Chapter 38
Malakas si Alona sapagkat nagawa nitong hapitin si Maricruz sa baywang habang hawak pa rin ang latigong nakaikot sa puno ng kanyang pakpak.
"Isang malakas na higit dito, Divri, ay mapuputol ang pakpak ng girlfriend mo. Pakawalan mo si Elior para walang mabalian ng pakpak dito," si Alona, bahagyang hinigit ang latigo.
Pinigilan ni Maricruz ang mapahiyaw sa sakit. Nahuhulaan na niya ang mangyayari. Dalawa sila ni Divri na sasamain kahit pa pakawalan ng lalaki si Elior.
"'Wag kang maniwala sa babaeng ito, Divri. Ganoon din ang suma. Pareho tayong mamamatay," wika ni Maricruz. Divri was a fallen angel now. Kaya nang mag-usap ng kanilang isipan, isang bagay na hindi nito kaya noong puti pa ang mga pakpak nito; ngunit hindi makayang sabihin ni Maricruz ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng isip lang. Napakatindi ng sakit na dulot ng latigo ni Alona na wala na siyang ibang kayang gawin kundi tiisin ang tila unti-unting pagkabali ng kanyang mga buto sa pakpak.
On three, Maricruz, you duck, bilin ni Divri.
Teka, teka! Anong duck?! Ni hindi ako makakilos dito! sigaw ng isip niya na hindi niya maisatinig at hindi rin maiparating kay Divri sa pamamagitan ng isip. Napalunok siyang bigla. Natensiyon nang lalo ang katawan niya. Tinantiya niya kung ano ang gagawin ng lalaki at kung ano ang gagawin niya.
Hawak ni Divri ang punyal nito sa tapat ng leeg ni Elior. Si Maricruz naman ay makakayuko lang nang bahagyang-bahagya kung ayaw niyang mabali ang kanyang mga pakpak.
One... si Divri.
Teka, teka, nate-tense ako! muling sigaw ng isip niya na tila hindi naman nito naririnig.
Nagpatuloy ito sa pagbilang. Two... Three.
Napalunok siya. Mamamatay ako.
Ginamit ni Divri ang punyal sa leeg ni Elior, saka pinakawalan ang lalaki. He then threw the dagger to Maricruz and Alona's direction with absolute precision. Maricruz ducked though it caused her so much pain. Para bang mapipilas ang kanyang mga pakpak at kung kailan mabaliw-baliw na siya sa sakit ay lumuwag ang nakapaikot doong latigo, gayunman ay hindi niya nagawang igalaw ang mga pakpak. Sabay sila ni Alona na bumagsak sa lupa at anong pagkahindik niya nang makitang nakabaon sa noo ng babae ang punyal ni Divri. Dilat ang mga walang-buhay na mata ni Alona.
Ang mga bisig ni Divri ay pumaikot kay Maricruz. Agad siyang kumapit sa lalaki, habang hinanap ng mga mata si Elior at nakita ito sa ibaba, patuloy na nahuhulog ngunit tila nadudurog ang katawan, nagiging itim na pulbos na kalaunan ay humahalo sa hangin.
"Nawawala siya," sambit ni Maricruz.
"Angel dust. We all die on earth that way," sambit ni Divri.
Hindi na umabot sa lupa si Elior, tuluyan na itong naglaho. Si Alona na lamang ang bumagsak sa lupa. Nakadilat pa rin ang babae at nilapitan ito ni Divri upang haplusin papikit ang mga mata. Inayos ni Divri ang katawan ng babae, gayudin ng dalawang nephilim na bumagsak kanina. Halos nakatigagal lamang si Maricruz sa lahat ng iyon. Noon lamang siya nakakita ng aktuwal na kamatayan ng kahit na sino.
"Die on earth?" sambit ni Maricruz mayamaya.
"If we die on earth, we turn to dust, and never return here again."
Bago pa makapag-follow up question si Maricruz ay dumating na ang kuya niya na agad nagtanong kung ano ang nangyari. Ipinaliwanag ni Divri.
"Divri, ako na ang bahala rito. Pakisabi kay Nanay Amalya na kailangan na naman nating lumipat sa lalong madaling panahon. Kailangan ko ring mabantaan si Marco na malamang na alam na nilang nag-traidor siya kaya hindi siya kasama ngayon ni Elior. Sige na. Baka marami pang parating. Ako na ang bahala, 'wag kayong mag-alala sa akin."
Divri held Maricruz. She allowed him to. Nagtungo na sila sa headquarters.
"Ayos ka lang ba?"
Tumango siya. "Medyo nabigla lang siguro ako."
Tahimik lang ang lalaki hanggang sa makapasok na sila sa warehouse, pababa sa kinaroroonan ni Nanay Amalya. Always the girlscout pa rin ang matanda. Nakahanda na ang gamit na dadalhin nila sa pag-alis. Tig-iisa sila ng bitbit ng sanggol, balot ng glamour. Sabay-sabay na silang lumipad. Nakasunod sila ni Divri kay Nanay Amalya na nasa unahan.
Tahimik lang sila sa "biyahe" at nang makarating sa kanilang destinasyon ay hindi na pinatulong si Maricruz ni Nanay Amalya sa mga bata. Tulad ng noon ay underground ang kanilang magiging lungga, bagaman sa pagkakataong iyon ay hindi pa nahuhukay. Isang ordinaryong bahay ang kanilang kinaroroonan.
Lumabas sina Maricruz at Divri. Sila ang naatasang maghanap ng makakakain at pangsigang kahoy.
"Divri, sa sinabi ni Elior kanina, lumalabas na iniisip niyang ako ang dahilan kaya ka... kaya ka nandito ngayon. Hindi ba si Alona—"
"Of course not. Efah died in my hands because I tried to save Rav from him. That explains the black wings. Hindi na iyon nakita ni Rav dahil wala na siyang malay. Lumapit ako kay Zuri dahil pareho kami. Isa pa, gusto kong malaman kung nasaan ka."
Napanganga si Maricruz, halos mabitiwan ang mga dalang sanga. "Hindi mo man lang naisip sabihin sa amin 'yan?"
"At hindi makita ang pagseselos mo?" Bigla itong ngumiti.
"Eh... ahm... saan ka natuto ng mga... ng mga 'da moves' mo?"
"'Da moves?'" Biglang kumunot ang noo ng lalaki saka malakas na tumawa. "Honey, I've been in this world for a very long time. I've learned a thing or two on my own."
"Sorry. Divri, sorry sa mga pinagsasasabi ko. Sorry na hindi ako nagpaliwanag. Kasi ikaw, makulit ka rin. Alam mo nang iitim ang pakpak mo sa akin, gusto mo pa ring sumama. Wala akong maiaalok sa 'yo, Divri, kundi ako lang."
"Sino'ng nagsabi sa 'yong hindi 'yon sapat? Sino'ng nagsabing higit pa roon ang kailangan ko?"
Tuluyan na niyang pinakawalan ang mga sanga at niyakap ito nang mahigpit mahigpit. Panay ang tulo ng kanyang mga luha. "Mahal na mahal kita, Divri."
"Mahal na mahal din kita." Hinaplos nito ang kanyang mukha. "I love you so much."
"At ang... h-hinaharap?"
"We'll wait for it. It could be good, it could be bad. Let's just wait for it and in the meantime, do what we think is right."
Naging sapat na sa kanya iyon. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha ng anghel. She admired his male beauty for a while before she hugged him again and kissed him. Nanunudyong ibinalot niya sa kanila ang kanyang pakpak, gamit iyon ay itinulak ito sa puwitan palapit sa kanya.
"Oooh... Naughty wings. I like that," tudyo nito.
Napahagikgik siya. Ah, life was as heavenly as it can be. For now.
Wakas
Since natapos mo na ang free book dito, paki-like mo na ang page ko: facebook.com/vanessachubby
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro