Prologo
Isang taon dalawang buwan tatlong linggo at anim na araw. Bilang na bilang ni Reese ang mga lumipas na araw mula ng masistensyahan siya sa kasalanang hindi ginawa. Kung kasalanang maituturing ang pagiging tapat niya sa nobyo at ang pangangarap ng magandang buhay, tatanggapin niya ang hatol ng buong puso. Subalit alam niya sa sarili na wala siyang ginawang mali, at bagkus, siya ang biktima ng karumal dumal na krimen.
Matapos mahuli ni Reese ang kasintahan na nangaliwa, nagpokus siya sa trabaho sa pag-aakalang makakalimutan niya ang sakit kapag naging abala siya sa pagkamit ng pangarap. Ngunit sa kompanya na kaniyang pinagtrabahuhan, doon pala mahihinto ang lahat ng kaniyang pag-asa.
Dahil sa kagandahang taglay, nakursunadahan siya ng boss na si Harry Borryson, isa sa mga pinakamayamang persona sa kanilang siyodad. Matanda na ito at may asawa. Pero nang makita ang bagong sekretarya na si Reese, humanap at humanap si Harry ng pagkakataong maangkin ang balingkinitan nitong katawan. At siya ay nagtagumpay! Isang gabi, ginahasa niya ang inosenteng sekretarya at binigyan ito ng mapait na ala-ala hindi malilimutan.
Labis na pandidiri at pagkasuklam ang naranasan ni Reese. Sinubukan niyang magsumbong sa awtoridad, pero hindi siya pinakinggan nito. At nang makarating sa asawa ni Harry ang balita, nabaligtad ang pangyayari.
Inakusahan si Reese na nagbebenta ng katawan kapalit ng pera. Sinabi ni Harry na sinubukan siyang akitin nito at nang hindi siya pumayag, nagnakaw pa si Reese mula sa kompanya.
Kanino sasang-ayon ang hustisya?
Siyempre pa, walang kahirap-hirap sa mayamang si Harry na manalo sa kaso.
Sa salang hindi ginawa, nasistensyahan si Reese na makulong ng anim na taon.
"Huh," singhap ni Reese bago magpakawala ng mahinang tawa.
Nang maubos ang halakhak sa kaniyang mga labi, tumingin siya sa kawalan habang ikinukuyom ang mga kamay.
"Limang taon. Limang taon pa ang hihintayin ko," aniya ng dalaga.
Waring dekada na ang lumipas habang naghihintay siya na makalaya mula sa kulungan. Ginawa niya ang lahat para maging mabuting tao at maging tapat. Pero anong nangyari? Sa masasama lamang pumapanig ang hustisya at lubusan siyang nawalan ng dangal. Kaya naman, sa oras na makalaya siya, pinapangako ni Reese na pagbabayarin ang taong bumaboy sa kaniyang pagkatao.
She vowed to kill Harry even if that means of selling her body to the devil.
Para mangyari ang hinihiling, kailangan niyang maghintay ng mahabang panahon. Kailangan niyang tiisin ang mahirap na buhay sa malamig, masikip at masangsang na kulungan. Higit pa roon, kailangan niyang tiisin ang pangmomolestiya ng mga lalaking gwardiya sa piitan.
Araw-araw ay impyerno ang buhay para kay Reese.
"Reese Marion!"
Itinungo ni Reese ang mga mata sa gwardiyang tumawag sa kaniya. Nakita niya si James, binubuksan ang kulungan gamit ang isa sa mga susing palaging nakasabit sa beywang nito.
"May bisita ka," balita ni James sabay hatak sa pintuan ng selda.
'Bisita?'
Sa tinagal-tagal ni Reese, ito ang unang pagkakataon na may bumisita sa kaniya.
Ulila siya at walang ibang kinilalang kamag-anak. Ang tanging naiisip niyang maaaring bumisita ay ang dating nobyo na si Mark.
Ang huling balita niya, nabuntis daw ni Mark ang babaeng naging dahilan ng kanilang hiwalayan at malapit na siyang ikasal.
'Huh. Nandito ba siya para magbigay ng wedding invitation?' inis na tanong ni Reese sa isipan.
Nanghihina man ang tuhod dahil sa mabigat na trabaho para sa mga preso kahapon, tumayo si Reese mula sa pagkakaupo.
Nagtungo siya papalabas ng selda, at bago pa man tuluyan makalabas, naramdaman niya ang paghipo sa kaniyang puwetan.
Goosebumps appeared.
Ito na naman si James, kinukuha ang bawat sandali na maka-iskor sa magandang dalaga sa pamamagitan ng paghawak.
Reese experienced worst than this by the hands of Harry Borryson. Pero sa tuwing hihipuan siya ng mga gwardiya, pakiramdam niya'y binabalatan siya ng buhay at sinasabuyan ng asin. Kung maaari lamang niyang pilasin ang mga balat mula sa katawan, gagawin niya ito.
Nanginginig sa pandidiri at poot, humarap si Reese sa guwardiya. Iniabot niya ang magkadikit na dalawang kamay.
Kinuha ni James ang posas at ikinabit ito sa magkabilang pulso ni Reese. Nakangisi siyang tumingin sa dalaga at bumulong.
"Bakit ang ganda mo parin hanggang ngayon?"
Kahit isang taon na si Reese sa kulungan, hindi parin lumipas ang ganda niyang taglay. Mayroon siyang bilugang mga mata na kulay tsokolate, mahahabang pilikmata, maliit at matangos na ilong, mapulang labi, at maputing balat na ngayo'y nababalutan ng pasa, gasgas at dumi. Still, among the female prisoners in the jail, she is the prettiest.
Hindi pagmamalabis na sabihing siya ang pinakamagandang babae na nakita ni James sa tala ng kaniyang buhay.
Mayroon siyang mala-anghel na hitsurang magpapaisip sa mga naroroon kung talaga bang isa siyang kriminal o hindi. Gayunpaman, hindi niya magagamit ang ganda para gumaan ang buhay sa presinto. Sa kasamaang palad, naging pahirap pa ito dahil takaw siya ng atensyon. May mga babaeng preso na naiinggit sa kaniya. At mayroon namang mga lalaking gwardiyang kumukuha ng tsansang mahipuan siya. Isa na rito si James na kaharap niya ngayon.
Lifting her head, Reese bit her lower lip. Kahit gustong gusto niyang patayin o saktan ang mga lalaking katulad ni James, alam niyang wala siyang magagawa kung hindi ang magtiis. Sa oras na gumawa siya ng gulo sa presinto, baka mapahaba pa ang kaniyang sintensya.
Kagat labing tumalikod si Reese mula kay James. Pagkatapos, sinamahan siya nitong maglakad papalabas ng selda.
Ito ang unang pagkakataon na makikipagkita si Reese sa kaniyang bisita. Kaya labis siyang kinakabahan.
'Is it really Mark?' tanong niya sa sarili.
"Hoy."
Napahinto siya sa paglakad dahil pinigilan siya ni James. Maya-maya, nanlaki ang kaniyang mga mata ng sinusian ni James ang posas sa kaniyang mga kamay at pinakawalan ito.
With her widened eyes, she looked at the suspicious guard.
"Tara," aya ni James na nauna sa paglakad.
Kinutuban si Reese sa nangyari. Talaga nga bang may bisita siya? O may masamang binabalak lamang si James.
Gulping, Reese followed him.
Sinundan niya ito sa paglalakad sa tahimik na pasilyo ng presinto. Nang matanaw ang pasilidad kung saan tumatanggap ng bisita ang mga preso, nagtaka si Reese.
Hindi kasi huminto si James sa paglalakad at bagkus, tuloy-tuloy lamang ito.
"T-Teka," Reese called.
James stopped and looked back at her.
"Hindi ba dito ang lugar kung saan pwedeng makipag-usap sa bisita?"
Binigyan siya ng James ng isang ngisi bilang sagot.
"Sa ibang silid ka pupunta."
Nang marinig ang sagot, kumabog ang dibdib ni Reese.
The dreadful memories came back into her mind. Ang gabi kung kailan siya ginahasa, ang oras na naiwala niya ang dangal, bumalik ito na parang bangungot.
Bago pa man makatanggi, hinatak ni James si Reese papaabante.
"Bilisan mo! Maikli ang oras," ang sabi ni James habang hinahatak siya nito.
"Hindi! Ayoko! Bitawan mo ko!" pagpipiglas ni Reese. Subalit hindi sapat ang lakas niya upang makatakas.
Kinaladkad siya ni James hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang silid na nasa dulo ng pasilidad.
"Tulong! Tulong!" sigaw ni Reese. Nagpupumiglas siya na parang nawawala sa katinuan.
"Tumahimik ka nga!" mariing utos ni James bago ito humarap.
Pagkaharap na pagkaharap ni James, agad na sinipa ni Reese ang pagkalalaki nito.
"Ahhhh!" umalingawngaw ang sigaw ng lalaki. Sa sakit ay napaluhod ito habang umuungol. "Sh*t."
Catching her breath, Reese watched James fell down on the ground.
Ito na ang oras para tumakas.
Nagmamadali siyang tumalikod at aakmang tatakbo pabalik ng sariling selda. Subalit bago pa man siya makalayo ay may malakas na puwersang humigit sa kaniya pabalik.
She looked behind and saw a man in black suit who's holding her wrist.
"Let me go!" sigaw ni Reese. Sinubukan niyang sipain ang lalaki pero mabilis itong gumalaw upang iwasan ang atake.
The man caught her arm and pinned her on the wall.
"Ahh!" Reese winced.
Isinandal siya ng lalaki na parang kriminal na nahuli. At kahit anong gawin ni Reese na pagpipiglas ay nanatili siyang walang laban.
Then, she felt him leaning closer. The man put his lips near to her ear and he whispered.
"Ayokong saktan ka. So please, calm down. Tahimik kang sumunod at makikita mo kung sino ang bumisita sayo."
Reese held her breath for a moment.
Totoo bang may bisita siya?
She has doubts.
Hinatak siya ng lalaki mula sa dingding. Marahan siyang itinulak papalapit sa silid na tinuro ni James kanina.
Nang makatayo sa harap ng pintuan, lumapit ang iika-ikang gwardiya.
"Sira ulo ka ha!" James complained. Inangat niya ang kamay, aakmang sasampalin si Reese. "Bakit mo sinipa ang..."
Tinitigan ng masama ng lalaki si James.
Reese saw how the man shut James up with just a stare, as if he has the power to command.
Napayuko na lamang si James at umatras.
Then, the man opened the door and gently pushed Reese inside.
Sa loob ng silid ay may dalawang upuan na napagigitnaan ng kwadradong lamesa. Ang isang upuan ay walang laman, pero sa kabila ay may nakaupong matandang lalaki na nababalutan ng gintong alahas.
He looks like someone who has diamond spoon in his mouth. Ang hindi lang maisip ni Reese ay ang dahilan kung bakit nais siyang makita ng lalaki na ito.
Is he just like Harry Borryson who desires young and beautiful woman like her?
Tinatagan ni Reese ang mga tuhod. Tinitigan niya ng masama ang matandang lalaki at ikinuyom ang mga kamao.
"I told them to treat you nicely," ang sabi ng matanda bago lumingon sa pulso ni Reese na may pulang marka na gawa ng sapilitang pagkaladkad. "But I think they are doing a poor job, right? Guard James?"
Ngumiti ang matandang lalaki kay James.
James, who just locked the door, trembled. His face went pale.
Matapos magsalit-salitan ng tingin sa matandang lalaki at kay James, napilitan si Reese na umupo sa bakanteng upuan sa tulong ng lalaking humuli sa kaniya kanina.
Now, she's sitting across the rich old man.
"Kumusta, Reese Marion?" tanong nito.
'He even knows my name,' Reese thought, gulping.
Gathering her courage, Reese detached her lips and asked, "Anong kailangan niyo sakin?"
Ngumiti ang matandang lalaki.
"Una sa lahat, magpapakilala ako. My name is Viktor Volkov. Nandito ako para hanapin ang anak kong babae."
Viktor Volkov? Pamilyar ang pangalang ito kay Reese.
Kunot-noo niyang tinitigan si Viktor. Nagtataka siya kung bakit siya ang ninais nitong makita kung hinahanap pala niya ang anak.
"My daughter is beautiful, just like her mom," pagpapatuloy ni Viktor.
Nanatiling tahimik si Reese habang nakikinig.
"At talagang hindi ako nagkamali. You are gorgeous, Reese."
Napasinghap si Reese sa narinig. Iisa lamang ang pahiwatig ng mga salitang binitiwan ni Viktor.
"Ang ibig mong sabihin, ako ay... ay..." nauutal na sambit ni Reese habang nanlalaki ang mga mata.
"Yes. You are my poor daughter who was sentenced in jail for six years."
Lumaglag ang puso ni Reese sa narinig. Buong akala niya ay wala na siyang mga magulang. But here he is, proclaiming the title as his father.
Matagal ng pinangarap ni Reese na matagpuan ang mga magulang. Sa oras na iyon, iniisip niya kung ano ang mangyayari sa una nilang pagkikita. Will they ask for forgiveness after abandoning her?
But now that Viktor is in front of her, Reese saw no remorse in his face. Kahit katiting na pagmamahal sa anak ay hindi niya natagpuan sa ekspresyon ng mukha ng matanda.
"Narinig ko na ninakawan mo si Mr. Harry Borryson dahil tumanggi itong magbigay ng pera kapalit ng serbisyo mo," pagpapatuloy ni Viktor.
"Hindi totoo iyan!" sigaw ni Reese. "Inosente ako, ako ang..." Hinawakan niya ang dibdib at sinabing, "Akong ang biktima. Maniwala po kayo!"
"Naniniwala akong inosenta ka," Viktor said. "Why not? You are my dear daughter."
Sinabi ng kaniyang ama na naniniwala siya rito. But Reese does not even feel good.
"Kung ganoon, ano pang dahilan kung bakit bigla mong hinanap ang anak mong babae? Bukod sa paniwalaan siya," Reese inquired.
"Simple lang ang nais ng iyong ama," aniya ni Viktor. "Gusto kong makamit mo ang hustisya."
Hustiya?
Muntik ng mapatawa si Reese.
Iyan ang matagal niyang inasam pero pinagkait sa katulad niya.
"With my help, you will get your revenge."
Naglaho ang ngiti sa labi ni Reese ng marinig ang sinabi ng ama. She wanted that more than anything else. Clenching her fists, she tilted her head, wondering how it will be possible. Ilang taon pa ang gugulin niya sa presinto para makamit ang ganting inaasam. Kaya, paano?
"Do you want to see how?" tanong ni Viktor.
Wala pa mang ibinigay na sagot si Reese, ay nakita niya si Viktor na sumenyas sa lalaking nakatayo sa likuran niya.
Curious, Reese looked back.
Tumango ang lalaki. Pagkatapos, nakita niya itong humugot ng patalim. In a swift pace, the man moved his hand and slit the neck of the guard.
"Ack!" the guard winced.
The blood sprayed on Reese's face like a water gushing out from the garden hose.
Pansamantalang hindi nakahinga si Reese habang tinititigan ang pagbagsak ng gwardiya na nakahawak sa duguang leeg.
Her body trembled.
Unting-unting bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang walang malay na guwardiyang naliligo sa sariling dugo.
Catching her breath while crying, Reese looked back at her father. Puno ng patak ng dugo ang mukha ni Reese, pero wala na sa isip niyang punasan ito. The fear just engulfed her to the fullest.
"James Gallet. Nahuli siyang namolestiya ng menor de edad, pero dahil malapit siya kay Mayor Gallardo, napawalang bisa ang krimen. At bilang parusa, naging gwardiya siya sa presinto," pagbabahagi ni Viktor. "But he did not change. He started mollesting female prisoners."
At isa si Reese sa mga biktima ni James.
"Just now, didn't we put justice for his victims?" Viktor asked.
Nanginig ang buong kalamnan ni Reese. Bagamat hindi niya inaasahan ang pagpatay sa harap niya, hindi niya maitanggi ang pagsang-ayon. Didn't she also plan of killing Harry once she got out of the prison?
"Iyan ang gusto kong maramdaman mo," Viktor said. He leaned closer to her, placing his hands on the table. "You will get the taste of justice in your hand. Ang mga lalaking katulad nila, bibigyan mo ng hatol."
Nilunok ni Reese ang luhang nagbabadyang pumatak. She was convinced.
Sinabi lang niya kanina na handa siyang ibenta ang kaluluwa sa diyablo makamit lamang ang hustiya. And here he is, the devil who's offering her the chance.
Dahan-dahang inangat ni Viktor ang kamay. He caressed her head and smiled sweetly.
"My sweet daughter. You should taste the bliss of justice."
Tumingin siya sa ama gamit ang namumulang mga mata.
"H-How?" she asked. "How can I... do it?"
"You can. As Vanessa Volkov, you will," the devil's whisper rang in her ears and rooted in her heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro