Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2 "Not A FairyTale Story"

Vanessa's POV

Dalawang taon na mula ng makatakas ako mula sa kulungan at namuhay sa bagong katauhan bilang Vanessa Volkov. Buong akala ng mga pulisya ay namatay ako sa aksidente habang tumatakas. Subalit isa lamang itong malikhaing palabas ng aking ama, ang mayamang Viktor Volkov. Sa tulong niya, malaya akong nakapamuhay sa labas ng kulungan.


Nasintensiyahan ako sa kasalanang hindi ginawa, anupat sinumang makarinig ng aking kwento ay mag-aakalang tinulungan ako ni Viktor upang magkaroon ng pagkakataong mamuhay ng maganda at marangya. Ngunit ang kwento ng aking buhay ay hindi istorya na maihahalintulad sa mala-fairy tail na kwentong may 'happy ending' sa katapusan.

I looked at my soft hand.

Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki ang namatay sa mga kamay na ito. Isa ang tiyak, ginamit ko ang pangalawang pagkakataon upang mamuhay ng makasalanan.

Alam kong tinulungan lang ako ng aking ama upang makamit ang kapangyarihang hinahangad. To make it short, I am his dog. May pagkakataon sana akong tumanggi at patuloy na mamuhay ayon sa alam kong tama. Pero naenganyo ako sa alok ni ama. He promised me that I can take my revenge to Harry Borrison and I can give justice to women who suffered from the lust of those beasts.

Recalling my goal as Vanessa Volkov, I clenched my hand.

'Hindi ko na dapat alalahanin ang buhay noon. I need to focus on my goal. And that is to kill that man.'

Pinulot ko ang maliit na patalim mula sa lamesa. When I lifted my gaze, I saw the photo of the man who sent me to jail. Nakadikit sa dingding ang litrato ni Harry Borrison. Seeing his smile on the photo made me fumed in anger.

Hinigpitan ko ang hawak sa patalim bago ito inihagis patungo sa larawan.

Kachak!

The blade went through the wall, passing the image of the picture.

Habang humihinga ng malalim, tinitigan ko ng masama ang walang buhay na larawan. Ilang taon na kong naghihintay para magkaroon ng pagkakataong mapatay si Harry. Subalit marami pa akong dapat pagdaanan bago makatuntong sa tamang panahon at lugar.

'Ilang lalaki pa ang dadaan sa kamay ko para tuluyan siyang mahulog sa patibong?'

Habang tinititigan ang kamay, nakarinig ako ng kaunting kaluskos mula sa gilid. Dali-dali ay pumulot ako ng patalim at inihagis ito sa gawing kanan kung saan narinig ang kaluskos. Subalit mabilis siyang nakailag. He dodged my attack by simply tilting his head, as if he was playing a dodge ball with me.

Without looking at my face, the man picked up the remote control and pressed the on button. Mula sa kaniya, itinungo ko ang paningin sa nakabukas ng telebisyon.

["Natagpuang wala ng hininga ang lalaking kinilalang si Ramir Tioco sa loob ng kaniyang kwarto. Alas-kwatro ng umaga nang matagpuang nakabitin si Ramir sa loob ng kaniyanng silid. Ayon sa imbestigasyon, lumabas na kinitil nito ang sariling buhay. Ito ay sa kadahilanang nakita ng pulisya ng huling habilin ni Ramir. Sa suicide note, umamin si Ramir sa salang pagpaslang sa babaeng ginahasa limang taon na ang nakararaan. Itinanggi naman ng pamilya ni Ramir ang pag-amin ng ama ng tahanan. Sinabi ng pamilyang hindi nagpakamatay si Ramir, at sa halip, pinatay ito at isinisi sa kasalanang hindi ginawa. Sa susunod na taon ay tatakbo sana bilang bise-alkalde si Ramir Tioco. Kaya naman iginiit ng pamilya na marahil, may kinalaman ito sa partidong kalaban ng alyadong kinaaaniban ng ama ng tahanan."]

Matapos marinig ang balita, tumingin ako sa lalaking nakatayo sa aking tabi. He is Dwight, my father's secretary. Nang makalabas ako sa kulungan, inilagay siya ni Viktor sa pangangalaga ko. Dwight is a hired assasin. Iyon ang dahilan kung bakit ibinigay siya sa akin ni ama upang matuto ako ng kakayahan mula sa kaniya.

Dwight is usually a quiet person. Pero sa likod ng tahimik at gwapo niyang hitsura nagtatago ang tunay niyang pagkatao.

"Did you open the TV so that you can boast?" I asked him.

Pagkatapos kong patayin si Ramir Tioco, sinabi ko kay Dwight na siya na ang bahalang linisin ang murder scene. Seeing that he successfuly made it seem that Ramir took his life, then that means he did a good job. Not that I am shock. He won't be my teacher for nothing.

Hindi sumagot si Dwight sa tanong ko at sa halip ay tumingin lamang siyang pabalik sa akin.

"Pinapatawag ka ni Sir Viktor," aniya gamit ang malalim na boses.

Katulad ng inaasahan, pagka-uwi ko ay tiyak na bibigyan ako ni ama ng panibagong misyon. Sino naman kaya ngayon ang susunod sa kaniyang listahan?


Wondering about that, I picked up my pace. Nang makalagpas kay Dwight ay narinig ko itong bumulong kaya napahinto ako.

"That's why I told you not to go home," sabi nito.

Katulad ng sinabi ko kanina, tahimik si Dwight. Pero napansin ko na kapag may kinalaman sa misyon ko ang usapan, nagiging madaldal siya.

"Tapos na ang trabaho ko bilang Jaymee sa bar na 'yon," sagot ko kaniya ng hindi tumitinging pabalik. "And I can't waste my time with drunkard."

Aakma na sana akong hahakbang paalis pero nagsalita siyang muli.

"At least, you won't get tired. Sunod-sunod ang misyon na natatanggap mo."

Napakunot noo ako sa pahayag niya. Natural na sa akin ang mapagod sa sunod-sunod na pinapagawa ng ama. Pero hindi ko lubos maisip na concern siya na baka mapagod ako. Noong sinasanay niya ako, halos lumuha ako ng dugo sa pagod.

I turned my back and faced him.

"If my father heard you, he might kill you," ang palakaibigan kong payo. "Hindi niya hahayaang may pumigil sa akin na gawin ang utos niya."

Itinungo ni Dwight ang matalim niyang mga mata. It wasn't because he's glaring at me. Sadyang matalim lamang ang mga mata nito. Yet, I admit that his sharp fox-like eyes make him hot and sexy. Hindi ako bulag at sinungaling para itanggi ang katotohanan.

"Sabihin mo nga. Concern ka ba talaga na baka mapagod ako, o ayaw mo lang na may iba akong lalaking inaakit?"

Mahabang katahimikan ang nanalaytay sa pagitan namin. Dwight only looked at me, and suddenly, his eyes softened. Para siyang tigre na nahuli sa patibong.

'Did I really guess it right?'

No. Kung talagang tama ako, isa lang ang nais nitong ipahiwatig.

'I might think that Dwight has feelings for me.'

What a bull of crap. Imposibleng mangyari ang iniisip ko. Una sa lahat, alam ni Dwight kung ilang lalaki na nagdala sa akin sa kama. Dwight and my father know that I had sex with all the victims. Pero ang totoo, ipinapalabas ko lang na may nangyari sa pagitan ko at ng mga lalaking inakit dati.

There's no way a man would love a woman like me.

Pangalawa, pareho kaming tuta ni Viktor. Anong saysay ang magmahal kung alam mong sa bandang huli ay kamatayan ang naghihintay?

'Tama. Mali lang ako ng akala.'

Iisipin ko nalang na sadyang weirdo si Dwight. Well, he was really weird even at our first encounter.

"I will go now. My father hates waiting," sabi ko bago lumabas ng pintuan.

Alam kong nakatitig parin si Dwight sa likuran ko kaya't hindi ako tumingin pabalik. Leaving the door open, I walked to the left.

Napahinto ako sa paglakad ng matantong nagkamali ako ng direksyon. Sa kanan nga pala ang direksyon papunta sa kwarto ni Viktor. Sh*t.

I looked back at the door and took a deep breath.

Nakakahiyang bumalik muli! But I have no choice. With my head held high, I walked to the right path. Naaninag ko si Dwight sa loob ng kwarto, at alam kong nakita niya kong naglalakad papunta sa kanan.

'That was so embarrassing. But I need to act calm.'

Matagal naman ng alam ni Dwight na may kabobohan ako pagdating sa direksyon. I am pretty, intelligent and athletic. Pero dahil walang tao ang perpekto, nilalang ako na may katangahan sa lugar.

After a while, I arrived in front of my father's room. Bago kumatok ay huminga muna ako ng malalim.

Then, I knocked.

Tok. Tok. Tok.

"Come in," I heard my father's throaty voice.

Inilagay ko ang kamay sa seradura ang dahan-dahan itong ipinihit pabukas. Pushing it open, I saw the old man standing in front of the window. May hawak siyang sigarilyo at kasalukuyang ibinubuga ang usok.

I never smoked before. But as the time passed, I learned how. Kaya't nagsilbing halimuyak sa akin ang usok sa loob ng kwarto.

I stepped inside and closed the door.

"Hindi mo talaga ako binibigo, Vanessa," papuri ni ama. He probably heard what happened to Ramir Tioco. "Muli, malinis mong natapos ang misyon."

Itinaas ko ang paningin ang tinitigan ang lalaking tumulong sa aking makalaya sa kulungan. Viktor Volkov is a Prime minister. Tinitingala siya ng lahat dahil sa maganda nitong katayuan at pangalan. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon siyang kinaaaniban na organisasyong laban sa pulitika. I accidentally heard that from his conversation with Dwight. It is some kind of mafia organization. Pero sa tingin ko'y hindi ko na dapat alamin ng higit ang tungkol dito.

"I killed Ramir Tioco just like what you wanted," I reported.

"Hmm. At dahil sa ginawa mo, nabigyan ng hustisya ang mga inosenteng babaeng namatay sa kamay ni Ramir."

Justice. Yes. My father made it seem that what I am doing is justice. Alam kong hindi mabibigay ng pagpatay ang katarungang hinahangad ng biktama. Pero matagal na akong binigo ang katarungang sistema ng mga tao. Sa bandang huli, mayaman at may kapangyarihan lamang ang nanalo. So, I kept turning blind eye, thinking that killing sinful men is the way to get justice.

"Mayroon ka bang gustong premyo? Just name it, I will give it to you."

Alahas, pagkain, pera at damit. Wala akong interes sa mga bagay na matagal ng ibinigay ni Viktor sa akin. If I want something, he should know what it is.

Viktor saw my eyes. Marahil, nabasa niya mula rito ang ninanais ko.

"Nasa Amerika pa si Harry Borrison," sambit nito.

As expected, he knew what I wanted.

"Mahihirapan akong ipadala ka sa Amerika. Alam mo kung bakit, hindi ba?"

Bagamat nalinis na ang rekord ko bilang Reese, mabusising proseso ang pag-aayos ng dokyumento para mailabas ako ng bansa. Lalo pa't mahigpit ang seguridad sa airport dahil narin sa insidente kung saan napatay ang bise presidente ng bansa sa paliparan.

"But I heard that he will come back," ang sabi ni ama na nagpalaki ng aking mga mata. "Sa susunod na eleksyon, tatakbo si Harry bilang presidente."

Harry as President?

Kung siya ang magiging presidente ng bansa, kawawa naman ang milyun-milyong tao sa bansa. I need to stop that before it happens.

"Pero habang wala siya, I think you can laid a ladder," pagpapatuloy ni ama.

Mayroon siyang dinampot sa lamesa. Pagkatapos, inihagis niya ito sa sahig. When I looked down, I saw an image of a handsome man who looks familiar.

"That is Chaylen Borrison. Ang tagapagmana ng Hills group. Siya ang susunod mong misyon."

My eyes did not blink at the picture before me. Kung Borrison ang apelyido ng susunod kong biktima, ibig sabihin, siya ay...

"He is Mr. Harry's son," pagpapatuloy ni Viktor bago humithit ng sigarilyo.

My hands turned in fury cannoballs.

Kumakatok na ang matagal kong hinihintay. Finally, I can take my revenge.

Pinulot ko ang litrato saka tumingin kay ama.

"What should I do with his son? Do I need to seduce him and then kill him?"

Viktor shook his head. "Hindi ka papatay kung walang dahilan para patayin siya, hindi ba?"

That's right. I only killed men who deserve to die. Kung anak si Chaylen ni Harry, naisip ko na may matibay na dahilan para patayin siya.

"Chaylen is working as the CEO in Hill wine company. Sa loob ng isang taon, napalago niya ang kompanya at nakapagtayo sa iba't-ibang bansa. Your work is to know how he did it."

Tinapos niya ang upos ng sigarilyo. Nang tumingin siya sa akin, naglaho na ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"His record is too clean to be a part of Borrison family. I heard a rumor that he is a leader of some organization. If you found his weakness..."

Tinapakan niya ang upos ng sigarilyo bago magpatuloy.

"Kill him."

Lider ng organisasyon? May kinalaman kaya ito sa mafia group na kinaaniban ni ama?

"How can I approach him?" I asked.

"It's simple," Viktor pointed his hand to my face. "Use your beauty, my gorgeous daughter."

I looked at the picture and stared at the picture again.

'Chaylen Borrison. It's your turn to fall under my charm.' 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro