Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

ISANG pigurang may itim na pakpak ang lumapag sa labas ng isang maliit na bahay. Nawala ang pakpak nito sa pagpasok sa bahay. Sinalubong ito ng isang matandang babae.

"Kagabi ka pa namin hinihintay," mapang-akusang wika ng matanda bagaman hindi kakikitaan ng anumang emosyon sa mukha. Mahigit isang-daang taon na ang babae, bagaman mukhang sisenta anyos pa lamang. Malakas ang pangangatawan nito.

"Hindi ako makaalis," tugon ng bagong dating.

Nagsalita si Rav na nakaupo sa isang silya sa tabi ng bintana, nakatingin sa kalangitan, naghahanap ng indikasyon na nasundan ang bagong dating, nakikiramdam. Nang matiyak na walang nakasunod sa bisita ay tumayo siya at nilapitan ito.

"Kumusta ang kapatid ko?"

"Maayos naman."

"Hindi ko na kayang tiisin na nandoon siya." Naisubsob ni Rav ang mukha sa mga palad. Sa tagal ng panahon ay pinabayaan niyang nag-iisa si Maricruz dahil ayaw niyang mapasama ito sa lahat ng kaguluhang kanyang kinasasangkutan. Hindi alam ng organisasyon ang tungkol dito. Nang umalis siya roon, naisip niyang hindi pupuntiryahin ng mga ito si Maricruz na hindi alam ng mga itong nabubuhay. He had to get himself together, find a place where he belonged. Ngunit sa loob lang ng isang buwan ay natuklasan na ng organisasyon ang tungkol kay Maricruz—sa tulong ni Karnia na umamin tungkol sa pagkakaroon ni Rav ng kakambal. Kung hindi pa dahil kay Marco, hindi malalaman ni Rav na matagal na palang "sinusuyo" ni Elior ang kapatid niya. Nalaman lamang ni Marco ang lahat ng iyon nang dalhin na si Maricruz sa isang safe house, kasama ang puting anghel na 'Divri' ang pangalan. All this time, he thought Maricruz was safe.

Aminado si Rav na noong una ay inakala niyang buhay sa organisasyon ng mga bumagsak ang nararapat sa kanya. Iyon ang nais niya noon. Ngunit sa huli ay tinalikuran niya ang ganoong uri ng buhay. Hinanap niya ang taong minsan niyang hinanap at isinuko sa organisasyon, ang matandang babaeng kasama niya ngayon, si Nanay Amalya.

"Wala kang magagawa sa ngayon. Nakuha na rin namin si Efah," anang bisita.

Napatayo si Rav. "At nandoon pa rin si Maricruz! Kailangan ko nang bumalik."

"'Wag kang padalos-dalos, Rav!" sawata sa kanya ng matandang babae. "Hindi makakatulong sa atin kung magpapadalos-dalos ka. Tandaan mong mayroon tayong mga plano, may mga sariling misyon."

Batid ni Rav na tama ang matanda. Labis lang siyang nababahala na ang kanyang kakambal ay nasa kuta ng mga leon. Bawat lapitan nito roon ay tiyak na nais itong patayin. Lahat ng anghel—puti man o itim ang pakpak. At kahit alam niyang iniligtas ito ni Divri sa ilang pagkakataon ay hindi mabuo ang tiwala niya sa anghel. Sapagkat alam niya ang misyon nito. Alam din niya ang pagtawag ng natural na misyon sa mga puting anghel. Alam niyang lahat iyon.

"Kailan sila maililigtas?" aniya, labis ang pagkainip. This was all his damned fault.

"Sa tamang panahon," tugon ng matanda.

May namuong bigat sakanyang sikmura. Muli, tulad noon, ay naitanong niya kung bakit parang hindipatas ang mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro