Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 17

Hindi pa ako nakakalayo noong magsalita si Jea Anna. At galit na galit na ang boses niya.

"Stop acting like you know his pain at kung anong pinagdadaanan niya ngayon!! At wala kang karapatan na sabihin yan sa kanya!! Don't tell him to fix his life kasi kung meron man dapat i-fix,  yon ay ang utak mo!!! ----"

"Anna!!! "

Ma-authoridad na wika ni Yohan para patigilin si Jea Anna.

Naestatwa naman ako sa pagkakatayo ko.  Noong marinig ko ang mga iyon kay Jea Anna. Narealize kong, did I get it wrong. Anong meron sa kanila?  Hindi ba magkasintahan sila?  I knew it kasi patay na patay si Jea Anna sa kanya. Pero bakit parang iba. May mali, may kung anong relasyon ang meron sila.

Hindi ako makapagsalita. Kasi iniisip ko din na baka mali ako o naging judgmental na ako masyado. Ha?  Ano ba?  Hindi ko maintindihan, bakit pa pinagtatanggol ni Jea Anna si Yohan?  Anong hindi ko alam.

Hindi niyo din naman ako masisisi kasi hindi ko naman hilig mangalkal ng buhay ng may buhay.

"I'm sorry Ani.. "

Mahinang wika ni Yohan.

"No!  Yohan,  siya dapat ang magsorry! Hinusgahan ka niya!! "

Pagrereklamo ni Jea Anna. Hindi parin ako makapagsalita.

"It's okay Anna. ..I deserved it, right?  Sorry again Ani,  sige mauna na kami. "

Magkahalong lungkot at pait ang boses niya. Bigla akong napahiya sa sarili ko, na parang may kung anong kumukurot sa puso ko. Mali ako, mali ako.

Kahit parang gusto ko pa sanang sabihin na tama ako dahil parang umaamin na siya sa mga ginawa niya na hindi tama.

Nalilito ako. Ako ba ang mali?  O siya? Pero,  naaawa ako.  Hindi nga tama yong ginawa ko kahit tama pa yong hinala ko. Pero.. Nasabi ko na.. Hindi ko na mababawi pa.

Bigla akong napalingon sa likuran ko, at nakita kong inaalalayan ulit ni Jea Anna si Yohan at nakalayo na sila sa akin ng kaunti.

Gusto kong humingi ng paumanhin. Tama man ako o mali. I still became rude to him kanina. I lost my control. Alam kong hindi ako ganon, pero bakit anong nangyari. Kasama ba ito sa changes ko. No!

"Sorry!! "

Napasigaw nalang ako, bahala na kung maririnig pa niya o hindi. Nakayuko ako.

"I'm really sorry!!! "

Pag-uulit ko. This time iniangat ko na yong ulo ko para makita sila. I was surprised noong paika-ikang lumalapit na si Yohan sa akin. He is now smiling so wide. Naiisip ko tuloy kung pinagluluko ba ako nito.

While Jea Anna throwed a killer eyes on me.

Pagkalapit ni Yohan, ay yinakap niya ako. Hindi na ako makagalaw sa bilis ng pangyayari. Ayuko yong ginawa niya pero hindi ko naman maigalaw ang kamay ko para itulak siya. Nanaig sa akin ang pagkaguilty kaya siguro ay hinayaan ko na siya.

"Your forgiven.. I missed you Ani. "

Bigla niyang sabi. Para naman akong napipi at hindi makapagsalita.

"Can I call you tonight? "

Pag-uulit niya ng tanong niya sa akin kanina. Ha?  Seriously,  anong nangyayari. Bakit ganito.

Humiwalay na siya sa akin at bumalik nang paika-ika, naiwan naman akong nakatulala kahit nakikita kong nakairap parin sa akin si Jea Anna.

Ha?  Ano bang nangyayari?? So anong rason, bakit sila magkasama.

Kinagabihan nga pagkauwi ko, ay naghintay ako ng tawag ni Yohan. Hindi ako mapakali, kasi hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko kapag tumawag siya. Naalala kong hindi naman ako sumagot sa kanya kanina sa tanong niya kung pwede siyang tumawag, pero knowing Yohan alam kong makapal ang mukha non at tatawag pa din.

Pero very late na ng gabi at medyo inaantok na ako at pagod na kakalakad sa sala ko pero wala paring tawag galing kay Yohan. Mali ata ako ng akala.

Nahiga na ako at umaasa paring tatawag siya. Not because gusto ko siya, I'm just worried o guilty lang ako. I just want to clear things. Hindi kasi ako sanay na may kaaway. Oo hindi ko siya kaaway kasi nagkabati na kami kanina pero bothered parin kasi ako. Until hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

I woke up checking my phone kung nagmissed call ba siya. Pero,  wala. Nagtataka ako, pero ano bang big issue doon. Baliw na ata ako. Malay ko ba kung binabawi na niyang tatawag siya. Hmm,  makabihis na nga lang.

Ilang oras pa ay nakarating na ako sa school. Hindi ko mahagilap ngayon si kuya Rai. Hindi kasi kami nagsabay kaninang umaga.

Kaya pumunta nalang akong classroom namin. May mga ibang kaklase na ako. May ibang bumati sa akin, yong iba naman ay hindi ako napansing pumasok dahil sa kanya-kanya nilang ginagawa.

Wala pa si Yohan. 

Maya-maya'y dumating na yong prof namin at nagsimula na siyang magturo. Lumipas ang buong araw, pero hindi ko nakita si Yohan. Umabsent ata siya. Parang mas lalo pa akong naguilty. Feeling ko ako ang dahilan, yong mga sinabi ko kahapon.

Hay naku, baka iba naman ang reason. Nagiging assuming na din pala ako. Tsssk!  Ano na bang nangyayari? Gusto ko ng makakusap. Pero maging si kuya Rai ay hindi pumasok. Napagod ata sa pinuntahan nila kahapon.

Nakasama ko kanina sila Ken at kuya Jude pero nagpaalam din ako sa kanila. Bothered kasi ako at ayukong makita nila iyon.

Haysst,  makauwi na nga lang.

***

Short update today :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro