Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANI 1

6:45am na ako nagising. Napabalingkwas ako dahil I am sure na late na ako. 7:30 ang pasok ko. Oh no!  Buti sana kung malapit lang ang school ko dito sa condo. Eh 30 minutes na byahe pa naman iyon.

Kaya mas mabilis pa sa koneho ang pagkilos ko.  Toothbrush na agad kahit di pa ako kumain, no time to cook. Ligo~bihis~ayos ng gamit sa bagpack at ito takbo sa hagdan. Mas mabilis dito kaysa sa elevator eh.

Ops muntikan pa ako lumagpas sa paradahan ng jeep. Oh no, puno na. Taxi na talaga ang uwi ko nito late na talaga ako eh. Sayang nanaman ang magagastos ko eh nagtitipid pa naman ako. Huhu

Kinawayan ko ang papalapit na Taxi.

Bukas ng pinto at sakay agad ang ginawa ko.

"Kuya sa JW University po. Kuya pakibilisan ha, daan ka nalang po sa short cut kung may alam ka. Thank you. "

Sabi ko agad sa driver.  Ngumisi naman si kuya.

"Sige naneng.. "

Hay,  buti naman at madaling kausap si kuya.  Tinignan ko ang phone ko kung anong oras na. 7:08am na,  sana makaabot ako. Terror pa naman yong Prof ko sa first subject ko.

Pero thanks God,  galing humanap ng short cut ni kuya. May 5 minutes pa ako para tumakbo papuntang first subject ko.

"Hi ani! "

Sigaw ng isang babae noong dumaan ako sa hallway papunta akong covered court.  Doon kasi kami magkaklase. Well,  P. E.  po ang first subject ko.

Nginitian ko siya ng tipid. Kachurch mate ko yon.

Sige parin ako sa pagtakbo, wala nang pakielamanan kung anong itsura ko ngayon. Who cares?

Pero bigla akong nabundol sa isang matigas na bagay at tao pala iyon at heto napadapa pa ako sa kanya. Napaupo kasi siya.

Awkward...

Tumayo ako bigla at pinagpag sandali ang katawan ko. Nilahad ko yong kamay ko don sa nakabundol ko. Lalaki siya actually. At ayon,  ngumingisi siya.  Naku talaga, kung ayaw niyang kunin ang kamay ko para tumayo,  bahala siya iiwan ko na siyang ganon. Sorry Lord.. Late na ako eh.. Tapos.. Eerr..

"Sorry. "

Sabi ko nalang at hindi ko na hinintay na abutin niya ang kamay ko. Tumakbo na ako palayo sa kanya. Kahit yong ibang istudyante ay nakatingin pa sa amin.

Masyado na akong late para pansinin pa sila.

Sabi na eh, naka-asemble na sila. Kaya ito ninanamnam ko ang aking parusa. Naglilinis ako dito sa loob ng covered court habang nagkaklase sila.

Kasalanan ko din naman. Kung bakit ko pa kasi pinatay yong alarm clock ko noong nag-alarm ito ng 5:30. Sarap kasi matulog eh. Hmm pero next time di ko na talaga uulitin iyon.

First year palang po ako dito sa JW University. Kung nagtatanong po kayo bakit JW din ang pangalan ng building kung nasaan ang condo ko, ito ay dahil tatay ko po ang may-ari ng school at  nong building o condo na tinitirhan ko. Mayaman sila. Kaya huwag niyo akong paliguan ng maraming tanong niyo kung bakit ako nagtitipid o sumasakay ng jeep o kung bakit wala akong katulong na magluluto para sa akin. At wala ding nakakaalam kung sino ako sa school na ito. Tsaka ko nalang sabihin. Hindi ko feel eh.

Naglalakad na ang mga kaklase ko papuntang next subject namin kaya iniayos ko na itong mga pinanlinis ko at kinuha na ang bag ko. Sumunod na din ako sa kanila.

Maayos naman ang next subject ko.  At ng mga sumunod pa. Nakakapagparticipate naman ako kahit papaano.

Ang dami ko kayang pangarap kaya pinagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko.

Kapag lunch sa school ay lagi akong sa pinakasuloksulokang table sa cafeteria yung pangdalawahan lang. Wala kasing pang-isahan. Naupo na ako don at nilagay ang bag ko sa isang upuang bakante.

Payapa na akong kumakain ng may maingay na papalapit sa direksyon ko. Well may bakanteng table pa naman na pang-anim na tao sa tabi ng table kung nasaan ako. Kaya sure akong doon sila.  Hindi ko sila nilingon pero alam kong mga lalaki itong mga to. Tawanan,  kwentohan.. At.. Oh my..

"Sorry miss.. "

Sabi nong isang lalaki. At kinuha yong tissue sa tray niya at pinunasan yong buhok at likod ko. Natapon kasi yong juice niya sa likod ko noong dumaan sila.

Napatayo ako sa gulat. Ang lamig kaya. At wait, basa din yong strap ng bra ko. Wala pa naman akong pamalit nito.

Kinuha ko yong bag ko sa kabilang upuan upang umalis na doon. Eksena na kasi eh. Nakatingin na yong ibang istudyante sa amin.

Payuko na akong lumakad paalis doon. Kahit pinupunasan pa ako ni kuyang nakatapon ng juice sa likod ko. Noong makalabas na ako doon ay agad kong tinignan yong wallet ko. Gastos nanaman to. Kailangan ko ng pamalit na damit. May klase pa ako mamayang hapon.

Noong makita kong may sapat pa naman akong pera ay dumiretso na ako sa gate.

"Ani!!  Ani!!  Wait!! "

Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Napakunot-noo ako at lumingon doon.

Di ko siya kilala pero may dala siyang damit habang tumatakbo.  Classmate ko siguro siya. Kaya kilala niya ako.

Tinitignan ko lang siyang papalapit. Hinihingal na siya noong makarating siya sa kinatatayuan ko.

"Pasensya na talaga ha. Ito oh, isuot mo muna. Kinuha ko pa kasi yan sa locker ko. "

Wika niya at inabot sa akin yong damit. Hindi ko iyon inabot bagkus tumalikod ako at nagsimula nang maglakad.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang isampay niya yong damit na inaabot niya sa akin kanina sa balikat ko habang nakatalikod ako. Napatigil ako at kinuha yong damit sa balikat ko upang isuli sana.

Pero paglingon ko ay tumatakbo na siya paalis. Habang sumisigaw.

"Ibalik mo nalang yan kung kailan mo gusto!!"

Napasmirk nalang ako. Sa tingin niya ba makikilala ko pa siya. Hindi ko nga namemorize yong mukha niya. Hmm, pero thank you na din kasi nakasave ako. Maisuot na nga lang ito.

Pumunta na ako sa CR at doon na nagpalit. Pinunasan ko nalang ng wet tissue yong strap ng bra ko at likod ko. Pati buhok ko para hindi naman malagkit.

Medyo maluwang yong damit. Stripe na white and black siya at may apelyido sa likod.

Mukhang pangsoccer shirt ata ito. Binasa ko yong apelyido. 'Morley' ito pala apelyido niya. Tignan ko nalang bukas sa locker room ng mga soccer player ang apelyido niya at doon nalang iyon isuli.

Ganito na ako pumasok sa next class ko. May time nga na napapatingin yong mga istudyante sa akin.

Hay, at natapos din ang buong klase. Makakauwi na ako sa wakas. Rest time nanaman. Woah!

Masaya talaga ako kapag uwian. Syempre,  malayo sa ingay at sa madaming tao. I can be alone in my condo and paint until what time I want. Free from schedules and free from pressures. Yehey!

Dali akong lumabas ng gate ng school at pumara ng taxi.

Pasakay na ako noong may mag busina sa likod ng taxing tumigil sa harap ko. Hindi sana ako lilingon doon pero..

"Naneng, mukhang may sundo ka. Siya nalang isasakay ko. "

Wika nitong si mamang driver at sinenyasang lumapit yong katabi kong isang istudyante.

Bago pa ako makapagsalita ay nakasakay na yong istudyante at paalis na rin yong taxi. Seriously?? Kuya, ako kaya nauna. At hindi ko sundo iyon. Bumuntong hininga nalang ako.

"Miss Ani, saan ka ba nakatira? Hatid na kita! "

Napakunot-noo ako noong marinig iyon. Tama ba yong narinig ko. Lumabas kasi yong may-ari ng sasakyang bumubusina kanina at heto at ano yong sinasabi niya.

Pero no, ayuko no. Kaya hindi ko siya pinansin o tinignan man lang. Bagkus naglakad ako palayo ng kunti doon at nag-abang ng taxi.

Pero bigla itong umaandar at tumigil sa tapat ko. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya.

Problema kaya nito? Hay..

***

Enty one!  Hope you like it!  God bless you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro