Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 *hug*

Chapter 32

*hug*

[Venus’ POV]

 

“fcuk” bulong ko then napaupo na lang ako sa gilid ng elevator sabay takip ng mukha. Tinignan ko ang cellphone ko at walang signal ito kaya isa lang din itong walang silbing gamit.

We’re trapped inside and the worst part it, walang nakakaalam na nandito kaming dalawa ni Dionne.

Tinignan ko ng masama si Dionne

“it’s all your fault! Kung hindi ka nakielam kanina edi hindi kita hahatakin palayo at hindi tayo ma-ta-trap dito!” sigaw ko sa kanya

“pero kung hindi kita hinila edi nasaktan ka na niya..” sabi ni Dionne saakin

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya “Sanay na ko sa bagay na yun..”

Inangat ko ulit ang ulo ko at nakita kong nakangiti si Dionne saakin “kelan pa nakasanayan ng isang tao ang masaktan?” sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Sa totoo lang nakakabadtrip na tong babaeng to ah! Una dahil ang pakielamera niya, pangalawa ang daldal niya, pangatlo kung sabihin niya ang mga bagay na yan habang nakangiti, akala mo eh nang go-good time siya!

Nakakabadtrip talaga!

Kung sana si Jake na lang ang nakakita at nagtanggol saakin kanina at siya rin kasama kong matrap dito edi masaya!

“you know what, just keep your mouth shut okay?! Buti sana kung nakakatulong yang pag dadadaldal mo satin eh! Mas dinaragdagan mo pa ang inis ko!”

Yumuko naman si Dionne “s-sorry. Teka, tawagan mo kaya sila Japoy para alam nilang nandito tayo sa loob”

“at sino ka para utusan ako ha?!”

 

“p-pero k-kasi—“

 

“isa pa I’m not stupid! Yun ang una kong maiisip kaso hellooo, tignan mo oh walang signal!!!” pagtataray ko naman sa kanya sabay pakita sa kanya ng cellphone kong maganda pero walang kwenta dahil walang signal

Nagulat naman ako ng manlaki ang mata ni Dionne “uwaaaaaaaaaa!!”

“oh sigaw sigaw mo diyan?! Ngayon ka lang nakakita ng cellphone?! Kung sabagay wala sa bundok niyan..”

“hindi! Yung nasa wallpaper mo! Diba siya si Athena? Siya yung sikat na artista dati!!”

Agad agad kong tinago yung phone ko ng marealize ko yung sinabi ni Dionne.

“fan ka rin ba niya Venus? Dati kasi fan na fan niya ako! Gustong gusto ko siyang napapanuod sa TV dati. Ang ganda ganda niya no? tapos ang talented pa!”

I rolled my eyes “mas maganda at talented parin ako!”

“hehehe kung sabagay, ikaw na kasi ang sikat ngayon. Pero nasaan na kaya si Athena? Bigla na lang kasi siyang nawala eh.”

Iniwas ko ulit ang tingin ko kay Dionne “..she died…”

Nakita ko naman ang gulat ni Dionne ng dahil sa sinabi ko “d-died? T-teka paano mo nalaman? Bakit? Paano?” sunod sunod niyang tanong saakin

I look angrily at her “paano ko nalaman?! Because she’s my freaking sister and I hate her! Kung hindi siya namatay edi sana malaya akong ginagawa lahat ng gusto ko ngayon hindi yung ako ang nagpupuno sa pangarap niya!” sigaw ko

“V-venus.. I-I’m sorry..”

 

“but still… but still..” I trailed off.

But still I love Ate Athena to the point na hanggang ngayon, masakit parin ang nangyaring pagkamatay niya. Siguro kaya hindi ko rin magawang sawayin si mommy kasi kahit ako, sinisisi ko ang sarili ko sa pag kawala niya.

I hate it.

“kaya ba hindi mo mabitawan ang pag a-artista ng dahil sa kanya?”

Nagulat ako sa tanong ni Dionne. Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na yun?!

“I-I’m sorry, narinig ko lahat yung napagusapan niyo kanina…”

 

“at talagang may gana ka pang maki-chismis sa problema ng iba?! Napaka pakielamera mo talagang chimay ka alam mo yun?! Bwisit ka eh! Bad mood na ako, dinadagdagan mo pa ang pagkairita ko! Oh ngayon alam mo na ang pinagdadaanan ko, masaya ka na ha?! Masaya ka ng makitang nahihirapan ako ha?!” sigaw ko sa kanya

Dionne smile at me “ang sungit sungit mo saakin, kaya naman nakakagulat talaga na may ganyan kang pinagdaraanan. Kung masama akong tao, sasabihin ko na oo, masaya ako. Pero hindi dahil naranasan ko ring mamatayan ng isang kapatid..” lumapit saakin ng onti si Dionne “Sabi saakin ni kuya dati, magiging masaya siya pag natupad lahat ng pangarap ko sa buhay. Alam ko, ganun din si Athena sayo.”

“I HATE YOU!” sigaw ko kay Dionne

“Venus…”

“I hate you! I hate you! I hate you!” paulit ulit kong sigaw kay Dionne

Nagulat naman ako ng bigla na lang mag labas ng panyo si Dionne galing sa bulsa niya then she offered it to me. Tinignan ko yung panyo then I look at Dionne again.

Doon ko napansin na tuloy tuloy na ang tulo ng luha ko...

“I hate you..” bulong ko “I hate you, mom”

And with that, bigla na lang akong napahagulgol ng iyak doon sa harap ni Dionne.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at umiiyak ako ng ganito. Ayokong ayokong nag mumukha akong mahina sa harap ng ibang tao. Pero nakakapagtaka ngayon na umiiyak ako sa harap ni Dionne.

Sabi ng isip ko, itigil ko na ang kagagahang ginagawa ko. Pero bakit ganun? Ayaw makisama ng mata ko? Bawat pag patak ng luha ko, para bang dala-dala nito ang lahat ng sama ng loob ko. Gusto ko silang ilabas at parang nawawalan na rin ako ng pakielam kahit na nakikita ako ni Dionne na umiiyak ngayon.

“I hate my mom! I hate Ate Athena! But still… but still I love them very much!” paulit ulit kong sigaw habang umiiyak ako.

Hindi nag salita o umimik manlang si Dionne. Pero ang ikinagulat ko, lumapit siya saakin then hinimas himas niya ang likod ko habang patuloy akong umiiyak.

Bigla tuloy may nag flashback sa isip ko.

“ate hindi ko matanggap! 3rd place lang ako sa speech festival! Huhuhuhuhuhu! Pinag handaan ko to maigi tapos 3rd place lang ako! Huhuhuhuhuhuhu!”

 

“ano ka ba naman Venus, kahit 3rd place ka lang, napaka laking bagay nan a manalo ka. I’m very proud of you!”

 

“pero ate Athena..”

 

“halika nga dito”

 

Lumapit ako kay Ate Athena then hinimas himas niya ang likod ko para ma calm down ako at tumahan na sa pag iyak

 

“Venus kahit matalo ka man, ikaw parin ang champion para saamin ni mommy, tandaan mo yan! Basta baling araw alam ko magiging magaling ka na newscaster, mas magaling pa doon sa nag first place! Kaya wag na wag kang bibitiw sa dream mo ha>? Iintayin kitang maging newscaster”

Parang bigla na lang akong natauhan ng dahil sa flashback na sumagi saakin kanina.

Ate Athena told me to hold on to my dreams. Alam ko na hanggang ngayon hindi pa nagbabago yun.

Bakit pa ba ko nagpapakatangang gawin ang bagay na hindi ko naman talaga gusto?

Mas lalo akong napahagulgol sa realization ko.

This will be the very last time I’ll shed a tear. After kong maging luhaan, tatayo ulit ako and this time, ipaglalaban ko na ang gusto ko.

Pero sa ngayon, gusto ko munang ilabas lahat ng sama ng loob ko---kahit pa si Dionne ang mapaglabasan ko nito.

 

“I miss you, Ate Athena…”

 

 

 

[Dionne’s POV]

Hay, kelan kaya nila maiisipang i-check kung may tao dito sa loob ng elevator?

Halos tatlong oras narin kaming nakakulong ni Venus dito. After magiiyak si Venus, nakatulog siya gawa narin siguro ng sobrang pagod.

Napangiti ako habang tinitignan si Venus na matulog. Sabi ko na eh, kaya ganun siya makitungo sa ibang tao, meron siyang pinagdaraanan. Sabi nga nila, walang tao ang natural ng masama. Meron lang talagang nagtulak sa kanila para maging ganoon.

At si Venus? Kahit na lagi niya akong sinisigawan, sinusungitan at tinatarayan, nakakaramdam parin ako ng awa sa kanya kahit papaano. Pero siguro ngayon, hindi ko na siya dapat kaawaan kasi alam ko na matatag siya at lalaban na siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hay God, bakit po ba merong mga taong sadyang pinanganak na maganda? Ni hindi man lang sila nag share kahit kaunting blessings saakin! Siguro kahit sinong lalaki na makita si Venus na natutulog eh tiyak, maiinlove sa kanya.

Si Japoy kaya? Magkakagusto kaya siya kay Venus? Pero kung tutuusin, lagi silang magkasama. Meron na silang kissing scene meron pang bed scene!

Hindi malabong mangyari na ma-develop sila sa isa’t isa.

Parang bigla namang kumirot yung puso ko ng dahil sa idea na naiisip ko. Nakakainis naman! Pansin ko lately si Japoy ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko, ang pag lundag nito sa saya, at the same time, ang pag kirot nito sa sakit. He’s bad for the heart. Sabin i Ninong Jin, iwasan ko daw ang mga bagay na nakakasama sa puso.

Pero bakit di ko maiwasan si Japoy? >_<

“DIONNE!”

 

Bigla akong napatayo sa gulat ng marinig ko ang sigaw na yun.

“J-japoy?!”

“w-what happened?!” nakita kong bumangon si Venus sa pagkakaupo niya at nagising ng dahil sa sigaw.

“p-parang narinig ko ang boses ni Japoy!”

“huh?! Teka baka nasa labas na sila! Jake! Jake!!” sigaw ni Venus

Maya-maya lang din, bumukas na yung elevator at bumungad saamin si Japoy at ilang staffs ng building.

“WHAT ARE YOU DOING INSIDE THAT FREAKING ELEVATOR!” pambungad na sigaw saamin ni Japoy.

 

“aba’t sisihin mo yang chimay mong pakielamera kung bat kami natrap sa loob! Napaka chismosa kasi kaya ayan!”

 

Napatingin ako kay Venus. She’s back to her usual self again, but I can’t help but to smile. Mataray man siya, alam kong brand new Venus na ang kaharap namin.

Napatingin naman ako kay Japoy at nagulat ako ng makita kong nakatingin siya saakin ng masama.

“J-japoy..”

Walang sali-salita, hinatak na lang ako ni Japoy papasok sa loob ng dressing room niya.

“u-uy Japoy galit ka ba?”

 

“HINDI OBVIOUS!” sigaw nito saakin! “hoy chimay! Bigla bigla ka na lang nawawala! Hindi mo ba alam ha na halos mabaliw baliw ako sa paghahanap sayo?! Iniwan mo pa ang bulok mong cellphone dito kaya di kita ma-contact! Nakakaasar ka eh no! Alam mo ba yung naramdaman ko nung malaman kong na-trap ka sa loob ng elevator ha?! Alam mo ba yun?! Tapos tatanungin mo ako kung galit ako?!”

“J-japoy, s-sorry.. “ nauutal kong sagot sa kanya. Nakakatakot si japoy, kitang kita ko ang galit sa mata niya T___T

“From now on, sasabihin mo saakin kung saan ka pupunta! Wag kang mawawala sa paningin ko ng hindi nagpapaalam! Naiitindihan mo ba yun ha?!”

 

“o-opo!”

 

“AT ISA PA!!” biglang lumapit si Japoy saakin at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Hinatak niya ako papalapit sa kanya atsaka niya ako niyakap ng mahigpit na mahigpit.

“..at isa pa… I’m glad you’re safe… I’m really glad Dionne.. pinakaba mo ako ng husto..”




(to be continued....)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life#love