Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 14

After ng sunday worship sa church na pinapangunahan ni tito Pastor William ay hinatid na ako ni kuya Rai sa condo. I hope magiging okay ang araw ko bukas.. Hmm..

At maaga akong matutulog ngayon. . Ewan ko ba, at pagod na pagod ako.

Naghugas lang ako ng katawan, tapos na din naman akong kumain. Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama kong bagong laba lang ang bed sheet. Salamat sa pinapadala ni tatay na katulong dito minsan para linisan ang kwarto ko. Minsan lang kasi. Hehe..

'I am completely devoted to you..
My heart is wholly consume by your love.. '

Naalimpungatan ako sa tunog ng phone ko. 5:30am na ba, kaya tumutunog na yong alarm ko sa phone.

'I lay down my whole life
Just to see your face
I am wholly devoted to you..

No.. That's my ringtone. Napabangon ako, pero yong tinatamad na bangon. Kailangan ko kasing abutin yong phone ko sa table. Hmm, 11:38pm na ah, sino naman kaya itong tatawag ng ganitong oras.

It's Yohan?  Bakit? 

Ayuko sanang sagutin, pero naisip ko baka importante o baka naman mangungulit nanaman iyon. Sasagutin ko ba o hindi? Ops, namatay na ang tawag. Buti na--

Ha?  Tumunog ulit. Ano ba.. Bakit ba Yohan?  Sagutin ko na nga lang.

"Hello? "

Mga ilang seconds akong naghintay ng sagot ah. Sa simpleng hello ko lang na pwede namang sagutin ng two seconds lang.

"Hello?  Patayin ko na. "

Aalisin ko na sana sa tenga ko at i-e-end call nang marinig kong magsalita siya pero hindi ko maintindihan.

"Ano? "

"I just need someone to talk now.. Sorry for disturbing you. "

"Ha? Bakit? "

Sabi ko agad. After knowing na hindi good ang tito niya sa kanya, sino ba namang hindi mag-aalala sa kanya. Ai, bakit ba ako nag-aalala?

"Pwede ka bang kumanta? "

Nalaglag pa ang balikat ko. Hmm, akala ko pa naman..

"Ha?  Akala ko pa naman seryoso. Hmm, papatayin ko na tong tawag. Matulog ka na. "

"I'm serious here, I just want to hear you sing to lighten my feelings now. "

So totoo nga ang hinala kong may problema siya.

"Hindi ako magaling kumanta eh. "

"Please Ani, kahit ano na. Okay lang sa akin, please. "

Parang pacute pa na sabi nito. Ano ba to, kung hindi lang ganito ang sitwasyon mo ngayon. I will never sing for you.

Ano ano ano kaya?  Ah, yong tinuro nalang ni kuya Rai sa akin noong bata ako.

"Sige, pero huwag kang tatawa ha. "

"Bakit naman ako tatawa.. I will appreciate ano mang kantahin mo. "

Totohanin mo Yohan ah.. Totohanin mo..

"Hmmm.. "

Paglilinis ko sa lalamunan ko.

"Ako ay my lubo,  lumipad sa langit--"

"Pssff.. "

Tumigil ako,  eh halata namang nagpipigil siyang tumawa eh..

"Bakit ka tumigil? "

"Eh bakit mo ako pinagtatawanan? "

"Sige na ituloy mo na,  hindi naman ako tumatawa ah.. "

"Weh,  sinungaling! "

"Please Ani,  please.. Ituloy mo na.. "

Kapag tumawa ka pa Yohan ka, papatayin ko talaga itong tawag mo.

"Ako ay may lubo, lumipad sa langit.. Di ko na nakita.. "

Mukhang di nga siya tumatawa.

"Pumutok na pala, sayang ang pera ko.. Pinambili ng lubo.. Kung pagkain sana nabusog pa ako.. "

Ang tahimik niya ah.

"Ayan,  tama na. Matulog ka na. "

Sabi ko nalang..

"Pffft--wahahahahahahaaaha!!! "

See!  Sinungaling siya! Kaya ayon, pinatay ko yong phone. At hindi lang yon, inoff ko pa. Sabi sa inyo eh,  hindi mapapagkatiwalaan itong taong ito. Hmft. Makatulog na nga lang ulit.

Kainis,  nahihiya tuloy ako. Sabi nang hindi maganda ang boses ko eh.. Kainis talaga.

Sinundo ulit ako ni kuya Rai kinabukasan at sabay ulit kaming pumasok sa school.

Nilibre pa niya ako ng ice cream. Ang bait talaga ng kuya-kuyahan ko. Sana kasi totoo nalang.

"Hi, miss Ani!! "

Bati ni Ken sa akin at inakbayan pa ako. Kita na ngang kasama ko si kuya Rai eh.

"Hi Ani! "

Nandito rin pala si kuya Jude. Nakalimutan kong kung nasaan pala yong isa sa kanila ay nandon din yong isa. Asan si Ate Sandy? Baka may pinuntahan siguro kaya hindi nila kasama.

Heto at sabay-sabay na kaming naglalakad ngayon. Buti nga at nandito si Kuya Rai, kaya hindi ako pressured.

Nagkahiwalay lang kami noong nasa main building na kami.

Paakyat na ako sa hagdan ng mahagip ng mata ko si Yohan, at kasama pa niya si Jea Anna. Lumabas sila sa isang pink na kotse. At mukhang injured sa paa si Yohan. Anong nangyari? 

Pero bakit sila magkasama?  Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi nga makakapagkatiwalaan itong si Yohan. Anong tingin niya sa akin,  easy to get. At madami na rin siguro itong naging gf, o baka naman ex niya si Jea Anna. So balak niya siguro akong isama sa listahan ng mga babae niya. No way!  Now I know Yohan. Since today, back off!  I hate guys like you.

Deretso na akong pumunta sa silid aralan namin. Same as before, I don't talk to no one.

"Hi honey! "

Bati sa akin ni Yohan noong pumasok siya sa silid namin. Pero hindi ko siya pinansin. Well ganon naman na ako sa kanya dati pa.

"Thanks last night. "

Sabi pa nito. Hindi mo na ako maluluko no.. Never again.

"Ha? Is that for real Yohan!  You're a real men! "

Sinabi nong nakarinig sa sinabi ni Yohan. Ha?  Anong ibig nilang sabihin?  Wait?  Oh no!!

"Ha? "

Kunot noong tanong ni Yohan sa kaklase naming iyon.

"Saan kayo nagganon? "

Kahit bulong iyon ang lakas kaya narinig ko. Nagsimula namang magbulong-bulungan ang mga kaklase namin.

At ako,  I think namula nang husto ang mukha ko at naging kulay kamatis na. Stop!  Hindi ganon yon.

"Wait?  What are you thinking guys?  Mali ang akala niyo, nagpapasalamat ako kay Ani dahil kinantahan niya ako kagabi sa phone. "

Oh, thanks God. Safe na ako.

"Oh really?  Magaling palang kumanta si Ani. Nice pair kayo bro, parehong magaling kumanta. "

"Sample nga Ani! "

Sabi ng mga kaklase ko.

Huhu, I'm in danger again..

*****

Ako ay may lubo... Hahahaha wala akong maisip eh..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro