero hindi niya parin tinatanggal yong kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Let's make a deal. "
Sabi niya at napakunot-noo ako.
"Ano naman yon? "
Maang kong tanong.
"I will accept na hanggang friends lang tayo ngayon, i know naman na hindi ka pa ready na magkaroon ng lovelife dahil sa mga nangyari sayo pero kapag dumating na yong panahon na ready ka na ay hayaan mo akong ligawan kita. "
Ha?? Heto nanaman siya. Hmm sabagay.. Okay lang naman yong offer niya. Hindi na masama. Ang mahalaga ngayon ay hindi na niya ako kukulitin pa.
Pero, naisip ko tuloy si Jea Anna. Anong meron sa kanila?
******
Thanks for reading!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro