Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Teaser

Inakala ni Maricruz na nasa kanya na ang lahat nang manligaw sa kanya ang guwapo niyang boss na si Elior. Ngunit sa kanilang date ay mayroong sumulpot na lumilipad na nilalang—isang anghel na ginusto siyang patayin. Sa kabutihang-palad ay may mga kalaban ang anghel na dumating din at tinangay ang kanyang boyfriend! Iniwan ng mga iyon sa kanya ang naghihingalong anghel na nagtangkang pumaslang sa kanya.

Ang anghel ay si Divri, isang napakaguwapong nilalang na magkahalong pangamba at kilig ang hatid sa kanya. Ang sabi nito sa kanya ay isa siyang kaaway. Gayunman ay iniligtas siya nito mula sa mga kasamahan nito.

She fell for him. But how can an angel and its enemy create a love story that would not end in tragedy?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro