Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56 (10/19/14)

Chapter 56

 

 

[Dionne’s POV]

 

Malamig na tubig. Nakakaramdam ako ng malamig na tubig sa paligid ng katawan ko. Para bang nakalutang ako dito. Nasa pool ba ako? O baka sa dagat? Pero wala akong maramdamang alon.

            May naaninag ako na isang nakakasilaw na liwanag na para bang nang gagaling sa araw. Dumilat ako at nagulat na hindi pala ako nakalutang. Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang pamilyar na restaurant.

            Ang restaurant kung saan nag tatrabaho dati ang kuya kong si Dylan bago siya mamatay.

            Pumasok ako sa loob ng restaurant. Ganun pa rin ang itsura nito katulad nung huling beses akong nag punta rito. Pero may dalawang bagay akong ipinagtataka.

            Una. Masyadong maliwanag sa kapaligiran. Wala namang ilaw at natatakpan ng kurtina ang mga bintana pero masyado pa ring maliwanag.

            Pangalawa. Walang katao-tao sa loob ng restaurant. Maging ang mga nag ta-trabaho rito ay wala rin.

            Naisipan kong mag lakad-lakad sa loob ng restaurant hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa kitchen.

            Doon ay may nakita akong isang lalaki. Naka-suot siya ng chef’s uniform at abala sa pag lu-luto. Nang makaramdam siyang meron na siyang ibang kasama, huminto siya at nilingon ako. Nginitian niya ako.

            Ganun pa rin ang ngiti niya tulad nang pagkakakilala ko sa kanya. Masaya. Parang walang dinadala na problema. Ang naiba sa kanya ay ang kulay ng balat niya. Hindi na siya maputla. Puno na ito ng buhay. At ang lusog na niyang tignan.

            “Kanina pa kita inaantay, Dionne,” nakangiting sabi niya sa’kin.

            At dito na ako nag simulang humagulgol ng iyak.

            “K-kuya Dylan!”

            Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ayaw ko na siyang pakawalan.

            Ang tagal tagal na panahon ko ‘tong hinintay. Yung makita ko ulit ang kuya ko at mayakap siya. Ito yung mga pagkakataong akala ko hindi na ulit mangyayari.

            Humiwalay ako sa pagkakayakap kay kuya.

            “Patay na ba ‘ko?” tanong ko sa kanya.

            Hindi ako sinagot ni kuya instead, nginitian lang niya ako at sinenyasan na umupo doon sa may bar counter ng kitchen nila.

            Sinunod ko naman siya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Lumapit siya doon sa kanina niyang niluluto at nag salok nito sa isang mangkok. Maya-maya lang ay lumapit siya sa’kin at inilapag sa harapan ko ‘yung pagkain.

            “Ang favorite ng bunso namin, sinigang na hipon.”

            “Wow!”

            Dali-dali kong tinikman ang luto ni kuya. Hindi pa rin nag babago ang lasa nito. Masarap pa rin katulad ng dati.

            “The best talaga ang sinigang na hipon mo kuya! Walang tatalo.”

            Tatawa-tawa naman si kuya na pinitik ako sa noo.

            “Ikaw, wag mo ipaparinig kay daddy ‘yan kundi naku, mag tatampo ‘yun.” 

            Natigilan ako bigla sa sinabi niya at napababa sa kutsarang hawak-hawak ko.

            “S-sina mommy at daddy, m-makikita ko na rin ba sila?”

            “Bago ang lahat, mag kwento ka muna sa’kin. Kamusta ka?”

            Bigla na naman may namuong luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy na naman at pag bagsak nito sa pisngi ko at ayaw tumigil.

            “G-gusto ko nang bitawan ang lahat, kuya.”

            Hindi siya sumagot at hinawakan niya lang ang kamay ko.

            “Gusto ko na sumama sa inyo. Gusto ko nang makita ulit sina mommy at daddy. Ayoko na lumaban. Wala na naman akong magagawa ‘di ba? Talo na naman ako ‘di ba? I don’t want to go back and see Japoy’s painful expression. Ayoko nang ma-witness na nasasaktan siya at nahihirapan dahil sa’kin. Kuya, bibitiw na ako.”

            Napa-hinga ng malalim si kuya Dylan then he brushed my tears away.

            “Sigurado ka na ba Dionne?”

            Tumango ako sa kanya, “oo kuya. Isama mo na ‘ko.”

            “Okay then,” tumayo si kuya at nag-tungo siya sa pintuan nung kitchen at binuksan niya ito.

            “Kailangan mo nang mag lakad sa landas na pinili mo,” sabi niya sa’kin.

            Tumayo ako at lumapit kay kuya. Tiningnan ko ang nasa labas ng pinto. Kung kanina, yung pinaka lobby ng restaurant ang nandito, ngayon iba na. Isang mahabang daanan na hindi ko tanaw ang hangganan.

            Tatanungin ko sana si kuya Dylan kung ano ang nasa dulo ng daanan na ito pero pag lingon ko, wala na siya.

            Siguro nga kailangan kong lakbayin mag-isa ang pinili kong landas.

            Lumabas na ako at tinahak ko ang daan. Sa huling beses, nilingon ko ang kitchen na pinanggalingan ko pero nagulat ako nang hindi ko na ito makita. Sa likod ko ay isa ring walang hanggan na daan.

            Nag-simula na lang ako mag lakad.

            Pinili ko na ‘to. Dapat panindigan ko. Bumitiw na ako. Dapat magaan na ang pakiramdam ko.

            Pero bakit ganun? Ang bigat bigat ng loob ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. ‘Di ba patay na ako? Dapat wala na akong nararamdamang sakit. Pero bakit ganito? Bakit parang ang sikip-sikip ng dibdib ko? Bakit naluluha ako? Bakit nasasaktan pa rin ako?

            Bawat hakbang ko, parang pabigat ng pabigat. Pero tuloy pa rin ako sa paglakad. Gusto ko nang makarating sa dulo. Gusto ko nang matapos ito. Ayoko nang makaramdam pa.

            “Dionne, mahal na mahal na mahal kita.”

            Bigla akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang boses na ‘yun.

            Ang boses ni Japoy.

            “Please, I’ll do anything para maging okay ka. Hindi ako aalis sa tabi mo. Babantayan kita. Aalagaan kita. Kaya please? Wag muna ngayon okay? Wag ka munang aalis. Wag muna, please Dionne. I love you very very much.”

            “J-japoy..”

            “I love you. I really really love you. Hindi pa sapat ang naging oras natin para iparamdam ko sa’yo yun. Kaya wag muna ha? Don’t give up. Please Dionne.”

            Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napaluhod ako. Sunod-sunod ang pag bagsak ng mga luha ko habang pinapakinggan ang boses ni Japoy na nag susumamo sa akin. Na nag mamakaawa na bumalik ako.

            Kaso sumuko na ako. Mababawi ko pa ba? Okay lang ba kahit saglit lang bumalik ako? Kahit isang minuto lang? Kahit saglit lang. Please! Gusto ko pa siya makita ulit kahit sa huling pagkakataon. Kahit isang yakap lang. Gusto ko pang bumalik. Gusto ko pa siya makasama. Kahit saglit lang.

            “Dionne…”

            Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Kuya Dylan sa harapan ko. Naka-ngiti siya sa’kin.

            “Masaya ako kasi kahit na iniwan kita, alam kong hindi ka nag iisa. Nakahanap ka ng taong mag mamahal sa’yo ng sobra-sobra.”

            I look at him with my tear-stained face, “kuya, may pag-asa pa ba para makasama ko siya?”

            “Miracle exists as long as you believe in them. Minsan akala natin, walang milagrong nangyari kahit na todo dasal na tayo. Pero sa totoo lang, palaging may miracle. Sadyang minsan, nangyayari ito sa mga bagay na hindi natin napapansin o hindi natin inaakala.”

            Ipinatong ni kuya ang kamay niya sa balikat ko, “Dionne, hindi ka pa pwedeng bumitiw dahil may bagay na hindi ka pa nagagawa. Pero pangako, pag bumalik ka dito sa lugar na ‘to, hindi mo tatahakin ang landas na ‘to nang mag-isa. Sasamahan kita hanggang sa dulo. Gagabayan kita. Ayun naman ang promise ko sa’yo ‘di ba?”

            “Kuya Dylan!” niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

             Naramdaman kong dumapi ang labi ni kuya sa noo ko.

            “Gagabayan kita…”

            Bigla akong nakakita ng nakakasilaw na liwanag. Sobrang nakakabulag hanggang sa until I saw a complete darkness.

            Pero may ingay. Ingay na nanggagaling sa life support. At boses. Boses ng isang lalaking kilalang-kilala ko.

            “I love you, Dionne. I love you. I love you.”

            Naramdaman ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko.

            Unti-unti kong idinilat ang mata ko. And the first thing I saw is Japoy’s tear-stained face.

            “D-Dionne?”

            Pakiramdam ko hinang-hina ako. Hindi ko halos ma-igalaw ang buong katawan ko. Pero kahit ganoon, sinubukan kong ngitian siya. At bumulong ako.

            “I love you too, Japoy…”

To be continued….

***


BITIN!!!!! Wahaha inunahan ko na ang mga readers XD (Wala na sanang mag co-comment ng bitin ples XD Taboo word! Taboo!)

Sorry for ze very short...and weird(?) update. Pero 'di bale, magkakaroon din yan ng sense soon :D

At dahil maikli ang update, susubukan ko pong makapag post ng panibagong update bukas o sa Monday. Promise susubukan ko talaga.

Whew. Onting-onti na lang matatapos na ang Angel in Disguise! Salamat sa pagbabasa <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life#love