ANI 10
Tumawa lang ng bahagya si Kuya Rai.
"No, she's like a little sister to me.. That's why i called her baby. "
Wika ni kuya bago bumaling sa akin at ngumiti. Narinig ko namang nagbuga ng hangin si Ken. Kaya napatingin ako sa kanya. Para siyang nabunutan ng tinik.
"That's good, cause she's soon to be my girlfriend. "
"What!! ? "
Sabay-sabay naming naisigaw nila kuya Rai, kuya Jude at Ken. Eksena talaga itong Yohan na to. Naku po.
"Tssk.. Kung hindi kita mauunahan. "
Biglang sabi naman ni Ken. Ha? Isa din to.
"Easy dude. "
Wika naman ni kuya Jude. Siniko lang ako ni Kuya Rai. Ngumiti siya at parang sinasabing 'ang haba ng hair mo baby. '
Inirapan ko lang siya.
"Sige! Mauna na kami! "
Bigla kong sabi at hinila si Kuya Rai palayo sa kanila. Narinig ko pang nagsalita si Ken pero hindi ko na pinansin pa.
Tumatawa lang naman si kuya Rai noong nakalayo na kami sa kanila. Asar din talaga ang taong to. Siya pala yong may-ari ng kotseng blue kaya familiar sa akin kanina.
"Ehem.. Balak pa nila akong palitan baby oh.. Di ba ako ang first love mo.."
At sinusundot pa niya ako sa leeg. Doon kasi ang kiliti ko. Haha, ganyan na yan noon pa. Makulit at mahilig mang-asar. Pero tama siya. Pero crush lang yong noon sa kanya. Pero saglit lang dahil pagkatapos kong sabihin na crush ko siya ai unti-unti ding namang nawala yong nararamdaman ko sa kanya. At naging close pa kami lalo dahil doon. Pero simula din noon, lagi na niya akong tinutuksong first love ko daw siya. He knows everything about me, kaya wala akong dapat ikabaha.
"Asar ka talaga Rai. "
Sabi ko lang sa kanya.
"Di ba? Di ba?... Di ba?? Aminin mo na kasi.. "
Minsan ai always pala ang kulit nitong si kuya Rai. Pero namiss ko talaga siya.
"Hindi nga..!! Kulit mo.. "
"Woah! Lumalabas na yang buntot mo! "
"Heh! Sige ka.. Iwan kita dito. "
"Hahahahaha hahahha.. Asar talo ka talaga baby.. Hmm, iiwan mo na ako eh hindi pa kita nayayakap. "
"Kulit mo kasi.. Eh.. "
"Oo na, sorry na po.. Hmm halika nga dito.. "
Lumapit ako pagkasabi niya non.. Malambing din kaya itong si Kuya Rai.
Pagkalapit ko ay hinalikan niya muna ako sa noo bago yakapin..
"I miss you a lot baby sis. "
"I miss you too Rai.. So much! "
At napangiti ako. Ilang minuto din kaming nagyakapan. Ganito din kaya kalambing na kuya si Kuya Jude? Pero parang nakakailang kapag siya. Ai ano bang iniisip ko nanaman.
"Look who's here. Nakikipag PDA sa iba. Kawawa naman si Yohan ko.. "
Bigla kaming nagkahiwalay ni kuya Rai sa pagkakayakap nang biglang may magsalita.
Naku, itong babae nanaman na ito. Kahit pala wala ka sa paligid Yohan.. Eksena ka talaga.
"Anong sinabi mo? "
Biglang tanong ni kuya. Ayaw ko silang patulan. Di ba nga ayuko ng eksena. Kaya hinila ko si kuya sa kamay.
"Rai, tara na.. Hayaan mo na sila. "
Sumunod lang naman si kuya sa akin.
"Girls where's my phone? I'll take picture para may ebidensya. "
Para akong kinuryente sa narinig kong iyon. Baka i-unpload niya iyon sa social media, at pagkakaguluhan ng lahat, malalaman ng buong school.. Malalaman din ni tatay.
No, hindi pwede... Lumingon ako para sana patigilin siya sa gagawin niya. Pero ako naman ang hinawakan ni kuya sa kamay at nagkatinginan kami.
Parang binabalik niya sa akin yong sinabi ko kanina sa kanya.
"Got it.. "
Napatingin pa ako sa babae na iyon. Ibig sabihin ba nito ay nakunan na niya kami? Oh my God. Anong gagawin ko..
"You two are cute.. Keep it up loser.. And don't bother Yohan anymore. He's mine. Bye! Let's go girls. "
Naku naku talaga itong babae na ito.
"Stop! "
Napatingin ako kay kuya. I didn't expect he would say that. Medyo madiliman ang mukha niya.
Lumingon naman yong babae at yong mga kasama niya.
"Yes? "
Natatawa pang sabi nito.
"Can i barrow your phone. "
Nakatingin lang ako kay kuya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
Napakunot naman ng noo yong girl.
"Why should I? "
Matapang pang sagot ng babae.
"At bakit hindi... "
Unti-unting lumapit si kuya sa babaeng iyon. Naalarma naman yong babae.
"Diyan ka lang.. Huwag kang lalapit. "
Parang natatakot nang sabi nong babae. Pero malapit na si kuya at hawak na nito ang braso ng babae.
"Kapag sinaktan mo ako idedemanda kita.. My dad is a lawyer.. Sige ka! "
Tapang talaga nong babae. Tiyak naman akong hindi sasaktan ni kuya yong babae. Pero hindi ko lang alam kong anong balak niyang gawin ngayon.
Inilapit niya yong mukha niya sa tenga nong babae. While yong isang kamay niya ay nakuha niya na yong phone nong babae na para bang hindi pa niya ito namalayan. Nakamulagat ngayon ang babae sa binubulong ni kuya. Saglit pa ay lumayo na siya ng kaunti at binalik na yong phone nong babae.
"Thanks for letting me borrow your phone. "
At nagwink pa si kuya sa babae. Bago pa niya ako lapitan at akbayan at naglakad na palayo.
"Anong sinabi mo? "
"Why? Selos ka? "
Hala, si kuya Rai. Hindi ba pwedeng curious lang, selos agad.
"Hindi, ano nga Rai? "
"Hmm.. Ayuko ngang sabihin baka sabihin mong hindi ako faithful sayo. "
Baliw talaga itong si kuya Rai.. Kahit kailan. Hmm hayaan mo na nga.
******
Crush niyo na si Rai no.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro