Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 53
[Venus’ POV]
“Venus lumabas ka diyan!!! Venus!!”
Nagmamadali akong bumababa ng bahay at pag-buksan ang lalaking nag wawala sa gate namin.
Kasalukuyan akong nag papahinga kanina galing sa shooting nung reality show na hino-host ko nang bigla kong marinig ang mga sigaw ni Jake.
Ano na naman ang problema nang isang ‘yun?!
Nang maka-rating ako sa gate namin, nagulat ako sa itsura ni Jake. He look so wasted. Ang gulo ng buhok niya at namumugto ang mga mata niya.
Agad-agad kong binuksan ‘yung gate, “Jake, what happened?!”
“Venus!” lumapit bigla sa’kin si Jake at hinawakan niya ng mahigpit ang magkabila kong braso. “Tell me, ganun na ba ako kasama ha? Wala ba talaga akong kwentang tao ha? Tell me!”
Halos matulala ako sa pinag-sasabi ni Jake. He looked miserable at amoy alak pa siya. Napatingin ako sa mata niya at nakita ko na may namumuong mga luha dito.
“J-jake, what happened? Bakit mo sinasabi ang mga bagay na ‘yan?”
Binitiwan ni Jake ang pagkakahawak niya sa braso ko at napahilamos siya ng mukha.
“Dionne left me. Sabi niya hindi niya ‘ko kayang pakasalan!” sinipa ni Jake ng malakas yung gate namin. “Tang ina naman oh! After everything we’ve been through! Matapos kong bitiwan ang lahat para sa kanya sasabihin niyang hindi niya ako kayang pakasalan?! Bakit ha? Tell me Venus, ano pa bang pagkukulang ko sa kanya?!”
“Jake,” hinawakan ko ang braso niya at ipinasok siya sa loob ng bahay namin. “Please, calm down.”
Inalalayan ko siya hanggang sa ma-i-upo ko siya sa sofa namin. Buti na lang talaga at wala ang mama ko dito ngayon kundi malilintikan ako pag nakita niyang may ipinasok ako sa’min na lasing at nag wawalang lalaki.
“Venus ba’t ang sakit?” sabi niya sa’kin habang nakapatong ang ulo niya sa dalawa niyang kamay. “She told me the reason why she’s leaving me is because I lose everything because of her. Pero hindi ba niya alam na siya ang lahat ko?! Hindi niya baa lam nung iwan niya ako, inalis na niya sa’kin ang lahat?!”
Hindi ako makapag salita at ang tanging nagawa ko na lang ay yakapin siya ng mahigpit habang umiiyak siya. Habang paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya.
Naguguluhan pa rin ako. Iniwan ni Dionne si Jake dahil lang sa dahilan na ‘yun? Ang hirap paniwalaan na iyon lang ang dahilan. Impossible.
Pero kung sakali man na sa ganung dahilan lang talaga iniwan ni Dionne si Jake, then I will hate her for the rest of my life.
I am in love with Jake Marquez.
Pinapakita ko sa kanila na naka moved-on na ako, na wala na akong paki sa kanila ni Dionne, but deep in side, naiinggit at nasasaktan pa rin ako.
I guess, ang hirap hirap mag move on sa taong ‘to.
Pero kahit ganoon, hinayaan ko na sila ni Dionne at hindi ko na sila ginulo. Tapos malalaman kong ginanito lang siya ng babaeng ‘yon?!
Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Nakakainis ang ginawa niya. Hu-huntingin ko talaga siya hangga’t sa sabihin niya sa’kin ang tunay na dahilan. O kung hindi man, patitikimin ko talaga siya ng isang sampal nang matauhan siya!
Nung medyo kumalma na si Jake, inalalayan ko siya paakyat papunta sa guest room namin. At pagkadating namin doon, sumalampak agad siya sa kama at nakatulog. Gawa na rin siguro ng sobrang pagod at kalasingan.
Iniwan ko muna siya doon at pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga na rin. Kaya lang hindi ako makatulog. Na-b-bother ako sa nangyari. Kahit anong isip ko, hindi ko pa rin maintindihan si Dionne kung bakit niya nagawa yun.
Nakita ko na mahal na mahal niya si Jake kaya hindi mapiga ng isip ko kung paano niya nagawang umalis.
O baka naman nalinlang lang ako ng nakita ko?
Bakit ba kasi ang miste-misteryoso ng babaeng yun to the point na kahit ako eh naf-frustrate na sa kanya!
Dahil hindi na rin naman ako makatulog, bumangon na ako. Tutal mag a-ala-sais na rin naman ng umaga eh. Naisipan ko na lang na maligo muna at lumabas para bumili ng pwedeng ma-ipa-almusal kay Jake.
Pa-sikat pa lang ang araw nang nag mamaneho ako papunta sa grocery store. Medyo madilim-dilim pa kaya naman halos ma-ibangga ko sa puno ang kotseng dina-drive ko nang mapadaan ako sa simbahan at nakita ko si Dionne.
Huminto agad ako at tinitigan ko maigi ang babaeng kalalabas pa lang sa simabahan.
Si Dionne nga!
May kasama siyang isa pang babae na naka-akbay sa kanya. Bababa na sana ako para lapitan siya pero biglang pumara ng taxi yung kasama niya pinasakay na niya si Dionne dito.
Dali-dali kong sinundan ‘yung taxi kung saan nakasakay si Dionne.
Ngayon malalaman ko na kung saan ka nagtatago.
Buti na lang talaga at maaga pa kaya maluwag ang daan. Madali kong nasundan yung taxi. Nagulat ako nang bigla itong huminto sa tapat ng isang ospital at nakita kong bumaba rito si Dionne.
Anong ginagawa ni Dionne sa ospital?
Hindi kaya lihim na naman siyang nakikipag kita kay Dr. Jin?
Agad akong humanap ng parking lot at pumasok na rin sa ospital. Kaya lang pagdating ko doon, hindi ko na alam kung saan nag suot si Dionne.
Lumapit ako sa nurse station at napahinto bigla ang mga nurse na nandoon. Malamang eh na starstruck nang makakita ng artista.
“Hi Ms. Venus!” bati nung isang lalaking nurse.
“Hi!” I smiled at him sweetly. “Uhmm, nandito ba si Dr. Jin?”
“Opo! Nandito po siya. May appointment po ba kayo sa kanya?”
“Ah, naku wala. I’m just visiting him. Family doctor kasi namin siya,” sagot ko naman while still smiling sweetly.
Naku naman! Mahulog ka na sa alindog ko at sabihin mo na sa’kin kung nasaan ang doctor na yun.
“Oh pasensya na po Ms. Venus, he’s very busy at the moment. Okay lang po ba kung i-text niyo na lang po muna siya?”
“Okay,” tinalikuran ko agad yung nurse at bigo ako. Hindi man lang bumigay sa charm ko.
Kung busy si Dr. Jin, bakit si Dionne nakapasok?!
Hmp! Wag niyang sabihing pasyente niya si Dionne?!
Bigla akong natigilan at parang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi nga kaya….?
Lumapit ulit ako doon sa nurse station.
“Ahm on the second thought, dadalawin ko na lang pala ang kaibigan ko kaso hindi ko alam ang room number niya eh.
“Ano po bang name ng kaibigan niyo?”
“Dionne Sy.”
“Ah sige po check ko lang ah?”
Kumakabog ang dibdib ko habang tinitignan nung nurse yung mga files na hawak-hawak niya. Maya-maya lang din, tumingin siya sa’kin.
“Nasa room 412 po si Ms. Dionne.”
I tried my best to smile, “thank you.”
Dali-dali akong umalis papunta sa elevator at parang mas dumoble ang kabang nararamdaman ko.
Nandito nga si Dionne. Naka-confine siya sa ospital na ‘to. Pero bakit?
Napapikit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Parang napag duduktong-duktong ko na ang mga nangyari pero ayaw tanggapin ng utak ko.
Please, sana mali ako ng hinala. Please.
Narating ko ang fourth floor at pabigat ng pabigat ang mga hakbang ko habang nag lalakad ako papunta sa room 412. Pag dating ko doon, nakita ko ang pangalan ni Dionne sa labas ng pinto. Isang patunay na siya nga ang naka-confine doon.
Hindi ako kumatok. Sinubukan kong buksan ang pinto and luckily, hindi ito naka-lock.
Hindi ko pa man masyadong na-o-open ang pinto, nakarinig ko na agad ang boses ni Dr. Jin.
“Dionne, sabi ko naman kasi sa’yo wag ka nang lumabas. Hindi na maganda ang lagay mo eh.”
“Dr. Jin, nag paalam lang po ako sa mga kasamahan ko sa choir. Wag po kayo mag-alala sa’kin, ayos lang ako. At hindi ko rin tatangkain mag suicide. Tutal onti na lang din naman ang oras na itatagal ko sa mundo.”
Bigla kong napabukas ang pintuan at pareho silang napatingin sa’kin.
“V-venus?!” gulat na gulat na sabi ni Dionne.
“Anong ibig mong sabihin doon ha? Na onti na lang ang oras na itatagal mo?”
Iniwas ni Dionne ang tingin niya sa’kin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang braso.
“Dionne sagutin mo ako! Anong ibig mong sabihin doon!!”
“Ms. Venus!” hinatak ako papalayo ni Dr. Jin kay Dionne. “Please calm down!”
“D-Dr. Jin, kailangan po ata namin mag usap ni Venus.”
Binitiwan ako ni Dr. Jin, “sige maiwan ko na muna kayo.”
Hindi ko na napansin na lumabas na siya ng kwarto. Nakapako lang ang tingin ko kay Dionne habang nanginginig ang buong katawan ko.
“Venus…I-I’m dying…”
At doon na bumagsak ang mga luha sa mata ko.
“Hanggang kelan na lang?”
“Sabi ni Dr. Jin, in five months, titigil na sa pag tibok ang puso ko.”
Ayaw mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang mga sinasabi ni Dionne.
Napapikit ako habang patuloy pa rin na bumabagsak ang luha sa mata ko.
“Kaya mo ba iniwan si Jake?”
Hindi ako sinagot ni Dionne. Tinignan ko siya ng seryoso.
“Kailangan niyang malaman ‘to.”
“No, please! Venus please wag mong sasabihin kay Japoy! Please!”
“Dionne, Jake deserves to know! Ano, wala kang balak sabihin sa kanya hanggang sa mawala ka na ha?! Hindi mo ba alam kung gaano siya masasaktan pag nalaman niya kung kelan wala ka na?! Baka ikamatay rin niya ‘yun!”
“Hindi! Wag mong sasabihin sa kanya! Please! Please!” napahagulgol ng iyak si Dionne. “Sabihin mo na lang sa kanya na nasa China na ako. Na masaya na ako doon. Na may ibang buhay na ako na hindi na siya kasama. Venus,” hinawakan ng mahigpit ni Dionne ang kaliwang braso ko, “sabihin mo sa kanya kung gaano ako ka-walang kwentang babae. Hayaan mong magalit siya sa’kin ng husto hanggang sa puso na niya mismo ang kumalimot sa’kin! At tutulungan mo siyang makalimutan ako Venus. Alam kong hindi mo pababayaan si Japoy.”
Kinalag ko ang pagkakahawak niya, “bakit kailangan mong gawin ‘to? Bakit kailangan mong pahirapan ang mga sarili niyo?”
“Dahil alam ko ang sakit ng mawalan. Ang sakit na halos nakakabaliw dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi na sila babalik sa’kin. Ayoko iparanas kay Japoy yun. Ayoko…”
“Pero paano ka Dionne? Paano ka?”
Napa-hinga ng malalim si Dionne and then she gave me a sad smile habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
“Magiging okay lang ako.”
Tanging hagulgol na lang ng iyak ang naisagot ko sa kanya dahil kahit sabihin niyang magiging okay lang siya, alam kong hindi.
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro