Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 55
[Jake’s POV]
Posible palang maranasan mo na unti-unti kang namamatay kahit na alam mo sa sarili mong malakas pa ang katawan mo at humihinga ka pa rin ng tama. Posible rin palang maramdaman mong huminto na ang pag tibok ng puso mo kahit na dama mo pa rin ang kabog nito.
It’s been two months eversince she left me. But still, napaka-ikli pa ring panahon ng dalawang buwan para tuluyan kong makalimutan ang lahat nang nangyari sa’min. Masyadong masakit. Nakakabaliw. Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak para makalimot. Ilang beses ko ring pinlanong tapusin ang buhay ko kasi ang sakit-sakit. Hindi ko kasi maintindihan eh. Bakit nagawa niya akong iwanan nang ganun na lang? Mababaw ba talaga ang pag mamahal niya para sa’kin?
Bakit bigla na lang siyang nawala?
Ang sakit-sakit pala talagang maiwan sa ere. At dobleng sakit kasi naiwan na ako, hindi ko pa alam kung ano ang dahilan kung bakit.
Ganoon ba talaga ako ka-walang kwenta para iwanan niya?
Nung mga panahon na ‘yun, liit na liit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kwentang tao. Ni-hindi ko nagawang pigilan si Dionne na umalis. Wala akong kwenta.
Kaya nag sumikap ako. Ibinangon ko ang sarili ko. Tinanggap ko ang offer sa’kin ni Manager Rhian na bumalik sa showbiz pero this time, pinahalagahan ko na ang trabaho ko. Kung dati niloloko-loko ko lang ito, ngayon nag seryoso na ako.
I strived hard to be on top again. At sa loob nang dalawang buwan, unti-unti nang bumabalik lahat ng mga nawala sa’kin.
And no. I am not doing this for myself. I am doing this for Dionne. Hoping na pag bumalik na siya nang Pinas, makikita niya ako sa ganitong posisyon at maiisipan na niyang bumalik sa’kin.
Oo. Tanga na kung tanga. Iniwan na niya ako pero umaasa pa rin akong babalikan niya ako.
Ganoon ko siya ka-mahal.
Pero alam niyo kung ano ang nakakabaliw? Ang makita ko ulit siya.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko siyang nasa coffee shop na yun at nakikipag-usap sa isang lalaki.
Saya, selos, inis… at confusion.
Buong akala ko nasa China na siya. Ayun ang sabi sa’kin ni Tito Jin at ni Venus. Pero bakit eto siya ngayon, nasa harapan ko? Sino yung lalaking kausap niya at bakit ang ganda-ganda ng ngiti niya?
Bakit siya nag sinungaling sa’kin?
I confronted her. Nangibabaw ang inis at sakit na nararamdaman ko. Mas dumoble pa nang puro sorry na lang ang narinig ko sa kanya.
That’s why I dragged her outside. Naisipan ko nang dalhin siya sa unit ko at hinding hindi ko siya palalabasin doon hangga’t hindi niya ipinapaliwanag sa’kin ang lahat.
Nag uumapaw sa inis ang puso ko. Parang sasabog sa sobrang sakit. Hindi ko na naririnig ang mga nangyayari sa paligid ko at tanging ang galit na lang ang nangibabaw sa’kin.
Pero biglang nawala lahat nang inis na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses ni Dionne.
“J-japoy… pl—ease..”
Napahinto ako bigla sa paglalakad at napalingon sa kanya. She look so pale at pabagsak na ang mata niya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinalo siya bago pa siya sa matumba.
“Dionne?! Dionne!” inuga-uga ko siya pero hindi niya minumulat ang mata niya. Nanlalamig ang buong katawan niya at kulay papel na ang mga labi niya.
Dito ako nag simulang kabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sumigaw ba ako ng tulong o may nakakita sa’min. Hindi ko na rin matandaan kung kelan dumating ang ambulansya o kung kelan kami nakarating sa ospital.
Nakita ko na lang ang saili ko na nasa labas ng emergency room habang kaharap si Ninong Jin at sinasabi sa’kin na hindi ako pwedeng pumasok sa loob.
Hanggang sa mag-isa na lang ako sa labas.
Nanginginig ang buong katawan ko. Ayaw mawala ng kaba sa dibdib ko.
Anong nangyayari kay Dionne? Bakit siya hinimatay? Bakit idineretso nila ito sa ER? Ooperahan ba siya? May sakit ba siya?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa labas ng ER. Naka-yuko lang ako habang nakapatong ang ulo ko sa aking kamay. Hindi mawala-wala ang panginginig ng katawan ko at ang takot na nararamdaman ko.
“J-jake..?”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Venus na papalapit sa’kin.
“W-what are you doing here?!” nanlalaki ang mata niya habang nakaturo sa’kin.
“Ikaw, anong ginagawa mo rito?!”
“J-jake.. a-ano..”
Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang braso ni Venus at tinignan ko siya ng seryoso sa mata.
“May alam ka sa nangyayari ‘no?! Alam mong hindi umalis ng bansa si Dionne!”
“W-wait J-jake! Wala a-akong alam!”
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Venus at tinignan siya ng masama.
“You can’t fool me! Tell me what’s happening to Dionne?! May sakit ba siya ha? Bakit bigla bigla na lang siyang hinihimatay? At bakit ikaw ang sumugod dito sa ospital kesa ang pamilya ni Dionne!”
Venus’ eyes swelled up in tears. Napa-iling siya bigla pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko.
“VENUS, PLEASE! Please naman oh, sabihin mo na sa’kin kung anong nangyayari. Hirap na hirap na ako. Naguguluhan ako. Please explain to me everything!”
“I-I’m sorry Jake..”
“Ampucha naman oh!” sinipa ko yung umupan sa likuran namin dahil sa sobrang asar ko at napahilamos ako ng mukha. “Wala na ba kayong ibang sasabihin sa’kin kundi sorry ha?! Punyeta naman! Gulong-gulo na ko rito! Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman! Please naman, ipaliwanag niyo sa’kin ang lahat!”
“Japoy…”
Napalingon ako bigla sa likod at nakita ko si Ninong Jin na kalalabas lang ng emergency room. Dali-dali kaming lumapit ni Venus sa kanya.
“How is she?! How’s Dionne?!” nag aalalang tanong ni Venus sa kanya.
“Stable na ang condition niya ngayon at itatransfer na ulit namin siya sa room niya.”
Venus heaved a sigh, “thank God.. thank God..”
“What the hell is happening?!” inis kong sagot sa kanila.
Kanina pa kasi ako gulong gulo. Para nang sasabog ang utak ko sa sobrang pagiisip at confusion na nararamdaman ko. Wala ni isang nag sasalita sa kanila. They both avoided my gaze.
Gusto ko nang mag wala.
“Venus, iha, paki asikaso muna si Dionne. Japoy, come with me.”
Huminga ako nang malalim habang naka-sunod kay Ninong Jin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, parang sasabog ang puso ko sa grabeng lakas ng tibok nito.
Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Bakit ako ninenerbyos? Ayaw tumigil ng panginginig ng kamay ko. At yung mga hakbang ko, parang pabigat ng pabigat.
At the back of my mind, may maliit na ideyang pumapasok sa isip ko tungkol sa nangyayari. Pero ayaw tanggapin ng utak ko kaya pilit itong ibinabaon sa kadulu-duluhan.
Pumasok kami ni Ninong sa opisina niya. He motioned me to take a seat at sinunod ko naman siya.
Nakita kong napa-buntong hininga si Ninong Jin.
“I’m sorry Japoy kung nag sinungaling kami sa’yo. Hindi talaga pumunta si Dionne sa China at hindi niya talaga nakita ang mga kamag-anak niya. Y-you see… D-dionne is… Dionne is… she’s very sick.”
Napapikit ako bigla. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang ayoko na ata marinig ang mga susunod pang sasabihin ni Dr. Jin.
“Dionne has this very rare heart sickness. In born na sa kanilang dalawang magkapatid ang sakit na ‘to. Na habang tumatagal, unti-unting pinapatay ng sakit na ‘to ang puso nila…”
“Stop explaining it to me!!” sigaw ko sa kanya at napatayo ako bigla. Tinignan ko si ninong sa mata habang pinipigilan ko ang pangigilid ng luha ko. “Just tell me kung ano ang dapat gawin natin para gumaling si Dionne! Kailangan ba niya ng heart transplant? Kailangan ba niyang magpatingin sa ibang bansa?! Kailangan ba niya ng heart donor?! Tell me, ninong! I will do everything para gumaling lang siya!”
Iniwas ni ninong ang tingin niya sa’kin at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya.
“I—I’m sorry hijo… t-tatlong buwan na lang ang itatagal niya… Dionne is dying and I’m really really really sorry because I can’t do anything to save her life..”
“No..” bigla akong napaupo sa upuan na katapat ni ninong habang nanginginig ang buo kong katawan. “No… I can’t accept that… I refuse to accept that...”
“Hijo I’m sorry..”
“NO!” nilingon ko siya at this time, hindi ko na napigilan ang mga luha na bumuhos sa mata ko. “NO!! NO!! YOU’RE A FREAKING DOCTOR SO DO SOMETHING!! Hindi siya pwedeng mawala! Kahit anong paraan please iligtas mo siya! Hindi siya pwedeng mawala sa’kin! Ninong… please… Si Dionne! Mahal na mahal ko siya! Mamamatay ako pag nawala siya. Please Ninong!”
“Japoy.. I’m really really sorry,” nakita ko ang pag patak ng luha ni Ninong Jin. Parang mas lalo akong nanghina.
“Iduktong niyo ang buhay ko sa kanya! Kunin niyo ang puso ko! Basta buhayin mo lang siya! Ninong pag bigyan mo na ako! Ako na lang.. ako na lang ang kunin niyo wag na lang siya! Please wag si Dionne! Please! Please! Please! Hindi ko kayang mawala siya! Pakiusap naman!”
Tumayo si Ninong Jin sa desk niya at tinalikuran ako. My last ray of hope vanished into thin air.
Buhay na buhay ako. Pero dahil sa nalaman ko, parang unti-unti na rin akong pinapatay.
To be continued..
A/N
Three to five chapters left :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro