Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

NAISIP ni Maricruz na kay sarap sa pakiramdam na nasa bisig siya ni Divri. Ang pakpak nito ay nakabalot sa kanilang dalawa. Ayaw niyang magsalita, ayaw muna niyang magtanong. Nahuhulaan na rin naman niya ang sagot—na si Alona ang dahilan ng "expertise" nito. At handa siyang hintaying mag-sorry ang lalaki, magpaliwanag. Kung kailan ito handa.

Pinisil nito ang kanyang baba. "Masyado kang tahimik."

"P-pagod lang."

Lalo siya nitong hinapit palapit at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa mapansin niya ang oras. Ang lalaki ang nagtakip sa kanyang katawan habang nagbibihis siya—na natural na nakapagpainit sa kanyang mukha. She loved it though. She loved their closeness, their nearness. Tila ba isang bahagi ng kanyang pagkatao ang naibahagi niya rito nang buo at nakuha rin niya ang isang bahagi nito nang buo.

Their lovemaking was so much more than what she had imagined. It was as if their souls made love, united, became one.

Kahit bahagya pa ring basa ang damit ni Maricruz ay isinuot na niya iyon. Naglalakad sila ni Divri pabalik sa warehouse at hinawakan ng lalaki ang kanyang palad. Napangiti siya at nilingon si Divri, kasabay ng pagdaplis ng kung anong matalas na bagay sa kanyang pisngi.

Agad na nadama ni Maricruz ang hapdi sa balat, sinalat ang pisngi at nadama ang init ng dugo. Naging alerto siya sa kanyang paligid at nadama ang presensiya ng isang anghel at dalawang nephilim. Agad siyang ikinubli ni Divri sa likod nito.

"Well, well, well..." tinig ni Elior, bumaba mula sa isang puno, may hawak na espada. Dalawang nephilim ang lumapag sa tabi nito, kapwa may hawak na pana na nakatutok kay Divri. Tumawa nang malakas si Elior. "That's my girlfriend, you know, Divri. This is so funny. The great Divri has fallen in the hands of my girl here. Lost in love, huh? Didn't even feel us coming."

"Eli, please," sambit ni Maricruz. "Umalis ka na lang at pabayaan mo na lang kami."

Umiling si Elior habang nakangiti at lumipad na tungo sa direksiyon nila ni Divri ang mga pana, na agad nailagan ni Divri.

Lumipad si Divri, tangay si Maricruz. Hindi pinayagan ni Divri na lumipad siya gamit ang sarili niyang pakpak, marahil upang maikubli siya mula sa mga tama ng pana.

Nagpaikot-ikot sila sa ere hanggang sa kaitaasan at sa kaliwa't kanan na naroon ang dalawang nephilim. Si Elior ay ilang dipa ang layo sa kanila, nakahalukipkip at tila aliw na aliw sa pagmamasid.

Muling umulan ng mga pana at nahagip ang pakpak ni Divri. Pinawalan si Maricruz ng anghel at sinabihang lumayo, isang bagay na hindi niya magawa nang tuluyan bagaman bahagya siyang dumistansiya. Agad nasugpo ni Divri ang dalawang nephilim ngunit si Elior ay hindi basta patatalo.

Mahirap para kay Maricruz panoorin ang mabilis na galaw sa ere habang nagpapalitan ang dalawang anghel ng atake gamit ang kanya-kanyang espada. Halos mapugto ang kanyang paghinga ngunit mukhang dehado si Elior. Kung kailan napapanatag na ang kalooban ni Maricruz ay saka siya may narinig na tinig, nagmumula sa kanyang likuran:

"Nice to see you again, Maricruz."

Agad siyang pumihit at nakita si Alona. Ginintuan ang damit ng babae, na marahil tulad ng kay Maricruz ay backless. They always had to make room for their wings. May hawak na kurdon si Alona. Huli na upang maunawaan ni Maricruz na isang uri iyon ng latigo. Inigkas ni Alona ang latigo sa ere patungo sa puno ng mga pakpak ni Maricruz at awtomatikong hindi niya nagawang makalipad. Her wings were pinioned.

"Maricruz!" sigaw ni Divri, hawak si Elior sa braso, nakatutok ang punyal sa leeg ng lalaki. Wala nang espadang hawak si Elior, wala na rin ang espada ni Divri.


Like my FB: facebook.com/vanessachubby

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro