Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

CHAPTER 4




MAY 29, 2017

"MERRY, sandali lang," narinig kong sabi ni Azarel pero hindi ko siya nilingon.

Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pagkarating ko sa exit ay sumalubong sa akin ang malakas na hangin at ulan.

Binuksan ko ang payong ngunit wala rin lang silbi dahil halos tangayin ito ng hangin. Napaatras na lang ako atsaka napasimangot.

May mga tao rin namang naglakas-loob na lumusong sa malakas na ulan, halos tangayin tuloy ng hangin ang mga payong nila.

Naramdaman ko naman na nasa tabi ko na si Azarel. Tumalikod na ako at akmang aalis ngunit may naalala ako. Kung iiwan ko namang basta-basta si Azarel dito, parang lumalabas na wala akong good manners.

Kanina kasi ay niyaya ako ni Kuya Melchi rito sa mall. Hindi ko naman akalaing si Ate Karel at Azarel ang katatagpuin niya rito kaya niya ako isinama.

Sabay-sabay pa kaming kumain kanina, magkatapo pa nga kami ni Azarel. Subalit noong pagkatapos naming kumain, may tumawag kay Ate Karel, si Tita Zandra daw. Tumawag siya dahil pinapapunta niya silang dalawa ni Kuya Melchi sa laboratory nila.

Kaya sa huli, naiwan kaming dalawa ni Azarel dito sa mall. Gusto ko na ngang umuwi dahil nahihiya ako sa kaniya, pero ang lakas naman ng ulan sa labas.

Bumalik na lamang ako sa loob ng mall, sumabay naman sa akin si Azarel sa paglalakad, ngunit walang umimik sa amin.

Dumiretso ako sa isang book store at nakasunod pa rin siya sa akin. Halos magtatalon ako nang makita ang mga maraming libro. Napangisi pa ako ng abot tainga dahil tila nabubuhayan ako sa mga libro.

"Iiwanan muna kita saglit dito. May bibilihin lang ako pero babalikan kita rito," pagpapaalam niya sa akin habang ako naman ay nakatingin lamang sa mga libro.

"Sige lang."

Nang lingunin ko siya ay lumalakad na siya papalayo. Nilibot ko ang buong book store at huminto sa tapat ng isang mataas na shelf.

Sa sobrang dami ng mga libro, hindi ko tuloy alam kung ano ang unang kukunin ko. May isang libro na talagang gusto kong bilihin. Nag-iisa na lang ito kaya agad kong inabot, ngunit bago ko pa man abutin, may babaeng agad na kumuha roon.

Napatitig ako roon sa babae. Mas matangkad ako sa babae tapos kagaya ko, hanggang balikat lang din ang haba ng buhok.

Tinignan ko 'yong libro habang hawak niya sabay tingin sa kaniya. Ngumiti lamang siya at tinalikuran ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakapag-bayad na siya sa counter.

Napasimangot ako at iiwas na sana ng tingin, ngunit laking gulat ko nang makita ko kung sino ang kasama niya. Hindi ako puwedemg magkamali, 'yong taong gustung-gusto ko ang kasama niya.

Magkasintahan ba silang dalawa? May iba ng iniibig ang taong gusto ko?

Tumalikod na sila at lumakad papalayo. Dali-dali ko silang sinundan nang palihim. Nakalayo na rin ako sa book store. Hindi ko alam kung saan sila papunta basta sinusundan ko lang sila.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang sunod nilang ginawa. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad sila.

"Pinapasabi nga pala ni mama na pupunta raw kami bukas sa inyo," narinig kong sabi n'ong babae. Hezekiah pala ang pangalan niya...

Hindi ko man ginusto, naramdaman kong parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.

Bakit kailangan kong maramdaman sa kaniya ito? Bakit nasasaktan ako dahil may kasama siyang iba

Naguguluhan ako dahil hindi ko naman ginustong maramdaman ang ganito. Hindi ko rin naman ginustong umibig sa kaniya.

"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap—anong nangyari sa'yo? Bakit ka natulala?" sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya napabalik ako sa reyalidad.

Paglinga ko sa paligid ay wala na si Hezekiah at ang kasama niyang babae.

Hindi na lamang ako sumagot, bagkus ay ang-iwas ako ng tingin. Dinala niya ako dinala sa parking lot at doon ay pilit niya akong kinakausap.

"May nangyari ba?"

"W-Wala."

"Sabi mo, eh."

Siguro ay sampung minuto kaming nanatili roon. Humina narin ang ulan kaya nagpag-desisyunan na naming na umuwi na lang. Sumakay na kaming dalawa sa taxi para umuwi.

Hinatid niya lang ako sa bahay namin, pagkatapos ay umuwi na rin siya agad. Lumipas ang ilang oras ay nagmumukmok pa rin ako dito sa loob ng library ko. Tanging ang mga katulong lamang siguro ang mga kasama ko rito sa bahay ngayon.

Ilang oras ko na ring hawak itong librong binabasa ko pero hindi ako makapag-focus sa pagbabasa. Iba ang pumapasok sa isipan ko. Nagfa-flashback pa rin sa isip ko 'yong mga scenario kanina.

Ibinalik ko na lang sa bookshelf 'yong libro, at lumapit sa drawer na pinaglalagyan ko ng baul ko na may nakalagay na diary. Isini-secure ko talaga kasi ayaw kong may ibang makabasa ng saloobin ko. Naalala ko kasi noong Grade 8 ako, nag-sulat ako sa diary ko tapos nabasa nila Kuya Mike!

Kinuha ko ang diary ko at muli na naman akong nagsulat doon. Hindi yata tama na mahulog ako sa taong iyon. Alam kong walang patutunguhan ito. Ako rin lang ang masasaktan dito sa huli.

Matapos akong magsulat, lumabas na ako sa library, at humilata sa kama ko at tumitig sa kisame.

Siguro nga kailangan ko na talagang limutin ang nararamdaman ko sa kaniya. Ako rin lang ang masasaktan sa bandang huli.

Tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi tama ang nararamdaman ko. Tatanggapin ko na lang na coincidence lang talaga ang lahat. Madali lang naman siguro iyon, eh.

Matamlay akong lumabas ng kuwarto ko para uminom ng tubig dahil nakadama ako ng panghihina at uhaw. Muntik pa akong matalisod dahil hindi ko nakita ang nalaglag na feather duster.

Dumiretso na lang ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Tila nakaginhawa ako nang dumaloy sa lalamunan ko ang malamig na tubig.

Sana ay kasabay ng pagdaloy ng malamig na tubig sa aking lalamunan ay matangay na rin ang nararamdaman ko. Kung hindi talaga siya ang para sa akin, sana ay mawala na nga itong nararamdaman ko sa kaniya at huwag ng bumalik pa.

°°°

MAY 38, 2017

ISANG oras na yata akong nakatitig sa screen ng cellphone ko dahil wala naman kasi akong maisip na gawin.

Papatayin ko na sana 'yong cellphone ito nang bigla itong nag-ring. Nang tignan ko ito ay may nakiki-connect pala sa akin ng video call through messenger. Sinagot ko naman ito nang makita kong si Minerva pala ang tumatawag.

Pinsan ko si Minerva sa side ni daddy dahil magkapatid si daddy at ang papa niya, kaya isa ring Crisostomo si Minerva. Siya lang ang nag-iisa kong pinsan dahil dalawa lang naman sina daddy na magkapatid tapos only child si mommy.

"Hello, Merry, mabuti naabutan kita. Miss na kita, insan!" pambungad na bati ni Minerva sa akin. Kahit na gan'on ang paraan ng pananalita niya ay malumanay pa rin ang boses niya.

Taga-Pangasinan siya tapos kami naman ay nandito sa San Alidrona City. Sa totoo lang, gusto ko rin naman pumunta sa ngunit malayo talaga ang lugar nila.

"Miss na rin kita, Minerva! Ang layo kasi diyan sa inyo, eh."

"Saan ba kayo sa San Alidrona?" tanong niya at kumuha ng papel at ballpen. "Para kung sakaling may time kami, pupuntahan namin kayo diyan."

Idinikta ko naman sa kaniya ang address namin, at pagkatapos n'on ay napabuntong hininga ako.

Napansin yata ni Minerva na halos hindi ako umiimik, kaya pinanliitan niya ako ng tingin.

"Oh, ang tamlay mo yata ngayon. May problema ka ba?" tanong niya sa akin.

"P-Problema? Wala akong problema," ngumiti ako sa kaniya, "Nagugutom na kasi ako, eh. Wala talaga akong problema."

"Okay, sabi mo, eh. Basta kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin," sabi niya sa akin kaya sumilay ang ngiti sa aking labi.

Tumagal din ng kalahating oras ang pag-uusap namin. Sa kalahating oras na iyon ay napilitan akong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Hezekiah. Sinimulan kong ikuwento sa kaniya kung paano ko siya nakilala, kung paano nagsimula ang nararamdaman ko sa kaniya, basta lahat-lahat ay sinabi ko sa kaniya.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas ako sa ukuwarto ko para naman malibang ako. Nadatnan ko sa sala si Kuya Mike na may kinakalikot sa laptop niya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. May ini-stalk na namang babae sa Facebook si kuya.

"Sino 'yan, Kuya?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin, atsaka pinatay ang laptop niya at sinimangutan ako.

"Wala ka na roon," sagot niya sa akin atsaka lumakad papalayo.

Napaismid tuloy ako sa ginawa niya sa akin. Nagtatanong lang naman ako ng maayos, ah.

Akala ko ay tuluyan na siyang lumakad palayo, pero nagkamali ako dahil papalapit na nanaman siya sa akin habang nakapinta ang malawak na ngisi sa kaniyang labi.

"May ka-videocall ka kanina, ah," saad niya, lumawak pa ang kaniyang ngisi. "Lalaki iyon, ano?"

"May jowa ka na?" tanong naman ni Kuya Melchi na kararating lamang.

"Wala akong jowa!" giit ko, "Si Minerva ang kausap ko kanina!" dagdag ko pa at nagtungo sa kusina upang kumuha ng makakain.

Sumunod naman silang dalawa sa akin. Mabuti na lamang ay hindi na nila ako inasar pa.

Isang oras agkatapos naming kumain ay agad akong pumunta sa kuwarto ko upang matulog. Bumibigat na rin ang talukap ng aking mga mata kaya hindi ko na napigilan ang pagtulog ko.

NAGISING na lamang ako nang may madinig akong kumakatok sa kuwarto ko. Tinignan ko ang wall clock at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong alas sais na pala ng gabi. Madilim na sa labas nang tignan ko sa bintana. Ang haba pala ng tulog ko, alas tres kasi kanina noong makatulog ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Kuya Melchi na bihis na bihis. Hanggang dito sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko pa ang pabango niya.

"Mag ayos ka nga," utos niya. "Gulu-gulo pa 'yang buhok mo, parang dinapuan ng ibon," dugtong niya saka humalakhak.

Mula rito sa pinto ng kuwarto ko, ay kitang-kita sa baba. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa baba sina Ate Karel. Nagtama naman ang mga mata namin ni Azarel, gaya ng dati ay kulay itim na naman ang suot niyang t-shirt. Agad kong isinara ang kuwarto ko at dali-daling nagbihis at nag-ayos.

Pagkababa ko ay hinanap ko sina mommy pero wala sila. Ang alam ko kasi uuwi sila ngayon.

"Nasaan sina mommy at daddy?"

"May business trip sila ngayon sa Davao, kasama si Tita Zandra," tugon niya naman.

Napatingin naman ako sa tig-isang maleta na nasa harapan nina Azarel at Ate Karel. Naglayas ba sila?

"Dito muna kami mag-stay ni Azarel for one week dahil wala kaming kasama," wika ni Ate Karel. I-Isang linggo sila rito? Pati si Azarel?

"O-Okay."

"Sa guest room na lang kayo ni Azarel. Doon sa tabi ng kuwarto ni Merry," sabi ni Kuya Melchi kay Ate Karel.

"Melchi, nakahain na 'yong hapunan ninyo—"

Napatigil si Ate Weng, at napatingin kay Azarel na tila sinusuri niya ito na para bang nakita niya ito noon pa. Napakunot ang noo ko habang tinititigan sila.

"S-Saan nga po pala 'yong cr ninyo?" nauutal na tanong ni Azarel kay Ate Weng.

"Ituturo ko na lang kung saan," tugon ni Ate Weng, at hindi niya pa rin maalis ang pagkakapako ng tingin kay Azarel.

Ano kaya ang mayroon at bakit sila nagkakagan'on?

Duda ko tuloy ay may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko lubos na akalain na nagkakagusto pala si Azarel sa babaeng higit na mas matanda sa kaniya.

Sabagay, age doesn't matter naman. Sa pag-ibig naman walang pinipiling edad 'yan. Mararamdaman mo na lang iyan kahit na mas matanda o mas bata siya sa'yo. Walang mali roon hangga't walang ginagawang masama.

Nang dumating na si Azarel ay nag-tungo na kami sa hapag-kainan. Tahimik lang akong kumain dahil nasa tapat ko lang si Azarel, at hindi ako makatingin ng diretso.

Natulog ako pagkatapos kumain, pagkagising ko naman ay kakain na naman pala.

Panay naman ang pag-uusap nina Ate Karel at Kuya Melchi tungkol sa mga research nila. Si Kuya Mike naman ay sumasabat paminsan-minsan, tapos si Azarel naman ay tahimik lang kagaya ko.

"Ikaw, Merry, may jowa ka na rin ba?" Halos masamid ako sa itinanong ni Ate Karel kaya napangisi ng mapang-asar si Kuya Mike.

"W-Wala akong boyfriend," sagot ko kaya napatingin si Azarel sa akin.

Ibinaba ko na ang tingin ko sa plato, hindi na rin nila ako kinulit pa nang mapansin nila ang aking pananahimik.

Pagkatapos naming kumain ay agad na akong umakyat papuntang kuwarto ko. Saktong bubuksan ko na ang kuwarto ko nang dumating si Azarel. Papasok na sana ako nang magsalita siya.

"Goodnight, Merry," sabi nito sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

"G-Goodnight, Azarel," saad ko at dali-dali akong pumasok sa kuwarto ko at ini-lock ang pinto.

Agad ko namang kinuha ang laptop ko dahil susubukan kong hanapin sa Facebook si Hezekiah. Gusto ko lamang malaman kung sino nga ba talaga siya.

Napatigil ako sa pag-scroll nang mahagip ng mga mata ko 'yong isang Facebook user. Unang tingin pa lamang ay alam ko ng siya ito. Siya ang taong hinahanap ko. Siya ang taong nakaramdaman ko ng kakaibang sensasyon na hindi ko maipaliwanag.

Hawak niya ang kaniyang violin sa kaniyang profile picture, suot ang kaniyang asul na plain v-neck shirt.

Napangiti naman ako sa nadiskubre ko, pero hindi pa rin maikakaila na gusto ko nang maparam ang nararamdaman ko para sa kaniya kung hindi ito tama.

Pinindot ko ang kaniyang profile, at lumabas ang iba pang tungkol sa kaniya.

Hezekiah S. Peregrino

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang taon niya. 21 years old na siya! Anim na taon ang age gap namin. Pero kung titignan mo naman kasi siya hindi halata na 21 niya na.

Tinignan ko pa ang iba niyang mga pictures. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang mga tumutugtog sa church. Singkit ang mga mata niyang tila may isinasamo, at nakakadala rin ang kaniyang malawak na ngiti.

Tinignan ko pa ang ibang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Isa siyang architecture student, at pareho kami ng section noong nasa high school pa lang sila! Dati siyang Special Science Student sa school na pinapasukan ko, ang San Alidrona City High School. Batch 2011-2012 siya nag-graduate, samantalang Grade four pa lang ako niyan.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang pag-stalk sa account niya, subalit nakadama ako ng uhaw. Lumabas ako ng kuwarto ko, at tumambad sa akin ang madilim na paligid. Ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko upang magsilbing liwanag sa daanan ko.

Dahan-dahan akong humakbang upang hindi gumawa ng ingay. Pababa na ako ng hagdan nang may makita akong anino ng tao sa kusina. Bumundol ang kaba sa aking dibdib, kaya halos manginig ang mga paa ko sa paghakbang ko. Pinatay ko na rin ang flashlight ng phone ko.

Paano kung may nakapasok na magnanakaw dito sa bahay? P-Paano kung patayin kami? Pero bakit sa kusina dumiretso? Gutom kaya 'yong magnanakaw? Baka naman 'yong ref ang nanakawin niya? Hindi. Hindi niya iyon mabubuhat.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Dinampot ko 'yong walis tambo na naiwan sa sala atsaka dahan-dahang naglakad papuntang kusina.

Muntik ko ng malaglag ang walis nang may makita akong lalaking naka-hood ng kulay itim at nakatalikod. Mga tatlong metro lang ang layo niya sa akin. May iba ngang taong nakapasok dito sa bahay!

Aalis na sana ako para tawagin sina kuya nang masagi ko ang switch ng ilaw. Biglang bumukas ang ilaw sa kusina kaya napaharap ang lalaki. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako at pinaghahampas siya ng walis.

"MAGNANAKAW!" sigaw ko at patuloy ko siyang pinaghahampas. Inawat niya ang mga kamay ko at tinakpan ang bibig ko.

"Ang nararamdaman ko lang naman kay Hezekiah ang gusto kong mabura, hindi ang buong buhay ko."

Naramdaman ko na lang na unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na itong nandilim.

***

NOONG mga panahong nalaman ko ang pangalan niya, hindi talaga mapawi ang aking ngiti. Hindi ko rin alam kung bakit gan'on, samantalang hiniling ko pa na sana ay mawala na ang nararamdaman ko sa kaniya kung hindi talaga siya para sa akin.

Tunay nga na ang emosyon ng tao ang isang magpapahamak sa kaniya. Kung hindi talaga iingatan ang puso, siguradong gulo ang magiging kasunod.

Gaya ng napag-usapan namin kahapon, sinamahan niya nga ako dito sa San Alidrona Park para mamasyal at basahin ang mga entries ko sa aking diary. Maaga kaming nakarating dito kanina ngunit kumain muna kami at nagkuwentuhan.

"Paano kung itinigil ko ang nararamdaman ko? Ano kaya ang kahihinatnan ko ngayon?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Merry. Ang masasabi ko lang, mabuti na lang ay hindi mo itinigil ang nararamdaman mo," tugon niya at sumilip sa diary ko.

"Ano iyang nakasulat diyan na magnanakaw?" natatawang tanong niya, kaya ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa dahil hinahayaan ko na rin siyang makibasa sa diary ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro