Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 18

Kasama ko ngayon si Ken at Kuya Jude. Si kuya Rai kasi madalas wala. Ang alam ko ay nilalakad nanaman niya yong visa niya dahil pupunta nanaman siya sa ibang bansa. Gusto talaga ni kuya Rai maging missionary. Hmm, nakakabless naman siya.

"Ano Ani?  Makakapunta ka ba?  "

Sabi ni kuya Jude. Naglalakad kami papuntang mga klase na namin at kakatapos lang namin maglunch. 

Niyayaya niya kasi ako sa kaarawan niya. Kanina pa ako nag-aalangan sa isasagot ko. Dahil sa totoo lang ay ayuko. Sapat na sa akin ang ganito. Pero kanina pa din niya ako pinipilit. While Ken was looking seriously at me. Para niya akong sinusuri na para bang nababasa niya ang laman ng isip ko.

"Ah eh.. May lakad kasi kami nila Rai.. "

Sabi ko, pero syempre hindi pa alam ni kuya Rai dahil sasabihin ko palang. Hehe, sorry Lord.

"Ha?  Don't worry invited din naman siya ah.. Sige na Ani. "

"Ha, g-ganon ba.. "

Shems,  wala na akong maisagot. Paano na to. Tapos itong si Ken pa ang seryoso.

Isip~isip Ani. Dali. Hindi ka pwedeng pumunta doon nandoon si tatay at tita Isabel. Naku, sana pala pinalipas ko muna ang kaarawan ni kuya bago nakipagclose sa kanila.

"Don't worry, ako ang bahala sayo. Ano deal na ba?  Sasama ka na ba? "

Biglang salita ni Ken. Ha?  Ayuko no. Kay kuya Rai nalang ako sasama no. Mas komportable. Pero hindi talaga ako pwedeng pumunta.

"Oh deal na ha. Pupunta ka. "

Ha?  Anong karapatan mong magdecide Ken. Desisyon ko parin yon ah.

"Salamat Ani. Kasama din naman si Sandy.  Mabait din yon. "

Sabi naman ni kuya. Naku, wala na talaga akong takas.

"Ah eh... Hehe"

Mapaklang ngiti ko. Ano ba itong pinasok ko. Back to snob na ba ako?  Kasi kapag pinagpatuloy ko ito, siguradong mabubuko na ako. Patay!

"Tatawagan ko si Rai mamaya para sabihin din sa kanya. "

Dagdag pa ni kuya sabay ngiti sa akin. Ngumiti nalang din ako ng pilit.

"Sige Ani dito na kami. "

Paalam ni kuya. Paakyat na sila, dito lang kasi sa first floor ng building kami magkaklase ngayon ng panghapon na subject ko.

Tumango lang ako at naglakad na din.

Lord, paano na to.. Hmm, ano nalang ang sasabihin ni tita. Maging ni tatay. Huhu

Nagulat pa ako noong may umakbay sa akin. .napalingon ako doon.

"Oh! bakit ka nandito? "

Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at bahagyang sumeryoso ang mukha niya.

"Don't be afraid sa pagpunta mo sa birthday party ni Jude. I'll be with you. Trust me. "

Sabi niya saka marahang pinisil yong balikat ko at saka siya kumaway at umalis na. Ni hindi nga ako nakasagot.

Ano naman ang ibig sabihin ni Ken. Ha?  Nabasa niya ba sa mga mata ko yong takot ko na pumunta doon. Ha?  Anong alam niya? 

Hmm, may ganong side pala si Ken. Akala ko sobrang kulit at papansin lang niya.

Pero ewan ko ba?  Biglang may tumubong tiwala sa puso ko para sa kanya at medyo nakahinga ako ng maluwag.

Kahit papano ay napakalma niya naman ako. Salamat Ken.

Pagkatapos ng klase namin ay dumaan muna ako sa library para magresearch bago umuwi.

Nang paakyat na ako ng jeep ay bigla akong nagulat dahil sa malakas na busina sa likuran ko. Sobrang lapit ata kaya malakas masyado.

Napalingon pa ako agad kasi baka masagasahan na ako. Pero on my dismay at nakapark lang yong bigbike at yong may-ari ay sinadya talagang businaan ako. Naiinis ako pero bigla ding nawala nang makita ko kung sino yong may-ari ng big bike.

"Yohan.. "

Wala sa sariling sabi ko. Nakangiti siya sa akin at sumakay na sa bigbike niya.

"Hop in.."

Sabi niya.

"H-ha? "

Gulat kong sabi.

"Please.. "

Makaawa niya na talagang nagpacute pa. Matagal ko siyang hindi nakita simula noong masabihan ko siya ng masasakit na salita. Kasi since non ay hindi na siya pumasok. Isang linggo na ata ang nakakaraan.

"Halika na.."

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya at isinuot sa akin yong helmet at hinila na ako papuntang bigbike niya.

"S-saan tayo pupunta?  "

Sabi ko nalang noong wala na akong magawa dahil nakasakay na siya at hinihintay nalang niya akong sumampa sa bigbike niya.

"A-ayuko.. "

Sabi ko noong tumingin lang siya at hindi sumagot.

"I need someone to talk to Ani,  pwede ka ba? "

Finally ay sabi niya.

"B-bakit?  A-asan si Jea Anna. Bakit hindi nalang siya?"

Sabi ko. Hindi pa kasi ako handang makausap siya. Nahihiya pa ako.

At bakit ba ako ang gustong niyang kausap. Alam kong marami siyang kaibigang mga lalaki. Sila dapat ang niyayaya niya. Yong mga taong makakaintindi sa kanya, kasi ako hindi ko alam kung paano. Kasi wala pa naman ako naadvice-an kung advice lang din ang kailangan niya. Ayuko talaga Yohan.

Lumungkot ang mukha niya. Bago sumagot.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero kung ayaw mo talaga.. Okay lang.. "

Sabi niya at pinaandar na yong bigbike niya. Ngayon ako naman ang naguiguilty. Naaawa ako. Bakit parang ang lungkot niya. May pinagdadaanan nga ba siyang mabigat nang gaya ng sinabi ni Jea Anna.

Hmm..

"S-sige, sasama na ako sayo. "

Sabi ko. Kahit na napipilitan lang ako. Naaawa naman kasi ako sa kanya.

"Talaga!  "

Ney, biglang sobrang saya naman na niya. Parang gusto ko tuloy bawiin.

"Salamat Ani.. "

Sabi niya habang sumasakay na ako sa bigbike niya.

"Tara na..hindi ka naman siguro rapist no? "

Sabi ko. Syempre para sigurado baka kung saan pa niya ako dalhin eh.

Bahagya lang siyang tumawa. Aba!  Ang saya niya na.

"Hindi ah.. Gentleman ako. "

Sabi naman niya. At parang bumalik na yong yabang at kapal ng mukha niya. Kung hindi lang tumatakbo na itong bigbike niya ay baka bumaba na ako at bawiing sasama pa ako kasi mukhang okay naman na siya eh.

"Salamat talaga Ani!  Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. "

Sabi pa niya habang nagmamaneho. Hindi nga halata eh.

***

Yoy!  Another update!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro