ANI 12
Lumipas ang mga araw at ang palagi ko paring kasama ay si Kuya Rai. At syempre laging sulpot anywhere anytime si Ken at Yohan. Minsan si kuya. Lagi niyang kasama yong babaeng kasama niya sa classroom noon. Yong pinagtaguan ko noong kinukulit ako ni Yohan, naalala niyo? At pinakilala na niya pala siya sa akin. Siya pala si Ate Sandy Vega. Magbebestfriend pala sila nila Ken at Kuya Jude. Magkababata pala ang mga ito.
At syempre, sikat na ako sa school ngayon. Usap-usapan nila ang mga maling paratang nila sa akin.. Hayss tas yong iba dinamay pa ang pagiging Kristyano ko. Hay naku hindi ba pwede sila ang kusang lumapit sa akin at hindi ako. Bakit ako ang mali at pinaparatangan ng mga maling paratang.
Hmm.. Lord bigyan niyo nga po ako ng patient at self-control baka maside kick ko sila isa't-isa. May background din naman ako ng taekwondo ha. Amazona kaya to. Hmm
It's saturday today. Kung hindi pa nagtext si Yohan hindi ko pa maaalala na may date pala kami. Nagreready pa naman akong pumunta na kina kuya Rai. Hmm. Later na nga lang.. Papasundo nalang ako sa kanya.
Hindi alam ni Yohan kung saan ako nakatira kaya sa SM kami magkikita. Nakuha naman niya yong number ko. Hmm, para sa sikreto ko.. Huhu.. Nakakaiyak naman ang ganito. Pwede pa ba ang ibang option.
Nagbihis nalang ako at pumunta na sa mall. Sa harap daw ng Starbucks niya ako hihintayin. Kaya doon ako pumunta noong makarating ako sa SM.
Pinagluluko ba ako ng taong iyon. Wala naman siya dito. Hmm.. Or baka ginugood time ako non.
Biglang may tumakip sa mata ko mula sa likod. Dali ko itong inalis at lumingon sa likod.
It was Yohan. At itong lalaki na ito sobrang laki ng ngiti.
"I like your get up. You're so unique. "
Ngek? Anong unique dito. Nakawhite printed blouse ako at jogger na black. Plus rubber shoes na black at blue na cap. Dadag ko na ang bagpack ko na leather hindi naman kalakihan iyon. Yong sakto lang. Parang parehas nga kami ng porma. Hindi lang siya nakabag. Ang hassle kaya magdress o skirt. At wala namang special sa date na to no.
Inirapan ko lang siya. Pero ngumiti lang siya sa akin at iniabot ang isang pulang rose na may dalawa pang dahon.
Tapos hinawi niya yong buhok kong nasama sa bangs ko. At saka binaliktad yong cap ko.
"Ayan, para i can see your face clearer... "
Sobrang ngiti lang talaga niya. Siya na ang masaya.
"I really love your bangs and your black long hair... "
Nakakailang naman itong pinagsasabi ni Yohan. Hindi ako makapagsalita tuloy.. Hmm..
"You're really cute when you're blushing too. .."
Ha? Halata ba? Hmm, tumigil ka na kasi.. Masyado na akong nacocontain sa mga sinasabi mo.
"San tayo pupunta ngayon? "
Tanong ko agad para maiba yong tapik.. Nakakailang kasi.
"Anywhere, basta kasama kita.. "
Kakornihan naman nitong si Yohan.
"Seriously, saan nga?"
Ngumiti lang si Yohan at inakbayan ako. Kapal ha. Inalis ko nga.
"Bakit ako hindi pwede, yong kasama ni kuya jude pwede. "
Biglang tampo kuno na sabi nito. Si Ken ba ang sinasabi nito? Hay. Naku, kapilingan naman ng lalaking ito.
Inirapan ko nalang ulit siya. Imbes na matakot ito ay kinurot pa ang ilong ko sabay sabing. .
"Maging sweet ka naman, kahit ngayon lang. Isang beses na nga lang, ganito pa. "
Eh paano naman kasi sobrang feeling mo. Gusto kong sabihin pero i'm not that kind of girl no.
"Tara na nga. "
Sabi ko nalang at sumunod nalang siya. Wait, baliktad ata. Dapat siya ang nagyayaya dahil siya ang manlilibre.. Hmm yaan mo na, basta siya gagastos. San ko kaya dadalhin ang mokong na to? Nag-iisip ako noong lingonin ko siya. Ala, lawak talaga ng ngiti nito.
"Why? "
Kunot- noong tanong ko.
"Just go ahead, i'll follow. "
Sinunod ko nalang siya kaysa mauwi sa sagutan nanaman.
Dinala ko siya sa bilihan ng brushes at canvas. Kailangan ko kasi ng bago eh. See, hindi nasayang ang time ko. Parang nagdala lang ako ng chaperone habang nagshoshopping.
After non ay omorder ako ng extra large na fries at cook float, tinanong ko din siya kung anong gusto niya. Ako na nga lang ang manlilibre. Pero syempre dahil gentleman kuno siya, siya ang nagbayad. Then after that ay pumunta kami sa third floor, showing ang Barcelona. Pero no way na manunood kaming dalawa, buti sana kung si Kuya Rai, pwede pa.
"Nood tayo. "
Yaya niya. Haha, sorry pero nakapagdesisyon na ako.
"Ayuko.. "
"Eh san mo gusto pumunta? "
Ahm, saan nga ba? Ah, oo doon.
"Sa kabilang gym. May third cup tournament daw ang taekwondo ngayon. Walong team ata ang kasali. Tara doon. "
"Okay.. Let's go then. "
Hmm, buti naman. Ayos naman pala itong si Yohan eh, hindi niya ako pinipilit ngayon ah. Kundi kung saan ko gusto ay doon din siya.
Pumunta nga kami doon at nanood. Nasa poomse competition pa sila. Excited akong makita yong dance at drama nila. Sana nga hindi pa tapos. Pero parang ang tahimik ng kasama ko ah.
Nilingon ko nga baka nabobored naman siya sa ganito. Gulay, laki parin ng ngiti at nakatitig pa talaga sa akin.
"What!? "
Tanong ko. Ang wierd kasi niya.
"I'm just happy.. "
"Ha? Why? "
"It's seems like your enjoying our date. "
Haha, kung alam niya lang ang mga pinag-iisip ko. Iniisip ko lang naman na chaperone ko siya at habang iniisip naman niyang nagdedate kami. Sama ko no. Sorry Lord.
Hmm.. Hindi ko na siya sinagot.. Basta nanood nalang ako.
After non ay dinala ako ni Yohan sa isang restaurant, tita niya daw ang may-ari non. Galing ha.. Sarap din ng mga pagkain dito.
Biglang tumayo si Yohan noong papalapit ang isang lalaki.
"Tito! Good afternoon. "
Saka nagmano dito. Tumayo din ako at nagmano din at ngumiti sa tito ni Yohan. But, he didn't smile. He just look at me then smirk. Napayuko ako dahil don. At nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Yohan. Ha? Anong meron?
Biglang nag-iba ang simoy ng hangin.
"So, siya ba ang papakasalan mo to get this resto? "
Ha? Ano daw. ???
"No, she's my friend. At please tito, we're here to eat. "
"Oh really? Para kasing may gusto kang ipakita.. "
He smirk again at umalis na sa harapan namin. Bakit kaya? Anong pinagsasabi nong tito ni Yohan. Nakaramdam ako ng awa sa lalaking kaharap ko. I saw his teary eyes, pero I pretend not to see anything. Pasimple siyang nagpunas ng mata then umupo na ulit. Sumunod nalang din ako.
"He's tito Gilbert. Asawa siya ni Tita Clarisse. "
"Ah,.. "
Yon lang ang nasabi ko. Gusto kong magtanong, parang gusto kong malaman kung bakit ganon yong tito niya pero... Hindi kasi ako ganon. At nahihiya akong tanungin ano man iyon.
"Let's eat Ani. Enjoy the food. Si tita ang nagluto niyan.. "
Is he pretending to be happy? Is he also keeping a secret like me? Suddenly ay naging curious ako sa lalaking kaharap ko.
*****
Hola niyo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro