Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 16

Hindi lang yon yong unang at huling pagkakataon na ngumiti at kinausap ko sina kuya at Ken. Gumagaan na din naman na ang loob ko sa kanila. Sana kahit ganito lang ay maranasan ko namang maging kuya ang kapatid ko sa ama.

Maging si kuya Rai nagulat sa pagbabago ko ng pakikitungo sa kanila.

"You're acting abnornal these past days baby.."

Sabi niya habang nandito kami sa cafeteria having our lunch. Napakunot-noo pa siya na bahagyang nakangiti.

"Ha? "

Matipid kong sagot.

"But I like your abnormality. .I mean your changes.. "

Then he smiled at me. I smiled back, I now understand what he's trying to say. Yong pakikisalamuha ko kila kuya at Ken. Aware kasi siya sa ugali kong snob.

"Narealize ko na okay lang naman sigurong pansinin ko dito sa school si kuya. Hindi naman siguro niya malalaman na kapatid ko siya. Di ba Rai? "

Medyo alanganin kong sabi sa kanya.

Ngimisi siya ng bahagya.

"I wander nga kong bakit hindi mo sila pinapansin. Pero okay lang yan Ani, hindi ka naman mapapahamak sa simpleng pagpansin sa kanila. "

Sabi niya tas biglang lumungkot ng kaunti mong mukha niya.

"O bakit ganyan ang mukha mo?  Akala ko ba magiging okay lang ang lahat? "

Sabi ko tas bigla niyang kinurot yong pisngi ko.

"Basta, ako parin ang best kapatid mo ha. "

Hay naku yon pala ang kinalulungkot nito. Siguro akala niya makakalimutan ko siya. Hindi kaya iyon mangyayari no.  I love him so much. Para ngang siya ang tunay kong kapatid eh.

"Of course naman Rai. Ano ka ba! "

Sabi ko at inalis yong kamay niya nakakurot sa pisngi ko.

"Mmmm.. "

Nagulat pa ako nang may maglinis ng lalamutan para makuha ata ang atensyon namin ni kuya Rai.

Napalingon ako, only to find out na sila kuya Jude at Ken pala ito.

"Pwede ba kaming makiupo sa inyo? "

Sabi ni kuya jude. Tas sobrang lawak naman ng ngiti ni Ken.

"Hi miss Ani! "

Biglang sabi niya.

See ang mokong parang nauubusan parin ng pansin.

"Sige. "

Sabi naman ni kuya Rai na nakangiti.

"Thank you. "

Wika ni kuya Jude. At saka umupo na sila. Katabi ko si kuya jude tas magkatabi naman sa kabila si kuya Rai at Ken.

In some reason, naging komportable naman akong katabi si kuya at kasalo sila sa lunch.

Si Yohan naman ay hindi ko parin pinapansin. Not because may sama ako ng loob sa kanya,  kundi para matauhan siya at makaiwas ako ng gulo. In some reason din ay naaawa ako kay Jea Anna. Ganon na ba niya kamahal si Yohan na halos ipamigay niya na upang sumaya lang ito. Sabagay, minsan love is sacrifice.

Ang saya ko,  iba pala talaga ang pakiramdam nito. Hindi lang si kuya Rai ang nakakasama ko ngayon, maging sila kuya Jude at Ken.  Bakit ko nga ba hindi kinukuya si Ken. Hmm, sanay na din akong tawagin siya sa pangalan niya. Kaya ganon nalang siguro.

Lagi na nga akong nginingitian ng mga kaklase ko kasi pumapansin na ako kahit hindi ganon kadalas.

I'm loving also the changes sa sarili. Pero syempre, I keep distance parin naman at hindi masyadong ganoong close. Yong sakto lang.

Mabilis na lumipas ang panahon, until nakikitawa at nakikibiruan na ako kina kuya. Sinabihan ko na din si Ken na Ani nalang ang itawag sa akin.

Pero hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung bakit alam niya ang pangalan ko. Siguro nga pinagtatanong nalang niya.

Hayss..

Nakakatuwa ding kasama sila. Hindi na rin masyadong lumalapit si Yohan sa akin dahil nga lagi kong kasama sina kuya Rai,  kuya Jude at Ken. 

Naglalakad na ako palabas ng gate at mag-aabang ng jeep kasi may pinuntahan sila kuya Rai. Ayuko namang magpahatid o sumabay kina kuya Jude kasi kasama nila lagi pauwi si tatay at jaydee. I hope nga na hindi ako kinukwento ni kuya kay itay baka mamisunderstood nila iyon. I mean baka sa isip nila ay sabihin ko na kapatid ako ni kuya Jude sa labas.

Hindi ko naman gagawin yon. Syempre magiging sikat ako dito school no kapag ginawa ko iyon. I mean pagchichismisan at lalaitin. Baka nga mabully pa ako.

Hay naku,  masyado na akong nakocontain ng pakikisalamuha ko kay kuya. Hayys..

"Oh,  careful.. Sabi ko kasi sayo huwag mo nang pansinin pa si daddy.. "

Napalingon ako sa likuran ko noong marinig ko iyon. Pamilyar kasi ito.

Tama nga, si Jea Anna iyon. At inaalalayan niya si Yohan. Ano namang nangyari doon.

Base sa sinabi ni Jea Anna kanina, baka naman ayaw sa kanya ng daddy nito. Nagmeet na ba sila ng parents ni Jea Anna. Wow ha, bilis. Kaya pala wala siya kanina.

Napatulala lang ako sa kanila habang kung ano-ano ang iniisip. Hindi ko nga napansin na malapit na pala sila.

At nakita na ako ni Yohan. Mukhang lasing ata siya at may sugat sa paa niya. Parang noong nakaraang araw lang ay nakita ko nanaman siyang nakasaklay ah. Anong nangyayari sa kanya.

"Ani.. "

Sabi niya. Pero dali akong tumalikod. At napansin ko din ang pag-irap ni Jea Anna sa akin bago ako tuluyang makatalikod. Ito talaga,  hindi ko naman aagawin ang boyfriend niya.

"He's talking to you! "

Ha?  Talaga bang binebenta niya na sa akin ang mahal niyang boyfriend.

Napalingon ako kahit ayaw ko sana. Problema naman ng dalawang ito.

"Ani.. C~can I call you later. "

Wika ni Yohan. Wow,  lakas ng trip nito ha. Sa harap pa ng girlfriend niya.

Napangisi ako at tumingin kay Jea Anna. Nakairap pa din siya sa akin.

"No. "

Tipid kong sagot.

"Bakit hindi pwede?.. "

Malungkot niyang tanong. Hay naku, anong hindi niya ba maintindihan sa sitwasyon.

Matagal bago ako nakasagot. Naiirita ako sa mga pinagsasabi niya. Talagang may ganitong lalaki pala talaga. Harap-harapang mangaliwa.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Yohan sa pagsasalita.

"I don't know the reason kung bakit ka mailap sa akin, samantalang kinakausap mo naman ng maayos si kuya jude at ang kasama niya. Hindi ba pwedeng ganon ka din sa akin. Do you want to know why I'm with--"

Hindi ko na siya pinatapos dahil baka mamatay na sa sakit si Jea Anna. Kawawa naman siya, balak pa ata niyang ideny ang girlfriend niya. Awtssuu naman jea Anna. Kung ako sayo humanap ka nalang ng iba.

"Stop yohan.. Alam mo ba talaga yang mga pinagsasabi mo? Does it make sense? I'm aware of who you are. So stop and fix your life. "

Sabi ko at tumalikod na. While mukhang galit na galit pa si Jea Anna sakin. Hindi niya ba magets na ginagawa ko iyon para sa kanya. Bahala na nga sila. I'm out.

****

Aminin mo, naiinis ka na din kay Yohan no.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro