Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 15

Syempre dahil kilala ako bilang snob, hindi ko sila pinansin at pinagbigyan sa sample na yon.

Actually joke ko lang naman yong kantang iyon kay Yohan para tigilan niya na ako. Hay naku, mukhang naakit ko pa siya at patuloy siya sa pagiging feeling close niya. Hmm, mukhang dalawa na nga sila ni Jean Anna eh, bakit lapit pa ng lapit iyon sa akin. Hmm, mapagbuntungan nanaman ako ng babaeng iyon.

"Hi Miss Ani!! "

It's Ken, syempre beside him was kuya Jude.

"Hi Ani! "

Bati din ni kuya sa akin and then he smiled. Naooverwhelmed talaga ako sa ngiti ni kuya. Feeling ko belong ako sa kanya. Yong tipong tanggap niya na kapatid niya ako, pero hindi niya pa alam eh.

Napangiti ako ng bahagya. Wala naman sigurong masama tutal mukhang hindi ko naman na siya maiiwasan pa kasi everywhere naman nakikita ko sila.

Pero biglang nawala yong ngiti ni kuya at parang nagulat. Ha?  Bakit naman. Medyo napakunot-noo ako. Napatingin ako kay Ken at ganon din ang itaura niya.

Ano bang nangyayari?

"Bro.. Sayang.. I should took a picture of it.. "

Wala sa sariling sabi ni kuya.

Ha??  Ano naman ang kukunan niya ng picture?

Samantalang lumapit sa akin si Ken.

"One more!!!  One more!!  Sa akin ka namam timingin!!! Dali!!. "

Bakit oarang excited ito at hawak pa talaga ang magkabilang balikat ko.

Kumunot lalo ang noo ko.

"Ha? Anong isa pa? "

Sabi ko na hindi ko na maintidihan ang nangyayari?

"Smile!! You smile!! "

Ngek!!  Yon lang pala. KaOA naman nila magreak. Hmm.. Di mo nga naman pala masisisi ngayon lang naman ako ngimiti sa kanila. Ai,  kay kuya Jude lang pala.

"Ayuko. "

Yon lang ang sinabi ko. At bahagyang inalis yong kamay niya. Nagpout naman siya at parang nadismaya. Pakielam ko.

"Sige mauna na ako. "

Sabi ko sa kanila at naglakad na.

Medyo nakalayo na ako at wala man lang akong narinig na tumawag sa akin. Usually kasi gawain iyon ni Ken. Napalingon tuloy ako.

Hala!  Si kuya at Ken tulala at nakatingin pa sa direksyon ko. Ano bang meron? 

"Take care Ani! "

Hayon, pahabol na sabi ni Ken. While kuya smile.

Ngumiti nalang ulit ako. 

Pero bigla nalang tumakbo si Ken at heto at yakap na ako.

"Yes!!!  Close na ba tayo!!? "

Ha?  Close agad?  Bastos to ah.

Bigla din lumapit si kuya jude at tinapik si Ken na nakayakap padin sa akin.

Umalis naman ito sa pagkakayakap. Buti naman dahim baka nasuntok ko na siya.

"Sorry Ani naexcite lang ako!!"

Masayang wika ni Ken. San naman siya naexcite?

Ngumiti naman si kuya at mukhang nabasa niya yong nasa isip ko.

"Ngumingiti ka na kasi at nagpapaalam. Not just like before... "

Ah yon pala. Grabe naman sila makareact.

"I'm happy for your changes Ani.. Keep it up.. Sooner,  hindi lang kami ang magiging kaibigan mo,  you will have a bundle of feiends. But don't forget us kung mangyari iyon. "

Aaaaii.. Ang bait naman ng kuya ko.

"Syempre hindi niya tayo makakalimutan kasi tayo ang palaging makakasama niya. "

Naoakunot-noo ako sa sinabi ni Ken. Ang feeling niya no. Ayos na nga yong sinabi ni kuya.

"Maganda din kung ganon. "

Sabi lang ni kuya.

"Maganda talaga kasi magiging girlfriend ko siya. "

Ha!!!!  See!!!  Kapal talaga ng mukha.

"Sus!  Tama na yan bro, masyado ka nang assuming."

Haha, thank you kuya.

"Hindi naman yon imposaible ha. Napangiti nga natin siya. Kaya sure ako na mapapasagot ko siya. "

Wow ha!  Lakas ng fighting spirit. Pero ngayon palang basted ka na sa akin so huwag nang umasa. Hmm.

"Sige Ani!  Ingat ka. Papainumin ko muna ng gamot to. Malala na eh. "

Biglang sabi ni kuya at inakbayan si Ken at hinila na paalis. Buti nga don..

Nagpatuloy na din ako sa laglalakad ko. Pumunta akong parking lot para hintayin si kuya Rai. Sabay din kasi kami ngayon uuwi.

When suddenly napansin ko si Yohan, inaalalayan siya ni Jea Anna. See, dalawa na nga sila. Anyway,  wala na akong pakielam don. Sinadya ko pa ngang dumaan sa harap nila ng sa ganon matauhan si Yohan na alam ko na ang sikreto niya. At hindi niya ako maloloko.

Nakita kong vahagyang nagulat si Yohan. Napansin iyon ni Jea Anna at inirapan ako. Hay naku, paki ko.. Sayo na siya.. Magsama ako. Out naman talaga ako.

"Ani.. "

Mahinang tawag sa akin ni Yohan. Pero hindi ko siya nilingon bagkus nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

"Ani.. "

Sabi niya ulit. Pero hindi ko parin siya nilingon.

"Hoy!  Bingi ka ba! Tinatawag na nga yong pangalan mo!"

Ha?  Si Jea Anna yon ha. Bakit naman niya sasabihin iyan. Dapatnva nagpapasalamat na siya dahil hindi ko nilingon ai Yohan. Minsan din hindi ko maintindihan tong babaeng ito. Napatigil ako ng lakad pero hindi ako lumingon.

"It's not what you think.. "

Biglang sabi ni Yohan. Nagpapaliwanag ba siya. Actually okay lang Yohan. Hindi naman ako galit na may gf ka. Sa akin lang, huwag mo akong idamay.

"It's okay. At walan naman akong iniisip. "

Sabi ko na hindi lumilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Ani.. "

Sabi ulit ni Yohan pero hindi na ako lumingon pa.

"Issh.. Tama na Yohan. Pumasok ka na. She don't deserve you. "

Inis na sabi ni Jea Anna, na parang may halong pag-aalala. At bakit niya sasabihin yong 'she don't deserve you. ' So kung sakaling gusto ko si Yohan, ipapamigay niya yong boyfriend niya?. Martyr naman niya. Kahit masaktan na siya.. Naku.. Naku,  kabataan na ngayon. Hayyst.

Makapagsalita naman ako,  parang ang tanda ko na haha.

Buti at dumating na si kuya Rai at makauwi na kami.

****

Updated!!!! Sorry hindi ko pa naedit.. Dami sigurong wrong spelling and wrong grammar.. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro