Chapter 40 *questions*
A/N Look niyo yung drawing sa side -->>
Dionne's fan art..Drawn by Dianne Zaragoza from twitter! Ang ganda di ba? <3
***
Chapter 40
*questions*
[Jake’s POV]
“oh ano? May bago ka na bang boyfriend diyan ha? May bago nang pumuporma sayo? Nakalimutan mo na ng tuluyan yung Hapon na yun?” tanong ko kay Maisie habang kausap ko siya sa Skype
“kuya naman! Dalawang Linggo pa lang ako dito. Hindi ka naman masyadong excited niyan?!” =___=
Sinimangutan ko si Maisie.
Dalawang Linggo na simula nung umalis yang babaeng yan dito sa Pilipinas. So far nakikita ko namang okay lang siya. At yung Hapon na si Rui naman? Mukhang mas okay na okay din kasi wala naman siyang ibang ginawa kundi ang umaligid sa chimay ko. Tss. =__=
“eh bumalik ka na ulit kasi dito! Feeling ko talaga may gusto sayo yung Hapon na yun, manhid lang siya at nagbubulagbulagan lang sa chimay ko”
Nginitian naman ako ni Maisie “kuya, wag mo nga akong gamitin para ilayo si Rui sa Dionne mo! Kung gusto mo talaga siyang makuha kumilos kilos ka na baka maunahan ka ni Rui. Yung Hapon pa naman na yun, ang daling mahalin”
“h-hoy! A-ano ba yang pinagsasasabi mo! Hindi ko type yung chimay na yun no! Alam mo naman mga trip ko di ba?! Yung maganda, sexy, malaki boobs, yung mga ganun!” =__=
Nagpangalumbaba si Maisie “hmmm kuya ang sweet niyo nung despedida ko. Nung nagsasayaw kayong dalawa”
“heh! Tumigil ka! Sinayaw ko lang siya nun kasi nakakaawa naman at baka mag butas lang siya ng upuan!”
“weh?”
“oo nga! Sige na nga bbye na! may gagawin pa ko!!”
Tumawa ng malakas si Maisie “hahaha sige na kuya bye na!”
Nag log-off na ko sa skype at pinatay yung laptop ko. Bwiset talaga na babaeng yun, sa lahat ng taong i-iissue ako kay Dionne pa? di ba siya nandidiri?! Tsaka di niya naisip na maiinlove lang ako sa babaeng yun pag naging puti na ang uwak?!
Alam ko kung gaano kapatay na patay si Dionne saakin. Well given na ang reason kung bakit. Sobrang hot ko. Kahit si Maria Clara nagiging wild ng dahil saakin. Pero para ako na mainlove kay Dionne?
Sa panaginip lang ata pwede mangyari yun. =__=
Lumabas ako ng kwarto ko dahil nagutom ako at gusto ko ng meryenda. Nadatnan ko naman yung chimay ko na nakaupo sa sofa at seryosong seryoso na nanunuod ng T.V.
Wow ha! Porket nagka rest day ako ng isang Linggo eh magpapakatamad na siya! Bat kesa maglinis siya eh panuod-nuod na lang siya ng T.V?!
“Hoy!” sigaw ko sa kanya “bat ka nanunuod ha! Bat hindi ka gumawa ng gawaing bahay kesa nandyan ka sa harap ng TV at nag wa-waldas ng kuryente ko?!”
“tapos na po ako maglinis ng banyo, sala, at dining room. Kagabi ko pa nalabahan yung mga damit mo at naplantsa ko na sila kaninang umaga. Naigawa narin kita ng meryenda” sabi ni Dionne na hindi inaalis ang tingin doon sa TV “grabe ang ganda naman ng movie na ito…”
Tinignan ko yung pinapanuod ni Dionne. Isang lumang movie na nakalimutan ko na yung title. Napanuod ko na ata to once pero hindi ko nagustuhan kasi napaka drama at puno ng depression ang dala.
“tsk..” sabi ko sabay alis sa sala at pumunta sa kitchen para tignan kung ano yung inihandang pagkain saakin ni Dionne. Nakita ko naman sa isang bowl ang nachos. Kinuha ko ito at inamoy. Amoy normal naman. Mukhang okay lang ang pagkaka luto niya sa beef nito. Buti naman at kahit papaano eh natututo nang magluto ang chimay na yan. =___=
Kumuha ako ng lemonade sa refrigerator ko at habang dala dala yung nachos at inumin ko, dumiretso ulit ako sa sala kung saan nandun si Dionne at busy manuod.
Naupo ako sa tabi niya.
“panget naman ng movie na yan! Puro kadramahan! May DVD ako diyan ng Iron Man, yun na lang panuorin natin!”
“eeeehh ayoko! Ang ganda na eh!”
“sino ba amo?!”
“sino ba nauna sa harap ng t.v?!” sagot niya saakin.
Nanlaki mata ko “bakit ha?! Sino ba ang nagbabayad ng kuryente?!”
Nginitian ako ni Dionne “sino ba ang naglilinis ng t.v na yan?”
Biglang nag init ang ulo ko “hoy! Binabayaran kita para maglinis! Baka nakakalimutan mo!!!”
“pero kung wala ako, edi ang gulo na ng bahay mo?”
“para sabihin ko sayo madami akong pwedeng maging chimay no!! maraming magagaling diyan mag-alaga, marunong magluto, hindi pakielamera, hindi isip bata, hindi abnormal, hindi matakaw, at hindi weirdo na katulad mo!!!” sigaw ko sa kanya.
Pero kesa mainis siya, nakita kong mas lumawak ang ngiti niya.
“hehehehe madami naman palang iba Japoy eh.. pero bakit hanggang ngayon, ako parin ang nasa tabi mo?”
Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dionne..
“k-kasi a-ano eh.. k-kasi…. MANAHIMIK KA NA LANG AT MANUOD DIYAN!” sigaw ko sabay iwas ng tingin sa kanya
“yehey! Hindi niya na ipapalipat!!”
“tsss”
Napakunot na lang ako ng noo. Bwiset na babae to kung ano-ano kasi ang tinatanong eh! Anak ng alcohol!! =__=
Kesa magtatanong pa siya ng kung anu-ano, hinayaan ko na lang siya panuorin yung gusto niyang panuorin at syempre ako na may-ari ng t.v, ako na amo, ako na nagbabayad ng kuryente… ay walang nagawa kundi maki-nuod na lang sa CHIMAY ko.
“Landon, I’m sick”
Tinignan ko kung saang part na si Dionne sa pinapanuod niya. Ayan na nga po, ang dramahan part na nakakaumay to the point na it made me want to vomit =__=
(Note: The movie that Dionne and Jake watching is A walk to remember)
“I'll take you home. You'll be fine...” sabi nung bindang guy na Landon ata ang name
“No. Landon! I'm sick.” I saw how the lead actress’ eyes became watery “I have Leukemia.”
There is a long pause between the two of them.
I glanced at Dionne to see her expression at mukhang dalang-dala siya sa scene to the point na parang paiyak na rin siya.
“No. You're 18. Y-you're perfect.”
“No. I found out two years ago and I've stopped responding to treatments.”
“So why didn't you tell me?!” the actor shouted
Bigla naman napahawak si Dionne sa braso ko.
Yung totoo, drama ba pinapanuod namin o horror?! Bakit makahawak to sa braso ko wagas?! Ano nanananching lang?! =__=
“The doctor said I should go on and live life normally as best I could. I - I didn't want anybody to be weird around me.”
“Including me?”
“Especially you!”
Naramdaman kong mas napahigpit ang hawak ni Dionne sa braso ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nangingilid na ang luha sa mata niya.
Jusko, pelikula lang pala ang magpapaiyak sa babaeng to. =___=
“You know, I was getting along with everything fine. I accepted it, and then you happened!” sabi ni Jamie, yung bidang babae sa movie. She look at her leading man with teary eyes “I do not need a reason to be angry with God”
And with that, napahikbi na ng iyak si Dionne.
“huhuhuhuhu ang sakit nun! Ang sakit nang nangyayari sa kanila! Uwaaaaaaa” pinunas punas ni Dionne yung mukha niya sa manggas ng shirt ko “Japoy nakakaiyak! Uwaaaaaa! Huhuhuhuhuhu!” T____T
“Yuck ano ba!!” sigaw ko sabay hatak nung manggas ko sa kanya “wag mo ngang gawing tissue paper ang damit ko!! Nakakadiri ka ha!!”
“eeeehhhh nakakaiyak eh! Nakakaiyak! Huhuhuhu” sabi niya habang lumuluha.
“nunuod-nuod ka niyan tapos iiyak iyak ka ngayon?! Tss!” inagaw ko sa kanya yung remote “akin na nga yan!” pinatay ko yung T.V
“waaaaaaaaaahh bakit mo pinatay Japoy!!! Nanunuod akoooo!” T___T
“heh! Wag ka na manuod! Matulog ka na lang!”
“eeeeeehhhhhhhhh nakakaiyak na eh! Gusto kong makita kung paano lalabanan ni Landon at ni Jamie ang sakit! Huhuhuhuhu”
“Mamatay si Jamie at maiiwang miserable si Landon! The end!” sabi ko sa kanya
“kainis ka naman eh!” nag pout si Dionne then napabutong hininga siya “pero kawawa naman si Jamie..”
Tinignan ko siya “anong kawawa?! Mas kawawa si Landon kasi iiwan siya” iniwasko ang tingin ko kay Dionne “masakit kaya ang iwanan na lang basta..”
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Dionne ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
“Alam ko yun Japoy, ilang beses na nga bang nangyari saakin yun? Pero…” huminga siya ng malalim “s-siguro nasasaktan din yung mga taong nangiwan satin lalo na kung alam nila na wala na silang magagawa kung hindi ang umalis.”
Tinignan ko si Dionne habang nakangiti saakin.
Isa na naman ngiti. Pero bakit parang iba ang pinapakita saakin ng mata niya?
Ilang beses na nga bang naiwan si Dionne ng mga taong mahal niya? Ang daddy niya, ang mommy niya.. pati ang kuya niya. Lahat sila nakita ni Dionne kung paano bawian ng buhay. Pero sa kabila nang yun, pilit parin niya iniintindi ang sitwasyon.
Para tuloy ako ang nasasaktan para sakanya.
Bumitiw si Dionne sa pagkakahawak sa kamay ko pero bigla koi tong hinila pabalik and this time, ako naman ang humawak ng mahigpit sa kamay niya.
“J-japoy.. b-bakit?” takang taka na tanong niya saakin.
Tinignan ko si Dionne ng seryoso “Tell, me ano ba talaga ang tumatakbo sa isip mo ha?”
“h-ha.. a-anong ibing mong sabihin--?”
I lean forward “masaya ka ba talaga ngayon?”
“t-teka J-japoy..”
Mas lalo akong lumapit sa kanya “bakit lagi ka na lang ngumingiti?”
“J-japoy..”
Palapit ako ng palapit sa kanya hanggang sa halos one inch na lang ang pagitan sa mukha naming dalawa
“ano ba talaga ang nararamdaman mo?” I told her in almost whisper..
Hindi siya nagsalita instead nakita ko na lang na halos nagpipigil na siya ng hininga. Napadapo yung tingin ko sa labi niya at eto na naman ako, para na naman akong sinaniban ng kung anong masamang espirito. Para na namang gusto kong idampi ang labi ko sa labi ng babaeng to.
Sabi ng isip ko, humiwalay na ako at lumayo. Sabin g isip ko, wag kong ituloy ang binabalak ko. Hahalikan ko na naman ang chimay ko?! Nahihibang na ba ako?! Hindi ba ako nandidiri sa gagawin ko?!
Pero ayaw kumilos ng katawan ko.
Nakita kong napapikit na lang si Dionne.
Sh1t lang! wag kang pumikit! Mas lalo akong nate-tempt na ituloy ang binabalak ko!
Mas lalo kong inilapit ang mukha ko hanggang sa magkadikit na ang mga noo naming dalawa. Onting maling galaw na lang ay magdadampi na ang mga labi namin.
*Dingdong dingdong dingdong dingdong!!*
Bigla kaming napahiwalay ni Dionne sa isa’t isa ng may mag doorbell.
“Sino ba yang grabeng makapag doorbell nay an?!” sigaw ko.
Bwisit naman oh!!! >__<
Padabog akong naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan yung mga bwisit na istorbong nag d-doorbell!
Teka, bat nga ba ako galit nag alit?! Dapat ata magpasalamat ako sa mga ito dahil hindi ko na naman naituloy ang nakakadiring plano k okay Dionne! I shoud be grateful! Yeah I should be grateful!!
Pero bakit overflowing na kainisan ang nararamdaman ko?! =__=
Binuksan ko yung pinto at tumambad sa pagmumukha ko ang isang Hapon.
“Jake nii-chan!!”
“anong ginagawa mo dito ha?!”
“obviously dinadalaw si Dionne!”
Bago ko pa siya mainvite papasok eh dire-diretso na siya sa loob.
“Dionne-chan!” bati niya dito
May mang gugulo na naman! Bwiset! =___=
“Jake..”
Napalingon ako ulit sa pintuan at doon ko lang napansin na hindi pala magisang nagpunta dito si Rui.
“Venus..”
She slightly smile at me
“pasok ka…” I told her.
Pumasok naman si Venus sa loob. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Well after ng premiere night ng movie namin at ilang T.V guestings, nag bakasyon muna ako ng dalawang Linggo samantalang itong si Venus naman ay pinagpatuloy na ang pag h-host niya ng isang programa. Well at least nagagawa na niya ang gusto niya.
“Hi Venus!!” masiglang bati ni Dionne sa kanya
Tinaasan siya ng kilay ni Venus “ano naman nangyari sayo ha?! Bat ang pula ng mukha mo?!” mataray na tanong nito kay Dionne.
Napahawak si Dionne sa mukha niya “a-ah.. e-eh. S-sa s-sobrang i-init lang..”
Napangisi ako.
Sobrang init na taglay ko? >:)
“D-dionne o-oo nga no! mainit ngayon! Gusto mo bang sumama mag beach saakin?” tanong ni Rui kay Dionne
“h-ha? P-pero k-kasi eh--”
“—hindi pwede, may trabaho siya saakin!” mariin kong sabi sa kanya.
“Peron aka vacation ka rin naman di ba? Wala naman masyadong gagawin si Dionne dito” sabi ni Rui
“eh ayoko siyang paalisin eh..”
“eh bakit ayaw mo siyang paalisin?!”
“eh sa ayoko nga eh ano magagawa mo ha?! Ikaw ba amo niyan?!”
Tinignan ni Rui si Dionne at biglang hinawakan ang mga kamay nito “Dionne mag resign ka na kay Jake. Kaya naman kita buhayin eh”
“h-hoy! Ano yang pinagsasasabi mo?!” sigaw k okay Rui
“eh kasi Jake, bat hindi mo na lang sila payagan” sabi naman ni Venus “after all, mukhang masaya mag beach ngayon..”
Tinignan ko si Dionne then tinignan ko si Venus at ngumiti ako. Inakbayan ko si Venus “sure basta kasama din tayong dalawa” I told Venus then I winked at her
“eeeeehhhh?! Nanze?!” [why?!] sigaw ni Rui “mag solo kayo ni Venus! Mag so-solo kami ni Dionne!”
“bakit ba! The more the merrier!” sabi ko sa kanya “at papayag lang ako na mag day off siya basta kasama kami ni Venus sa lakad niyo!”
Sumimangot si Rui “okay fine!” tinignan ni Rui si Dionne “I guess we don’t have a choice, but don’t worry, I promise na mag eenjoy ka”
Ngumiti naman si Dionne kay Rui “okay! Excited na ako!” sabi niya na parang ang saya-saya.
Mag-eenjoy?! Hmpf! Tignan lang natin kung makapag-saya ka na nandun ako!
(to be continued..)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro